Monday, June 30, 2008

1 lb of Iced Tea

Maraming nangyari. Pero iisa lang ang mahalaga. There is something in the "1 lb (read as pound) of Iced Tea I drank". Grabe. Sumakit ang ulo ko at tila nilalagnat ako.

Simulan KAHAPON...

Katulad ng nabanggit, baka hindi ako makapagonline dahil na rin sa laban ni Pacquiao. Mga gabi na ako nakapagonline dahil na rin nagliwaliw pa ako sa paligid ng Avenida. Anyways, jackpot ako na nilibre ng PPV (pay-per-view) laban ni Pacquiao sa SM. Jackpot din dahil worth P500 yun tapos libre lang sa akin. Kung yung laban ni Pacquiao ay ikokonsider na film, Blockbuster Hit yun. Grabe. Puno yung sinehan. Todo lakas din yung aircon kasi nga andaming tao. Kung yung iba may plano gawing milagro, imposible nila magawa. Balcony ang upuan na inupuan namin...

Siyempre unang round pa lang, grabe na ang emosyon. As in grabe. Para kaming nasa ringside. Siyempre yung kasama ko, todo sigaw din. Kapag di ka sumigaw, KJ ka na. Kaya nakisigaw na rin ako. Siyanga pala, yung kasama ko ay uncle ko. So ayun. grabe. As in grabe talaga. Lalo na nung K.O. na si Diaz, mas grabe. DUmagundong ang buong sinehan. Grabe yung emosyon nung mga tao. PAglabas ng sinehan, tinugtog pa yung kanta ni Pacquiao na "Para Sayo ang Laban na To". For sure paguwi ni Pacquiao tambak nanaman ng endorsements yun. 4 na nga pala ang belt nya.

So nagliwaliw pa ako ng kaunti. Mga 1 ata yun nung nagsimula yung Round 1 sa GMA 7. Nakita ko ito sa barber shop sa loob ng SM din. Meron ding mga shops na may TV at lahat tumutok sa GMA 7. MArami ring nakinuod (kung makikita nyo sa pelikula nuong unang panahon at sa mga comedy shows, yung mga taong walang TV na nakikinuod sa kapitbahay, parang ganun ang itsura nila). Di ko naman sinasabi na wala silang TV pero ganun talaga. Halos lahat talaga. Yung ibang employee nga sa Netopia, lumabas pa makanood lang.

NGAYON...

Siyempre may flag ceremony. May vocabulary pa. Tapos sabi pa ng principal na magpepresent yung mga best sa recitation. So balik na sa classroom. Wala pang checkpoint ng haircut dahil wala pa namang first Monday (another technicality!). Nagulantang ang lahat ng si Ma'am Del Rosario ang pumasok sa klase. Natupad ang sinaad nuong Biyernes. Magpapalit nga ang shifting. So kopya lang.

Nung IT naman, nagbalik kami sa Grade 1 years ko. The "noisy" thing. Kung hindi nyo alam ito, ito yung ginagawa nuong elementary na Noisy, Standing, Yung iba may Not in Proper Seat pa! Ginagawa ito kapag nauurat na ang guro or minsan wala ang guro. So ayun yung pinagawa. Pinagawa ang "noisy thing" sa aming class president. Medyo nagkakaroon na rin kami ng inggitan. Maganda ang graphics ni Alano. Di katulad ng "Vista '98" namin, patapon talaga. PATAPON. Sabog ang kulay, sabog lahat.

Brekatime, nakita kami ni Ma'am Tahil. Sinabi na mag-recite daw ako ng That I Would be Good sa gitna ng madla. Anong magagawa ko? Wala. COMPLY... Pagkatapos kumain nakakuha kami mula kay Remus Andre Lupin ng The Catalyst. Naka-pocket size ito at tila pangbabatikos nanaman. Meron lang akong ibang mga parts na gusto komentan...

Actually the Guards HAVE the reason na manita kung walang ID ang isang estudyante. So simple, Estudyante ka. Mag ID ka. Opisina nga mga propesyonal na yung tao kailangan pa nila mag-ID eh. Actually hindi mo naman kailangang suotin ang ID all through out pero at least naman suotin mo di ba? ID yan eh. Ano namang gagawin mo dyan, halikan? Siyempre susuotin yan. Tama naman ang administrasyon sa paguutos na suotin ang ID. Kasi nga naman, milyon o daang libong estudyante ang pumapasok sa gate na yan araw-araw. Eh kung may sumalisi dyan na miyembro ng Pugot Ulo Gang e di todo sisi nanaman sa administrasyon dahil sa hindi paghihigpit? Kaya yun. Suotin nyo nalang ID nyo at tumigil sa pagreklamo okay?

Meron din namang ibang part ng Catalyst na inaayunan ko. Katulad nalang ng Lagoon at nung iba pang pagbabatikos.

Anyways, tungkol naman sa pananamit. Talaga nga namang hindi kaaya-aya ang magsuot ng sleeveless sa school. Lalo na kung lalaki. Para ka namang siga nuon. Tapos yung tungkol sa mga damit pang iba, yung iba kasi, kapag nanamit, talagang pinakikita yung kadukhaan nila. Grabe talaga. Kulang nalang gula-gulanit na yung suot. Kailangan naman kasi presentable di ba? Nagsuot ka na nga lang. Oo nga't kasama sa imno ang "Kami ay dumating ng salat sa yaman", pero di naman ganuon. Laging tandaan, nakikita ang pagktao sa pananamit. Simple pero malalim. Okay? Siyanga pala, wag nyo nang batikusin yung mga babaeng naka-micromini skirt. Pabor sa amin yun. Basta ba bagay eh. Oks na yun. Hehe...

So tapos na ang breaktime. Nag Entrepreneurship na. Nagkaroon kami ng "Atras-Abante Test" Meron-wala-meron-wala (x1Billion times). Tapos grade 1 thing uli. Pinagawa kami ng maaring i-business at ang pangalan ng akin ay Black-Mail with the slogan, "We make love-letters". Kung ano ang tungkol duon? Hintayin nyo kapag napili yun!

Tapos ayun nga. Nagkaroon pa kami ng extrang breaktime. In vain ang mga petitions, in vain ang mga plano, in vain lahat. Filipino ang last subjects at laging later ang uwian namin. Balik second year ang sked.

Bago umuwi naisip ko muna bumili ng 16oz of refreshment. Iced Tea. Base sa conversion sa Weights and Measures, ang 1 lb ay 16 oz. So ayun. Nakainom pala ako ng 1 lb ng Iced Tea na Ice lang. Bigla na lamang sumakit ang aking ulo. Sa hindi maintindihang pangyayari. Paguwi ko, naisip ko nalang itulog. Pagkagising ayun. Nandun pa rin. Grabe talaga. Para akong lalagnatin. Sana rin pala walang test sa IT at PA. Kasi sabi ni ma'am Via, ang test sa IT ay every Monday. HIndi kung ano mang day. Hehe..

Hanggang dito na lang muna ang aking pagusulat ng blog. Di ko pa rin natapos basahin yung libro ni Anne Frank.

Saturday, June 28, 2008

The Unwritten Melancholy 2

Actually katuloy lang ito ng post ko kahapon. Di ba nga sabi ko nagloko yung USB nung phone ko kaya ngayon lang siya nailipat. So ayun...

Sa mga hindi nakakakilala kay Micah Andrew Bule (current president of The Chorale also called The Master), narito ang kanyang photos.


(as of this moment, meron siyang problemang dapat i-resolve. Ang kakantahin sa mass sa Friday...)

(maligaya siya dahil siya ang Newly Elected President. Actually APPOINTED na po siya by our former principal The Fundamental Solution> pero for formality, nagkaroon ng election pero wala rin namang lumaban so winner by default na!)

(Nagpapahumble po siya during this times. Sabi nya, umalis na siya ng Serenata. Pero he's still the Master.)


NOTE: Hindi po ako itong taong ito. Ito po ay requested and for public information. Inuulit ko, AKO SI D.S.Clarin at hindi si Micah Andrew Bule.

Friday, June 27, 2008

The Unwritten Melancholy...

TGIF...

Mostly, ang sinasabi ay "Thank God it's Friday" but, I don't think so.

Una, ang Friday ay tambakan ng Quiz. But happily it was not always like that. Sadly rin, inusog ang quiz sa IT tuwing Lunes. Oks na sana ang schedule ng Friday...

Pangalawa, ang Filipino Quiz. Nakakatuwang isipin na hindi ako nagiisa sa nakakuha ng "matataas" na scores. Yung mga tanong kasi ay mga bagay na hindi ko nabigyan ng pokus. Kung bakit naman kasi yun pa ang itinanong. Anyways, kahit mag-comment ako dito, hindi nga lang ako ang nagiisang nakakuha ng nakatutuwang score. Lots of us. So may courage ako na sabihin na hindi ako natuwa. Background pala ang karamihan sa mga tanong. And I was not given the right focus on that part. PANGALAWA. Mayroong mga pagkakaiba sa sources. Katulad na lamang ng simpleng HUMADAPNON, base sa libro ni Ma'am, HUMADAPNIN. Ang masaklap nyan kasi sa libro nya nakabatay. Paano naman yung kumuha sa ibang libro? Katulad na lamang ng narinig ko kay Kim Alec na Labaw Dingin. Ang iba naman ay Labaw Donggon. Ngunit ang tama ay Labaw Dongon. Marami talagang pagbabago-bago and that contributes to my fall. Actually, nakuha ko man sa net ang akin, sa iba ay sa libro din. Kasi kita ko yung mga xerox copy nila. Hindi naman pwde na palagi tayong may pagkakapare-parehong libro? So ayun. HIndi nakakatuwa.

Pangatlo. ANG ISSUE. The ID THING. Actually I don't plant anger so hindi ako galit. Nakakatawa lang isipin na ganun. Okay. So ito na. Meron daw +1 sa mga naka-matinong pagkakasuot ng ID. As sa mga nakakakilala sa akin, KAILANMAN HINDI KO KINAHIYA ANG ID KO. Actually pinagmamalaki ko ito. So bakit ko itatago. Tinatago ko lang ito kung sportsfest, christmas party, saturday or special classes, nung renewal ng ID atbp mga irregularities sa klase. Pero tuwing school hours, suot ko ito. Para naman akong tanga na itatago ko ito. At sa mga nakakakilala naman, napapansin nyo naman siguro ang madalas na paglundoy ng ID ko. It has became part of my uniform. Hindi ko na maiaalis yan. So expected ko na makakuha ako ng nasabing merits. Ang masaklap, ANG SIMPLENG PAGMAMALAKI KO NG ID KO AY NAUWI SA MALAKING PINSALA. Hindi ko po dinukot ang ID ko. Hindi ko ito tinatago sa breast pocket ko. FYI: Ang mga laman lang ng breast pocket ko ay: ballpen na pinakamamahal ko, minsan pera, papel na scratch at wala nang iba. I never put my ID in there. Kung itatago ko ang ID ko, aalisin ko ito sa leeg ko at isisilid sa bulsa ko or sa bag ko. So ayun nga. Bahala na. Basta totoo ako sa sarili ko na NAKALABAS IYON. PERIOD.


Pangapat, ang Geom. Hindi naman bagsak ang nakuha ko. Di lang ako masaya. Kasi may mga bagay na pinairalan ko ng katangahan ko. So ayun. Pero oks na rin yung for a start.

May IT. Pero ito ang panglimang dahilan bakit hindi ako masaya ngayong biyernes na ito. OKay naman lahat. Kaso nag-lag ang PC namin. Dahil na siguro sa kalumaan at sa dami ng windows na binuksan ni Dan, hindi kinaya ng PC ang sunod-sunod na utos kaya nag-lag. Imbyerna talaga.

Breaktime. Wala namang nakakaurat na pangyayari during this time hanggang sa PA.

Then Chemistry. Panganim na rin ito. Hindi ko binagsak ang quiz. HIndi lang ako masaya sa 22. Such a stupid score. Panu ba naman, nalito kasi ako sa mga things na hindi na pala kailangan i-round off. Pati yung rules sa Letter B. 1 lang tama ko duon. Nalito kasi ako sa rules doon kaya hindi rin ako natuwa.

Walang Economics so tumuloy ng Health. Puro personality. WAla lang.

Uwian na ng maaga pero hindi rin ako nakauwi ng maaga. Andaming tasks. Saka nagattend na rin ako ng Chorale. Kasi gusto ko na talaga baguhin ang buong 3rd year ko. Dati kasi tinatamad ako mag-attend sa mga orgs. So ayun nga, si MICAH ANDREW BULE na po ang bagong presidente and I find him responsible. Sana nga responsable si Bule pero kahit sabihin pa nyang hindi na siya Serenata, still, he's the MASTER. MASTER BULE..

May pina-check din sa BD. DI ko naayos yung pagcheck kasi medyo nahilo ako at naurat sa mga binasa ko. Kaya di ko na rin inayos ang grammar ko. Wahahaha. Anyways, goodluck pala sa mga nagexam.

Pauwi na rin ako ng nakasaksi ako ng bangaan sa PUP. For sure di na to inabutan nila Leo. Pero andaming usisero. Dami talaga. Kinuhanan ko ng footages ang mga pangyayari pero dahil nagloloko ang connection ng phone ko sa PC, hindi ko naidownload (actually meron din akong footages ng meeting ni Bule pero ayun nga).


Paguwi siyempre nanuod lang ako.

Siyanga pala, sa mga nag-IM sa Ym during this day, pasensya na kung hindi ko kayo nasagot ng matino. Kasi naman busy ako at hindi ako laging nakatapat sa PC. Online lang ako pero nasa baba ako at may inaayos. So sorry talaga kung di ko kayo nakausap and sana magonline na lang uli kayo bukas kasi sa Linggo baka di ako makapagonline dahil laban ni Pacquiao!

Anyways, medyo naaattain ko na yung iba kong goals. Actually konti na lang and attained ko na ang "short-term goal" ko. Yun nga lang. May mga bagay na hindi ko pa rin magawa and malaking hindrance yung katangahan ko pa rin. Actually may naiisip nanaman ako magsulat ng tula ngayon pero siguro 2 paragraph lang na may 4 na linya. Kasi tinatamad na ako. Inaalay ko ang tulang ito sa kung sinuman ang magbasa nito!

Wala talaga akong masabi
Sana iyong mawari
Buhay kong laging sawi
Sana'y aking mawaksi

Sa ningning ng iyong mata
Nawawala ang pagdadalita
Winaksi aking pagdarahop
Nagbigay buhay sa aking nililok

(katunayan, hindi ko nanaman pinagisipan yan. Wala lang. It just pops out into my mind)

Thursday, June 26, 2008

The FUNDAMENTAL Solution

Actually dapat simulan ko ang post ko mula kahapon. So ito na...

Kahapon ng umaga,
Nagkaroon na ng formal announcement tungkol sa pagpapalit ng principal. Aalis si Dr. Castolo for the "good" reason na hindi ko alam. Merong hinandang presentation and I saw na na-touch siya ng todo sa bigay ng mga 4th year. Hindi ko alam sa 3rd, 2nd at 1st year dahil kailangan naming umakyat sa taas at wala na kaming nakikita mula doon. Pumalit na si Mrs. Corazon C. Tahil.

May mga nalungkot sa pagalis ng principal. Meron ding IBANG NAINIS sa ipinalit na pincipal. Pero para sa amin, okay lang yun (during that time). Kasi katunayan, isa si Ma'am Tahil sa mga paborito kong teacher. Meron kaming nakita na hindi lubos ang kagalakan. Parang meron siyang inexpect na hindi natupad. Guess who is she/he/it?

Anyways, ayun na nga. Hula namin na malilinis ang PUPLHS. Alam ko na medyo hindi rin gusto ng bagong principal yung mga inilakad lang ng magulang at hindi naman pumasa sa entrance exam. Kaya pagsumikapan nyo nalang. Nawalan nag klase for the half day at nagresume sa aming Entrepreneurship class. May sinagutan at wala na. Meron ding Chemisry. Ngunit tinawag kami ng aming misyon para sa BD at bantayan ang mga nageexam. Mga lampas 100 ata ang nagexam (based on my approximate calculations). Pero may nakita na ako na number 303, 328 et al. Bantay lang at basa ng Anne Frank ang ginawa ko. May klase ang ibang section. Pati kami meron din. So hanggang naguwian na lang at ang naatenan KONG klase ay Entrepreneurship lang.

Paguwi, siyempre YM at nanggulo sa mga naka-online. Tapos yun na.

KINABUKASAN

Ito na. Wala si Mrs. Anita Espanol sa klase. 1.5 hours pa naman yung klase nya. So lumalabas na tingga kami ng 2 hours isama pa ang break. Di naman ako na-bore. Anyways, naguusap kami ni Leo ng DC nang biglang dumating ang principal. Sa kanyang mga pahayag, tila merong sinasabi ito BEHIND. Kung meron kayong utak katulad ni "Kudus" (based sa characterization ni Leo), malalaman nyo kung ano yun. Kung hindi ko naman kayo kaklase o naglalakwatsa kayo sa labas habang nanduon ang principal, di nyo nga alam yun. It's all about Mrs. Espanol.

Siyempre may nabuo nanaman kaming teorya. Pero di ko ilalabas dito. Mahirap na. Baka matulad ito sa Captain Nguso at mayroon nanamang mag-print ng page. Anyways, dahil nga meron kaming nabuong teorya, nagkakonekta ang pangyayari kahapon, mga naobserbahan namin at ang ngayon (kaya ko nga kwinento yung kahapon eh). Di na namin palalakihin ang issue.

Merong IT.

Tapos breaktime. Meron kaming nakilalang first year (di ko maalala yung pangalan), kamukha siya ni Matalang. Jerome Matalang. Dahil nga sa ganuon eh nagkaroon ng paguusap at wala ring nangyari.

Tapos Entre. Turo-turo-turo. Ayaw magrecite ni Alano dahil baka makalimutan nya yung That I Would be Good. Siya pa naman ang mauuna.

Tapos ENGLISH NA...

Ito na ang pinakahihintay namin. Kasi nga ayaw naming masayang ang pinagaralan namin. Nauna nga si Alano. And I am very happy na 5th uli ako. Muntikan na ako ma-mental block. Meron din namang mga nag-audition ata sa Beggar Idol. Actually 3 ang finalist (habang tinatype ko ito, hindi ko pa rin mapigilan tumawa), pero di ko pwde sabihin ang pangalan. Pero kung iisipin, makikilala.

Nag-announce na rin ang aming English Teacher ng kanyang pagtigil sa pagtuturo sa amin. Siya ang principal. May mga nalungkot talaga (isa na ako duon), may NAGLUNGKOT-LUNGKUTAN (umamin na kayo, may mga nakita talaga ako na nagkukunwari tapos pagtalikod nakangiti. Anyways, old stlye na yan. Maraming bagong style ng pag-joke ngayon. Pero kung dyan kayo sasaya, go lang ng go.) Actually okay naman si Ma'am Del Rosario. But the sad thing is, paborito ko nga si Ma'am Tahil. At gusto ko yung puro memorization (pero di katulad sa entre na matter of seconds lang). Kaya siguro wala ng memorizations at recital na magaganap. And siguro yung Warring States sa English ay tapos na.

P.E. na. Siyempre okay yung score ko sa Quiz. TAKE NOTE: MANUAL KO GINAWA YUNG BMI!!!!!. Wala akong calculator and that makes me even proud of myself na hindi ko ginamitan ng calculator and yet TAMA ang computed BMI at Value ko. Gumamit lang ako ng calcu para sa checking. Anyways, may mga logic na umiikot ngayon at lahat ay nabigyan na namin ng kasagutan.

Then UWIAN...

Under Surveillance so Quiet muna.


Hanggang dito na lang muna. Namomroblema ako ngayon paano ako magaaral eh sa sobrang katangahan ko, iniwan ko yung LAHAT ng gamit ko sa locker. Andami pa namang PROSPECTIVE QUIZZES bukas. Di ko lang alam sa IT kasi 2 days lang kami nagkita.


Haizzz talaga. May mga panahon talaga na kapag tumingin ka sa isang bagay, it makes you happy. Halimbawa, tumingin ka kay Bule, nakakatuwa. Pero seriously speaking, hindi ko alam bakit ganun. Parang tuwing napapatingin ako, at siya, sumasakit yung tyan ko. And it means something. Kasi hindi naman normal yun. It only happens kapag may kaba sa most important muscle in the body.

Anyways, bakit nga kaya hindi tayo magisip bata lahat. Kanina sa jeep, may nakita akong bata. Naglalaro siya ng kanyang "P6 TRANSFORMER TOY" na maaring ma-purchase sa DIVI. Nakakatuwang isipin na wala pa silang mga matataas na pagtingin sa buhay. Nageenjoy sila sa mga ganung bagay. Ang math nila ay 1+1. Sana lahat tayo, nandun na lang. Haizzzz..

Tuesday, June 24, 2008

The Reason BEHIND

Wala uling pasok. So ang Tour Plan ko ngayon ay CUBAO...

Bakit sa Cubao? Kasi meron ditong branch ang REX BOOKSTORE at isa pa, mayroong napakalaking National Bookstore duon. Trivia po. Pangalawa or pangatlo ata ito sa National Bookstore na itinayo. Ang una ay sa Avenida. Dati ay Isang building lang yun. Ngayon, 2 na.

Anyways, heto na. Nakarating na ako ng Cubao. Siyempre unang destination, National. Kasi nga baka dun ko makita yung libro ni Egipto at libro ni Anne Frank. Sadly, WALA. May nakasabay pa ako.. (uy umamin ang sinumang nagpadala ng tatay nya sa National Book Store sa Cubao. For sure schoolmate ko yun. Mga 1-2 dumating), pareho kami ng hinahanap at pareho din kaming binigo ng National. A while ago daw may nakakuha na ng NAGIISA na lang na libro ni Fatima este ni Anne Frank. At ang libro ni Egipto ay nowhere to be seen. Sinubukan kong tawagan si Leo at sabi nya, nung umaga lang daw siya bumili ng libro ni Egipto. Marami pa raw. Ngunit pagdating ko, OUT OF STOCK na. So naglalakad ako ng wala sa sarili ng kumalam ang aking sikmura. Naisip ko kumain sa Ali Mall (anyways, kaya ako nakarating sa Ali Mall dahil sobrang depressed ako na kahit isang libro ay wala akong nabili). Thru the referral na rin ng isang kaibigan, naisip ko nang daanan ang NBS sa Ali Mall. Hindi siya kalakihan. Mga kasinlaki lang nung sa SM Manila. Hindi rin ganoon karami ang libro. Wala nga yung libro ni Mario Puzo eh. Pero luckily, naroon si Anne Frank. Meron pang 7 natitira. Kung gusto nyo makahabol, takbo na.


Medyo na-overwhelm ako dahil na rin na-slash na ang isang mission. Isa na lang. Ang libro ni Egipto. Naisip ko na rin tunguin ang Rex. Napakaraming Law Books pala dun. Grabe talaga. Karamihan ng tinda nila, Law Books, kaya kung sinuman ang magaabugado, sa Rex na kayo bumili. Andami talaga. Saka bago lahat ng versions. Pwede pa pa-engrave ng pangalan. Anyways, nakahanap ako ng libro ni Egipto and naisipan ko nang umuwi.


Bago umuwi, naisip kong dumaan ng Quiapo. Ayun. Hindi pa malinaw yung Narnia, yung Hulk, yung Indiana Jones at yung iba pang bago. Pati pala Caregiver yung kay Sharon. Hehe. Kaya bumili na lang ako ng Jumper. Well nakal;agay sa tuktok ng DVD na BLU-RAY DISK. Siyempre di naman totoo yun. Pirated yun eh. Anyways, yung akala kong Fast an the Furious 4 ay hindi pala yun. FAST TRACK pala. Sa malayo kasi, pareho sila ng FONT. Ayun so magkaiba sila. Showing date pala ng Fast and the Furious 4 ay JUNE 5, 2009!!!!


Naisip ko tapusin na lahat ng pelikula ni Detective Conan. Kaya lang maraming mga nagaalok ng porno sa Quiapo. Mapahinto ka lang ng konti, aalukin ka na ng porn. Kaya nailang na ako at naisip na hihiram na lang. Anyways, kung gusto nyo talaga bumili ng porn, sabihin nyo lang sa akin ng pasikreto at ituturo ko sa inyo ang pasikut-sikot ng Quiapo Underground. Bahala na kayo mamili. Wag na kayo sa Cubao bumili. Sabi kasi ng isang "CONCERNED CITIZEN", iba daw yung cover sa palabas. Minsan man to man pa eh siyempre naman dahil straight ang nasabing concerned citizen, nandidiri siya.

Hanggang dyan na lang muna. Manonood pa ako. BYE!

Monday, June 23, 2008

Another D.S.C.

Okay. Okay. Actually dati ko pa ito na-discover. Na kapag-tinype mo ang pangalan ko. Full name, Yung first at ang aking surname, mayroong lalabas na tao. Actually artista siya. Ngayon naman meron akong nakita. Habang nagsurf ako sa net, merong lumabas na ganito...

SUMMERTIME IN D.S.C.



Di ko alam ang ibig sabihin ng DSC. Pero ito ay Japanese Song na kung saan ang babae duon ay si Maria Ozawa.

Sunday, June 22, 2008

Power of Frank

Nung FRIDAY...

Guess hindi ko na kailangang ikwento pa. Naikwento na ni Leo ang tungkol sa IBANG pangyayari. Anyways, nung Friday, that's the time na nakuha ko ang ID ko.

Alam ko nabasa nyo na ang aking post tungkol sa PAO nuong nakaraang araw. Dahil nga sa pangyayaring iyon, naisip ko na papuntahin ang aking ama para kausapin na ang PAO. And I was not in vain. Sabi nya kausapin ko raw ang isang Bisexual na may oversized chin. Nakita ko ito. Good thing is hindi ganoon kahaba ang pila and I guess, pang-apat ako sa matatawag. Pero ang tagal. It took almost 30 minutes bago ako natawag. Nag warm rebooting pa raw kasi sila. So ayun. After ilang minutes, nakita ko nalang na lumabas na ang ID ko. Nakaramdam ako ng sobrang galak during that time. Akalain mo yun? Nakuha ko makalipas ang halos lampas isang linggo. Pero nagkaroon ng kaunting aberya kay Ephraim. Dahil na rin sa tagal na nyang pinasa ang sa kanya, nagkaroon ng EUGENE GIANAN. Muntikan pa na yun ang maiprint. Kung hindi napansin, iba na ang identity ni Ephraim. Anyways, natagalan kami kay Ephraim. Nakalabas kami ng PAO after 1 hour and almost 10 minutes. Pagbalik namin ng LHS, wala nang tao. Kaunti na lang. It was very saddening na baka hindi kami nakapasok sa attendance. Sana, give us considerations and understand us. It was very important.

So umuwi na kami. Tinakasan lang kami ni Ephraim (palagi naman eh).

NUNG SABADO

Birthday ni Kaitou Kid this day. And birthday din ng father ko. Siyempre maraming ginawa. Medyo.

NGAYON

Umaga pa lang ngayon. Kaya wala pa ako masyado maisulat. Malakas si Frank. Pero siguro bukas medyo wala na.

Wednesday, June 18, 2008

A Series of Unfortunate Events

These events just happened today...

Dahil nga pinapabasa sa amin ang libro ni Anne Frank entitled The Diary of a Young Girl, ganun din ang format na gagawin ko. Ang pagkakaiba nga lang, TIME lang.

7:00 a.m. , Teresa St.
Kailangan medyo magmadali na. Kasi kailangan pa bumili ng clearbook. Unang tindahan na napuntahan, pagpunta ko ganito ang naging usapan...
"Ate, may clearbook po?" mausisang tanong ko sa tindera
"Wala nang blue." sagot nya na tila alam ang tumatakbo sa utak ko.
"WTF? (pabulong)"
Medyo nakakapagtaka ang tagpong iyon dahil alam nya na blue clearbook ang hinahanap ko. Take note, wala pa akong sinabing kulay. Then nagproceed na ako sa paglalakad. Nakita ko mula sa malayo si Florendo. Narinig ko siyang nagsalita, "Nyaks, gagawin ko pa yung assginment sa IT" may halong ngiti pa. Napansin ko na karamihan ng nakapaligid sa kanya ay tumingin sa kanya. WALA SIYANG KAUSAP. WALA. WALA. As in nagmomonologo siya in the middle of the street. Ang ibang tao ay nagtawa, ang iba, deadma. Pero mukha talaga siyang estupido. Hehe. Sensya na. Luckily, nakahanap din ako ng clearbook.

Around 8:00, Filipino subject, classroom
Mabuti na lamang at walang katulad ang nakuha kong alamat. Siniguro ko ito. Magkapareho man sa title, may mga binago akong pangalan ng characters. But, wala pa rin talaga itong kapareho. et al.

Around 9:45, IT Subject, IT Lab
Nagkaroon ng so-called "practice game?" kami. Ngunit ang game na ito ay nakakadagdag din sa puntos. Meron kaming mga tinaguriang winning piece. At isa na dito ang ipinakita ni Micah Bule na Backup Memory. Kung titingnan kasi, mukha siyang vaccuum cleaner or airconditioning unit. Hindi siya mukhang pang computer. Well siguro yung iba alam na nila or medyo nakakatunog na sila kung ano yun pero natatakot silang sabihin dahil sa "retarded look" ni Bule habang hinuhulaan nila ang sagot. Isa pang hindi nahulaan ang "chipset".

Siguro bawi lang ni Bule ang Backup Memory dahil na rin sa pagkakamali nya ng pagsigaw ng motherboard. Dapat kasi Power Supply lang. Kaso ang unang sagot ang credited so mali. And siguro, yun yung nagpatalo sa amin...

Hindi rin kami nanalo sa nasabing laro. Una dahil sa kaba na namumutawi sa puso ng aming rep kung saan inisip nya na mahirap ang ipapahula, Pangalawa ay ang ACT OF SHARING. Naalala ko dati ang motto ni Joseph sa Steno nung wala pa ang ANGTRA. Ang sabi nya, "Nagpapahuli ang bida". Which proves to be right. Katunayan, nuon, nagsimula kaming negative at nagtapos na nasa pangatlo or PANGALAWA ata. So ayun. Warring States Period na raw.

10:40 a.m., Breaktime, All around PUP
Siyempre, breaktime. Siyempre as usual hintay uli kami ng Ephraim sa bungad ng East or North Wing habang bumibili sila Leo at Dan. Di naman medyo nagtagal at nagsimula na kaming maghanap ng makakainan. Wala kaming nakita. Buti pa nuong isang araw, nasa initan nga lang. Kahapon ata yun. Pero ngayon talaga, WALA. Napilitan kaming tumulak patungong classroom. At dahil nakita namin na sabay kumakain si Hepe at si Krizzia, naisipan na rin namin makisabay. And after that, we decided to get the ID.

To give a short background, Dati ko pang post, nuong pagtatapos ng clearance, HINDI PINARENEW ANG ID KO. Pero nung enrollment, pinarenew. Pinasa ko ang ID FORM ko nuong JUNE 10, 2008, FIRST DAY OF CLASSES, TUESDAY. Nakailang balik na ako sa PAO (Public Affairs Office) at sinasabing bumalik na lang uli, and here goes na iniisip ata nung tao na maghihintay ako para sa ID.

Actually wala kaming choice sa kung paano kukuhanin ang ID. UNA, breaktime ng 10:30, kailangan din namin kumain. And it may eventually end ng 11:00. During that time, andami nang tao. Siguro hindi kami aabutin sa natitira pang 30 minutes. Then uwian. Around 3, sinasabi na wag na kami tumuloy ng isang "Porn Boy" sa bungad ng pinto. So come to think of it, Anong oras kaya pwde pumunta?

Medyo naasar ako sa pananalita kanina ng isang babaeng mukhang artista sa TRIKE PATROL at isang baklang nagkatawang lalake. Para silang gago na nagsasalita at hindi ko naman naiintindihan. Pinipilit nila ipamukha na gago ang taga Lab high at hindi marunong sumunod sa panuntunan. Unang una kasi, wala akong pakialam kung walang bayad yan. P*tang ina, may bayad na P75 yan eh! Isa pa, baka nawala na yung file ko dahil sa katangahan nila at sa sinasabi nung bakla na "System Crash or chorva", F*CK THEM! Para silang gago kung magpaliwanag eh. Oo nga't may pila, pero bakit kapag may nakikiusap sa kanila ay napagbibigyan nila? And one more thing, hindi naman kami nagsisinungaling sa oras namin. Parang gusto pa nilang i-imply na skip classes para lang kumuha ng ID. GAGO!!!!!!! Nakakaasar na nga yung mga pagmumukha, nakakaasar pa yung mga boses, nakakaasar pa yung mga ugali, P*TA! Ang sarap basagin yung mga pagmumukha eh. Ginagawa pa kaming tanga talaga. Gago talaga. Kung mabasa nyo to, F*CK YOU! Gago kayo. Yan ang masasabi ko. GAGO!

Tumuloy na kami sa tindahan ng libro sa Entrepreneurship. and WALA pa. After lunch pa daw. Actually nakarami na rin kami ng balik. Sana naman bukas meron na.

11:45 a.m., Classroom
Nabalitaan namin na wala si Ma'am Dizon. And siyempre kumonti nanaman ang tao sa classroom. Medyo sumakit ang mata ko and naiinip ako na nakaupo lang. I always feel that way. Parang kapag wala akong ginagawa, nagkakasakit ako. Actually kanina, sumakit nanaman ang tyan ko. Di ko alam. Siguro may iniisip nanaman ako. Well meron ako kasi sanang gustong itanong. And ayun, may hinihintay ako magonline. Actually, ang konti pala ng nasabi ko sa time na ito.

2:30 p.m., Dismissal
Dumating na rin ang mga registration cards. Sadly, isa sa wala ang akin. HIndi ko alam kung na-misplace nila or pinapapalaminate pa. Pero it's in their custody. Responsibility nila yun. Goodluck!

And ayun, medyo napaaga ang uwi ko and nakasabay namin sa Ephraim.

Nothing more to say. Well anyways, bago ako nagising nung umaga, May napanaginipan ako. actually, masaya kasi meron akong bagay na hinihintay malaman and nalaman ko. And what's more good is, napanaginipan ko itong girl na ito. Haha. Hindi ko akalain yun. Pero I believe na ang panaginip ay likha din ng isip ko. Well ayun, pero masaya ako. Kasi hindi ko naman nagagawa yung napapanaginipan ko eh. Di ko nga ma-reach or maka-conversation man lamang eh. Well it's not "her". Okay? It's different. Maybe hindi nyo kilala.

Wala na talaga ako sasabihin. And bukas P.E. na. Yung maroon ko, maliit na talaga. Balita ko pala na ang pangalan ng bagyo ay FRANK.

Sunday, June 15, 2008

Power Corrupts

Before anything else, I would like to show this picture...



This does not concern the country nor any countries in the world. This concerns to someone who is hungry of power and wants to take charge of something not for him/her...

Well I had told some of my friends that I would make an editorial of this person. But I had no time so I made this stupid image.

Okay, if ever you are my classmate, you may know who the hell this is. If you don't here are some points in which you might know who is this.

Study the picture very closely. Why do you think I used "burger" as a symbol? I will not tell his/her gender. Maybe by then you may know him/her. Next, who do you think is the one who possess that attitude? Masyadong epal...


Dahil nga nagtataas na ang bilihin, napansin ko na pati ang simbahan ay nagtitipid na rin. Napansin ko sa hostia or host or sinasabing symbol ng body of christ or kung talagang hindi nyo alam ay yung puti na bilog na inaabot tuwing komunyon. Dati, malaki yung inaabot duon and makapal. Naalala ko nung first holy communion ko, (grade 3 ata ako nun), ang laki talaga nung inaabot. Mga kasinlaki siya ng bilog na mug. at yung kapal ay mga kasing kapal ng 25 centavo coin. Time passes by at lumiliit ng lumiliit. Sa PUP nga, hinahati pa eh. Maliit na nga, hati pa. During this day, talgang sobrang nipis na. Parang papel na at maliit na rin. Kasinliit na lang ng P5 coin. Cost cut talaga lahat...


Kailangan na rin bawasan ang paggamit ng PC. Hindi na ako magiging ganoon ka-updated sa blog.

Okay. Kailangan ko na muna umalis. SAka ko na na ilalagay ang iba pang detalye.

Wednesday, June 11, 2008

Exactly the Same...

Actually itong post na ito ay para kay Mr. Lloyd Angel Lemoncito lamang. Pero naisip ko na maglakip na rin ng iba pang ideya na naisip ko.

Una ay ang first day of classes...

Siyempre first day, walang na-late. On-time lahat. Yung iba nga lang humabol sa flag ceremony. Si Ephraim ay isa duon. Anyways, hindi rin naman nagtagal ang announcements. Siyempre pagpasok ng classroom, orientation na, blah..blah...blah...

Meron ding kanya-kanyang do's and dont's at mga patakaran. Then BREAKTIME NA...

Sa East Wing naman kami KADALASANG kumakain. Maraming tao nung mga oras na iyon. May mabaho, amoy baktol, mabango, maganda, mukhang baklang hinukay mula sa patay, atbp. Merong isang store na wala masyadong customers (bakit kaya yung iba COSTUMERS??). Nalaman namin na kabubukas lang pala nila. Binigyan pa kami ng deal. Naikwento ko na sa iba yung deal pero as much as possible hindi muna dito. Hindi ko na rin babangitin ang pangalan ng store para naman walang commercial na ma-plug dito.

Katunayan ang deal nya ay medyo odd. Magdala ka lang ng customers, may free meal na. Ngunit nung kinalculate ko, hindi naman sila lugi sa deal na yun and mahirap tuparin ang deal na yun. So naisip namin na wag na bumalik.

Dahil nga sa overcrowded na ang kahit saang parts ng PUP, napagisip namin na kumain sa classroom since pwede naman pala kumain duon. Pabalik kami ng na-meet ni Leo ang kanyang "insan". Not literally pinsan but sociologically. Siguro kilala nyo na yun. Pagbalik ng classroom biglang nagsalita si Ephraim, "May ikukwento ako sayo mamaya". Medyo nagtaka lang ako. Inisip ko yung mga pinaguusapan namin habang naglalakad o kumain. Ang alam ko lahat iyon ay nabigyang linaw. Pero nakakaramdam ako sa clues nya. May halong ngisi at iba pang reaksyon ang kanyang mukha na nagbabadya ng isang nakakatawang ikukwento. May mga binitiwan pa siyang words such as "parang nag-mature", atbp. Naisip ko na ang dati pang napansin ni Aljon ang ***************************** (for privacy reasons at dahil ginagalang ko naman siya, hindi ko na isusulat dito kung ano yun). So no-comment muna ako duon.

Mahaba-haba din ang tinakbo ng klase at kailangan pa namin kuhanin ang diary ni Anne Frank sa Amsterdam.

Uwian na at naisip namin ni Leo na tingnan na rin ang sinasabing libro sa entre na itinitinda daw at hindi naman kami nabigo at nakita ito. Yun nga lang wala kaming pera. Siyanga pala, you can always try to ask people in Teresa kung saan ang tindahan ni Mr. Ortiz at sasagutin ka nila ng malulupit na choreography.


NGAYON...

Medyo may kaunting pagbabago kaysa kahapon. Ang masaklap pa, sumasakit yung tyan ko. Nangyayari lang ito kapag sobrang kaba ko or takot. Pero hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang siya sumakit. Anyways, same routines pa rin. Klase pa rin.

Hindi ko rin masyado naenjoy ang freshness ng hangin sa labas dahil ang dumi ng polo ko at dahil ito sa upuan ko. Alam mo yung feeling na kapag nakatayo ka parang tinitingnan ng lahat yung likod mo kasi madumi. Conscious ka kung ano kaya ang iniisip nila so ayoko na magisip pa, nanahimik na lang ako.


Wala naman gaanong significant na naganap ngayon kundi ang elections. Well sana lang sa mga fellow classmates ko, hindi NINYO sila binoto para pagmukhaing tanga. Binoto nyo sila dahil sa tingin nyo, karapat-dapat sila at meron silang kakayahang mamuno. Sana lang galangin nyo sila at bigyan ng respeto. (Sana rin magawa ko). At sa officers naman, goodluck. Hindi ko na rin naitayo ng maayos ang bantayog ng ANG. Pero oks na rin yun. Ganyan talaga. Hindi na ganoon kalakas ang ANG pero at least ANG pa rin siya at ang alam ko talaga ANG ang nanalo last 3 mos. Kung bakit kasi hindi inanunsyo ang pagkapanalo ng ANG ng pormal. Pero for sure ANG yun.

And here goes my subject.

Hindi ito nangyari ngayon, kahapon last week. Nangyari ito nuong enrollment ng 3rd year. Galing ako nuon sa cashier. Paglabas ko ng main building, nakita ko si Lloyd. Nauna lang siya ng kaunti sa akin. Hindi ko na hinabol. Mabagal talaga siya maglakad. Inabutan ko rin naman at sinabi "Kahit nakatalikod, makikilala eh." Di naman ako nabigo at nilingon ni Lloyd. Pero hindi si Lloyd Lemoncito ang humarap. Ka-dobol ata ni Lloyd. F*CK!!!!! Nagulat din ako. Medyo napahiya ako. Kasi una, aakalain nung "ka-dobol" na ogag akong tao at nagsasalita magisa. Or aakalain nyang tanga ako kasi ibang indibidwal nga siya. Nakita ko yung style nung buhok. Exactly the same kay Lloyd. Yung katawan, tabas ng mukha, batok, Lloyd talaga. Pati yung itsura nung mata nya, nung bibig, ilong at lahat. Pero dahil nga may trademark si Lloyd na POINT sa tabi ng ilong, makikilala mo. Actually meron din ito. Pero hindi kalakihan. Siguro 1/4 nung kay Lloyd. Naalala ko dati na nakita na pala namin itong kamukha ni Lloyd. So if ever na gusto nyong kausapin si Lloyd, harapin nyo muna

Friday, June 6, 2008

15th Year of Existence

Dapat talaga kahapon pa ang post kong ito. Kaso hindi rin ako nakapagnet kahapon kaya ngayon ko nalang siya ipopost.

Kahapon, umabot na ako ng 15 years ng existence sa mundo. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng bumati, especially my parents, relatives, classmates, friends, comrades, seatmates, former classmates, yung ibang taong mahalaga sa akin, my brothers, sisters, schoolmates, buddies, fellow texters, at kahit yung mga hindi ko naman kilala na bumati sa akin. Sa mga di nakaalala, CURSE YOU!!!!!!!! WAHAHAHAHA... Okay. It's just a joke, don't take it too seriously.

Anyways, na-appreciate ko talaga ang mga pagbati nyo. May mga bumati sa text, sa ym, karamihan sa fs, harapan, thru phone, etc. Pero nagulat talaga ako kasi may dumating na comment mula sa aking former classmate. Actually, hindi ko rin inaasahan ang pagpapadala niya ng comment. Akala ko talaga, nakalimutan na nya ang aming magandang pagsasamahan. Anyways, she's more than a schoolmate and classmate to me. So I was very surprised nung natangap ko yung comment from her. Kasi dati pa ako nagcocomment sa kanya but in vain. In other words, walang reply though hindi naman nya dinedelete. So ayun nga. Nagpadala siya ng pagbati and that overwhelmed me. Isama pa natin ang ibang nagpahabol and my comrades. Pero sa mga kaibigan kong lalaki, parang si Leo lang ang nakaalala. Pero okay na rin yun. Enough na talaga. Okay lang yun. Baka naman may circumstances na hindi nila naalala.. Baka masyado kayong maapektuhan at magreact.


Yung ibang expected na babati, inasahan ko na rin. Meron din unexpected. Oks na rin kung hindi "siya" nakaalala. It doesn't mean anything to me. Isa lang naman ang wish ko. Maging merit card awardee at makapasok sa top 10. Actually kung titingnan, 2 yun but it still falls on academics. Wala na raw kasi ako pagasa makakuha ng special awards sa 4th year ko dahil sa Algebra ko nuong 2nd year. And sana man lang. AT LEAST magkamerit naman ako. IT's not too much to ask.

Medyo wala na akong natitipuhang sabihin. Pero sa ngayon, dinedevelop ko yung librong ilalabas ko (hindi po ito lalabas sa bookstores. Lalabas po ito sa printer ko. Magastos kasi kung ipapapublish ko pa sa Bantam Classics. Katunayan, kinukuha na ito ng Penguin Classics ngunit kailangan ko muna mamatay bago nila i-publish ito). Last year pa planado ang obrang ito. It's La Doctrina y Conocimiento. Medyo may konting alterations nga lang sa story plot at characters but it's still the same. Siyempre hindi ko magagawa yun without any inspirations. Napakarami po. Katunayan, lahat ng characters ay may inspiration. Kinuha ko yung ibang characteristics nila at medyo binago ko na rin. Alam ko walang kwenta itong ginagawa ko dahil hindi ko naman kayang pantayan ang prestihiyosong manunulat katulad ni Charles Dickens, Oscar Wilde, Victor Hugo, Mark Twain etc. Pero magkagayunman, ginagawa ko ito para maiportray ang nangyayari sa mundo at para maalala ko yung mga nangyari thru the story. Though not exactly the same na nangyayari, at least, it's satiric.

Nothing else to say.

Tuesday, June 3, 2008

GTA: Finished in 2 weeks


Almost 6 months ago, tinapos ko an San Andreas at nagkaroon ng 100% Saved Game. Tinapos ko mula sa tags hanggang sa mga sub-missions (taxi, pimping, vigilante etc.). Matagal-tagal ko rin siyang hindi binuksan dahil na rin sa tinatamad na ako at nanawa na ako sa lead character na si CJ pati na ang environment ng San Andreas. Nakakatamad kasi kumpleto na ang laro tapos lakad, takbo baril ng kung sino-sino na lang ang ginagawa mo. So naisip ko na ulitin lahat ng missions.

Hindi ko na plano pa mag 100% Saved Game uli. Tatapusin ko na lang ang missions. Then ginawa ko na nga. Nuong unang-una kong na-100% Saved Game ang laro ko, umabot ako ng almost 2 mos. (Including na duon yung araw na walang pc.) Siyempre naman, hindi naman ako buong araw nakakapaglaro. Mga 2 hours lang kaya hindi ko makumpleto agad. Pero ngayon, (di nga lang 100%), umabot lamang ako ng almost 2 weeks sa paglalaro. Ang bilis talaga ng mga pangyayari. Di ko rin asahan na matatapos ko yung laro nang ganun-ganun lang.

Anyways, nabasa ko sa credits na si Da Vinci ay ginamit na modelo para sa GTA. Baka siya yung Truth. Pero kung nais ninyo makita ang mga nag-voice over, ito ang link.