Saturday, September 27, 2008

Compose Blog - Entre

Marami ang pangyayari sa aking butihing section ng Entrepreneurship. Siyempre mas maganda ikwento ko muna yung sa sarili ko.

Dahil nga isa akong miyembro ng Entrepreneurship '08-'10, kinakailangan maging magaling ako sa subject na ito. Kaso ang napapansin ko, katulad na lamang nung last exam, hindi naging maganda ang kinalabasan ng aking iskor. Di ko alam kung bakit sa tuwing nagkakaroon ng exams eh nagmemental-block ako. Well maraming pangyayari sa Entre na siguro mas maganda na di ko na ikwento...

Di ko alam kung maipagmamalaki ng Entre, pero sa ngayon, dala ko ang pangalan ng PUPLHS. Hahaha. At ang maganda pa, Entre galing. Anyways, gusto ko pasalamatan yung mga naroon s Bulwagang Balagtas kahapon para sa kanilang suporta. Especially... Andami. Madaming book. Hahahaha...

The Heisei Kaitou Case

Matagal na natulog ang case na ito. At ngayon lang muli nabuksan dahil na rin sa mga pangyayari sa environment like Global warming, rice and oil crisis, etc. NGUNIT hindi ko sinasabi na ang Heisei Kaitou ngayon ay ang dahilan ng mga nangyari nuon na maaring ginawa ni HK. Maari rin na siya ngunit di ko na aalamin. Basta siya si HK.

CASE CLOSED na.

Mali ang suspects ko. Hindi siya si Muge or si Anim. Siya si Freddy Agila. Di rin nila akalain at di ko rin nahinuha. Pero as I have said, no further investigations cause it's CASE CLOSED.


Sa ibang cases, katulad ng The CUT, Locker Case, Photographer's Case at Case of the Unanswered Question, maaring sa ngayon ay wala pa ring updates maliban sa Locker Case na kung saan nalaman na mula sa 1st year ang nagsulat kay "Efrein". Ngunit ang nagsulat sa akin, wala pang idea. Maaring maisara ang cases na ito kaya antabay lang...

Siyanga pala, isang anunsyo, sa Christmas Party, inaasahan na bibigyan natin si Alano ng paperbag ng TM. Hehe...

Merong isang case. Pero di ako ang gumawa ng case na ito. Ang case ay ginawa ng isang detective na tinawag na Mr. Bald. Si Detective Bald, isang in-house detective ng school ay pumunta kahapon sa Music Room, Rm. 101 sa LHS. Bakit siya pumunta ay dahil sa mayroong 4 na magkakasunod na jalousie ang nawala. Ang kinakatakot, maaring mayroong nawalang gamit kaya pinatawag si Detective Bald at ang side-kick nyang si Alligator. Inimbestigahan ni Detective Bald ang mga upuan kung sakali mang may balak pumasok ang isang tao at wala siyang nakita. Isa pa, nakakita siya ng isang basag na jalousie just beneath the area ng mga nawawalang jalousie. Pero imposible malaglag ito ng ganun ganun lang. Isa pa, kwento ni Arsene sa tulong ni Detective Bald, sira daw ang lalagyan ng jalousie na ang ibig sabihin ay talagang kinuha ang jalousie. Gayon na lamang ang kaba na naramdaman ng lahat pero sa ngayon, wala pang nawawala. Umalis din ng panandalian si Alligator upang maghanap ng plywood. Maya maya, sa tagal nyang nawala, sumama si Codus at ang nakakita ng Crime Scene, si Micah Bule. Nakita nila na merong pinagagalitan si Alligator. Isang babae at isang lalaki. Sabi kasi ni Alligator, nagtatago daw sa dilim. Nagpapaliwanag ang lalaki. Narito ang ilan sa mga narinig na conversation...

Boy:
Alligator: Sasagot-sagot ka pa ah.
Boy:
Alligator: Sasagot ka pa ah. Dalhin kaya kita sa guidance!
Boy: Nagpapaliwanag lang po.
Alligator: Nagpapaliwanag, sasakalin na kita eh! Sasagot sagot ka pa ng

At nung pagtingin ni Codus, yeah. Isang dating opisya; sa grupo ng mga hukbong pandigma ng LHS ang naroon. Nakaalis din naman ang couple pero mainit pa rin ang ulo ni Alligator.

Maraming opportunity ang naghihintay... Di mo lang inaasahan...

Wednesday, September 24, 2008

Ghost at the Back

This was our original photo when we were in 1st year. When I scanned it carefully, I realized there was someone at the back who is not a part of the group. It was an unknown figure. I encircled it for you to find out...






Heinakuh (Factotum)

Well what can I say? Pressured talaga ako ngayon. Lalo na kapag iniisip ko yung mangyayari sa Friday (damn). Ganito kasi ang HISTORY nyan...

Tuesday nun. Habang ako ay nagbabasa-basa ng libro, naituro kaming 3 ni Gianan at Figueroa para lumahok sa isang patimpalak. Ang nakakatawa, sinali na kami last year at nagpakita na kami ng kawalan ng gana tapos nasali uli kami ngayon. Well wala kaming magawa. Swerte si Figueroa walang damit at natuloy kami ni Gianan.

Simula pa lang, gusto na namin talaga umalis. Di namin sineryoso lahat ng bagay and the likes. Tapos ayun. Nakapasok pa sa Top 3. Di ko nga akalain talaga eh. Tapos naisip namin na ilaglag na ang patimpalak at hayaan ang isang kalahok na manalo dahil alam namin na gusto nya talaga. Kaso ang kinalabasan, ako pa ang lalaban.

Malaking karangalan nga ito ngunit at the same time ay malaking pressure din. Una mataas ang expectation sa akin ng mga tao dahil na rin sa merong place ata yung last year. Ikalawa, kumbaga hindi ako angkop sa ganitong field dahil di ko naman laban ito. And pangatlo, pressure ito para sa akin pero wala talaga akong magagawa.

So nangyari na ang dapat mangyari. All I had to do is to face it and conquer it. Sabi nga ni Alexander the Great, "Conquer your fears!" So heto na at itutuloy ko na...


Isang napakagandang tugtugin ang kinompose ni Ludwig Van Beethoven nuong April 27 1810. Ang komposisyon na "Fur Elise" ay German term para sa katagang "Para kay Elise". Hindi alam kung sino ang Elise na tinutukoy ngunit sinasabi na baka daw Therese ang tinutukoy na kung saan ang Therese na ito ay ninais pakasalan ni Beethoven same year. Ang Fur Elise nuong panahon na iyon ay dinedicate para sa mga mag kasinatahan at nagmamahalan.

Sa ngayon, maririnig ang Fur Elise sa mga truck na umaatras, sa mga pambatang laruan, yung ibang rides na may sounds at kung anu-ano pang gadgets. Dahil nga sa nakakatuwang tugtog nito ay tila naka-enganyo ito ng mga bata at ginamit sa ganitong paraan...

Kung bakit ko naikwento yan ay dahil may relation ito sa mga updates sa cases ko...

The Meritorious Case

Napapansin ko talaga ang madalas na pagsulyap ni Rose kay Merit. Si Merit din ay malapit na kay Rose na di tulad ng dati. Dati civil ang kanilang samahan. Tila isang magkaklase lamang. May nararamdaman talagang iba ang High School detective. Hindi lang sa reports ni Arsene siya umaasa dahil nakita nya talaga ang nangyayari... Well nahahalata ko talaga sa kanilang dalawa. Hindi man madalas tumingin si Merit kay Rose, madalas naman nagaapproach si Merit kay Rose. Si Rose naman, madalas sumulyap...

Anyways, marami akong gagawin. Marami akong gustong ikwento kaso GRABE naman ang load ng work..... SHocks... Ge...

Friday, September 19, 2008

My Manners was Lost...

Isang calling card. Parang ewan lang..


Medyo mainit ang ulo ko. Pero dahil marami-rami rin akong nakausap, medyo naibsan... Actually kasi ganito yan...

Oks na yung una kong pinaringgan. Kk na lahat. KASO...

Meron dyang iba, tinatawaran ata ang pagiging detective ni Arsene. Sino siya? Ito muna ang kwento.

Si Arsene ay nakaupo lang sa isang tabi at babasa basa ng dyaryo. Maya maya pa napansin nya na nagkukwentuhan ang 2 magkaibigan. Alam nya na tungkol kay Codus ang pinaguusapan ng magkaibigan na ito. Isang pangaasar kay Codus na akala nila ay hindi mahahalata ni Arsene. Yung 2 nagkukwentuhan ay hindi perpekto. Punong-puno ng kapintasan at wala atang matino sa pagkatao (pisikal man o sa ugali). Pero kung mamintas akala mo eh perpekto. Well tamaan na ang tatamaan pero ganun talaga. Simple lang. PANGIT. Pangit at nakakasuka ang inyong pagkatao. Pero kung mamintas. Buong mundo ata pinintasan. Mga asaness naman. Tapos ayun nga. Sino sila? Ang isa ay tila isang barker ng jeep. At ang isa naman ay parang lobo. Bahala na kayo isipin kung sino ang mga iyan. Basta di tanga si Arsene. Nananahimik lang yan pero...


Tapos meron din talagang epal na di naman kasali ay umeextra pa. Dati siyang kasali ngunit ngayon retired na. Pero andyan pa rin at kung manakit ay talo pa ang presidente ng Pilipinas o ang Chief of Staff ng AFP. Well wala lang talaga akong magawa. Napigilan lang talaga ako ng presensya ko. Pero yung impulse ko talaga namumuong galit talaga kanina. Parang bulkan na isang galaw na lang sasabog na. Anyways goodluck nalang bukas...


Marami talagang pangyayari. Kaso ayun nga kasi. Yung iba kinakalimutan ko nalang. Pero yung iba sadyang di makalimutan...

Siyempre tahimik lang uli si Codus. Kahit nakikita nya si Maria na haizzzzzzzzzz.... Basta... Lagi naman kasing tumatahimik lang si Codus eh kaya minsan naawa na rin ako sa agent na ito. Pero wala akong magagawa.


Anyways, usapang masaya...

Si Alano ay may nababanggit na nakatutuwa daw sa 1st year. At napagalaman na nya ang pangalan. Nagkataon din na inaalam ko rin ang ngalan nun at pareho lang kami ng hinahanap ni Alano. Well, kung sino man iyon, meron akong message...

"Kabisaduhin mo lahat ng pinapakabisado sayo. Maeenjoy mo yan. Especially vocabulary. Saka one thing more, see you around!"

Alam ko di naman nya mababasa to pero ayos lang.


Anyways muli, maraming updates...

The Unanswered Question Case

Well merong group of friends si Vladimir. Ang "The Company". Well inaakala nila na si Vladimir na at si Celia. Meron ding ibang friends si Vladimir o extra rin siguro sa buhay nya na sinasabing sila na nga. Pero based on facts, HINDI PA at MEDYO malabo pa. Meron nga kayang hope para sa isang matyagang nilalang?

The Meritorious Case

Si Merit, napapansin ko ay laging nagaapproach kay Rose. NGUNIT, parang nahuhulog na rin si Rose. Napapansin ko talaga. Isang araw, kwento sa akin ni Arsene, habang nagsasalita daw si Merit ay nakatingin si Rose na madalang nyang gawin sa ibang sumasagot. Does it have a meaning? Di man sila ganun ka-close pero merong namumuong closeness sa kanila dahil sa madalas na pag approach ni Merit. Hmmm....


Merong isang kinatatakutan si Arsene. Baka maapektuhan si Maria sa mga ikinukwento ni "Pops" at ni "Gil". Alam ko naapektuhan na ng 2 ito si Joy. Well, bahala na. Sana hindi... Sana di siya maimpluwensyahan ng napakaraming elemento sa mundo...

Buti medyo nabawasan na ang pressure...

WAla ako masyadong maikwento... KAsi naman nakalimutan ko na,, Till here na lang siguro. Sa ssuunod gagaya na ako kay ROlando Tolentino sa paggawa ng blog... Wahahahaha...

Friday, September 12, 2008

Magpaparinig na rin ako...

Hindi para sa bata ang post na ito, kung di mo kaya magbasa ng matitinding banat, wag mo na ituloy, mag click ka na lang DITO.

Sa mundo ngayon, nauuso ang "parinig". Ano nga ba ang parinig? Isa itong uri ng patama sa tao, pangaasar o ano mang uri ng pagbibigay ng mensahe sa tao sa pamamagitan ng hindi pagsasabi ng direkta sa tao. Nasa anyo ng impormal na pakikipagusap na sinasabi ang mensahe ng hindi nakaharap sa tao ngunit nariyan ang presensya ng tao at sinasadya na marinig ito. Isang uri rin ito ng karuwagan na ipinapakita sa pamamagitan ng pakikipag-komunika ng hindi nakatingin sa tao. (sariling depinisyon ko lang to).

These days kasi, maraming di kayang humarap at linawin ang kanilang gustong sabihin. Kaya dinadaan sa parinig. Yung tipong kung kailan ka lang dumaan, saka lang magsasalita. Tapos may sinasama pang mura. Parang nangaasar o nanunuya in the sense na may gusto siya iparating na mensahe. Di ka man nagbabasa ng blog ko, I don't give a damn care. At least, nalaman ng mga mambabasa na di mo ako kayang harapin at sanay ka lang magparinig. Yeah, you know who you are. Kasi ikaw lang naman yung nagiisang nagpaparinig talaga eh. Una kitang napansing nagpaparinig KAHAPON. Ako pa ginawa mong tanga eh mabilis ang pakiramdam ko. Pero isinawalang bahala ko lang. Tapos ngayon uulit ka pa? Kundi ka ba naman pala gago eh!

Kung anumang problema mo, sabihin mo! Hindi yung puro ka "naiinis", "naiilang" o kung anu-anong kabulastugan pa sasabihin mo. Kung may problema ka sa ugali ko, sabihin mo! Kung nagseselos ka o naiingit ka sa akin, GUMAYA KA!! Hindi yung dahil naeelibs ka eh naiinis ka na. Well, wag mo na kasi ipilit sarili mo, una, di ka naman nababagay, pangalawa, wala ka talagang pagaasa, BY THE LAW OF GOD AND OF MAN. Kaya kung yun ang kinaiinisan mo, tumigil ka na. Or kung iba pa man, e di sabihin mo! O itago mo sa sarili mo at hayaan mong mamatay ka na lang. Hindi yung ipaparinig mo pa tapos parang nagsisiga-sigaan ka kasi kala mo di ko alam. ULOL! ULOL! GAGO! Kung mabasa mo to, humarap ka na sa lunes dahil kung hindi pa rin, uulit-ulitin kitang murahin at gaguhin sa blog ko. At kung magpapaka-gago ka pa rin at magpaparinig, gago ka, babanggitin ko na pangalan mong ulol ka...


Anyways, itong buong araw na ito, di ako nagklase.


Umaga pa lang, pinatawag na kami, manunuod kasi kami ng pagkukwento sa UP. Nang kami makarating duon, 5 lamang ang kalahok. Tapos ang haba ng ikukwento ko kaso lack of time na, so to make the story short, nanalo ang LHS, 2nd place. Congrats pala kay G. Magat!

Tapos pagbalik ng school, Seminar naman. About sa seminar? NO COMMENT.


Anyways, marami pa akong gagawin. So saka ko na lang siguro dadagdagan kapag nakabalik na...

Thursday, September 11, 2008

The Sullied Lavatory

Maraming dapat ikwento ngayon. At isa na rito ay ang swimming lessons...

Umaga, dahil sa aking katangahan, naiwan ko yung aking BCS sa Locker nuong isang araw. Nakalimutan ko kasi na may assignment nga pala kami duon at kailangang sagutan. Napakarami pa naman nun. Nakuha ko yung gamit ko sa locker around 7:30. At pagkakuha ko, ginamitan ko agad ng "tactical skills" ang pagsagot. Buti na lamang lumabas kami ng halos isang oras kaya pagbalik namin tapos ko na yung assignment. Di ko alam na magbibigay pa pala ng ilang minuto upang makumpleto ito. Nung nagchecheck na ng sagot, napansin ko ang isang bagay na distinct sa mga sinasagot ng mga kaklase ko sa recitation. HALOS IISA. Yeah. Kasi nga, siyempre gumamit din ako ng tactical skills, yung sagot ko, sagot nung pinagkuhaan ko at yung sagot nung ibang nagrerecite ay iisa. Ang nakakapagtaka pa, HALOS LAHAT TALAGA. Grabe, exact na exact talaga sa sagot ko. Ang tanong, sino kaya ang mother of all answers? Sabi ni Alano, siya daw. Pero ewan ko kung siya nga.


Breaktime. Around 10:45 may inabot si Ma'am Lai sa akin na papel. Hindi tuloy ang elimination. Ako agad ang lalaban sa kolehiyo. Grabe. Di ko maintindihan kasi ito ang unang beses ko na sumali sa Dagliang Talumpati at kinakailangan kong maging aware sa lahat ng nangyayari sa mundo na minsan ko lang gawin. Aware ako sa nangyayari sa classroom pero sa mundo, at sa Pilipinas, ewan. Todo rush din ako sa pagpapaxerox at pagpasa ng form. SO ngayon, ang ipinagdadasal ko na lang ay hindi manalo kundi wag mapahiya.


Tapos, bandang hapon, swimming na...

Simula pa lang, lintik na yung CR. Imbes na mag shower ka para luminis, ilulublob mo yung paa mo sa tila ilog na tubig na may kung anu-anong substance na lumulutang. Kadiri talaga, sobra. For sure maraming bacteria ang pumasok sa aking systems ngayon. Dahil sa aking katangahan, naisama ko sa pagshower yung white shirt ko na pangilalim. Nakalimutan ko na babalik pa pala ako sa CO. Anyways, di siya natuyo at naghintay kami ng napakaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaatagal. NAtuyo na halos ang damit ko bago pa nagsimula ang lessons. Due to the weather malamig ang tubig. After ilang hours, grabe, giniginaw na ako. Parang di ko na talaga kaya. NAuubos yung stamina ko at nawawala ang konsentrasyon ko. HIndi ako makalangoy ng maayos dahil inatake na ako ng hika. Yung para akong noob na walang alam sa paglangoy. Isang dahilan na ang aking panghihina, overfatigue, asthma attack at ang pagkaubos ng stamina level. Maraming kung anu-anong basura ang lumulutang. Like karton, dahon, atbp. Marami rin sumisipleng Maniac at nilalamang ang pagkakataon maenjoy ang nangyayari sa paligid at ang iba ay hindi ko na napansin due to my stamina decrease.

Nung mga panahong iyon, gusto ko na umahon at sabihing "I quit". Pero nakakahiya naman. So kahit di ko na kaya, tuloy pa rin ako sa paglublob. PEro unti-unti nang kino-consume ng lamig yung katawan ko at tila magiging isang bangkay na ako. Ayaw din akong paniwalaan nung ST na nasa gitna (maari nyo siyang tawagin sa codename na Sy). Sabi pa nung iba "di ka marunong lumutang?" Wala talaga akong maisagot kasi grabe. DI nila naiintindihan ma-over work yung katawan at maging prone sa saborang lamig. I can withstand low temperature areas pero hindi sa pagkakataon ito. Grabe.

Good thing may mga dumating na COCC na sumundo sa amin. In that case, nakaligtas ako sa sudden death na kinahaharap ko.


Bago umuwi, nakatanggap ako ng isang papel. Papel na "ticket daw sa pelikula". Mula ito sa isang "samahan DAW" (ayoko banggitin yung pangalan) at "brotherhood DAW" Ang nakakainis, wala kang magagawa kundi sundin. Sino naman ang bibili ng ticket na yun??? Ano namang pakialam nung mga kaklase ko o LHS students? Eh yun ngang libre ayaw pa nilang puntahan. Tapos ito pa? Tapos aabsent sila sa klase nila para lang manood? What a stupid idea. Di naman excused yung manunuod eh. Damn it talaga. Siguro sa college pwede mong ibenta kaya lang halos wala ako bukas! HAY NAKU. But what can I do? Isa akong hamak na ewan na naglalakad kaya wala akong karapatang magreklamo. Pero all I can say is NAUURAT AKO. And sa tingin ko bawal to. Kasi gusto nya maitinda ito. Eh obviously, POP IDOL lang ang sapilitang naningil sa mga estudyante. Di man ito sapilitan para sa mga customers namin, sapilitan naman ito para sa aming mga EWAN. HAIZZZZZZZZZZZZZZZ.


As of now, yan muna masasabi ko...

Wednesday, September 10, 2008

He May Return...

Lampas 2 taon na ang nakakalipas nang siya ay nawala "on the air". Nakalimutan, nawala sa alaala at naibaon sa limot. Kaya siguro kahit banggitin ko sa ngayon ang kanyang ngalan, hindi na ganoon kalinaw ang pangalan na ito sa inyo. Sino nga ba siya?


(Ito ang original Logo nya)

Well heto yan. Around July 2006, nakaisip ang isang grupo ng mga talentadong tao mula sa 1st year. Alam ko naikwento ko na to pero ito nga... Return nanaman. Nagsimula ang lahat sa presyo ng test paper na P 1.50 na pronounced as one fiffffffffty. Then it started. Marami silang magkakaibigan ngunit 3 lamang ang gumawa ng production na tinawag ding 3rd Avenue Productions. Ang isa, siya ang naging nobelista, ang ikalawa naging Video at ang isa ay all about publishing...

Masyadong mahaba ang istorya, refer to my previous post...


Anyways, nakalimutan na talaga siya ng lahat. Nito lamang 7/7/8, nagdiwang siya ng kanyang ika-2 taon na pagkakagawa. Though hindi na siya existing, sa puso ng mga creators, nabubuhay pa rin si Captain Nguso. And maybe, he will return within this week. Makuha ko lang ang bagong inspirasyon, he shall return at The Captain Nguso BLog


Well kung bakit ko nais ilabas ang 3rd Season ng Captain Nguso ay dahil na rin hindi ko maikwento lahat ng gusto kong ikwento sa blog na ito. Sa tingin ko, mas maiiexpress ko ang sarili ko thru that story using representations. So naisip ko ibalik...


Anyways, walang updates sa cases ngayon... Ngunit...

Kaninang umaga, mainit ang araw. Pagpasok ko, may araw ngunit hindi malinaw ang mga ulap. After ilang hours, tila nagdilim ang langit. Umulan at umulan at bumaha. Basa nanaman ang sapatos ko. Napaka-uncomfortable naman. Tumila ang ulan at sa ngayon, tahimik na. Sana walang pasok bukas (dahil naiwan ko libro ko sa BCS).

Kaunti lang ang pangyayari. And the End...

Tuesday, September 9, 2008

The Civil War

Nuong 1879., sa bansang Africa, mayroong 3 sub-ethnic groups na nageexist sa Africa. Wala itong pangalan kaya pangangalanan natin ang isa as Koltimo Tribe, Jorod Tribe at ang Bambino Tribe. Ang Koltimo tribe ay ang mga nasa gobyerno. Sila ang nagiimplement ng kung ano man ang iutos ng pamahalaan nila. Ang Koltimo Tribe, tinitingnan mang makapangyarihan, ay mga simpleng tao rin. Meron lamang silang otoridad sa komunidad na iyon. Hindi kalakihan ang Koltimo Tribe. Pinamumunuan ito ng kanilang representante. Ang Jorod Tribe (pronounced as Horud) ay tribe naman ng mga bandits at mga ilegal. Karamihan ng mga kriminal ay nagmumula sa tribe na ito kung kaya't palaging napupugutan ng ulo ang ilan sa mga nakatira sa tribe na ito. Ang pinakahuling tribe, ang Bambino, isang neutral na tribe. Hindi ito gaano sumasama sa gulo ngunit meron silang pagkakaisa sa Jorod Tribe. Hindi man sila mga kriminal, mayroon pa rin silang komunikasyon sa Jorod. Isang araw, iniutos ng hari ng Africa na ipahuli ang lahat ng lalaki sa Jorod Tribe. Sinunod agad ito ng mga taga Koltimo at nagalit ang mga taga-Jorod. Hindi makapagpaliwanag ang Koltimo Tribe na iniutos ito ng hari dahil bawal ito ipagsabi. Walang nagawa ang Koltimo Tribe kundi di na lamang magsalita at ituloy ang pagdakip. Naginit ang dugo ng natitira pa sa JorodTribe. Sinasabi nila na nagmamalabis na ang Koltimo Tribe. Napaniwala ang Bambino sa kanilang akusasyon at nakisanib pwersa ang Bambino sa Jorod upang wasakin ang tribo ng Koltimo. Ngunit dahil sa bantayan na itinayo ng hari, hindi nila nasira ang tanggulan ng tribo ng Koltimo.

Ang istorya ay peke. Asa naman kayong magreresearch pa ako!!! Hahahahaha


Kaninang umaga, nagklase, nagtest at iba pa. Normal naman ang lahat.

Ngunit merong updates at may bagong case...

The CUT

Na-reveal ko na ang 4 na tipper na sinasabi. Yung isa hindi ko naisulat dito. Nahinuha ko siya nung umaga na. Yung overnight, tama ako. Anyways, ayun nga. Dahil sa galing ng deductions ko, nakuha ko ang probable suspects. Sinu-sino sila? Ito, Una, si Toni, Ikalawa, si Miguel, ikatlo si Julian. Pinagana ko ng kaunti ang transmitter ko at lumabas na merong isa pang lumitaw na suspect. At ayoko na sabihin kung sino. Pero tatawagin ko siyang Pilipino. Anyways, yung isa pang suspect na confirmed ay si "Epifanio" Female yan. So ang mahihinuha ko,

CASE CLOSED

Pero merong isang sentence na bumabagabag. At iisa na lang ngayon. Kumbaga, yung 4 may fusion na isa. Sino siya? Probable suspects:
1. Asero - Though dineny nila si Asero, maaring suspect talaga si Asero. Bakit? Dahil nga meron siyang mataas na katungkulan sa pamahalaan.
2. Janno - Si Janno, isang bagong suspect. Maari siyang biglang ituro dahil sa ilang statements na nabitawan. Pero maliit ang chances nya in terms na titingnan ko lang pero kung isasama ang clues, parang kilala ko na...
3. Pilipino - Maaring siya ang suspect base sa isang clue...

So ngayon ikalawang yugto na ng CUT Case.


Wala naman iba pang update NGUNIT HETO. Meron akong naoobserbahan this past few days, medyo may konek siya sa Fugitive's Case dahil isa sa mga kabilang sa suspects ng Fugitive ay ang main person involved. So tatawagin ko siyang...

The Case of the Unanswered Question

Bakit unanswered? Ganito kasi yan. Merong isang girl na ang pangalan ay Celia. At isang lalaki naman na ang pangalan ay Vladimir. Si Vladimir ay nagbalak manligaw kay Celia ngunit bigo. CONFIRMED. BIGO. Di lang basta transmitter or source or tsismis, confirmed talaga. Reason ng pagkabigo, di ko alam. Pero bigo siya and who cares? Wala na sanang case kasi bigo nga. Pero masigasig si Vladimir. Tuloy pa rin ang panliligaw nya kay Celia. At ngayon, di ko alam kung si Celia ay bumibigay na sa panunuyo ni Vladimir.

Kanina, balita sa akin ni Arsene, may naguusap sa likod nya. Isang babae at isang lalaki at sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Vladimir, sinasapawan ito ng babae (na may gusto kay Vladimir) ng pangalang "Celia". Kanina rin, sabi ni Arsene, merong nag "leak" na pagkadulas. HIndi ko alam kung pagkadulas ito o talagang inaakala nung nadulas na may pagasa si Vladimir. YUN ANG AALAMIN KO...

Anyways, marami pa sana akong itatype kaso ansakit na ng mata ko. So goodnight!

Monday, September 8, 2008

I Really Love the Weather

Akalain mo yun?

First sentence na pumasok sa utak ko. Ganito kasi ang pangyayari dyan...

Kanina, uwian, nagtext sa akin ang aking ama na dumaan ako ng SM kasi may pinabibili. Tapos pagtingin ko sa bulsa ko, wala yung card ko! That time wala din akong cash so kinailangan kong umuwi para kuhanin ang card. At nagsimula na ang kwento.

Di na ako nagdala ng payong dahil sira ang payong ko. Sinuot ko nalang ang "Detective's Jacket" ko at ang "Spy's Cap", nagbyahe na ako patungong SM. Walang ulan. Pero may kidlat. Namumuti ang kalangitan. Pakidlat kidlat.

Later, pauwi na ako. Stranded ang karamihan. Dahilan? Walang payong. Then ayun na nga... Paglabas grabe talaga ang ulan. As in bagyo, may kidlat pa. Tapos naisip ko na takbuhin mula door ng SM hanggang LRT Station. Grabe talaga. Kung na-videohan ako, para akong nasa pelikula with matching kidlat. Astigin yung weather...

Anyways, maraming kaganapan. Una ay ang biglaang pagbili ng aking ama ng napakamahal na component. Ikalawa ay updates...

Para ngang di ko na blog to eh... Parang puro cases na lang.. Kasi ganito yan.. Sa tuwing may balak akong ikwento, natitigilan ako. First of all kaya ako natitigilan dahil tinatamad ako o minsan gahol na sa oras... Anyways may update tayo.

The Meritorious Case

Meron nanamang naganap na komunikasyon between Merit and Rose. Hindi lang basta komunikasyon kundi INTIMATE COMMUNICATION NA NARIRINIG NG VINTAGE SPY. Anyways, ewan...

Merong bagong case na siguro, overnight ko lang tatrabahuhin.

The Case of the Unknown Tipper/s (CUT)

Itong case na ito ay sectionwide. Malaki ang sakop at apektado ang lahat. Kaya tipper dahil ganito ang naganap...

Merong isang organisasyon, at napagalaman ang organisasyon nila, napabagsak ito at tinuro nila ang tipper/s sa dahilan ng pagkakawasak nito. Hanggang sa halos buong grupo ay nagalit sa tipper na iyon. Sinabi ng iba na meron silang malakas na ebidensya ukol sa 4 na tipper na yun. At kaya daw nila itong iprisinta at hindi kuro-kuro lamang. Tila isang hidwaan ito between the tipper and the section. To remain my NEUTRALISM, naisip kong kuhanin ang magkabilang panig. Ngunit paano kung hindi ko kilala ang tipper? Kaya ko kikilalanin. Anyways, ganito yun... Hindi lang 4 ang suspect ko. Kundi lampas pa. Mga reserved ang iba kumbaga.
1. Asero - Si Asero, isang makapangyarihang dumbshit. Hindi naman kataasan ang pangarap ni Asero ngunit sinasabi nila na mataas daw ang pangarap nito sa buhay. Si Asero ay tahimik ngunit hindi ko lang alam kung may ginagawa. Dahil dyan, isa si Asero sa mga suspect. Gender ni Asero, male.
2. Toni - Si Toni, maaring nakatunog na ang buong section na si Toni ay isang hindi normal na estudyante in the sense na marami siyang inaalam. Si Toni ang probable PRIMARY SUSPECT dahil na rin sa mga signs na ginagawa na nakita ni Arsene sa ibang mga kasamahan ni Toni sa tuwing nagsasalita si Toni. Gender ni Toni, Female
3. Miguel - Si Miguel, probably sinama siya. Why? Marami siyang binitawang statements na maaring magturo sa kanya. Maaring siya rin ang sinisisi nila para sa mga kaganapan ngayon. Nuon pa man, ang iba ay mayroong sama ng loob kay Miguel na itinatago lamang nila at maaring tinuturo nila si Miguel as the tipper. Besides iniisip nila na mataas ang pangarap ni Miguel so probably nga na siya. Gender, male.
4. Jen - Si Jen, isang tao na posible nilang sisihin din. HALOS Counterpart ito ni Toni yun nga lang, medyo mas may tiwala ang section kay Jen kaysa kay Toni at posible na dahil dito kaya nagkaroon ng malaking kaguluhan. Si Jen ay obviously babae.
5. Cole - Di ko alam bakit nakasama si Cole ngunit galing sa isang experimentation, medyo naiinis daw ang IBA sa section kay Cole at napapansin ko rin na di na gaano sumasama si Cole sa iba nilang aktibidades. Si Cole ay babae.
6. Precy - Si Precy, isang resigned dumbshit. Base sa isang observation, maaring si Precy ang tipper. Di ko lang sure kung pinagdududahan nila si Precy as a tipper. Kasi di ko naman napapansin na pinaghihinalaan nila si Precy pero kailangan ko isunod yung ibang clues sa mga usapang na-tap ko. Siya ay babae.
7. Julian - maaring tinuturo nilang tipper si Julian dahil sa madalas na pakikipagkomunika nito sa otoridad. Ngunit ayun nga, mababa ang chances. Julian ay isang lalake
8. Ruso - SI Ruso ay di naman kataasan ang pangarap ngunit why not? Baka kasama. Si RUso ay lalaki.

Kumpleto na ang set ng mga suspects na nahininuha ko. For sure may 4 dyan na tama. That's it. Tomorrow, will be the result...

Saturday, September 6, 2008

To be continued...

Antagal ng updates. Maybe sa lack of time na rin siguro... Last update ko ay 4 days ago at medyo tinatamad pa. May case na naisara at may case na bubuksan...

and the case shall be called...

The Meritorious' Case

Si Meritorious o maaring tawaging Merit ay isang former meritorious awardee. Hindi ko alam bakit kailangan kong gawin ang case na ito pero wala lang. Alam kong walang sense para imbestigahan pero di ko naman iimbestigahan, hihintayin ko nalang ang sagot. Si Merit ay may relationship NGUNIT parang may nabubuong closeness between kay Merit at sa isang nilalang na si Rose. Pero wala talagang essence. Closeness lang nilagyan na ng case pero gusto ko so wala kayong magagawa...

meron pang isa...

The Photographer's Case

Merong bagong sibol na photographer ngayon na itatago natin sa pangalang Nikon. Si Nikon, isang Class C photographer ay nakaiwan ng isang roll ng film sa isang fast food chain. Nilinis ito ng isang janitor at nakita ang nilalaman ng film ni Nikon. Ito ay ang picture ng isang celebrity na nagngangalang KC. Nakarating ito sa Detective Agency ang Vintage Spy at agad namang nag-on ng transmitters ang agency.

Nuon pa man, napagalaman na ng Vintage Spy (wala pa si Codus sa agency nuon at si Vintage Spy pa mismo ang nagtatrabaho) na nagkakagusto si Nikon kay KC ngunit di ito nagtagal dahil umalis ng bansa si Nikon. Nadevelop ito dahil sa madalas na pictorials ni KS kung saan si Nikon ang naging photographer. Natagpuan din ng Vintage Spy ang diary ni Nikon na nasa bodega nito at nakita ang lahat. Ngunit natapos na nga...

Nagbalik nga kaya? Nagiging panakip butas nga lang ba ni Nikon ang kanyang asawa para hindi malaman ang pagtingin nya kay KC??? Hmmm...


Anyways, maraming nangyari sa buong linggo.


Maliban sa cases, nagkaroon ng iba't ibang pagpupulong, pagkikita-kita at paguusap ang iba't ibang organisasyon. Nagkaroon din ng ilang kaguluhan at mga subjects na hindi na-atenan.

May seminar din sa Buklod DIwa na umabot hanggang sabado...

Kung bakit to be continued? dahil baka huling araw ko na na magtatagal ako sa tapat ng PC. Haizz....

Tuesday, September 2, 2008

Issues Etc...

Andaming issue ang kumakalat ngayon sa room. May "Mystery Texter", maerong "sipsip" atbp. Anyways, wala pa raw oras ang High School Detective para sa mga cases na yan. Besides di naman sila pumunta sa agency ni Codus.

Anyways, may update ako sa nagiisa na lang na case na iniimbestigahan ni Codus...

THE FUGITIVE'S CASE

Narito ang "representing scenario":

Si Codus ay nakapulot ng papel na may numbers na ****. Base sa pagaaral, probably, makuha ang numbers na ito kapag pinag-combine ang dalawang dates. Ang isang date ay pagmamayari ng POSSIBLE FUGITIVE. At ang possible Fugitive turned out to be...

Scalene.

Yeah. Si Scalene ang possible Fugitive. Pero siya nga ba? Siya nga. And it has been proven. As of now, officially, the Fugitive's Case is declared, CASE CLOSED


Wala nang cases na sinosolve si Codus dahil Cased Closed na lahat. Anyways, sa hindi maintindihang dahilan, maganda ang weather. And another is ayos din na nakalabas ako kasi wala lang...

Tapos medyo may kaguluhan pa rin sa isip ko. Yun ay tungkol sa isang "signos"

Talking about the signos, naghihintay pa ako ng isa pang signos. And when that comes, ayos na. Anyways...

Kanina, sumali ang PUPLHS sa palaro sa Eat Bulaga, ang Sa Pula, Sa Puti. Nanalo at nakuha ang grand prize, Congratulations sa mga players!

Meron sana akong ikukwento kaso andami ko pang gagawin. Anyways, sa mga taga III-Entrepreneurship pala, na hindi nila alam na may liability pa pala sila sa government ng Entre, ito yung mga accounts payable nyo.

Patricia Aparejado - P 6.00

Jonette Diendo - P 15.00

Phil Maglinte - P 18.00

Sharmaine LaguatanP 81.00

Genna Martino - P 6.00

Maan Hontiveros - P 18.00

Jervin Velasco - P 6.00


If ever na mabasa nyo ang anunsyo na to, please pay as soon as possible.

Monday, September 1, 2008

The Untold Stories...

Kulang nuong isang araw ang pinost ko. Kasi yung naiisip ko nung mga panahon na yun is "basta lang makagawa ng post." Anyways, here it is...

Quote of the YEAR:

"Ask not what your country can do for you but ask what you can do for your country"
-John F. Kennedy


Ang hindi ko maintindihan talaga bakit ba palagi na lang inaasa ang isang bagay sa nakakataas? Ilalagay ko si pinakamaliit na halimbawa, ang group works. Kadalasan ganito ang scenario sa mga schools. "Ui, leader, asan na yung gawa natin?" o kaya "Ikaw na gumawa, ikaw naman leader eh". Ganito lang kasimple yan. ANTATANGA NYO. Hindi kayo nag-elect ng leader para maging utusan ng buong grupo. Ano nga ba ang leader? In Filipino, ito yung namumuno sa isang grupo, organisasyon o institusyon. Ito rin ang namamahala at namumuno sa pagsasaayos ng isang bagay. Ang mahirap kasi sa mga tao, inaasa nila lagi sa nakakataas yung ikabubuti ng gagawin nila. Ilagay natin sa malaking perspektibo. Ang bansa. Ang pangulo ng Pilipinas ay may gabinete. Meron ding mataas at mababang kapulungan. Hindi natin pwede ipasa agad agad sa pangulo ang sisi kapag nagkaroon ng kaguluhan. Oo nga't siya ang pangulo at siya ang namumuno, ngunit meron siyang mga tauhan na dapat umaksyon dito!

Ang mga Pilipino kasi palaasa. Ang tingin nila sa presidente, lider o namumuno, sobrang talino, yung tipong naging lider siya o presidente dahil siya lahat ang gagawa. Tapos kapag hindi naisaayos ang isang bagay DAHIL DIN SA KAPABAYAAN NG IBANG MIYEMBRO, anlakas mantira ng lider. Wala na nga silang ginawa, yung lider na nga ang gumawa ng lahat, anlakas pa manisi. Paano uunlad ang bansa kung isang napakaliit na grupo lamang ay wala pang pagkakaisa? Paano pa ang bansa kung sa maliliit na sekta pa lang, puro sisi na ang lider? Mula nuon, gusto kong mamuno. Sabi nila, mahusay akong lider, mahusay akong mamuno. Pero ng nakilala ko yung mga palaasang tao, yung mga miyembro na inaasa lahat sa lider nila at kapag nagkaroon ng credentials ang lider, tumatamasa din sila, ngunit kung wala at mali ay sisisihin pa ang lider at magaastang parang may ginawa, nawalan na ako ng gana. Kaya mula nuon, ayoko na mamuno. Pero dahil minsan kinakailangan, kailangan tuparin.

Isang magandang representasyon ay ang construction. Merong engineer. Ang engineer ang pinakanamumuno. Wala siya sa site at siya ay nagpaplano lamang. Sa site, ang grupo duon ay grupo ng mga construction workers. Merong namumuno na foreman. Hindi pwedeng iasa ng mga workers sa foreman lahat lahat, mula sa paghahalo ng semento hanggang paglalatag nito. Hindi magiging maganda at matagal ang trabaho kapag nangyari ito. Ganun din sa isang organisasyon. Kapag ikaw, nagenjoy ka nalang sa buhay at hinayaan mo yung lider, presidente o yung namumuno sa inyo ang maghirap, walang kahihinatnang mabuti ang institusyon. Ang masaklap pa, nagmamagaling pa. Akala mo may naitulong. Hindi dahil namumuno siya, siya na ang aasahan nyo sa lahat ng bagay. Eh anong silbi nyo? Magtext? Makipagtawanan sa mga kaibigan? Mag videoke? Mag inuman? Tapos sasabihin nyo na walang magandang pamamalakad ang lider samantalang sa sarili nyo, hindi nyo kayang sumunod sa lider at BINABASTOS NYO PA PAG NAGSASALITA tapos akala nyo napakagaling nyo.. Ganyan kasi yung ibang tao eh. Magaling magsalita akala mo may nagawa...


Maraming kaganapan, isa na nga ang pagiging Hitman. Yeah, I was not widely accepted by people...

Another, MY SIGN CAME. And it said, NO. Do not Continue. Hindi ko alam gagawin ko. Ngayon ko lang na-confirm. But what may happen? I don't know. I need another sign...


Anyways, sa isang section sa first year (section not stated), mayroong isang dilag na umaapaw ang kariktan. Actually nasa "P" section siya. Hahahaha.. Anyways, basta, yun na yun.

Wala pa mang JS, maugong na ang balitang may JS. Maraming masaya (including me) pero biglang may balita na ipapalit daw sa field trip??? WAaaaaaaaaaaaaaaaaa... Wag naman... Ihiwalay na lang!!! Pero ewan. Tingin ko mas gusto ko mag field trip!!!


Medyo meron akong natanggap na balitang nakakaligaya. Balitang Weather.

Wala na akong maikwento.

SIYANGA PALA!!!

Yung may mga utang pa pala sa classroom, iaanunsyo ko na kayo sa blog ko! MAgbayad na kayo kung ayaw nyo sumikat sa buong mundo!

Dumating din si Marvin Agustin sa PUP. Astigin yung sasakyan. Parang yung nasa bodega lang namin (wahahahahaha) kaso ayun nga, dinala na sa junk shop yun eh. Di ko alam magagamit pa pala yun. Pero astigin talaga. Tapos siyempre tinginan lahat.. Hahahaha