Officially, tapos na ang lahat. Wala nang classes, wala nang pasok, di ka na babalik ng school for any subjects (maliban sa clearance). Everything is ENDED. Maraming bagay pa akong di nagawa, bagay na di nasabi at ilang mga bagay na ewan. Siyempre, tulad ng nakagawian, ipopost ko ang isa sa mga photos dito...
Pero bago ang lahat, short background muna tayo. Nagbigay ng ilang "terms" at mga trivia ang photographer tungkol sa mga bagay bagay na umiikot sa paligid. Definition of terms muna tayo.
Tershir -(n) /ter-shir/; 3rd year
PMI - (n) /pi-em-ay/; Philippine Military Academy
Trivia: Ang electric fan ng PUPLHS ay nagkakaroon ng "complete rotation" sa loob ng 7 seconds.
Well, ang class picture namin ay mala mission impossible. Ang mission ng photographer, makalusot ang flash ng camera at yung pag flicker ng camera nang hindi naiikutan ng electric fan. Inalam ni Etit Hunts (photographer) ang complete rotation ng electric fan. 7 seconds ito. So kailangan pagdaan ng electric fan, mahabol nya ang 7 seconds. Ang speed of light at pag flicker daw ng camera ay more or less tatagal lang ng 3 seconds. Sa sa calculations nya, kaya habulin. Bago makuhanan ang lahat, humabol ang isa...
Formal daw ito sabi nung photographer. Iisa-isahin ko ang mga nandito at ipapaliwanag ang pananaw ko sa kanila (kuro-kuro ko lang ito, walang pakialamanan)
(L-R) (Very Upper Part)
Rojan Miergas - idol si Francis M. Mahilig din siya sa mga rap things, mga hiphop things. Meron siyang kasintahan na isa sa mga kamagaral namin. Palatawa at masayahin.
Raymund dela Cruz - "bobo". Mahilig magsalita ng bobo, at kung ano ano pa, kapag kausap mo maliligo ka sa mura.
Daniel Clarin - corps commander ng batch nila. Mr. PUPLHS, Lakan ng YMCA, 4th Placer sa Mr. PUP. Sabi nila gwapo daw, sabi ko di lang gwapo, sobrang gwapo. Di siya katalinuhan. Tahimik pero malalim. Mabait, matalino, mapagkawanggawa, may mabuting loob atbp (walang kokontra, gawa kyo blog nyo kung gusto nyo)
Lloyd Lemoncito - Emo. Tahimik pero matalino.
Kaye Ron Canona - Masayahin, katropa ni Miergas. Mahilig sa mga negro music. Tipong mga negro yung kumanta. Kind-hearted din.
Cedric Manuel - They say he's eppileptic. Some said nakuryente siya, I say, it's just a manerism. Lagi siyang nagngingig nginig. Mabait naman siya, di lang siya nabigyan ng pagkakataon ipaliwanag ang side nya because he's like Vincent sa kantang "Vincent" sabi duon, "They would not listen, they would not know how..."
Leonille Migraso - Alpha Company Commander, Alpha 1st Platoon Leader, Presidente ng IT-BDA next school year, bigo sa pagibig. Bilib ako sa kanya. He has the perseverance. Kahit sa pagiging COCC. Sa lahat ng bagay, katuwang ko ito at kasama ang isa pang ka-CO ko. Repormista din yan.
Micah Bule - "Errand boy" Pansin ko lang talaga. Anyways, masipag naman siya, inspired, palatawa, joker at nagpapaligo ng mura. Di na nga gaano ngayon eh, pero maasahan mo siya kung meron kang responsbilidad na iwanan, in short, responsible.
Frangelico Co - willing siyang magextend ng help sa kahit kaninong nangangailangan. Matalino, palangiti at medyo pareho kami ng idealogy pagdating sa ibang bagay. Kapag titingnan mo siya sa inaasta nya, maangas, mayabang pero kapag nakausap mo, malalaman mo kung ano talaga siya.
Alfred Gallamos - masayahin, makulit at pasaway. Pero napapakiusapan naman.
Carl Kevin Sabillo - laging napapagtripan, laging inaasar pero nagiging mabait ang lahat kapag PSP time na. Siya kasi yung pinaka-approachable pagdating sa PSP na hiraman. Matalino. Laging inaasar. Di ko alam kung bakit.
Dan Vincent Figueroa - Best Buds ko yan. Since 1st year. Kahit di kami magkaklase nyan nung 2nd year, e best buds pa rin kami. Artistic, magaling sa designing especially sa movie maker. Basta software related, artistic siya dyan. Idolo ng lahat pagdating sa ganyang bagay. Technical support na rin siya ngayon ng LHS. Mabait, mapagbigay, intsik at palakaibigan. Repormista din yan.
Ephraim Gianan - 1st Runner-Up, Queen of the Night ng CAT. Di siya bakla pero magaling magbakla-baklaan. High-Ranking Officer ng CAT; Corps Staff 4, saka kasama ni MIgraso, katuwang ko sa lahat ng paghihirap. Habang nasa COCC ako, mas naging katuwang ko siya sa lahat ng hirap, kaligayahan at pagtatagumpay. Savior ko kumbaga. Kung ako si Ibarra, siya yung Elias. Repormista din yan.
Cyrus Ignacio - Former COCC. Masayahin, mabait siya. Iba yung pagkakakilala ko sa kanya nung 2nd year ako at sa ngayon. Lalo na nung nasa loob siya ng COCC at isa siya sa mga kasamahan ko. Madali siyang kausap, mabait saka may sense kausap.
(Upper Part, L-R)
Patricia Aparejado - Alpha 2nd Platoon Leader, secretary ng SCO this coming school year. Kasintahan ni Rojan.
Lezlee Garcia - sinisinta ni Kaye Ron, kaibigan ni Alano
Jasmin Poquiz - "friend lang daw" hehe. Classmate ko nung 1st year. Tapos natuto siya maglugay ngayon lang year na to. Naalala ko dati, nung 1st year, gustong gusto ni Rojan inaalis yung panali nya kasi mangiyak ngiyak na si Jasmin nun.
Phil Maglinte - "Running on the outside..." Bravo 2nd Platoon Leader. Well, inaasar siyang kabayo. Di ko alam kung bakit. Ka-CO ko siya, may sense kausap pero kadalasan puro reklamo. Hehe.
Carla Acosta - di naman kami close, tao siya, nilalang ng diyos, hehe.
Ira Baradi - katabi ko to dati sa Filipino. Masayahin naman siya saka may sense kausap.
Joneth Anne Diendo - Bravo Executive Officer (wohoo.. Ganda pakinggan), may pangarap maging pulis.
Dawn Doroja - dapat awardan na Most Active. Kahit binabara na siya ng mga kaklase namin, ibang tao, tuloy pa rin siya sa pagsasalita, pagrereason out, paglalabas ng saloobin. Di siya basta basta nababasag ng pambabara. Boses nga raw ng entre.
Nicole Nethercott - Ang chorale mate ko na may dugong "Hitler"; German ata. Kinalolokohan ni Cedric.
Gerby Bautista - Alpha Executive Officer
Sharmaine Laguatan - Bravo Company Commander, Siya kumbaga yung tumutulong tulong sa akin lalo na pag sa CAT. Kahit medyo matigas ang ulo. Palakanta din.
Apol Duque - ang babae na may "sedentary pose". Yung tipong di masyado nagiiba yung pose, yung anggulo ng camera atbp. Mahilig manalamin.
Rhey Ann Magcalas - taga Banda Kawayan. cooperative sa group works. Sa daming beses kong nakasama to sa group works.
Edsha Dulay - inaasar kay Dan, soulmate daw kasi sila. Lagi siyang handa. Siya tinatanong kung anong assignment, may test ba, etc.
Genna Martino - "Early Bird" Hindi dahil maaga dumating, maaga umuwi. Layo pa kasi ng bahay nya, Bravo 1st Platoon Leader, di matigil kakatext cause she said it's her life.
(middle L-R)
Rita Quinton - sinasabing pinaka banal sa buong entre.
Mara Alcaraz - di ko rin to close pero kaibigan siya ni Carla.
Gienela Pondevida - Marami daw siyang kamukhang celebrity, mahilig sa basketball players.
Hannahgene Carlos - para syang school supply store. Siya ang nagsusupply sa halos buong populasyon ng entre lalo na sa papel.
Mary Joi Diane Enriquez - ayan, buo, mahirap ma-technical, sayang naman. Siya ang presidente ng Entrepreneurship. Minsan isip bata siya, minsan matured thinker naman. May sense kausap kapag matured magisip, hehe, pero kapag isip bata, mahirap, hehe. Matalino sa IT. Top 1 sa IT (entre) eh. Mabait naman, kind hearted saka sobrang hinhin. Vice president din pala siya ng YES Org. Model student din siya ng Entrepreneurship.
Siyempre yung katabi ni Joi, eh ang adviser, si Prof. Serapia Serencio. Siya rin ang CAT Commandant.
Louise Dianne Serrano - commentator ng Entre, taga tanong ng mga explanation of things.
Czarlaine Bacero - artistic magisip, bookworm din.
Jirah Florendo - adik sa anime at magaling magdrawing ng anime. Sana naging drawing na lang, hehe, joke. Medyo weird siya kumilos.
Kim Alec Marcos - best in Entrepreneurship yan. Matalino. Tapos... hmmm... Banda Kawayan din siya, masayahin, mahilig kumanta though minsan makikita mo tulala or parang napakalalim ng iniisip. Di ko siya nakakausap masyado ng personal, laging thru text lang pero sa paguusap naman namin, eh may pinatutunguhan naman. Yun muna.
(lower L-R)
Mark Cabangon - joker din siya, masayahin at kaibigan ni Alano.
Lourence Angelo Encinas - tapos na ang taon di ko pa alam ang tunay na spelling ng pangalan nya. Mabait naman si LA, may "S" deficiency. Madaling kausap at may sense din.
Caryl Figura - volleyball varsity
Lenina de Guzman - mabait naman siya
Syville Sebastian - kaibigan nila Laguatan at Aparejado. May gusto sa isang superhero.
Maan Hontiveros - brains ng Entre. Pinakamatalino, walang aral-aral. Onti siguro, talented sa violin.
Evita San Juan - magkakaibigan silang 3 nila Joi at Kim. Banda Kawayan din. Minsan pag kinausap mo, puro tawa pero katagalan makikita mo na may malayong patutunguhan ang inyong usapan. Mabait naman, approachable, mahilig din kumanta kanta lalo kung inspired. Masayahin pero madrama sa text.
Mae de Castro - laging late, kaibigan ni Alano.
Edralyne Villegas - kaibigan nila Carla to eh.
Julius Alano - bestfriend ng mundo. MAy mga kamaganak sa military, mga kakilala sa PMA, ROTC, AFP meron din ata sa MILF, Abu Sayyaf, Al Queda atbp. Joke. Pero kapamilya nya ay militar. Pinsan nya ang isang prof ng PUP. Mabait siya, mapagkakatiwalaan.
Jervin Velasco - kumbaga sa pagkain, siya ang ulam. Nagbibigay ng kwenta sa kinakain mo. NAgbibigay ng katatawanan sa Entre, magaling mambato ng joke.
Iyan ang entre, kinabilangan kong batch ngayon at hanggang next year, di ako nagsisi sa pagpili.
(The Eko Pose)
Trivia: Merong isa dyan sa pic na yan ang di gumawa ng Eko pose. Sino?
Trivia: Isa sa mga tao dito, si Maria. Kung inaalam nyo pa rin kung sino, alamin nyo nalang. Hehe. Di ko ikokonfirm.
Hanggang dito na lang ang lahat. Tapos na ang klase, di ko pa siya nakausap. Sana sa April 13. Sana.
Friday, April 3, 2009
Year Sum-Up
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 7:19 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
i read your article and loave it so much
Post a Comment