Habang naglalaro ako ng GTA San Andreas, naisip kong gawin ang post na ito. Ang San Andreas ay matagal ko na natapos at naisip na ulitin muli. Bago ko pa man matapos ang San Andreas nagkaroon ng problema ang PC at sinira ang buong laro na sa kasamaang palad ay hindi ko naiback-up yung saved games. Ngunit dahil na rin sa aking paggamit ng talino, nakakuha ako ng saved file na kaparehas ng aking tinapos na mission. Ang maganda pa, kumpleto na nya lahat ng tags, oysters, horshoes etc. Ang tatapusin mo nalang is yung girlfriends at natitirang missions. Natapos ko ang laro. Sa istorya ng San Andreas, nagtraydor si Big Smoke at si Ryder para sa pera. Ipinagpalit nila ang "homies" kapalit ng droga. Hindi naman sila addicts pero pushers sila. Wala rin silang pakialam kung patayin nila si CJ samantalang inuutusan nila palagi si CJ. Lahat yata ng GTA ay may mga taong magtataksil.
Sa Godfather naman, si Monk, si Paulie, at si Tessio ay magtatraydor din. Si Monk ay nagtraydor dahil sa inggit. HIndi kasi siya katulad ng lead character (player) na tumataas ang rank. Nanatili siya bilang Capo at isa pa sa dahilan ng kanyang sama ng loob ay ang pagkamatay ng kanyang kapatid na syota ng player dahil sa kanyang loyalty sa Corleone. Pero di pa rin tumaas ang rank nya. Kaya naisip nya sumanib sa Cuneo at kumuha ng information sa Corleone para dalhin sa Cuneo. Handa rin patayin ni Monk ang player kaya ang player ang dapat mag-assassinate sa kanya. Si Paulie naman nagtraydor sa di malamang dahilan. Dahil din sa pagtataksil nya, tinamaan ng bala si Don Vito Corleone. At ang huli ay si Tessio. Si Tessio ay kasa-kasama ng Don. Ngunit nung namatay ang Don, sumama siya sa mga Barzini. Hindi ka naman nya tatangkain patayin pero yung mga tauhan nya yung papatay sayo.
Sa mga pelikula, hindi rin nawawala ang pagtataksil. Halimbawa na lamang sa Die Another Day, ang babae na nagapply sa M16 (agency ni James Bond) para maging side-kick ni Bond ay nagtraydor din. Sugo siya ng North Korea. Sa pelikulang Hitman, trinaydor si 47 ng kanyang agency kaya siya naghiganti. Sa Casino Royale naman, trinaydor si Bond nung babaeng minahal nya at binigay kay Mr. White ang napalunanang pera ni Bond sa Casino. Sa halos lahat ng cases ni Detective Conan, ang murder ay ginagawa ng patraydor na may dahilan na paghihiganti. At sa napakarami pang pelikula na nandyan ang mga traydor at backstabbers.
Kung wala nga namang kontrabida sa pelikula, maganda bang panuorin?
Kailangan talaga, mahulog muna sa isang trap ang bida bago pa nya malaman na trinaydor na siya. In that case, mahihirapan na siyang gumanti dahil kakilala nya ang nagtraydor. Sa Godfather, bago makipagpalitan ng putok ang player kay Monk, kinausap muna ito ng player ngunit nagpaputok na si Monk. Siyempre, kailangan palabasin na ang bida ay trinaydor para lalong ma-thrill ang mga manunuod at manlalaro. Kung lahat nga naman ng pagpapahirap ay mula sa isang extra, walang kwenta yung pinapanuod. Kaya hindi mo rin maaalis ang mga traydor.
Sa tunay na mundo, hindi rin sila pahuhuli. Halimbawa na lamang ang pagtagilid ng ibang pulitiko, bandido at ibang alagad ng batas. Tinatawag silang "balimbing". Hindi rin natin maiaalis ang pagtataksil dahil may mga rason kung bakit nila nagagawa yun.
Una ay ang inggit. Number one talagang dahilan yan. Minsan nga lang binibigyan nilang rason yung inggit nila kaya nagmumukha itong paghihiganti. Ito naman ang ikalawa at para makapaghiganti, kinakaibigan muna nila ang tao bago nila tinitira. Parang si Carl Johnson lang. Bago nya pinatay si Jeezy (ang pimp), kinuha muna nya ang tiwala nito. Pangatlo naman ang galit. Siyempre kung may paghihiganti ka, may galit ka. Pero minsan gumagawa na lang sila ng rason para ang inggit ay madagdagan ng galit.
Wala nang iba akong maisip na rason dahil karamihan pa ng ibang rason ay dumidirekta sa inggit.
Anyways, Cheers to Captain Nguso!
Monday, May 26, 2008
Kailan ba sila maiaalis?
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:29 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment