Sabi nila, kapag nagtrabaho ka raw, dugo't pawis ang ilalaan mo para magtagumpay at kumita. Sa pageenroll sa PUP, pawis lang pero sobrang pawis.
Pumunta na ako nuong Lunes sa PUP para bumili lamang ng patch (parang ang babaw ng rason ko at gumastos pa ako ng pamasahe). Nasa gate pa lamang ako, nakita ko na yung ng PUP, meron agad aberya. Kailangan pala suotin pa yung ID kahit wala nang pasok. E di siyempre sita nanaman ng gwardya. Narito ang aming paguusap.
Guard: Sandali lang.
Ako: bakit?
Guard: ID mo? (tunog "kadete")
Ako: Ito po. (buti na lang ibnulsa ko yung ID ko.)
Guard: Isusuot mo ito para hindi ka masita blah, blah, blah, chorva..etc...
Ako: Sorry po.
Guard: Anong year ka na ba?
Ako: Mageenrol po ako. (sinabi ko na lang to para matapos na.)
Guard: anong year?
Ako: 3rd year po.
Guard: (di nagsalita. Tiningnan ang ID)
Ako: highschool po.
Guard: highschool?
Ako: Oo. (medyo naiinis na ako kasi patch lang naman bibilhin ko, nauubos na yung oras ko sa walang ka-kwenta kwentang usapan namin.)
Guard: ah. Okay.
Natapos din yung walang kwenta naming paguusap. Pagdating sa grounds, hindi ako makapasok. Andami kasing college. Hindi ko rin alam kung saan ako dadaan or pupunta or kung nasaan located yung bilihan ng uniform. Siyempre tanong tanong at nakita ko rin yung bilihan ng patch. Luckily, nakabili ako at nakauwi rin.
Ngayon naman,
Enrollment ngayon ng 3rd year highschool. Nakasulat naman sa Multily Calendar ko. Di na ganoon karami ang college. Pagdating sa AVR, nalaman ko na kailangan pang i-renew yung ID ko! (di naman kasi ako nasabihan. At nung pirmahan nung clearance, wala ring masamang remarks ukol sa ID ko.) Nagpabalik-balik tuloy ako, lakad, takbo, lakad, lakad, takbo, hinga. Inabutan ko si Ephraim. Tila tapos na sila magbayad sa cashier. Kasama niya sila Cesar. Medyo umiinit na rin yung ulo ko kasi napapagod na ako at tinatamad na ako kakapila. Nakuha ko na rin ang libro ko at etc. Ang kailangan ko nalang kuhanin ay yung ID.
Dahil nga nakuha ko na yung libro ko, kailangan ko umuwi agad dahil sa tatlong rason. Una, maaring magusot o madumihan ang libro, pangalawa, nasira na yung buhok ko at napakainit na ng lalakaran ko. At huli ay napakabigat. PArang 3 kilong bigas lang naman pero hindi kasi siya naka-plastic. Straw ang pinangtali dito (hindi yung ginagamit sa panginom). Kaya mamumuo ang dugo mo sa part na nabigyan ng todong pressure sa daliri. Merong mga taong considerate na nagbibigay ng daan at yung iba naman ay talagang walang utak at nakatayo lang sa gitna.
Sa ngayon, hindi pa naprocess yung ID ko. Hihintayin ko nalang uli ang pasukan. Kitakits nalang muli!
Anyways, saan ba yung PAO sa PUP? I mean saang lugar? Sa main building daw pero saan banda? Salamat sa sasagot!
Wednesday, May 28, 2008
Blood and Sweat
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 7:44 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment