Dahil na rin siguro ito ang pinaka-una kong production na nagawa, ako ay proud kahit na basura ang series. Well, proud ako sa series na iyan dahil may nag-subscribe sa akin dahil sa series. Well, it's a lot of nonsense. Hindi ko nga masyado alam ang account setting sa YOutube eh! BAsta sa akin may ma-upload lang ako. Mayroon pang gagawin na pang-akademiko. Ang Algebra na gawa ni Capitulo. At ang Makabayan. Ang MAKABAYAN ay naiwan ko sa aking locker kaya hahabulin ko nalang ito sa 7. Gagawin ko nanaman ang aking walang kwentang sagot. Ang Capitulo ay napakahaba. Nakakatamad at napakahirap. Pero kailangan magtiis.
Dahil tinatamad pa ako gawin ang Algebra, ginawa ko ng 100% Saved Game ang San Andreas. Tapos na lahat ng missions, submmissions, girlfriends, nasa akin na lahat ng damit, gold lahat ng schools at kung anu-ano pa. Well, mahirap at nakatatamad din mag-100% Saved Game kaya nanood din ako ng mga pelikulang pinag-uusapan pero hindi ko pa napanood..
-------------------------------------------------------------------------------------
HITMAN
Ang Hitman na siguro ang pinaka-astig na napanood ko. Kaya nga gusto ko bumili ng Hitman Blood Money at Silent Assassin na laro eh. Pero kung meron kayo, just inform me. Tungkol lamang ito sa isang hitman o mamamatay tao.
THE KINGDOM
At first hindi ko naintindihan ang plano ng mga terorista. Pero nakuha ko rin ang gusto nila. Manggulo. Ang Kingdom ang kaharian ng Saudi Arabia. Nagkaroon lang ng kaunting labanan sa ending dahil na rin sa paglusob nila sa lugar ni Abu HAmzah
AMERICAN PIE:BETA HOUSE
Ito lang ang napnood ko sigurong American Pie kasi may mga iba na nangangako na magpapahiram pero wala naman. Anyway, ang Beta House ay isang fraternity na kung saan puro enjoyment. Well ang kanilang initiation ay masarap at nakaka-enjoy.
DA VINCI CODE
Alam ko matagal na ito pero ngayon lang ako nagtangka manood nito. Siguro alam nyo na ang istorya kaya hindi ko na ikukwento basta ang istorya ay SATANIC kung ibabase mo sa bibliya. Nasa manonood na yan kung paano nila tingnan ang istorya. KUng bakit kasi history pa ni Jesus Christ ang kinuha eh.
Meron pa akong 2 natitirang napanood pero ayoko na sabihin yung title. Kasi hindi lang naman ako ang nagbabasa ng blog ko kaya mahirap na. Pero ang pelikula ay Filipino at ito ay hindi angkop sa edad 17 pababa. Nasa mambabasa na iyan kung ano ang iisipin nila.
-------------------------------------------------------------------------------------
Balik tayo sa San Andreas. Binalikan ko ang Smoke's Crack Palace. Napakarami kong snapshots sa site pero baka hindi magkasya dito kaya baka ilagay ko nalang sa MotherVictor City Website. Pero ilalagay ko ang aking kuha mula sa tuktok ng Mount Chiliad (ito ata ang pinakamataas na bundok sa San Andreas)
Nakita ko na rin ang kinalalagyan ng SUICIDAL PHOTOGRAPHER sa San Andreas. Meron akong 3 photo dito ng unti unti nyang pagkakamatay. Makikita mo siyang kumukuha ng picture tapos sasabihin nya "You Thik, you're better than me?" tapos ayun, nalunod agad.
PAgpasensyahan nyo na medyo madilim gabi kasi yan lummilitaw eh. Mga madaling araw. Ito na ang last. Ito ay isang parody sa pelikulang TERMINATOR ni Arnold S. [mahirap yung spelling]. Nasa Los Santos lang ito. Ito ay isang poster.
Mahaba-haba ito dahil hindi ko ito naipasok sa Centennial Post.
Friday, December 28, 2007
Omega City
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 6:44 PM
Centennial Post
Sa Nakaraang 4 na buwan, ito na ang aking ika-100 post. Biruin mo yun? Isa itong patunay na ako'y masipag at laging nakaharap sa PC. At dahil nga ito na ang aking ika-100 post, ako ay naglabas sa youtube ng series. Ang 48. Well, dito ko na lamang ito ilalagay dahil pang-100 na ito
Ito ang unang episode ng 48. Ang "Omega City".
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 12:31 PM
Thursday, December 27, 2007
At Last, My Very Own Series...
Katatapos ko lamang gawin ngayon ang aking Series na pinamagatang 48:The Assassin. Well, bunga ito ng 11 araw na katamaran at walang ginagawa. Magkakaroon siya ng 4 na series at ito ay lalabas sa Youtube. Bukas ko ilalabas ang unang series! Wahahahahaha!!
I don't give a damn care kung mag-comment kayo ng kabulastugan. Ang mahalaga, may nagawa ako sa buhay ko!
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 8:35 PM
Wednesday, December 26, 2007
Victor's Fame
Victor's FameNational Geographic with scary picture at MotherVictor City The Game
Subscribe to Vintage Spy Videos at Youtube!
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 7:46 PM
Tuesday, December 25, 2007
Ang Huling Gabi...
Kahapon, December 24, 2007, 9:30 p.m., ako ay dumiretso sa simbahan upang tapusin na ang Simbang Gabi. Pagkatapos ng 8 araw ng paggising ng madaling araw, narito na ang ika-9 araw. Astig lahat ng preparations. Marami-rami ring tao. Sa dami, isa ako sa mga nakatayo. Masaya ang lahat. Napaka-solemn, holy at historic. Pero isang kagimbal-gimbal na pangyayari ang gumulat at sumira sa seremonya...
Tumingin ako sa orasan ko, 22:50. Paglingon ko sa altar, isang pigura ang aking nakita. Lalaking naka-pula. Medyo maliwanag ang aking paningin kaya nakita ko ang mukha ng lalaki. Isa siyang diablo. Tumingin muli ako. Hindi siya dyablo, isa siyang gorilla. Pero duda ako. MAy naalala ako sa kanyang pagmumukha. Isang demonic figure siya. Madumi ang lalaki, naka-pula at tumatawa. Tinignan kong maigi. Imposibleng may gorillang nakapasok sa simbahan! Mukha man siyang dyablo, isa siyang tao. Naalala ko yung larong ilalabas sa January 1. He/She is MOTHERVICTOR. You read it right. Victor Gaspar III. Kaya pala siya nandun dahil isa sa choir ang nanay nya. Hindi na ako nag-atubili lumapit dahil masisira lang ang solemnity ng mass...
Hindi na ako magkukwento ng nangyari nang sumapit ang 2400 hours. Dahil baka mainggit lang kayo at magresult sa pag-kidnap nyo sa akin. Pero ako ay lubos na nagpapasalamat sa mga bumati, nagbigay ng regalo, nakaalala at kahit sa mga nang-api, nanuri, nagbigay ng kapintasan, nainggit, nabilib, nagtraydor, nagsukab, kumalimot, nagbubulagbulagan, nagbibingihan, sa lahat ng manhid, tanga at estupido at kahit na sa mga nandumi ng polo ko at naninira ng pangalan ko. Salamat pa rin dahil may pasko.
Bago matapos ang post na ito nais ko kayong bigyan ng palaisipan. Ano ang pagkakapareho at pagkakaiba ni Akon at Victor?
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 2:11 PM
Monday, December 24, 2007
Minsan, kailangan natin labagin ang mga kultura! Ano ba sa tingin mo ang iba pang solusyon?
Ipapasa ko palang ngayon ang aking istorya tungkol sa isang muslim na pamilya. Namatay ang kaniyang ama na nasa malayong lugar. Ayoko na magkuwento.
Well, parang nakita ko ang San Andreas sa Quiapo noong isang araw. Una ay ang gangsters. Hindi nga lang kapareho ng kulay pero ang kanilang pananamit ay halos pareho. Sumunod ay ang mga "hookers" [hanapin nyo sa dictionary]. Pati na rin ang iba ibang itsura ng mga nilalang na naroon ay halos kahawig din.
Meron akong kakilala. Hindi ko na sasabihin ang pangalan nya. Bitin ang kanyang pantalon. Tinanong ko kung aware ba siya na bitin ang pantalon nya [at may butas]. Sabi nya "punks ako". Galing magpalusot. Minsan naman nakita ko siyang naka mahabang damit [mula yata ito sa tatay nya kasi luma na ang style] sabi nya Hiphop/gangster daw siya. Lastly nakita ko siya na may sugat sa kanyang kamay [maaring dahil ito sa katangahan nya] sabi nya emo daw siya... HAizzz.... Tinanong ko rin si Victor kung bakit siya napaka-itim, ang tanging sinagot nya ay "Ako ang orig na emo. Pati katawan itim."
Nevermind. Ang Scape Goat o ang "palusot" sa tagalog ay nagmula pa bago ipanganak si Hesus. Noong unang panahon, kapag ang tao ay gustong humingi ng tawad sa panginoon o gustong maging malinis ang kaluluwa nagaalay sila ng tupa o lamb. Kaya nagawa ang salitang scape goat.
Meron na lamang ilang oras bago sumapit ang kapaskuhan!!!
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 2:07 PM
Saturday, December 22, 2007
Umuwi ka na, hinahanap ka na ng ama mo....
Isang madramang istorya ang aking ginagawa alang-alang sa kabutihan ng paaralan. Hintayin nyo na lamang ito lumabas dahil ayoko na magkuwento. Nakakatamad gawin ang mga bagay na nakakasira sa aking paglalaro. Ayoko na mag-enumerate. Pero dahil ako ay nagbyahe, may mga bagay akong nakita na unti-unting nagpapalinaw sa aking isip....
11 months ago, ako ay nanaginip. Well, hindi ito nakakatawa. Katunayan, nagsilbi itong palaisipan sa akin at hinanap ko ang lugar na ito. Nanaginip ako na ako ay nasa isang paaralan. Actually, hindi ko pa napuntahan ang paaralan sa buong buhay ko. Ang buong akala ko isa itong kathang-isip. Isa siyang paaralan na kung saan, ang uniform ay katulad ng sa Japan. Nakita ko lamang ang pasilyo ng school, ang kanyang gardens?, parang sumisibolo ito ng kayamanan at kapangyarihan. Lahat ng naglalakad ay mayaman. Actually, sikat ako. Medyo malabo ang paningin ko sa logo ng school pero may nakita akong touch of green. Ilang buwan ko ipinagtanong ang deskripsyon na aking nakita. Hanggang sa may nakapagsabi na ito daw ay ang De La Salle University sa Taft. Nung nakita ko yung university, somehow pareho siya. Hindi ko masyado nasilayan kasi ang bilis ng sasakyan. Ngayon, dahil na rin sa traffic, nakita ko ito ng maigi. Sakto ang pasilyo, mga upuan at ang gate. Parehong-pareho. Hindi ko pa rin maintindihan ko ano ang ipinapahiwatig nuon.
Pauwi na ako. Pagkasakay ko ng jeepney, isang mama ang biglang sumakay at bumati ng Merry Christmas sa driver. Sa aking pagaakala, isa siyang sira-ulo na ayaw magbayad kaya inuuto niya ang tsuper. Magkakilala pala sila, drunk lang siya.
Meron na lamang 3 araw bago sumapit ang kapaskuhan at ilang araw na lang tapos na ang Simbang Gabi ko.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 10:40 PM
Friday, December 21, 2007
The Condemned Warrior
Anlakas talaga ni Jackson. Lahat natatalo. Hindi ko pa alam kung paano magiging powerful si God. Pero meron lamang akong ilang mga bagay na concerned about.
Isa na dito ang palaging pagla-lag ng laro. Nakakaasar. Kung kailan maipapanalo mo na ang laban ni Silver Samurai, nawala pa. At hindi lamang ito nangyari once. It happened many times. Pero astig yung laro.
Wala namang significant event na nangyari sa akin. Hindi ko pa naipapasa ang aking script dahil sa tingin ko, ito'y hilaw at kulang pa sa impormasyon. Medyo naguguluhan kasi ako sa aking premise. Meron na lamang 4 na araw bago magpasko. Kaya meron na lang akong 3 araw para gawin ng matino ang script para maipasa sa 24. Hirap talaga maging skilled.
Sa San Andreas naman, binibili ko na muli ang mga hindi pa nabiling bahay. Bibilhin ko na rin ang lahat ng mga damit at sasakupin ko na ang mga natira pang teritoryo. Dahil nga walang kagila-gilalas na nangyari ngayon, ako ay manonood na lang ng American Pie Beta House. UNRATED yun!
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 7:12 PM
Thursday, December 20, 2007
Jackson vs. Sephirot
Di ko sure yung spelling ni Sepherot etc. Basta ang alam ko, weak siya. May binigay si Leo sa akin na laro. Ang aking gamit na character ay si Jackson. As of now, siya pa lang ang nakikita kong pinakamalakas. Ilang ikot lang nya, K.O. na agad. Pero mas matindi yung laban nya kay Sepheroth. Isang ikot lang. Pagkasipa ni Jackson, KO agad si Sepheroth! LINTIK ANLAKAS! ISANG IKOT AT AT SIPA LANG! Anlakas talaga ni Jackson..
Naganap na ang aming Christmas Party. Base kay Julius Alano, boring daw and nonsense. Ako neutral. Wala na akong ikukwento doon. Meron kayong sari-sariling parties na poproblemahin so wag na kayo mag-atubili pa maghanap ng impormasyon sa blog ko. Salamat din sa mga nagbigay ng regalo.
MERRY CHRISTMAS TO ALL!!! 5 DAYS NA LANG PASKO NA!
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 6:24 PM
Wednesday, December 19, 2007
Mga bagay na sisira sa aking angkan
Kakaunti lang ang importanteng nangyari ngayong mga araw na ito. Pero kahit papaano, may nangyari. At kapag may nangyari, may isusulat ako.
Sisimulan ko sa TEACHER's DAY. Hindi namin alam ang kakantahin kaya ayun, nagkalat kami sa harap ng madla. Tingin ko frustrated ang aming mabuting adviser. Bago kasi magsimula ang presentation, nakikita ko ang ningning sa kanyang mga mata. Masaya siya at gising na gising. Pero nung kumanta na kami, napasimangot lahat ng guro. Marahil ay dahil na rin sa aming kahihiyang ginawa.
WAIT THERE'S MORE!!!!!!!
Nakakahiya din ang magmukhang tanga sa harap ng mga tao. Para kang ewan. So yun ang ginawa ko. Nagsisigaw sa harap ng maraming tao. Nonsense. So ayun. Nanunuod pa naman ang babaeng hinahangaan ko. Nakakahiya talaga.
Natapos na ang Teacher's Day at umalis na kami agad. Hindi na kami kumanta para kay Sir Jarin.
SA BAHAY NILA LEO pumunta kami sa party na HALF INVITED kami. Well, 98% lang naman kasi ng tao ay dominated by RMSHS. And almost 30% of the RMSHS students ay bakla. LANTAD NA BAKLA! anlalandi pa. Lalo na yung lintik na nakapareha ko sa isang nakasusuklam na laro. Ayoko na ipaliwanag ang laro. Dumating din ang aming pangulo ng LOYALTY. PEro ayos din. Hindi ko nga lang natapos yung party.
Pumunta ako ng SM Centerpoint para bumili ng Christmas Wrapper. Hindi pa ako nakakapasok, nakita ko na ang ama ni Rojan Marc Miergas na may dalang pizza. Pagpasok naman nakasalubong ko si MAESTRO MICAH ANDREW BULE. Pagkatapos, nakita ko rin sila Jasmin Poquiz, si Rita at si JOELLE AGUAS. May mga nakita din akong ibang LHS pero hindi ko na sila pinakialaman.
Bukas na ang laban ng Chorale. Ang tanging pagasa naminn ay dasal. Yun lang.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 8:26 PM
Tuesday, December 18, 2007
1 Week, 2 Days, 15 Hours and 660 Seconds
1 WEEK
In just 1 week, pasko na. Meron pa ring ilang natitirang simbang-gabi. Natapos ko na ang 3 araw ng paggising ng simbang gabi. Meron pa ata akong 6 na araw na natitira.
2 DAYS
2 araw na lang, Christmas Party na. Exchange Gift na at mabibigyang saysay na ang P120. Meron din daw magde-date after the said party. Name UNDEFINED. So ayun. Yung iba magbibigay sa mga sinisinta nila, yung iba para sa kaibigan yung iba palusot pero sa totoo lang may maitim na nasa. Balita rin daw na-
15 HOURS
MEron na lamang 15 oras para kumanta ang Chorale ng Loyalty? PEro ano nga ba iyon? At, 15 hours na lang sasadlak na ako sa kahihiyan sa di maipaliwanag na dahilan...
660 SECONDS
Ito ang title ng librong nabasa ko [not literally] na puno ng pakikidigma sa kama. HAy naku. Ang mganda artistic yung description. Hindi lang basta f*ck or anything else.
Wala na namang kwenta ang naganap. wala
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 5:13 PM
Monday, December 17, 2007
Si Gaspar edad 40 pero kakikitaan ng malaking tiyan, mukhang kotong cop, ayaw sa mga bakla. Si Victor III, estudyanteng bakla na nasa edad 13.
Ito yung character na pinagawan sa amin ng script. Katunayan, hindi Gaspar at Victor kundo Pedring at Lukring. Wala rin sinabing malaki ang tiyan ni Pedring. Ang inaakala namin na nakaka-bagot na pag-aralan, ngayon, may natamo kami.
English Time, Mga 10, naisip namin ni Kuya Leonel [as everybody call him] na sumali sa Scriptwriting. Dahil na rin siguro sa katamaran magklase. We didn't expect for better at wala sa isip ko matuto.
Pagkatapos ko kumain ng 5 minuto, tumakbo ako sa may Mini Center. Nakita ko ang direktor ng Haw-Ang. Siya ang instructor.
Pagpasok, bumalik lahat ng adrenaline ko sa pagsusulat. Dahil nga sa gayon, Premise pa lang, mahirap na. Pati event at story. "Ang event yung pisikal na nangyayri, yung story, ito yung may premise." so yun na nga. For the first time. Naka-attend ako ng seminar kung saan hindi ako inantok. Pero sumakit lang yung ulo ko. Tumagal ito ng almost 4 hours. Pero astig. Natuto akong mag-imbento ng istorya.
TO make the story short, worth it naman yung punta ko. Yung inaakala kong waste of time, may pakinabang naman.
MOst importantly nalaman ko ang tunay na mensahe ng Haw-Ang. ISang paglilinaw sa inaakala ng lahat. ANG HAW-ANG AY HINDI TUNGKOL SA ISANG MADRE. ITO AY TUNGKOL SA PAGKABABAE. Na-realize ko based on it's scripts na pinapakita nga nito ang pagkababae...
Pauwi na rin ako. Ansakit ng ulo ko. Parang pinipiga na magbigay ng dramatic event. Nakasabay ko nanaman si Bb. Virgino. Yun nga lang hindi na ako nakapagpaalam o nakabati dahil talagang ansakit ng ulo ko. Pasensya na.
PAGUWI KO natulog muna ako. Kagigising ko lang ngayon. Sakto naman pagkabukas ko inabutan ko si ******. Siya ang taong una kong inibig bago pa ang PC ko. Hindi ko napansin ang kanyang presensya. Marahil ay dahil na sa aking masakit pa ring ulo. Nag- Message siya sa akin..
********* *******:musta na po?
May pumasok na bagay sa isip ko. "ganun na naman? Di bale na at least naabutan ko siya after 6 months of everyday existence ko sa YM.
Hindi na rin kami nakapag-usap ng matagal. Pa-logout na siya. Siyempre, meron na naman akong bagay na hindi nasabi. Failure na naman.
Katunayan, minsan kailangan kong gumamit ng Internal Conflict o Silent Conflict. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung tanga o gago ako. Pero yun nga hindi na talaga magbubukas ang puso ko. Well dahil na rin siguro sa mga pangyayari last year tuloy pa rin hanggang ngayon. [wag nyo nang pilitin tarukin] Kaya nagsara na ang puso ko. Wala ng pag-ibig. Malamang pag-ibig sa diyos at sa tinubuang lupa. Pero ayoko na magsinta ng isang "binibini".
Pero minsan, dahil nga tao lang ako, humahanga din ako. Pero ang prinsipyo ay prinsipyo. Siguro, isang tao lang ang makakabali ng prinsipyo ko about this. Si God. Kasi ayoko na maghanap pa ng mamahalin. Hahayaan ko siyang maghanap at iabot ito sa akin [LITERALLY] [intindihin nyo. Malalim ito]
Wala talagang kwenta akong nagawa sa buhay ko. Pero at least hindi ako nag-klase, nag-enjoy pa ako.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 8:36 PM
Sunday, December 16, 2007
End Of Line
Hahahaha! After almost 5 months [hindi pa kasama ang mga dati kong laro sa computer shop] Natapos ko na ang San Andreas ALL BY MYSELF!!! Napakasaya ko talaga at napakadrama ng ending. Namatay si OFficer Tenpenny ng walang ka-kwenta-kwentang pagkamatay. Nalaglag lang yung firetruck na sinasakyan nya. Namatay siyang nakabuka ang bibig.
Ang ending ng San Andreas ay credits na napakahaba. Hindi ko lang naintindihan yung ginawa ni CJ habang nagkakasayahan sa bahay. Nagtanong si Kendl [ang kapatid nya] sa kanya kung saan siya pupunta. "Just hitting the block. See what's happening"
Ayun. Grabe. Napaka-saya ko talaga. Natapos ko na ang San Andreas!!! Wahahaha! Astig yung laro kasi nagpapakita ito ng determinasyon. Umunlad kasi si CJ. Ang gagawin ko nalang ngayon ay manakop pa ng territories at i-date ang lahat ng girlfriends ko para magkaroon ako ng 100% Saved GAme. Tatapusin ko na ang Taxi, Vigilante, Emergency, Trucking Missions pati na rin ang Schools, gagawin kong Gold lahat.
Sa ending, hindi na suportado ni CJ si OG LOC kundi si Madd Dogg na kaya si MAdd Dogg ay meron nang gold record.
Ako ay lubos na nag-enjoy sa laro at hinihintay ko nalang ang paglabas ng GTA IV at GTA V!
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 8:25 PM
It is still not the End
Habang naglalakad ako sa mataong lugar ng ******, nakita ko ang iba't ibang uri ng tao. Merong nanloloko, namamalimos at mga muslim na nagtitinda ng Christmas Lights. Naisipan kong bumili ng bagay na maari kong gamitin. Mahal ang singil nya kaya tinwaran ko. Ang sabi nung muslim, "Taasan mo naman yung tawad mo, PASKO NAMAN EH." Intindihin nyo nalang...
Andami pang gawain na hindi ko pa nagagawa. Isang magandang halimbawa ay ang pag-aaral sa Stenography. Nakakatamad magaral tapos pagagawin ka pa ng 1 yellow pad na sulatin. Hindi naman ito mainam na paraan ng pag-aaral ng Steno! Hay naku...
Habang naglalaro ako ng San Andreas, may naalala ako kay Big Smoke. May kamukha siya. Pagmasdan maigi ang 2 litrato...
Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ni Sean Kingston at Big Smoke? Pati na rin pala ni John Paolo Medrano???
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 6:50 PM
Saturday, December 15, 2007
End Of Line Parts 1 and 2
Ang pinaka-matindi at pinaka-madrama na sigurong mission sa San Andreas ang End of Line. Meron siyang 3 parts. Hindi ko na i-enumerate. Natapos ko na ang walang kahirap-hirap na pagpatay kay Big Smoke. Pati na rin ang paglabas sa mansion ni Big Smoke. Matatagalan na siguro ako sa Part 3, ang paghabol sa fire truck ni Tenpenny kung saan nakasabit si Sweet [bobo kasi, akala mo superhero]. Kaya iyun, tatapakan ni Tenpenny ang kamay ni Sweet tapos lalaglag si Sweet. Kailangan masalo mo. Nakakaasar talaga. Bilang patunay na narating ko ang mansyon ni Big Smoke, narito ang statwa nya. Tunay ito mukha nga syang tanga eh...
Bilang isang player ng San Andreas, KARANGALAN para sa akin na matapos ko ang ansabing laro. Meron akong downloaded na 100% Saved Game pero kinuha ko lang yun dahil nasa kanya na lahat ng damit! Grateful talaga ako kasi NAIBALIK KO ANG LARO KO. Hindi nga lang balik talaga. Pero sa kintapusan kong mission sya bumalik. Yun nga lang bibilhin ko uli lahat ng bahay at mag-GF uli ako ng 5. Pero at least naibalik na...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 7:59 PM
Friday, December 14, 2007
No Talk, More Knowledge
Isang bagong istilo ng pagiispiya ang aking na-discover. Ito ay ang tinatawag na Heartless Mammal. Kung mapapansin nyo sa mga nakaraang araw, minsan na lamang ako lumabas at makipag-kwentuhan kung kani-kanino unless kung importante. Isa itong istilo ng pagalam ng mga bagay na mahirap malaman. Wala nanaman akong magawa.
Hindi ko na sasabihin ang mga bagay na ALAM KO PERO MUKHANG HINDI KO ALAM. Maari lang itong pagmulan ng away, gulo, pag-dedeny o samaan ng loob. Kaya keep silent muna. Pero habang may tenga ako, nararamdaman ko ang pinaguusapan ng nasa paligid ko, sa kalye, skwela, silid-aralan, alley o kung saan pa. Ito ang aking Sense na aking mino-motivate. Ang lakas ng pakiramdam. Kaya kung may magparinig, magpaepal, umibig, may tinatago sa akin, ramdam ko yan hindi man 100%.
Isa na siguro sa nagamitan ko nito ay si 3G or mostly known as BLACK DIRTY GAY NIGERIAN. Akala nya ako na lang ang tanga at tonto at stupido na hindi nakakaalam ng kanyang "sikreto". Mayroon kong mga sources na inaakala nya ay nagmamahal sa kanya. Pero sabi nga ng sabi ni "Conan ng Loyalty" eh, magpaka-tanga muna ako. Bawi na lang sa dulo.....
Hindi ko na kailangan ipalandakan na ALAM KO ANG KARAMIHAN NA MGA TANGKA AT MGA PASARING, PATAMA O PAGTATAGO ukol sa akin. Ang mahalaga, alam ko iyon pero kailangan kong maging inosente alang alang na rin sa Peace.
100% Saved Game na ako. PEro kung meron kayong mission na Homecoming, pakisabi na lang sa akin. Handa akong magbayad....
As I was browsing all the blogs, nakita ko ang blog ng musa na si Bb. Virgino. Parang mayroon siyang mensahe ng pagmamahal sa kanyang pananalita. Kung sino man iyon-
Nag-brown-out na. Kaya ayoko na magsalita. Basta yun na yun. Simbang Gabi na at mayroon nalang 11 araw bago mag-pasko....
ITO ANG CURRENTLY PLAYING NA KINANTA NI ANDREA BOCCELI
Ave Maria
Gratia plena
Maria, gratia plena
Maria, gratia plena
Ave, ave dominus
Dominus tecum
Benedicta tu in mulieribus
Et benedictus
Et benedictus fructus ventris
Ventris tuae, Jesus.
Ave Maria
Ave Maria
Mater Dei
Ora pro nobis peccatoribus
Ora pro nobis
Ora, ora pro nobis peccatoribus
Nunc et in hora mortis
Et in hora mortis nostrae
Et in hora mortis nostrae
Et in hora mortis nostrae
Ave Maria
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 6:35 PM
Thursday, December 13, 2007
Chocolate
Chocolate-isang bagay na matamis na kulay tae.
Ano nga ba ang silbi ng tsokolate? ITo ay based on Scientific Studies. Una kapag exam, maiiwasan ang mental block. Kapag kabado ka, pampakalma ito [as used in Harry Potter]. Pwede ring aphrodisiac. Pero nakadaragdag ng sakit ng ulo, nakakapagpalala ng lagnat at ubo sa kadahilanang, pinapalapot nya ang laway mo.
-Based naman sa iba pa ang tsokolate ay binibigay kung gusto mo pumatay [sa diabetics especially] or gusto mong magpasaya ng tao o may sinisinta ka o pwede mo rin ibigay sa syota mo. Wala lang akong magawa ngayon.....
NO HARVEST
Ipinalabas ngayon ang Haw-Ang. Isang indie film na parang pinortray ang buhay sa Banaue. Maganda ang effects, pagkakalapat ng musika at madali kong nakuha ang istorya nya at ang katatapusan nito. Sa simula pa lang ramdam ko na mamatay ang guro nilang madre at maitatayo ang paaralan. MAgkakaroon din ng affair ang ama nya at ang madre. Nangyari nga iyon. Kwento kasi ito ng isang madre na nag-struggle para lang maturuan ang mga estudyante nya at makapagpatayo ng paaralan. Maraming EPAL habang nagplay ang pelikula. I was shocked sa Love Scene. Hindi dahil HAYUK ako sa ganoong bagay. Katunayan, parang walang kwenta sa akin ang love scene at maari i-rate na isa sa mga mahihinang klase. Na shock ako dahil inilabas ito sa LHS. AT NAKITA KO ANG EMOSYON NG BAWAT ISA. BABAE MAN O LALAKE.
Currently Playing:Ang 10 minute ng tugtugin ni Beethoven entitled, Ode To Joy
"Aalamin ko rin yan. Gamit ang sarili ko lamang..."
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 6:10 PM
Wednesday, December 12, 2007
Lalahok nga ba ako?
"Makikilahok ako sa talakayan sa klase ni Gng. Lai"
Ang pangungusap na nagpaiyak sa 6 na estudyante [yung iba hindi halata]. Sino nga naman ang makakakaya ng 200 salita na ipagkakasya sa 1/8 na papel? Well, medyo nagturo ito ng Life Lessons na magagamit ng aking mga kamag-aral sa buhay nila... 5 ito.
1. Don't Mess up with Gng. Lai
2. Never dare anyone whom you are not acquainted with
3. Use cursive writing
4. Take your time
5. Practice writing at home
Katunayan, nagsilbing COMMERCIAL ito sa Subject ni MR. Dumrique. Ang Stenography. BAkit? Kasi, ibig sabihin lang doon, matuto kayo magsulat ng steno! PArang sabi ni Gng LAi, "Imagine life without Gregg Shorthand!" Alam ko marami ang na-offend talaga sa pangyayari. Hindi ko masasabi na STUPIDITY ito ng iba dahil sinubok lang nila si mam Lai. Hindi ko rin masisi ang ibang nag-object dahil alam ko napilitan na sila dahil desisyon ito ng iba. Well, as for me, I am a neutral. Ayokong pumanig dahil ayoko gawin ito pero ayoko umayaw dahil wala rin namang kwenta kung mag-oobject pa ako.
--------------------------------VSO--------------------------------------------------
"Pasko na naman, ngunit wala ka pa, hanggang kailan kaya ako maghihitay sa iyo... Bakit ba naman, kailangan lumisan pa, ang tanging hangad ko lang ay makapiling ka"
Paskong pasko na. Pero ramdam ko ba? Pagkatapos ng lahat ng nangyari nuong mga nakaraang araw nasundan pa ngayon. Pilay ang aking L thumb. KAya not functioning siya ngayon. Para siyang extra finger ni Lloyd. PEro, actually, kaya ko napili ang tugtog na ito for 1 good reason. Kung hindi nyo alam, PAKINGGAN MAIGI ANG KANTA. Pero I really feel the Christmas Spirit. Una kasi malamig. Pangalawa, there are ALL MY FRIENDS na sumuporta at nakiramay sa pagkawala ng lahat sa akin. Meron na lamang 13 days bago magpasko!
---------------------------------VSI-------------------------------------------------
Baklang matanda:uy may lalaki!
Black Nigerian GAy Gorilla:Hi poh!
Baklang matanda:YUCKS!!!!! MUKHANG INIDORO!!!! AT CHINOPCHOP NA GORILLA!
Lady:Hi, Mahal kita
Extra:F*CKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK
--------------------------MotherVictor City-----------------------------------------
"Do I know how to love? Maybe not. I am a programmed cold-blooded mammal"
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 8:30 PM
La Homme Sans Identite
Last Episode
Lumapit si Norman at Louie at agad na itinago ang hawak
"Ano yun?" mausisang tanong ni Norman.
"Ano, yung hawak ko?" kalmadong sagot ni Ken
"Ano yun? Parang makinang eh!" dagdag ni Louie na may himig na nang-gagago
Dahan dahan nilabas ni Ken ang isang relo na mula sa na-raid na store. Peke ito pero makinang. Nakasilid ito sa isang plastik na ginagamit sa imbestigasyon.
"Relo?" pagkagulat ni Louie at Norman.
"Gagamitin ko ito sa imbestigasyon ko kung sino ang mastermind sa nasabing smuggled fake goods." sagot ni Ken
"Ay, Man, samahan mo muna ako kay Henry." anyaya ni Louie
"Sige na Ken, sana mahuli na natin yung pinakautak ng gang dito lalo na ang kumidnap sa asawa mo." sabi ni Norman.
Umalis na ang dalawa. Habang naglalakad...
"Muntikan na mawalan ng aasawa si Ken pero ganon pa rin siya, hindi pa rin nya isinusuko ang dyamante."paliwanag ni Norman
"Ewan ko ba kay Ken! Siyanga pala, pansinin mo si Henry sa mga sumunod na araw, mukhang tuliro." pag-ayon ni Louie
"Bago ibigay ang dyamante, narinig ko ang pagkainggit ni Henry kay Ken dahil sa pagkakakuha nito nung dyamante. Ang masaklap pa sinabi nya na kukunin daw nya iyon dahil bawal sa batas iyon." kwento ni Norman
"Teka, ibig sabihin may pagnanasa si Henry sa dyamante? Nahahalata ko ito pero tuwing kasama ko siya, minsan lang siya magsalita ukol sa dyamante. Laging nakatuon ang pansin nya sa misyon natin.." pagdududa ni Louie
"Pare, hindi ko maintindihan ang nangyayari sa mundo. Lahat ng nakakaalam gusto nung dyamante!" balisang sagot ni Norman
"Maliban sa atin." sagot ni Louie
"Asan si Manuel?" tanong ni Norman
"Malamang andun sa ibang departamento. Ewan ko nga kung may gusto siya sa dyamante eh." sabi ni Louie
"Pare, hindi lahat ng inaasahan mo, iyon ang nangyayari. Minsan imposible pero yun pala." sagot ni Norman.
Ilang araw ang lumipas. Nag-absent si Norman sa pulisya. Wala siyang iniwan na note o nao man. Lumabas na lamang na patay na siya at ang hinihinala na pumatay sa kanya ay ang gang na hinahabol nila. Dahil sa pangyayari, tinanggal sa mission ang natitira pang pulis na sina Kenneth, Manuel, Louie at Henry. Nawala din ang dyamante na tinatago ni Ken at inamin nya ito kay Louie. Si Henry naman ang pinaghihinalaan ni Louie na nagnakaw ng dyamante. ISang araw nagkasalubong sila.
"PAre, sagutin mo nga ako." pagalit na pahayag ni Louie
"Bakit?" tanong ni Henry na tila bang natatakot
"Nasaan ang dyamante. Alam ko matagal mo na gusto ang dyamante. Pero kailangan mo bang magsukab sa ating kaibigan?!?!" Tanong ni Louie
"Hindi! Wala akong intensyon dun!" pagalit na sinabi ni Henry
"PATUNAYAN MO!"sagot naman ni Louie
Nagpaliwanag si Henry. Umalis si Louie at dumiretso sa kanyang kwarto sa pulisya. Nagdrawing siya ng diagram.
"Ken, Henry, Manuel at Norman. Patay na si Norman, slash. Si Ken ang nagmamayari, slash. Si Henry, umamin, slash. Si Manuel, hindi nakikipag-usap, slash. Walang natira kundi ako. Pero wala akong tangka sa dyamante! Iniwan ko na ang buhay kong ganyan noong nakaraang taon! Teka, ano nga ba ang unang nangyari. Ang pag-raid. Nakakuha si Ken ng dyamante. Ramdam ko na gusto ito ni Henry. Walang pakialam si Manuel. Si Norman, laging nagkukwento tungkol sa maaring kapalit pero wala kaming tangka duon... Tapos may nagkidnap sa asawa ni Ken. Maaring nagbigay si KEn ng pekeng dyamante dahil nasa kanya pa rin ang dyamante. Then, namatay si Norman at nakita ang bangkay na lamog. Si Henry, sabi hindi nya kailangan ang dyamante... Hindi kaya pakana ito ni Ken? Para maitago ang dyamante? PEro teka...... NGAYON ANG PAGSISIMULA NG PANIBAGONG MISYON."
Kinaumagahan, wala ng gamit si Louie sa mesa. Nagiwan siya ng mensahe na nakalagay "Goodbye Cruel World" at may initials sa ibaba na L.V. Napapabalita na rina ng sunod-sunod na pagkamatay ng mga tao na hinihinalang may koneksyon sa gang. Nagalit ang Human Rights at ipinangako ang pagbitay sa gumawa nito. LAhat ng namatay ay iniiwan ng calling card na nakalagay BC-IHI-FAC. Akala nila ito ay isang pangalan, lugar nya at departamento sa pulisya. Makalipas ang ilang araw, namatay ang isang senador. May katabi siyang tape recorder na naglalaman ng kanyang kasamaan..
Pinaghihinalaan sa departamento nila Ken na si Louie ito pero pagkatapos niyang umalis ng opisina, tumawag siya at sinabing nasa probinsya siya dahil may karamdaman siya. Nakapagpaalam din pala siya sa Regional Director nila.
Tinawag ang killer na LHSI o La Homme Sans Identite. Isang salitang French na nagsasabing The Man Without Identity.
Ilang linggo pa ang lumipas habang naglalakad si Ken ay nagulat siya sa nakita nya. Ito ay ang bangkay ni Norman. Halatang kababaril lang sa tao.
"Shit! Patay na siya dati! Pero, siya talaga ito!" pagkagulat ni Ken
"Gulat ka no?" biglang litaw ni Louie
"Louie? Ikaw yan?" pagdududa ni Louie.
Hindi sumagot ang lalaki. "Narito ang dyamante mo. Siyanga pala, identified yang taong yan as Norman Legaspi, leader ng grupong hinahabol ninyo. Kumidnap sa asawa mo at nagtago sa mahigit 50 pangalan."
"Pero-"
"Nagulat ka dahil alam mong patay na siya. Isa itong kalokohan. Ang taong lamog ay isang tao na nagngangalang Lloyd Jose. Isa sa mga pulis. Pinatay siya ni Norman at ginamit na sarili nya. May kasabwat siya sa NBI para palabasing si Norman talaga ito. Pagkatapos, lalo nya pinalakas ang gang nya. Ang masaklap ang hawak mong dyamante ang tangi nyang gusto." paliwanag ni Louie
"Pero, kaibigan ko siya! Saka maari nya itong dukutin sa akin kahit kailan! Saka-"
"Yun ang akala mo. Gusto nya ang dyamante. Paano nya madudukot kung nagkukunwari siyang walang tangka sa dyamante?" kalmadong sagot ni Louie
"Ano bang meron dito? KAsi mahal siya?" mausisang tanong ni Ken
"Hindi. Iyan kasi ang kanilang natatanging bagay na maari nilang gamitin sa pagbubukas ng Vault nila sa Gregg Bank. Ang vault na naglalaman ng milyong-milyong dolyar."
"Pero- Teka! San ka pupunta?!?! May itatanong pa ako!"
"Tama na. Aalis na ako. Umalis ka na para hindi ka masisi." sabi ni Louie habang naglalakad palayo.
"Anong pangalan mo?!?!" pasigaw na tanong ni Ken
"LV 107"
Kinaumagahan, nakita ni Ken ang note ni Louie bago siya nag-resign sa pagiging pulis. Mga kaibigan ko, AALIS AKO DAHIL ako ay may sakit. MERON PANG MISYON tayo dati na AKO ang namumuno. Sana ay okay lang kayo. ITo nga pala ang ID number ko, 23989613. LV
Agad tumakbo si KEn sa kwarto nya.
"LV? Tapos 23989613, BCIHIFAC. Shit. At yung mga all caps na letters... Hay naku Louie..."
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 7:33 PM
Tuesday, December 11, 2007
"We were not given names, We were given numbers"
Dahil sa wala talaga akong magawa ngayong araw na ito, nanuod na lamang ako ng HITMAN. Flashback ang kanyang istorya. Ang maganda lang, meron siyang barcode. Ang istorya ay tungkol sa isang kaliluhan. Wala na akong masabi. Basta maganda siya yun nga lang walang Love Scene dahil sila ay pinalaki ng simbahan. Actually, Orthodox Church ito. Sana doon na laman gako nagaral kaso kailangan kalbo ka talaga.
Tumutugtog ngayon ang aking operatic na tugtugin. Ang mga tugtog ni Beethoven at ang Ave Maria.
Ikalawang araw na walang cellphone. Para talaga akong half dead dahil sa pagkawala ng Cellphone ko. Pero kung si Sam Concepcion nga wala, ako pa kaya? May Death Threat ang buhay dahil sa aking karisma????
Nailabas na halos ang gameplay ng GTA IV. Pero WALA SA PC!!!!!!!!!!1
Wala talaga ako magawa sa buhay ko ngayon. I want to fulfill my missions.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 7:45 PM
Monday, December 10, 2007
I Lost 3/4 of my Life
Early in the Morning, isang napakasakit na pangyayari ang gumulat sa akin. I was fucking robbed. Nakuha ang aking cellphone. Wala na akong nagawa dahil huli na rin ng nalaman ko. Pero as soon as makita ko yung lalaking yun, ako na ang huling makakakita sa kanya. Siyempre bilang kaparusahan, binigyan ako ng parusa pero I had to accept it. Tanga ako. Nawalan na ako ng files sa PC ngayon naman cellphone. You know what's next? My Life.
Walang kwenta talaga ang araw na ito. Una dahil walang kwenta, pangalawa wala talagang kwenta at pangatlo ay dahil sa mga epal na tinitingnan ako bilang artista. Yung mga taong WALANG MAGAWA at iniintriga na lang ang nanahimik na tao. Gusto ko na sana patayin dahil na rin sa problema ko ngayong araw pero napigilan ako ng konsensya ko. Gusto ko lang sabihin na TIGILAN NYO NA AKO. Pero kung gusto nyo mabura, ituloy nyo lang. YUNG IBA KASI, epal talaga at lubhang epal. Nakakarami ka ng lintik ka, ulitin mo pa talaga, GAGO!
"Hindi ko kasi siya kilala eh"
"Taga-saan ba?"
"Ayoko nga sabihin!"
Akala ko kaya kong gawing Cyborg ang sarili ko. Kung saan programmed ako para gawin ang isang task without any problems. Pero na sira ang System Files ko. Sa di ko inaasahanang pangyayari, nagkaroon ako ng puso na matagal ng nawala mula ng na modify ako. Pero alam ko naguguluhan pa ako sa ngayon. FOCUS! Iyon ang pumapasok sa isip ko palagi FOCUS! Kailangan ko muna tapusin ang mission ko before I turn off. Masakit man sabihin, I have to think this over. Alam ko paghanga lang ito, wala ng ibang ibig sabihin. Sana nga....
For the first time, ngayon lang ako nakaramdam ng matinding pagkapagod at pagkahapo. Dahil na rin siguro sa sunod-sunod na dagok na dumating sa akin. Minsan I tend to think na talagang wala na, PERO GANON NGA LANG BA KADALI? I have lost 3/4 of my life. If I lost another 1/8, 5/8 na lang ang matitira. Sana, kung may mawala muli sa akin, yung BUONG 1/4 na. Para naman hindi na ako mamroblema. Pero gusto ko mawala ang 1/4 in a memorable date para naman maalala pa ako ng mga taong nanlait, nang-alipusta, tumulong, ginago ako, pinaasa ako, at iba pa.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 8:47 PM
Saturday, December 8, 2007
Mga Bagay na Pinagdadalamhatian
Thursday, Dec. 6, 2007
Isang pangyayari na hindi ko inaasahana ng naganap. Nagkaroon ako ng scar sa aking L eye. Dahil na rin sa sobrang sakit, hindi ako nakapasok at ang masaklap, ang pinag-ensayuhan ko ng 3 araw ay nawala ng dahil sa ganoong pangyayari...
Saturday, 8 Dec, 2007
Isang napakasaklap na pangyayari ang nangyari sa aking pinakamamahal na PC. Hindi maayos ang pagpapatay sa kanya kaya siya ay nagloko. Corrupted lahat ng files and erased. Ang masaklap, kailangan ng Reformatting. Lahat ng files ko about Victor, music, videos, gameplay, photos, mga binigay ni Mr. Figueroa, programs, and downloaded files ay erased. Ang pinakamasaklap sa lahat ay ang PAGKAKABURA NG SAN ANDREAS KO. Bumalik na ako sa Los Santos bilang isang mayaman na tao and naka tuxedo and now, babalik ako sa isang payatot at walang kwentang baklang CJ [Carl Johnson]. Andami pa namang mga missions that require luck para manalo. Gayunpaman, nag download ang programmer ng NBA 2008 at NFS Underground 2 pero hindi pa rin ito makakapawi ng lungkot na idinulot ng pagkamatay ni Don Johnson. Babalik siya bilang utusan na CJ.
Isang araw, naisipan sumabay ni Ms. Virgino sa amin ni Mr. Figueroa [ang napakagaling na maker ng gameplay ng MotherVictor City]. Pero bago siya sumabay, mayroon akong naalala sa kanyang pabango. Isang tao na aking pinagsisihan at nagdulot ng malaking dagok sa buhay ko. Isang musa na nagbigay ng isang history sa buhay ko. Well, buti na lang at kumain ako sa 88 Food House. Ang tindahan ni Figueroa, wala talaga ako masabi kundi Perfecto.
Nakakaasar ang araw na ito pero ano pa ba ang gagawin ko??? Hay naku... We call this day na Araw ng AT o Agaw Trip.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 8:35 PM
Friday, December 7, 2007
The Official Gameplay
Narito na ang Official Gameplay ng MotherVictor City!
Meron din nyan sa kanyang OFFICIAL WEBSITE
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 6:43 PM
Wednesday, December 5, 2007
La Homme Sans Identite
Episode II
[Nagtuloy sa paguusap si Ken at Louie]
"Wag muna kayo pumasok."
"Anong problema mo LOUIE!?" paasar na tanong ni Manuel.
"Papasok kami." pagalit na sinabi ni Ken
"Team! Inside!" utos ni Manuel
[lumapit bigla si Henry kay Louie]
"Hindi mo ba sila pipigilan? Hindi pa tapos ang SCANNING kung may tao sa loob ng area eh!"
"Hayaan mo sila. Sinabi ko lang ang dapat nilang gawin."
[Sa loob ng area, nakakita sila ng madilim na corridor. Nakasara ito by a wooden gate. Binuksan ni Ken ang pinto]
"Mauuna na ako."
"Pare wag na tayo tumuloy." padudang sagot ni Norman
"Baka trap door lang iyan." dagdag ni Manuel
"Kung ayaw nyo, lumabas kayo! Naging pulis pa kayo!" pagalit na sinabi ni Ken at dumiretso siya sa corridor. Lumabas sina Norman at Manuel. Makaraan ang ilang minuto humahangos papalapit si Henry]
"Pare, scanned na, walang tao!"
"Pasukin na natin at the count of three. One.. Two.."
[Biglang nagbukas ang pinto]
"Wala naman akong nakitang facts o proof." sinabi ni Ken sa kanila.
"Papasukin pa rin namin." sinabi ni Louie.
[ilang araw ang lumipas at isang araw, napalakad si Louie at si Norman sa kwarto ni Ken at nakitang may hawak siyang isang bag ng DYAMANTE]
"Dyamante? Saan mo nakuha iyan?" tanong ni Louie
"Akin ito." sagot ni Ken. "Katunayan nyan meron akong pinagbilhan nyan. Pumunta kayo sa address na ito."
"Pare may tawag ka ata." singit ni Norman.
"Hawak ko ang asawa mo, ibalik mo ang dyamante within 2 days or you will never see your wife." sabi ng isang boses sa telepono.
[Binaba ni Ken ang telepono. Parang ayaw nyang isuko ang dyamante dahil bata pa siya, gusto na niya nito. Ang masaklap, hostage ang asawa nya.]
"May problema?" tanong ni Norman.
"Wala naman. Saan nga pala si Manuel?"
"Andun ma kausap yung janitress na maganda." paasar ni Louie.
"Sige, maiwan ka muna namin at mamamasyal lang kami." sabi ni Norman.
[Lumabas na ng Police Station sila Norman at Louie. Hindi para mamasyal kundi para hanapina ang pinanggalingan ng dyamante. Pagdating sa tindahan]
"Ah. Oo. Bumili nga siya dito." sabi ng tindero
[Naniwala na sina Norman at Louie ngunit ng sinabi nila ito kay Ken habang sila ay kumakain, nagsalita si Ken]
"Pinanindigan nung tindero na sa kanya galing to?"
"Oo. At naniniwala na kami." tugon ni Louie
"Naka-ayos lahat ng iyon. Hindi talaga akin ito."
"Eh kanino yan?" tanong ni Norman
[Ngumiti lang si Ken. Umabot ng gabi sa Police Station at wala na masyadong tao.]
"Pare alam ko mapgkakatiwalaan ka eh. Kaya may aaminin ako sa iyo." tawag ni Ken
"Ano yun?" tanong ni Louie na inaasahan malaman kung saan galing ang dyamante.
"Ang asawa ko? Si Maria, hostage ngayon." sabi ni Ken
"HA?!?! Kailangan mo ng rescue o ano?"
"wala pare. Ang kailangan lang nila ay ang dyamanteng nakuha ko sa safe house." kalmadong sagot ni Ken
"E di ibalik mo!" Sagot ni Louie.
[Ilang araw din ang lumipas. Sinabi ni Ken sa asawa nya na mahal na mahal nya ito kahit pa dyamante ang kapalit. Ang nakakapagtaka ay kung minsan ay nakikita ng asawa nya ang bag ng dyamante na pilit dinedeny ni Ken. Nakakaramdam na ang asawa ni Ken na nakay Ken pa ang dyamante. Isang araw sa Police Station. Nararamdaman ni Louie na may hawak si Ken sa kanyang opisina. sinilip nya ito]
"DYAMANTE?!?! Pero-"
"Pare, mukha kang tang-" naputol ang sasabihin ni Norman ng hintak siya ni Louie.
"SHHH!!! Tingnan mo yung hawak ni Ken!"
"Dyamante. Oh ano?"
"Tanga! NAkuha na nya ang asawa nya pero ang dyamante-"
"Oo nga no?" paayon ni Norman.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 8:04 PM
20 days
20 days na lamang at sasapit na ang kapaskuhan. Ang araw na pinakahihintay ng karamihan. Sa ating mga pilipino, napakahaba ng pasko, yung iba, oktubre pa lang may dekorasyon na ang bahay at umaabot ang pasko hanggang sa unang linggo ng Enero. Meron pa man 20 araw na natitira, meron na lamang 2348 oras para sa belen bukas.
Hindi mataas ang aking posisyon. Ako ay isang abnormal na townsmen lamang. Ang masaklap, merong "kabute" na biglang sumulpot at laging pinagdidiinan sa isip namin ang POC or sa kanya, pokus. Inabot na kami ng gabi sa kanyang "pokus-effect". Ang masaklap, hindi ko alam kung saan siya galing, sino siya o kung ano man. Ang alam ko kabute siya.
KADETE
1 year ago, nahulog ang loob ko sa isang napakagandang dilag na officer sa Citizenship Advancement Training. Mula ng maputol ang aming koneksyon at lahat ng tungkol sa amin: noong dumating ako sa ikalawang taon, hindi na natuto pa umibig ang puso ko at tinuon ang sarili sa laro. Tama na ang drama, natatandaan ko, tuwing nagkikita kami at naguusap, palagi nyang tinatanong kung gusto ko maging isang kadete. [alam nyo na yun.] Ang masaklap noong first year ako, napakasama ng loob ko sa mga iyan dahil nga sa laging pagsita sa aking buhok [kahit ako'y halos kalbo na] at ang madalasang paghuli, pagkuha ng ID, pagharang, pakikipagprotesta, pagwasak ng karapatan, at pakikipagtalo. Natatandaan ko pa ang pagtatalo namin ni _ _ _ _ _ _. Pero least sya. Kaya sa tuwing tinatanong nya kung mag kakadete ako ang sagot ko ay hindi. Nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata, pero buo ang desisyon ko. Minsan, kahit sa SMS o text ay napaguusapan din namin ang pagkakadete. Nuong magtatapos na ang lahat, tinanong nya muli ito sa akin,
"Gusto mo ba mag kadete?"
"Ayoko po talaga eh"
"Bakit naman?"
"Mahirap yun eh, pinahihirapan, inuutusan at kung anu-ano pa"
"Hindi naman. Saka masarap kaya maging officer"
"Pero sa dulo pa po iyon, kailangan ko pa dumaan ng pahirap, ang gupit na hindi ko gusto at ang pagpasok ng polo sa loob ng pantalon"
"Madali lang kaya yun! Saka tingin nyo lang mahirap pero masaya yun!"
"Ewan ko po."
"Mag-kadete ka kasi! Sige, babalik ako dito pag kadete at officer ka na!"
Naantig ang puso ko. Pero buo ang desisyon ko
"Balik na lang po kayo kapag CAT na ako."
"Ayaw mo ba talaga mag kadete?"
"Naiilang po kasi ako sa panlabas na anyo eh. Saka parang hindi ko po tipo ang ganong mga gawain."
"Maari mo ba akong samahan? May bibilhin lang ako?"
Pinutol na nya ang conversation. Nuong nalaman ko na lahat ng kanyang mga naging nobyo ay Officer at magsusundalo, hindi ako natinag. Buo talaga ang desisyon ko. Mula noon, wala na uli pang nagtanong.
Isang gabi nakita ko siya na kasama ang mga bagong kadete. Kailangan ko talaga umiwas para matigil ang issue. Ngayong umaga na ito, tinanong ako ng isang kadete na may balak manghuli sa amin dati.
"Mag kakadete ka ba?"
Bumalik sa akin ang pangyayari dated back 8 months ago.
"Hindi po."
"Eh si Gianan?"
"Lalo na po! Pareho kami nyan eh!"
"Eh si LJ? [tinatawag nilang LJ si Aljon, hindi ko alam.]"
"Hindi rin yan. Buo po ang isip namin."
"Kasi yung mga mag kakadete sa susunod na taon ay panay maliliit eh. Saka bagay ka maging kadete."
Sa buhok kong ito?!?! BAgay? E lagi nga ako nagpapahuli sa kanila eh!
"Ayoko po talaga nun."
Ipinaliwanag nya sa akin ang kagandahan ng mga kadete, medyo mahaba-haba ang usapan hanggang sumagot ako.
"Kasi po, parang hindi ko talaga gusto."
May pumasok na isa pang kadete. Kinausap ng kadeteng kausap ko ang dumating at tinanong,
"Nahikayat mo na sila?"
"Hindi ko pa nakakausap eh!"
Lumingon uli siya sa akin. Ang akala kong papatay at kikitil sa aking buhay ay nagmukhang mabait na salesman na nang aalok ng pagka-kadete. Parang nawala ang galit ko sa mga kadete, ang kanilang anyo, ang buhay nila at ang hinanakit.
"Saka lagi kang dumadaan sa likod eh."
"Nasanay lang po ako, mula pa kasi 1st year, dyan na ako. Ayoko kasi masyado sumabay sa mga tao eh."
"Sagarin mo na hanggang 4th year-"
Hindi na nya natuloy pa ang kanyang pagsasalita. Hindi ko rin naitanong kung bakit LAHAT ng opiser at kadete ay duon dumadaan....
THE 100 MOB
Meron akong bagong acquaintance ngayon. Siya ay si Herodes o sa tunay na buhay ay Matthew pero mas kilala sa tawag na Dako. Dahil wala kaming magawa, naisipan nyang manloko ng mga tao. Umabot sa point na lumalapit pa siya at nakikipagkilala para lang sa walang dahilan. Babae, lalaki, bakla nilalapitan nya. Mula tangahli hanggang gabi yun lang ang ginagawa nya at kami naman ay nageenjoy sa expression ng lahat ng tao. Pakilala nya isa siyang transferee na foreigner na galing sa Michigan. Siya ay si Travus. Madaming nauto. Kung susumahin mo nga lampas 100 ang natanong nyang pangalan. Almost only 8% ang hindi nagpakilala kasama ang isang bakla. At 74% ang tuwang-tuwa kasama din ang baklang si Rapahael. Marami din akong nalaman tungkol sa mga nakaraang pangyayari sa PUP bago pa kami dumating. Para ngang LHS Stories. Sana nga meron ako kahit half of his courage to do that...
Wala akong maikukwento sa mga classroom dahil sa whole day akong wala doon... Pero I consider this day as a SHAME DAY. Dahil na rin siguro sa pag-aacting sa Freedom Park sa harap ng mga mapanlait na baklang mata. Lalo na nuong ni-recite namin ang Alphabet ng malakas, talagang nakakahiya.
Kahit nakahihiya, maraming nangyari at bumalik sa aking alaala, mga taong nakausap na dating inaakalang dudurog sa akin, makipaghalubilo sa mga taong hindi ko kilala atbp...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 7:21 PM
Tuesday, December 4, 2007
I am not born to kill, I am Just destined...
Dahil sa nakatatakot na pagatake ng Sleeping Dragon, ay naisipan ko na rin sumunod sa kanyang demands. Ang masaklap, mababawasan ng kaunting parte ang aking katawan. Ito ay ang buhok. Nagpagupit na ako at ng ako'y pauwi na ay may nakasabay na mailondog na binibini. Ako ay namangha at natulala. Hindi ako natulala sa babae, natulala ako dahil mali ang nasakyan kong JEEP. Imbes na Santol ang sasakyan ko ay Punta ang aking nasakyan. Anyway dadaan din naman ito sa Stop and Shop, sa kanlungan ng Santol Jeep. Maganda ang nasabing binibini, pero siyempre, I hve to mandate Self-Control. So ayun, kahit ramdam ko na tingin siya ng tingin, kunwari dedma lang para hindi halata. Pero lilinawin ko, hindi ako na-"love-at-first-sight" That's a gay thing practiced by fockers. Masaya na sana ang lahat ng napasakay na ako sa jeep ng aking destinasyon, isang manyak na bakla ang aking nakatabi. Parang nag-take advantage pa siya dahil masikip ang jeep dahil SAKIM ang driver. Well, ayun, gusto ko na siyang patayin. PEro wala pa naman siyang ginagawa. Hay naku, mga bakla talaga, they suck. Mga taong binigyan ng kasarian pero naghahanap pa ng iba. KAy sarap kaya maging lalake! Well, tama na dyan...
"Ang mga katoliko, pupunta sa hell, ang mga christian, sa langit"
"Nasa bibliya ang salitang GAGO"
Ito ay ilan lamang sa famous sayings ng isa kong kaibigan na apo ni Bonifacio na itatago natin sa ngalang Lucy. Noon pa man, base sa pagkakaalam ng Vintage Spy ay relihiyosa na si Lucy. Well dahil na rin sa hindi siya katulad kong KATOLIKO na "makasalanan" Ngunit nasasabi sa bibliya na masama ang mainggit. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit siya naiingit sa aming nobela at nag tila siyang SPY. Nasuplong kami pero walang nangyari dahil sa kakulangan sa ebidensya. Umabot na ang ikalawang taon sa Hogwarts* pero siya ay maka-diyos pa rin. Ang mapait na katotohanan, isa siyang maninira[not a destroyer. She just bear false witness against her schoolmates and SOME comrades.] at taksil. Nitong hapon lamang, nakatanggap ang Vintage Spy ng mga impormasyon ukol kay Lucy. Una, sabi ng lalaking testigo, ay nagsermon daw siya tungkol sa goodness of the lord. Well that's good. Una dahil naibabalita nya ang magandang balita ng ating panginoon. Ang masaklap ay ang pagbubunyag ng isa pang accomplice na nagwika daw si Lucy na ANG MGA KATOLIKO AY PUPUNTA SA EMPYERNO AT ANG MGA KRISTYANO AY SA LANGIT. Bilang isang katoliko at kristyano, hindi ko ito inuuri ng ganito.
Unang-una ano ang kristyanismo? Ang kristyanismo ay buong pusong pagtanggap kay Hesus. Ang mga katoliko ay naniniwala at sumasamba kay hesus. And for the statement, "Ang mga katoliko ay pupunta sa emyerno at ang mga kristyano ay pupunta sa langit." Walang sinabing ni-isang RELIHIYON sa bibliya na ito lamang ang relihiyon na pupunta sa langit. Mayroong sinabi na ang mga KRISTYANO AT NANINIWALA KAY HESUS ang pupunta sa langit. Then someone will say na ang katoliko ay sa impyerno??? KRISTYANO KAMI! GAGO! Unang-una, kaming mga katoliko ay HINDI naninira sa mga ibang relihiyon. Kung sa tingin mong makasalanan ang mga katoliko, tingnan mo muna ang sarili mo! GAGO! Tingin mo langit ka? Pagkatapos mong magpakalat ng mga KAGAGUHAN na balita? Hindi dahil kabisado mo ang bawat berso ng bibliya ay alam mo na ito! GAGO! Hindi ko man kabisado yan, alam ko ang bawat nilalaman nyan at kaya kong kontrahin anuman ang sabihin mo! GAGO!
Wag ka magmalinis. Lahat tayo putik. Ang pagkakaiba nga lang ng iba ay nagtatago sila sa BUHANGIN para magmukha silang malinis. At yung iba naman ay may ginto na nakatago sa pinaka-loob ng putik...
Isa pa. Isang "maestro" naman ang itatago natin sa pangalang Gallan [kung nanunuod kayo ng GMA, alam nyo ito]. Binendisyunan din nya ang mga katoliko na maging kristyano. Pero syempre, umalma rin ang mga katoliko at naibalik ang kanilang konsekrasyon. HINDI AKO NANUNURI ng relihiyon. Wala akong pakialam dyan. Basta naniniwala ka sa diyos, si Buddha man yan, si Shiva, Vishnu, Brahma, Ahura Mazda, Zeus, Jupiter, Allah, si God the father o si Hesu kristo, ang importante, GUMAWA ka ng mabuti at makatutulong sa ibang tao.
Alam kong medyo "ispiritwal" ang king post pero dahil na rin ito siguro sa dala ng damdamin. Wala naman kasing sinabi kung sino ang pupunta sa langit. MAy sinabi ba doon na _ _ _ _ _ _ at _ _ _ _ _ _ ang makapupunta?
May bagong imbestigasyon ang Vintage Spy. Ang isa sa mga kawani ng 3rd Avenue na si Dan Figueroa ay malungkot. BAkit kaya? Abangan ang paglabas ng Episode 2 ng La Homme Sans Identite.
*dahil sa sobrang pagbawas at pagdagdag ng puntos na para bang sa HOGWARTS. Yun nga lang house points yung doon.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 6:41 PM
Monday, December 3, 2007
The Better Protagonist
Claude Speed, Tommy Vercetti, Carl Johnson... Sila ang mga protagonist sa lahat ng laro ng GTA. Iba't-iba ang mga paningin ng mga tao kung sino ang best protagonist. Kaya si Victor Raspag ay isang better protagonist para siya ay walang kaagaw. Pero saan nga ba nagmula ang protagonist na si Victor Raspag? Pati na rin si Victor Gaspard. Saan galing ang pangalawang Captain Nguso? Saan galing ang Giant Gay Gorilla at saan galing si MotherVictor? Sila ay galing sa iisang walang kwentang tao. And to give you a short background, narito ang kanyang unang photo.
[medyo nag-blur ang mukha para itago ang kahihiyan]
Mukha man siyang ganyan ngayon, siga, mataba at kung ano-ano pa, sa totoo lang dati maitim na siya. Ang pagkakaiba nga lang, mukha siyang kinawawang bata. Narito ang kanyang kuha noong siya ay grade 1 pa lamang. Tingnan ang nakabilog.
Sa 1,719,361 na nanuod sa kanya thru different sites, Sa 739,207 na nanuos ng kanyang mga commercials at sa 185 links na kumuha sa kanyang mga natatanging videos, sa mahigit kumulang 375 na PUP secondary school na sumuporta, mula sa 18 bansang nakapanuod ng kanyang videos, sa 2 kong kasama na walang humpay na gumagawa ng paraan para lamang makuhanan si Victor, ang Vintage Spy Pictures ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng ito.
Maiba tayo, mayroon talagang mga bagay na panatilihing liham dahil na rin sa mga taong nakapaligid, Minsan ang bagay na napakatagal ng sarado ay muling mabubuksan...
Maaring sa taong pinagsarhan nito...
O sa ibang taong nakatayo at nagpapahiwatig...
Kahit hindi mo ito inaasahan mabuksang muli,
Mabubuksan uli ito maging ang magbukas ay iba o siya mismong nagsara nito...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 6:57 PM
Saturday, December 1, 2007
Liberty City in San Andreas
Damn! Kagagaling ko lang sa Liberty City! Yun nga lang sa loob lang ng St. Mark's Bistro. Well, bukas na ang exploration ko sa nasabing city. Pero as soon as makarating ako, kukuha ako ng footages!!! Hahaha
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 10:21 PM
StowAway
Almost 234 times kong inulit ang Mission na ito until finally, today, natapos ko rin. Napaka-simple lang naman nang gagawin, hahabulin mo ang isang eroplano, ipapasok mo ang motor mo sa loob at pasabugin ang eroplano. Ang mahirap doon ay ang paghabol sa eroplano. Dahil sa bilis ng eroplano, mahirap ito habulin ng isang motor. Basta, napakahirap.
Yun lang talaga ang nagawa ko sa araw na ito. Syanga pala, meron na lamang 24 araw bago sumapit ang araw ng kapaskuhan.
Friday, November 30, 2007
Smart is Stupid
Bakit kaya sa tuwing nanunuod ako ng Harry Potter, parang nai-rerelate ko ang aking sarili? Iba talaga eh, para bang- iba. Well unexplainable. Para bang jinxed sya. hahaha. By the way, inoff ng smart ang internet kahapon kaya hindi ako nakapag-internet. akala ko nag-lag na ang PC namin. That was the least of it. Well yung naikwento ko dati na Two Conquerors? Hindi pa siya tapos. Akala ko tapos na. ewan. Buti nalang may San Andreas sa bahay kaya hindi nakakatamad. Well, well.. Wala akong masabi. Ang masasabi ko lang, IMPROVED na ang MOTHERVICTOR CITY THE GAME website!
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 7:23 AM
Wednesday, November 28, 2007
The Sandwich Day
Bukas. Pasukan na naman. Tanga talaga[dahil walang taong bobo] ang organizers nang mga program dito. Bukas na ang huling araw nang aming pagpasok and yet, parang tinatamad na ako tapusin ang Algebra dahil sa 2 dahilan. Una, dahil nakakapikon ang mga equation, pangalawa, i-square mo yung unang dahilan. Bakit sandwich day ay dahil pagkatapos nang bukas ay isang holiday. Pero wala tayo magagawa. Excited si Guevarra maproclaim na pangulo. Anyway, wala talaga akong sasabihin. Ang sasabihin ko lang ay may bago kaming mission nang aking sidekick na hindi ko pangangalanan. Ito ay ang Glorietta Case. ayon sa unang pahayag, bomba ang sumabog pero sa dulo LPG pala. Haizzz. Mahirap intindihin. Sabi nga ni Napoleon Bonaparte, "I saw, I came, I conquer" Nasa saw palang ako. Bukas na ang "came"
Hindi na ako maglalagay masyado dito nang news about the game MotherVictor City dahil may website na ito. Nandun na ang characters at maps. Hintayin ang pagdating nang history, story, at ang missions. Malapit na rin ako maglagay nang downloadable game kaya umantabay lang sa website
Sabi nga, sa isang komposisyon daw, may simula, katawan at wakas. Dumating na tayo sa wakas. Ang aking wakas ay WAKAS.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 10:01 PM
Tuesday, November 27, 2007
Newest Official Website
Dahil nga nalalapit na ang paglalabas nang GTA V MOTHERVICTOR CITY, naisip ko na magkaroon nang official website. Meron siyang links dito sa blog na ito and I hope you enjoy knowing the truth behinnd the game! Salamat!
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 11:04 PM
La Homme' Sans Identite'
Ito ay isang French Word. Bahala na kayo kung paano nyo alamin ang title. Ito ay isang short story na naglalaman lamang nang 5 epsiodes. Every week we shall post 1 episode. This may be satiric? Kung sa tingin nyo. Ito ay ginawa upang hindi lahat nang sikreto ay mabunyag o mabunyag lamang sa wise.
EPISODE I
In the heart of the city, merong isang grupo kung saan sila halos ang nagmamanipulate nang illegal actions sa lugar. Hindi sila mahuli nang pulis una na rin dahil maimpluwensya at makapangyarihan. Isa sa mga VP dito si Ricardo. Mayaman siya pero hindi matalino. Nag-rerely siya sa mga kasama nya. Nang mamatay si Ricardo, nanghina ang grupo at tila ba hindi na nila kaya. Hanggang sa nahuli sila nang mga pulis. Na-raid lahat nang pagawaan nila nang shabu, Nakulong ang dapat makulong, Nakuha lahat nang smuggled goods, nagkaroon din nang patayan. Pero meron pang ibang natira. Kaya gumawa nang fact-finding team ang pulisya na sina Louie Villanueva, Manuel Quirino III, Norman Legaspi, Kenneth Guzman at si Henry Garcia. Si Louie ay isang tao na hindi nagsasalita. Tinatawag siyang Silent Police dahil na rin sa dami nang nahuli nya na walang kaalam-alam. Nahuhuli nya ang mga ito na hindi nararamdaman nang kalaban. Si Manuel, isang dating sakristan ay minsan lang sumama sa ibang pulis. Palagi syang may sariling pinagkakaabalahan. Si Norman naman ay isang pulis na hindi na nagpapakulong nang preso. Pinapatay na nya ang suspect on the spot at kung nakatakas ay papatayin nya. Tinatawag siyang Vigilante pero hindi makulong-kulong dahil walang ebidensya. Si Kenneth Guzman, iang pamilyadong tao at ginagawa ang lahat wag lang mapahamak ang kanyang asawa at anak. Si Ken, gaya nang tawag nang nakararami ay isang pulis na katamtaman lang. Pero sometimes, nakakalimutan na nya ang kanyang pamilya lalo na pag pumunta na sil asa Night Club. At ang pinakahuli si Henry. Si Henry ay ang taong hindi masalita pero computer-genius. Kaya nyang i-hack lahat nang systems kahit pa nang White House.
Hindi nagtagal nakatanggap sila nang report. Ito ay tungkol sa isang namataan na Safe House nila. Lumusob agad ang team at narinig ni Ken ang paguusap
"Nasaan ba?"
"Naitago na po."
"Buti naman at nang may matira pa sa atin."
"teka san nyo ba tinago?"
"Hindi mo alam?"
"Dito!"
[pabulong na nagusap sila Ken at Louie]
"Tumuro sila sa mapa!"
"PAgalis nila, saka natin lusubin para tingnan kung saang parte nang mapa ang tinuro nila."
"Paano naman yun? Hindi naman maiiwan ang daliri nila!"
"Daliri hidni pero ang print nang daliri, oo."
Dumating si Manuel.
"Lumabas na sila. Area Clear."
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 9:05 AM
Monday, November 26, 2007
Map of the New City
Kung ayaw nyo pa rin maniwala na mayroon talagang larong GTA V in spite of all proof na inilabas ng Vintage Spy Pictures at iniisip na kathang-isip lang nang 3rd Avenue ang lahat nang ito, well nagkakamali kayo. Ilalabas ko na dito ang tunay na mapa nang nasabing laro.. It consists of 4 sub-cities or district. Ang Gaspar Town ang original residence ni MotherVictor, ang Las Palmas na may northern, central at southern, ang Chateau de Levougue Island, at ang Xiu Fah na parang Chinatown at sisimulan nang pinakaunang mission. Meron ding mga subislands katulad nang Jasper Island, Baclaran Island at ang Exclusive Island Subdivision na Black Heights. Tama na ang explanation. Mas maganda kung makita nyo na ang tunay na mapa ng laro!
Ilalabas na iyan sa January 1. Pero naglabas na ang 3rd Avenue nang Trial Version. Maari nyong panoorin kung saan mabibili ang laro pag-click mo DITO
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 8:27 PM
A Hundred Peso Bill
Ang Mystery ni Tycoon ay solved na. Hindi ko na sasabihin ang paraan na aking ginamit para mapaamin siya. Pero ang importante, umamin siya. Si Ayala ay malinis na sa mission na ito. Walang pahayag si Tycoon na umaayon sa mga naunang imbestigasyon at inference. Ibig sabihin, ang hinala nang lahat ay walang katotohanan. Meron man siyang mga panahaon napinipili si Ayala ay dahil na rin siguro sa ito ay iniutos namin[my accomplice is confidential]. Wala na dapat itanong pa. Natatandaan ko pa ang kwinento ni Arsene sa akin nuong Setyembre 22. Sabi duon ay may sinisinta daw si Tycoon. [name confidential]. Pero it happened this way, mayroon siyang sinira na CD noong Foundation Day. Sinabi nya na ito ay naglalaman nang HS Musical na kanta. It was "Alemap" na pagbibiyan nya nang nasabing CD. Pero base sa imbestigasyon, lumalabas na si Alemap ay pangalawa lamang at meron kaming nasabing pangalan. IYon ang inuna nya. Itatago natin ang maswerteng babae sa code name na "100" Noon pa ako nakakita nang pruweba sa kanyang celfone. Alam ko na iniisip nyo kung sino si "100"... Si 100 ay isang babae na inibig nang isang sundalo...
Well enough of Tycoon. Meron nanaman na itatago ko bilang si Nucleus. Si Nucleus ay isang tao na ayoko na sabihin dahil ito ay TOP SECRET. Change Topic. MAy kinalolokohan ngayon ang mga kadalgahan sa likod. Ito ay ang paggawa nang istorya. Parang satiric ang dating nang istorya yun nga lang, yun na nga...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 6:23 PM
Saturday, November 24, 2007
Into some Life, Some rain must fall
Ito ay nasaad sa isang tula ni Henry Wadsworth Longfellow. Siya ay isang dalubhasa sa Children's Literature. Well medyo may koneksyon ang title sa post ngayon...
Firstly ay ang sandamakmak nanaman na gawain. Kailangan ipasa ang Algebra, exam sa Algebra, Biology, Statistics at Filipino. Bakit ba isang linggo hindi magkaroon nang walang exam? Heinakuh. Dahil na rin sa dami nang gawain, maari nitong masira ang aking lifestyle at mga SCHEDULED na gagawin.
Bakit ba may mga bagay na hindi ko talaga makalimutan? Pinilit ko na but still it runs in my mind... Though ginawa ko na lahat, ganun pa rin. alam ko this cannot ba easily understood pero dahil wala na rin akong maisulat dahil wala pang pagiimbestiga kay Tycoon, eto na muna isususlat ko...
Lastly, alam nyo ba na ang pangalang James Bond ay hango sa ibon? Galing ito sa American Ornithologist[A man who studies birds], Sa isang Carribean Bird Expert at sa isang libro na ginawa nang isang bird expert. Si Ian Fleming, ang creator nang James Bond ay sadyang mahilig sa ibon. Sabi rin na ang "modern James Bond" daw ay hango sa isang estudyante na 2nd year, nakaupo sa 4th row, 2nd column. Name undefined.
Parami na nang parami ang naghahanap nang GTA V MotherVictor City pero san nga ba makakabili nang Trial Version? Panoorin ang video na ito...
For more info search it on youtube... Just click the Link entitled Vintage Spy Videos to view all it's videos....
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 8:44 PM
Friday, November 23, 2007
A Six Peso Change
"Ma, bayad po. 3 estudyante.."
"Pare oh."
"Eto na po Kuya Tycoon"
"Hindi na. Okay na."
"O kuya oh! bababa na ako"
Ito ay ang pangyayari na makakapag patunay na si Tycoon ay may minamahal. Isa pa ay ang Kape. A tycoon never drinks coffee. But why is he treatting someone for a coffee??? Today is the fall of the Tycoon. Napakalungkot nya at parang frustrated. Ang maganda, he gave something to Ayala. It is the P6 na binalik ni Ayala sa kanya nung pababa na ito. [nakakakilig] Well, as for Ayala, sabi nang isang asset na umibig din sya kay Tycoon. Pero hanggang ngayon din ba? Hindi na namin inusisa pa kung sino ang sinisinta ni Ayala ngayon. Pero maghahanap pa kami nang clues para kay Tycoon... Hindi ko alam ang gagamitin kung technic kay Tycoon. Kung torture o Black mail. Pero kahit wala ako sa pangyayari, maraming tauhan ang Vintage Spy katulad ni Arsene.
Gaya nang aking naipangako, ilalabas ko na ang mga pinakaimportanteng characters sa La Doctrina y Conocimiento. Hindi ko pa mailalabas ang iba. Narito na:
JAMES WILSON-anak ni PEter Wilson. Considered siya as introvert dahil hindi sya nakikipagkaibigan sa mga kaklase nya. Masyado rin sya malihim at mailap sa tao. Kaya marami ang nagiisip kung ano talaga ang estudyanteng ito.
PETER WILSON-ama ni James. siya ang chairman nang ITS o ang International Triad Syndicate. Namatay siya dahil nagtraydor sa kanya ang isa niyang tauhan.
COL. LEO HUGHES-pulis na gustong gustong hulihin ang ITS. PEro hindi nya aasahan na ang ipinakilala nang kanyang anak na si Christine ay siyang tunay na lider nito.
GERARDO LOPEZ-Siya ang nagtarydor kay Peter para makuha ang chairmanship. Siya ang kanang kamay ni Peter.
JAIME FAUSTINO-naging chairman ng ITS. Sinet-up nya si James na dapat manunumpa bilang chairman na nagpa-exile kay James sa Pilipinas. Siya ang namamahala sa lahat nang sindikato sa South America at mga kolonya nang Espanya. Siya ang in-charge sa smuggling.
MONSIEUR LANCE WATERS-in-charge sa gambling. Siya rin ang namamahala sa West katulad ng Europe at America.
LEE ZHUI PAU-Intsik na duda sa bagong chairman at sa ibang kasamahan. In charge sa Asia at sa piracy.
KEN HOMER-Foreigner na pilipino. Siya ay kaklase ni James na may gang na pilit ginugulo ang buhay ni James. Siya ay anak ni Waters na nagiispiya sa mga mangyayari.
[ang tropa]
1. RAMON VALDEZ-kanang kamay ni Ken. Siga nang lugar nila at notorius.
2. MARCO HERNANDEZ-Napasama lang sa tropa. ayaw nya nang gulo. Gusto nya lahat areglo.
3. ALVIN GARCIA-Nagmamaapang na duwag kapag nagiisa.
ANDRE VALENZUELA- Siya ang pilit na nakikipagkaibigan kay James. NA naging sidekick ni James sa kanyang paghihiganti.
CARL MONTANES-Pinakamatalino pero insecure kay James.
JANE SALVADOR-Gusto malaman ang tunay na pagkatao ni James.
PROF. JEFFERSON ANGELES-Guro na kasabwat ni Faustino sa pagaalam nang tunay na kinaroroonan nang anak ni Peter Wilson.
GASPAR MAMARIL-tauhan ni James. Isang tangang alipin
RAYMOND LAURENTE-kanang kamay ni James. Pinlitan ang pangalan ni James sa school bilang si James Velasquez.
Ayan na naipost ko na ang characters nang LDyC. Hintayin ang sa GTA V!!!!
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 5:19 PM
Thursday, November 22, 2007
Ang GTA V
Hindi ko na tinangka pa ilagay sa Wikipedia ang GTA V. Dahil sa mga napakahigpit na alituntunin. Saka hindi pa naman siya developed na laro eh. hehe. PEro as you can see, kahit January 1, 2008 pa siya lalabas eh andami nang bumili nang TRIAL COPY. May Billboard na rin sya sa Araneta Center-Cubao.
Isang "bakla" ang nakasakay namin ni Dan at ni Ayla kanina. Isa siyang nursing student. Siyempre nakaputi yun, pero dahil nga napakalaki nang sapatos ko, tumama ito sa kanyang puting pantalon. Hindi naman madumi ang pantalon. Ang masaklap, dahil nga bakla akala nya naging Black ang kanyang pantalon. Bakit kasi ang aarte nang mga tao? Mabuti pa linisin muna niya ang pagmumukha nya bago nya linisin ang kanyang napakalinis na pantalon...
Nakasalubong namin si Kuya Vincent kanina bago kami umuwi. At dahil na rin sa mga nasaad ni Ayla na ang "M" nya ay talagang Migraso at naipaliwanag nya ang kanilang relasyon ni Leo ay naniniwala na ang Vintage Spy. Dahil nga sa nabanggit ni Leo na mabait na bata si Ayla, ayoko siya madamay sa "Tycoon" case. Well ang case na ito ay pag-iimbestiga sa tunay na puso ni Tycoon. Meron talgang mga abagay na hindi pa sinasabi si Tycoon...
Ang La Doctrina y Conocimiento ay nasa Chapter 3 na. At maaring bukas ay ipost ko na ang orihinal na characters dito. Walang blog ang LDyC dahil ito ay napaka-"classical" kapantay nang Noli at Fili. I mean Filipino.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 6:55 PM
Bit-nam
Back to the Tycoon Mystery. Napansin na rin nang aking kaibigang si "Kazuma" ang ibang kinikilos ni Tycoon. Pero bakit nga ba nangyayari ito? Marami pa rin akong nakuha na facts muli ngayon. Pero magiging obvious na kung sino si TYCOON.
Ano nga ba ang "Bit-Nam"? Mabuti pa ay alamin natin ito mula kay Mr. Escano. Sabi nya kasi, "Ang BITNAM ay isang mhirap na bansa piru sila ay matatalinu." Well andami ko nanamang natutunang life lessons mula kay Mr. Escano. Naalala ko nanaman ang pinakamabait na section at yung malakas na bagyo sa Cavite. Ang maganda pa nyan, nakakuha kami ng bagong proof na ang CN LAB really exists...
"Kayu talaga ang pinakamabait na istudyanti ku. Yung mga ngayun? Mga pliful yung mga yun ih. Dati akung frustrited military. Yung mga ka-batch ku dati sa hi-skul? wala na."
"Patay na sila?"
"Uu. May 2 kasing klasi nang draffffting. Ang Utucad[AutoCad] at tiknikal druwing. Yung natututunan nyu sa skul, 30% lang iyun. Yung natitirang 70% ay basi sa siminars, practice at ixpiriens. Saka dapat talaga ang inggit hindi pairalin."
Napakagandang usapan. Marami pang iba pero wala na akong oras eh.. Siyanga pala, ito ang lagi ninyong tatandaan...
"Magdasal kayu kasi baka malakas ang bagyu"
Masaya dahil nag-uwian nang maaga. Pero ano nga ba ang mga tinitinda sa tiangge? Actually hindi ako masyado nag-enjoy. Dahil kaunti lang ang may kwenta... Haizzz...
Ano pa ba dapat kong sabihin? Actually wala na. So paano ba yan, goodbye for now, wala din akong trivia ngayon eh...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 2:57 PM
Wednesday, November 21, 2007
GTA V's RISE
Talagang Sikat na ang GTA V MotherVictor City. Kung ayaw nyo pa rin maniwala, narito ang isang camera footage. Nakuhanan ito sa Araneta Center-Cubao.
[Ang hindi nakazoom na image na ito ay hindi mailabas dahil ito ay isang bitmap image. Hintayin ang paglabas sa video!
*Note:Ito ay TOTOO talaga...]
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 8:56 PM
"Computer" na parang Calculator...
After a century, nagkaroon din kami nang Statistics. Saka may bagong vocbulary na naidagdag sa akin dahil sa subject. Ito ang:
Computer-is a thing never invented a long time ago. It is used for obtaining a square root of a number... Bakit ba kasi kailangan pang i-alter nang i-alter ang alpabeto at numerals. Sana kasi wag na ito i translate sa "Espanyol" na salita...
Si Mr. Ben T. Mendiola ay isang guro at isa ring doktor. Siya ay isang psychologist. Hindi mo talaga akalain.. Siguro napakayaman nyang tao na hindi siya nagtatrabaho.. Dahil dyan ayoko na maging doktor at guro.. hehe..
Sabi sa unang pahayag, puputulin daw ang klase to give way sa "tiangge". Pero wala itong katotohanan. Sabi ni Ms. Rivera, BREAKTIME lang daw ang pagkakataon pumunta sa tiangge. unknown pa rin ang status...
TYCOON'S CHOICE OF JEEP
Mystery Defined na ang misteryo nang "Drug Dealer" Ang Vintage Spy ay hindi na magaatubili pang imbestigahan ito.. Ang maganda, meron nanamang bagong iimbestigahan. Itatago ko naman siya sa pangalang, TYCOON. Si tycoon ay pinapapili ko nang jeepney kung saan siya lagi sasakay. Pinipili nya maghintay sa dulo kaysa sa magabang sa loob nang jeep at hintayin ito mapuno. Ang nakakapagtaka ngayong araw na ito ay may iba.. Nakita ko si "Ayala"[hindi nya tunay na pangalan] na papasakay sa jeep. [ayoko gumawa nang intriga pero talagang imbestigador lang talaga ako. Saka sa imbestigasyong ito ay hindi ko idadamay si Ayala.] Nakakapagtaka na pinili ni Tycoon ang jeep na pupunuin pa na HINDI pa nya ginawa! So medyo nagduda ako... Well, there's something different kay Tycoon na napansin ko. Iba ang kilos nya. At nararamdaman ko ang kilos na ito tuwing siya ay umiibig. Umiibig nga kaya si Tycoon? Meron kaya siyang inililihim? Iyan ang aalamin nang Vintage Spy with the help of some accomplices. We will do it stealthily... Sino si Tycoon? Siya ay isang lalaki na matapat.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 7:21 PM
Monday, November 19, 2007
Clues Leading to another clue
Dahil nga ako si Vintage Spy, meron nanaman akong mga trabaho na dapat pagtuonan ng pansin.. Well kanina, wala akong balak mag-imbestiga. Until such time I heard of something. Well may mga bagay that should be kept as secret so bibigyan ko lang kayo nang pahapyaw..
"Meron isang Drug Dealer. Syempre meron siyang pamilya at meron siyang mga kaibigan. Alam nang mga kaibigan nya na drug dealer siya ngunit hindi ito alam nang pamilya nya. Pero 2 sa kanyang anak ay nakakuha nang mga clues na magdadala sa susunod pang mga clues. Umaasa pa rin ang 2 anak na makakuha nang clues using some technics.."
Sabi nga nila "Think and talk like Lupin.." So ayan nakuha ko rin ang access sa mga sikreto ni Hepe.. MEron pa siyang "panakip-butas!" O ayan tama na muna sa sikreto...
Speaking of Sikreto.. Meron ibang mga taong nagtataglay nang "Hindi Maitagong Sikreto" ISa na dito si Victor. To explain it thoroughly, ito ay mga dumi sa katawan na kung saan hindi mo maitago or akala mo naitago mo na pero hindi pala. Kalimitin itong nasa likod o nasa nilalagyan nang kwintas.. Mga 1540 hours, naglalakad na kami sa "Sinirang Catwalk" ay may nakita kami sa harap na NAKASUSUKA, NAKASUSUKLAM at NAKADIDIRI na malaking baklang madumi ang batok. Tama ang nabasa nyo! Nakasusuka! Mas maitim pa sa batok ni MotherVictor pero mas kadiri pa. Sobra talagang itim. Para talaga siyang hindi naliligo.. Hay naku, kung yung baklang iyon may hiya pa, wag na siya pumasok.. Kadiri talaga...
"Oh Yeah! Oh Girl!"
Ito lang naman ang kataga nang baklang singer na si S.C. hindi ko na sasabihin kung sino basta mukha siyang "Nasikatan nang Araw"
Extra lamang iyon.. Syanga pala.. Kanina ay nag survey kung sinong "pinaka-gwapo o pinakamaganda" Ano nga ba ang essence nang paggawa nang ganitong klaseng survey? Para yumabang nanaman ang "ibang" feeling gwapo? Para nanaman mag aarte ang akala magaganda? No essence talaga. PEro para samantalahin ang pagkakataon na pasikatin si Victor U. Gaspar III, siya ang naging inspirasyon namin sa pagsulat. WAla talaga akong balak ilagay ang pangalan nang "ibang" kina-career ang pagiging "Gwapong-Gago". Basta ang masasabi ko lang walang kwenta yan...
Dahil gusto talaga namin pasikatin ang bagong larong GTA V, HINTAYIN ANG KANYANG PAGE SA WIKIPEDIA!!!!!! PAG SINEARCHN NYO ANG LARO AY LALABAS ITO.. MAGHINTAY LAMANG AT I-AANOUNCE KO KUNG KAILAN ITO LALALABAS.....
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 6:20 PM
Sunday, November 18, 2007
Mga Patunay
Akala nyo kathang-isip lang ang GTA V MotherVictor City na pinag-uusapan namin? Dyan kayo nagkamali. Dahil ito ang ilang pang patunay na meron talagang GTA V.
Isang lalaki na nagbayad ng P800 para sa original copy nang laro!
Kung hindi pa kayo kuntento sa lahat nang inilabas ko, narito ang ORIGINAL intro nang laro!
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 2:30 PM
Friday, November 16, 2007
To Face the Final Curtain...
"And now, the end is near,
And so I face the final curtain,
my friend, I see it clear..."
-Frank Sinatra
Tapos na ang Foundation Day pero katapusan na nga ba nang kasayahan??? Sa iba, oo. Bukas na rin kasi ang kuhanan ng Card kung saan makikita ang mga naging performance mo for the quarter. Ang masaklap pa nyan, ayoko na magsalita.. Basta talagang frustrated ako...
Speaking of frustrated, may nakatabi akong magandang babae kanina.
Ito na. Alam kong hindi lingid sa kaalaman ninyo na ang bida sa napakaraming sikat na pelikula sa youtube at main character sa GTA V, ay umiyak. Hindi lang basta umiyak kundi humagulgol. Hindi lamang nakuhanan ni Arsene, dahil na-late na nang info. Nasapak ito na itatago natin sa pangalan Leo. BAse sa isang impormante at nagtawag kay Arsene para masaksihan ang pangyayari, na itatago natin sa pangalang Kier, ay nang-aasar daw si Leo. Nanahimik sila at biglang sumunggab ang baklang gorilla. Sinakal sia nito at duon naganap ang away. Sinasabi na hindi pa raw nagsisimula ang sapakan, umiyak na si MothrVictor. Ayon din sa isang impormante na si Rojan, tulo sipon at kulangot daw[iwwww]. Pasensya na. Ngayong araw na ito nangangalap sya nang makakaramay at isa sa mga ni-recruit nya si VIncent. Ang may ari ng Fig's Photography...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 6:04 PM
Thursday, November 15, 2007
The Proof
Mga bagay na "strange but true! " Hindi mo mapapaniwalaan. Pero dahil may proof, maniwala ka!!! SIKAT NA ANG GTA V MOTHERVICTOR CITY!
MAS MALUPIT KAY ZAIDO! MAS MATINIK KAYSA KAY LUPIN! MAS ASTIG PA KAY JACKSON! MAS MAPORMA PA KAY RICKY REYES! MAS PANGIT PA KAY DIEGO! MAS BAKLA PA KAY ALLAN K! PERO MAS SIKAT SA IBANG GTA!!!! Isang malupit na ptunay na walang katapusan ang pagsikat ng GTA V MotherVictor City!!!!
A Yakuza who refuses to show his face referring about the Newest GTA!!!
A Chinese Mafia who just bought a GTA V!!!
A Nerdy Weird Guy who leave his studies just for this Game!
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 8:54 PM
Isang patunay na ang larong GTA V MOTHERVICTOR CITY ay Rich People's Choice! Dito makikita na isang Chinese Mafia ang may hawak nang larrong nasaad.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 3:37 PM
"Let There be Light"
Isa nanamang excerpt mula kay Arsene Lupin. Bakit nga ba ako na-adik nanaman kay Arsene Lupin? Well siguro mas maganda na ito kaysa sa Harry Potter based sa nabasa ko.[walang personalan]. Kasi una mas maporma gumalaw si Lupin. Napaka-refined. Saka pwedeng mangyari sa tunay na buhay. Besides, you don't just read, you think. Mapapaisip ka talaga sa mga misteryo. MAy pelikula na pala si Arsene Lupin. Ang masama wala sa Pilipinas. Saka lumalabas na si Sherlock Holmes ay matalinong detective pero nauutakan pa rin ni Lupin. Nagsimula lang ang Lupin sa isang magazine created by Maurice Leblanc. First story nya ang pagkahhuli kay Lupin kaya hindi na niya maisip ang susunod. Pero dahil "utak-lupin" siya, naipagpatuloy nya ang Lupin na naicompile lahat ng Penguin Classics. Syanga pala, kung may makita kayo na pelikula na ARSENE LUPIN, sabihin nyo sa akin, may REWARD kayo. Name your Price. Gusto ko lang talaga mapanood ang Live Action ng magandang istoryang ito..
Speaking of maganda, may maganda akong nakatabi kanina.
Extra lang yun. Gusto ko lang isa-isahin ang masalimuot na Foundation Day.
1. Ang makakamandag na pagkatalo- Alam ko ginawa natin ang lahat para manalo. Ito lang ang LAgi nyong tatandaan. Sa ating mundo 2 lang ang pwedeng kalabasan ng bawat laban... Kung sinong magaling sya ang nanalo at kung sinong mas magaling ay mas nananalo[anlayo ata ah.]
2. Sleeping Time-Nuong nagkaroon ng Cheering Competition, inantok ba kayo? Ako hindi eh. Pero meron akong nakita na inantok[abangan ang video]. Name UNDEFINED...
3. Pop-Idol-Nakita ko nanamnan sya. Kung bakit kasi sa dinami-dami ng host, siya pa ang kinuha?!?! Nananadya ba? Parang naulit ang lahat ng pangyayari. Ang kinapupwestuhan nang kanyang sinisinta, ang ginagawa nya, ang upuan sa sahig, ang sigawan kay Bracia, yun nga lang si corps ay malayo na pero kumakanta pa rin... Natalo man si Joanah, she still did everything. Nakapasok siya sa Top 6 and that's a big deal. Ang ipinagtaka ko, hindi siya masyado nagkaroon ng Energy habang kinakanta nya ang "First Love" bakit kaya? Well si Micah Andrew ay emotic pa rin at parang boyband ang style...
4. Nervous Breakdown- Ang kape. Ang kape ay mainit at minsan ay maaring tumapon sa damit mo.
5. Feeding Program-Salu-salo. Pero bakit tubig na may lasa ang ibinigay sa akin imbes na pepsi??? Bias talaga ang mundo.
"Sometimes, you have to be in others position inorder for the epidemic not to spread..."
[Masyadong malalim pero kung katulad kayo ni Lupin, makukuha nyo yan...]
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 3:04 PM
Tuesday, November 13, 2007
Victor? Dead?
Oh my God! Merong Tribute kay Victor! Is he dead? Ito ang proof.....
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 8:52 PM
The Two Conquerors
Wala talaga ako maipost kaya ito ang naisip ko. Hindi ito nangyari sa history! Gawa ko lang ito..
Long ago, merong naglalabang 2 kaharian. It was the Rome and China. Samantalang merong isang maliit na kingdom na civilized na pagmamayari ng China. Until such time na naghirap ang Japan[civilized kingdom] halos nalugi ang China sa pagsuporta sa Japan. Naisip ng China na iwanan sa ere ang Japan. Tuluyang naghirap ang Japan at lalo pa ito nalugmok sa pagkatalo at pagdurusa. Nagkataong may interes na ang Rome sa Japan kaya humingi ng tulong ang Japan sa Rome na agad namang tinugunan ng Rome. Subalit hindi ginawang kolonya ng Rome ang Japan dahil siya ay nahihiya na sakupin ang Japan dahil nagkakainteres din dito ang America, Australia at Germany. Ayaw na nang Rome nanag digmaan kaya sinoportahan na lang nya ang Japan. Until such time na umunlad mula at lumakas ang Japan. At balak na nang Rome na gawing kolonya ang Japan. Ang masakit, nang papunta na ang embahador ng Rome, ay nalaman nyang sakop na pala nang China muli ang Japan at hindi naman nag-atubili sumama ang Japan. Nagkaroon lang ng friendship between Rome and Japan pero sometimes, hindi na tumutulong ang Japan tuwing lugmok ang ekonomiya ng Rome dahil sa pagbabawal ng China[di ko sure]. Hanggang tuluyang nalugmok ang Rome. Makalipas ang ilang buwan, nakabangon muli ang Rome at kinalimutan ang lahat ng mga nakaraang pangyayari....
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 7:04 PM
Monday, November 12, 2007
Ang Araw na hindi Shortened
Sa English, The Dick that isn't chopped. Well masyadong malalim talaga kaya wag nyo na isipin pang tarukin. Salamat naman at hindi shrtened ngayon. Kasi pag-shortes, parang wala rin. Lugi ka pa sa uwian!
Up, Up and Away!
Katunayan, hindi pa rin ako tapos sa San Andreas. Well Yung title ay ang katatapos ko lang na mission. Pero sabi nga ni CJ, [hindi yung bakla][translated na to siyempre!] Magtiyaga lang. PEro okay lang. halos akin na ang San Andreas dahil lahat halos ng property akin na. Nakipaghati pa sa akin ng shares si Wu Zi Mu or Woozie. Mula pa 1st year, ito na ang aking "crying shoulder" Intindihin nyo nalang.
Sustaining...
Nakalimutan ko ang buong tema ng aming 53d Founding Anniversary. Gusto ko sana sumali sa contest sa Movie Making pero nakakatamad ang title. Walang thrill kumbaga. Sana pinagawa na lang ng commercial o nang trailer o kahit indie film. Siguro nga hindi ako angkop sa Unibersidad na labanan lang kundi sa BUONG MUNDO talaga.
Speaking of "Videos" pinasikat ako ni Victor sa Laban Natin Ito Music Video! Sana pwede isali yan sa SOP MUsic Awards at ipantapat sa "All Out of Love" ni Dennis Trillo. Wala nga akong kagana-gana nung ginawa ko yun?!?! Tapos almost 205 na ang nanuod. Special thanks nga pala sa mga gumanap, ako, saka si Leo saka siyempre ang artista, Si VICTOR!!!! ITo nalang kaya i-submit ko na entry?!?!?
Sinong Nagmamayaman?!?!
Itong post na ito ay hindi ko ginawa para manakit ng tao o may patamaan. Well naglalabas lang ako ng saloobin at hindi sama ng loob. Well first isang paglilinaw muna, lahat nang fees sa school kaya kong bayaran pero I SHOULD see to it na karapat-dapat akong magbayad. Wala nanag arte pa. Heto na. Friday. On the spot nag-announce na kailangan magbayad ng P255. [Regards to Ms. Songsong] Siyempre hindi ako magdadala nang ganong kalaking pera! KAya dumating ang Lunes. At ako'y na-shock nang sinabing nagdagdag pa ng P130!!! PAra daw sa costume ng Dancers. Well, firstly, bakit ganon kalaki? Sa buo atang school, II-Loyalty ang pinakamalaking budget na sinisingil. Kaya kong magbayad nang P130. Pero for what? Shall I benefit? [wala lang. mali yun]. Ang pinupunto ko dito, eh, hindi makatarungan at makatao. Pero wala akong magagawa. HIndi ko naman pwede sabihin sa adviser dahil hindi naman ako Officer.
Isang paglilinaw. Si Bill Gates ay HINDI nag SIPAG at TIYAGA para umunlad. Mayaman na siya mula pa pagkabata. Yuin nga lang, out-of-school siya. Ginamit nya ang talino para makabuo nang isang program na magpapayaman sa kanya. So Hindi lang purely SIPAG at TIYAGA kundi TALINO at PERA.
At dahil na rin sa tuluyang pagsikat ni Victor, nais ko sana kayong imbitahang panoorin ang pangalawa sa pinakamarami kong Views na NOnsense Video...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 9:58 PM
Thursday, November 8, 2007
1 Year of Deciphering
Isa na siguro sa mga bagay na ginagawa ng mga agents, archaeologists [like victor] at mga spy ay ang Deciphering. Well, panahon pa ng mga "civilizations" nuong nagawa ang cipher. Siguro mga panahon pa ni Haring Linceo. Ginagawa ito ng mga Egyptians para ipadala ang sulat nila. Ang essence nila sa paggawa nuon ay para kahit ma-intercept ay hindi mabasa.
Pero iba ang tinutukoy ko. Ang "Shorthand" o commonly known as Stenography or Steno ay cipher sa akin nuong 1st year pa. Bakit? First, hindi ko mabasa at maintindihan yun. Second, refer to the first. Mayroong isang napakagandang "binibini" [hindi ko na sasabihin ang pangalan] na kung saan ay nagsulat ng isang steno note sa blackboard namin. Dahil nga nahihiya ako lumapit dahil para siyang si "Laura" eh kinuhanan ko ito ng picture. Good thing ay kinabukasan hindi nabura ito at inisip na ipabasa sa mga marunong ng kaunti ng steno. Pero lahat ng sinasabi nila ay daniel [may puso] *********. Ang ipinagtaka ko, sa 2 kong pinabasa, mayroong certain words na magkaiba. Katulad ng ate at ang apelyido ko sa medyo nag-doubt ako. Umabot ng 6 months at nasa cellphone ko pa rin ang sulat na iyon. Umaasa na mabasa na ang sinulat ng "Laura" ko. Pero nauna ituro ang Bookkeeping. Umabot na nang isang taon. Masasabing vintage na ang kuha na iyon dahil iyon ang pinakamatagal na photo na tumagal sa cel ko. Kahit itinuro na ang steno, nawalan na ako ng pag-asa na ma-decipher ito at mabasa pa. Until such time, hinram ko ang libro ni Dan Vincent Figueroa[salamat pare...] para pag-aralan ang Lesson 4 at 5. Actually kahapon lang nangyari ito. Hindi ako umasa sa mga pinabasa ko dahil baka pinapaasa lang ako. Nuong nalaman ko ang letter D, nagtaka ako dahil wala namang "D" duon sa sulat. Kaya naghanap ako ng mga katulad na steno leters at na-decipher ko na after 30 minutes. Well, For once walang DANIEL duon. Ang isinulat nya ay ang buo nyang PANGALAN. Ang puso ay maaring na-extra lang. Son ngayon malinaw na sa akin ang lahat at na-decipher ko na ang sikretong nakabaon sa cellphone ko for 1 year...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 7:06 PM