Wednesday, April 29, 2009

Walang Talo Talo (The Third Issue)

Obviously, sequel sya nung mga naunang post na may title din na "Walang talo talo". Pero this time, we'll change events.

Habang naglalakad si Iguedala sa Gubat na Mapanglaw, nakita nya ang isang matandang ermitanyo. Ang matandang ermitanyo ang sinasabing pinanggalingan ng mahiwagang fox na nais mapasakamay ni Igu. Nakita ni Iguedala ang matandang ermitanyo ngunit di nya pinansin. Ang ipinagtaka ni Iguedala ay hindi naman nagiistay ang matandang ermitanyo sa Gubat na Mapanglaw bagkus ay nananahan ito sa Bundok ng Armenya. Kaya nagduda siya na may inaalam ang matandang ermitanyo sa kanya. Pagbalik ni Iguedala sa kaharian, pinatawag nya ang mga wise men upang magsalita. Walang nakapagbigay ng magandang pahayag. Naisip nyang tawagin ang mga espiya na mga tauhan nya at dito nya nalaman na nagbihis at nagkunwari si Igu na isang commoner at pumunta sa Bundok ng Armenya. Nagkaroon ng ideya si Iguedala na si Igu ang impormante ng matandang ermitanyo...


This has a relation and an update to The Igu Case...



Usapang Tao

Kahapon, kinontak ko ang mga kasamahan kong officers tungkol sa pagpunta sa school. Marami ang nagdecline, lahat sila may alibi.

Kanina, kinailangan pumunta sa school upang i-set up ang tent. Wala akong idea para saan, as I came, sineset up na ang tent para sa Sagip Ilog Pasig program na gagawin. Binuhat na raw pala ni Guerrero, Aparejado at Gianan ang tent. So ayun, di ako nakatulong... But then, around 12 dumating si Cruz at Diendo. Sabi nila Aparejado at Guerrero, babalik pa sila sa school, so nauna na kami ni Gianan pabalik. Pagbalik naghintay pa kami ng ilang hours. Around 3, natapos ang program, umuwi sila Diendo at Cruz, hindi bumalik si Aparejado at Guerrero. Hindi rin inayos ng mga nanghiram ng tent ang tent so wala kaming magagawa ni Gianan kundi ayusin. HIndi rin kami makahingi ng tulong sa mga tao sa paligid so kahit 2 lang kami, inayos namin ang tent. Luckily naayos.

It's up to you to feel na lang.


Hanggang dun na lang muna, may tatawagan pa ako. 911.

Tuesday, April 28, 2009

Group Message

Kanina...

Matagal-tagal ko nang hindi nilinis ang locker room sa school magmula matapos ang 4th Quarter Exams. From then on, hindi ko na inisip i-vacate ito at iniwan na lamang ito. Kasama ng aking ka-share sa locker na si "Unnamed". Kanina nga, naisip ko tapusin na at kuhanin ang aking mga gamit sa locker room. Hindi lang pala ako ang di nagalis ng gamit.

Marami pang natira, mga kalat, pero di na amin yun so hindi ko na sagutin yun. In short, malinis na ang aming locker.


Anyways... Main topic tayo... GROUP MESSAGE.

Bago ang lahat, kadalasan nating nakikita sa ending ng mga group message ang initials na GM. Sa Business, it means General Manager, sa Genetics, Genetic Modification o Genetically Modified, sa Chess, well, Grand Master, at sa Army, Guided Missile. Pero sa pagsesend ng messages, kadalasang nakikita ang 2-letter word na gm. Minsan "ghiem", "ji-em", "jhiem", atbp. Pero ang paglalagay ng GM sa dulo ng text ay nagbibigay linaw "daw" sa mga bagay bagay.

Bakit nga ba tayo nagpapadala ng group message at bakit ba nagkaroon ng distribution list o groups ang cellphone natin? First kasi para ma-dissimilate ang mga padadalhan mo ng messages. Hinahati sa mga grupo grupo ang padadalhan upang hindi ka na mahirapan kaka-isa isa sa contacts list. Pangalawa ay para mag-inform. Sa pagpapadala sa isang grupo, meron kang pang lahatang mensaheng nais ipahatid sa kanila. At ito ay ipinadadala mo sa lahat para mabigyang ideya sila. Pero hindi lahat ay ganon ang dahilan ng pagpapadala ng group message.

Sa iba, it serves as a "bulletin board", announcement ng mga bagay bagay, mga events, mga nangyayari at mga dapat malaman ng mga tao. Sa iba naman, nagsisilbi itong diary o blog kung saan kinukwento nila ang mga nangyayari sa buhay nila, mga mangyayari, mga iniisip at iba pa na sinusulat sa diary. Sa iba, ginagamit nila ito para mang-inspire ng ibang tao, magpadala ng quotes, mga joke, mga kung ano anong pang-inspire. Sa iba, it serves as a message na "Oi, text nyo na ako, unli na ako!". Meron din namang ginagawang "conference" ang gm kung saan, sa gm na sila naguusap. Meron ding gusto lang manggulo, at merong iba na gusto magpadala ng gm pero di naman talaga gm yun. I mean, group message siya, pinadala mo sa group pero para talaga yun sa iisang tao lang (o, tamaan na ang tatamaan!, hehe).

Sa dami ng dahilan ng pagsesend ng group message ng tao, hindi natin alam kung ano ang tunay na iniisip nung nagpadala sa atin ng gm. Pero napapansin ko, na karamihan talaga ng group message, lalo na yung mga love quotes na yan, meron talagang pinatatamaan. Tipong meant talaga ipadala lang sa isang tao pero para di mahalata ay nilalagyan ng 2-letter word na GM.

Kapag nilagyan mo na kasi ang iyong text ng GM, siyempre iisipin ng mga tao na pinadala mo ito sa lahat. Well, ipinadala mo man o hindi, mahahalata mo naman sa GM kung saan inspired yung taong nagpadala sayo at sino lang naman ang gusto nyang padalhan. And that is how you will know, something is going on.

Sa group messages, makakakuha ka ng information. Minsan, yung mga gusto mong malaman, nalalaman mo. Pero karamihan kasi, well, sorry for the term, nagiging feeler na (hehe). Tipong akala nya para sa kanya yung group message, pero sa totoo lang, di pala. Eh, wala tayong magagawa dun kasi di naman dinerekta nung nagpadala nung gm kung para kanino yun eh. Pero siyempre, kaya nga dinaan sa gm para di halata.

Maraming nangyayari sa text. May mga nagkakatuluyan dahil sa text, merong nagkakaroon ng magandang samahan, merong nagkaka-"anuhan" at meron ding nagaaway. At sa group message, mayroong nagkakaroon ng ideya. Mga ideas na maiisip mo dahil sa kakapadala sayo ng gm. Pero sa ngayon, kahit lagi akong binabagabag at minu-minuto halos nagriring yung phone ko at pagtingin ko ay gm lang pala, well, di naman ako naiinis. Kasi dahil sa gm, nalaman ko yung mga bagay na itinago sa loob ng 3 buwan...



Sensya sa mga tatamaan, di ko naman meant magpatama. Hehe...

Kanina nga pala, habang nasa locker room ako, maraming notebook akong nakita at marami rin akong nabasang kung ano ano. Haizz. Next time kasi, wag na kayo magsulat ng kung ano ano sa likod ng mga notebook nyo. Kung isusulat nyo, siguruhing di makukuha ng kahit sino, wag nyo rin ilagay sa USB!!! Hehehehe...

Monday, April 27, 2009

It All Happened in a Minute...

Parang kailan lang talaga...

Kani-kanina lang, pagkagising ko, nakita ko ang COCC pin ko na nasa baba ng mesa ko. Siguro nahulog. Naalala ko, kung ilang segundo ko lang pinagdesisyunan ito. Actually matagal namin pinagisipang magkakaibigan ang tungkol dito. 2nd year pa lang, inisip na namin yun. Pero pagdating ng 3rd year, nagbago ang isip ko. Inisip ko na hindi naman kami seryoso nung nagdesisyon kami nung 2nd year. Hindi ko rin inisip ng bakasyon yun. Things suddenly changed. Inaya ako ng kaibigan ko na mag CO, since that time, siya lang kasi mag-isa. Isang linggo ako nagtanong tanong sa mga tao kung tutuloy pa ba ako. Many said NO. Pero July 10, uwian, dun ko sineryoso ang pagiisip. Immediately, tumawag ako sa bahay, kinuha ang consent ng magulang at pinasa ang form. From then, nagsimula ang training ko. Ilang seconds ko lang inisip kung papasok na ba ako sa pagsi-CO.

Ang letter, ang letter na nakuha ni Migraso na nalaman ng ibang tao, nabuksan at nabasa. Ang letter na hawak din ni Vladimir ngayon. Mabilisang kumalat na parang virus ang impormasyon sa mga tao. Hindi naman siya nangyari ng segundo lang. Pero linggo lang ang inabot, alam na nila, ng mga taong nasa paligid ko. Actually 3 days lang ata yun.

Ang pagsali sa Mr. and Ms. PUPLHS. Ilang segundo lang ang dumaan nun ng ituro ako ni Ma'am Dizon at Sir Jarin bilang contestant. Pati ang pagsali sa Baguio, ilang segundo ko lang siya pinagdesisyonan.

Ang Captain Nguso. Ang istoryang pinaniniwalaan ng mga wise men na pinagmumulan ng lahat ng pangyayari sa mundo. On the spot ko lang ginagawa ito at kung ano lang ang pumasok sa isip ko.


Maraming bagay ang nangyayari sa mundo na ilang segundo lang ang nagaganap. Mga bagay na nakakapagpabago ng buhay. Mga pangyayaring nagbibigay ng malaking epekto sa ating buhay. Sabi nga nila,

"Everything happens for a reason."

Pero ang mga pangyayari ay nasa desisyon mo pa rin. Wala sa tagal ng pagiisip ang kalalabasan ng desisyon. Basta't sa tingin mo ay nakakabuti ang iyong desisyon, go with it. Hindi lahat ng desisyon na pinagisipan ng mabilis ay walang pinatutunguhan. So sa ngayon, di muna ako magdedesisyon. Hihintayin ko ang panahon ang magpakita kung kailangan ko nang magdesisyon. Pahinga muna.


Malapit na mag April 23...

Ano-ano nga bang meron sa April 23?

Well, nung 1992, ang unang fast food restaurant ng Mcdonald's ay nagbukas sa China, nalaman din nung 1984 na merong AIDS na nageexist sa mundo. Nung 1348, nabuo ang isang order ng knighthood (English) na Order of Garter. Maliban din sa birthday ni Angel Locsin, birthday din ito ni William Shakespeare, birthday din ni John Cena. This date din, namatay si William Shakespeare (galing, pinanganak siya at namatay ng April 23!), kamatayan din ni Miguel Cervantes na author ng Don Quixote. On this day, icecelebrate din ang UNESCO International Day of the Book.


The Missing Case

Sa ngayon, wala nang leads ang kasong ito. Mukhang wala na rin siyang konek sa mga further investigations ng Vintage Spy so ang kasong ito ay ilalagay na natin sa

COLD CASES

Hindi muna natin siya isasara pero hindi na natin siya iimbestigahan pa.

Puro pelikula rin muna ako ngayon, byahe uli sa April 25. Siguro last byahe na yun. Babalik na ako ng school ng May 4 for the rehearsals.

May problema sa friendster

May something sa friendster account ko these days. Ito yun. Nakakatanggap ako ng comments pero di ako makapagsend. Naisesend ko, lumalabas na naisend ko pero hindi nila natatanggap. Same thing with the messages. Verified ang account ko 2 years ago pa ata. Wala naman akong nakikitang problema. Hindi ko alam kung ano nang pwedeng dahilan nito...

Ano nga ba? Pa-help naman...


Maulan mula kahapon hanggang ngayon. As in madilim. Di ko alam kung may bagyo. And dahil nga maulan, eh nageenjoy nanaman ako. Una kasi malamig tapos hindi pa masyado nakaka-stress magtrabaho.

Wala naman talaga akong ipopost din... hehehe

Monday, April 13, 2009

1st (R)

(Pagpasensyahan nyo na ang posts dito dahil di talaga ako nagbabanggit ng proper names.)

Mission: Don Cervantes Assassination

13 April 2009; Around 3:00 p.m.

Nakarating sa kaalaman ng Vintage Spy ang isang tangkang pagpatay kay Don Cervantes Ignacio Jr., isang estudyante. Nagpadala ang mga tauhan ni Don Cervantes Sr. ng isang assassination threat na pinadala ng posibleng assassins. Nakapirma sa baba ang pangalang Alfonso L. Hinanap ng Vintage Spy ang pangalang Alfonso L. ngunit napakaraming resulta ang lumabas. Naisip ng Vintage Spy na paprotektahan na lamang si Don Cervantes Jr. mula sa Alfonso L. na iyon. Ipinadala nya si Arsene.

Si Don Cervantes Ignacio Jr. ay anak ni Don Ignacio, isang businessman na nagmamay-ari ng hotel chains sa buong mundo. Nagaaral si Don Ignacio Jr. o mas kilala bilang Cer, sa isang exclusive school along Saint Table. Well, this day, si Arsene ay magkukunwaring estudyante upang mapigil ang binabalak na assassination. May lakad si Cer that time. Meron siyang sasamahang kaibigan sa bahay ni Mary Althea Claro. Sinasabi na si Cer ay nagkakagusto kay Mary at isang lalaking nagngangalang Alfie Linsangan ang kanyang katunggali. Sinasabi rin nila na si Alfie at si Mary ay mayroon nang malalim na pagkakaintindihan kung kaya't si Cer ay hanggang asa na lamang. Ngunit may mga nagsasabi na malaki ang tsansa ni Cer. Ngunit walang makakapagsabi ng kanyang tunay na saloobin at iniisip.

Nagsimula nang lumabas ng paaralan si Cer, si Mary at ang kaibigan ni Mary na tutulungan ni Cer, si Loren. Nasa malayo lamang si Arsene upang di malaman ang kanyang presensya, binabantayan ang bawat paligid sa posibleng assassination plot. Maya-maya lumapit na si Arsene kay Cer upang i-cover ito sakaling biglang may magpaputok. Duon nya napansin ang katahimikan ni Cer. Nakatingin sa baba habang naguusap si Mary at si Loren. Nakita ni Arsene na meron talagang nararamdaman si Cer para kay Mary pero naiilang siya para sabihin ito kaya hindi sila nagkakausap. Nawili sa pakikinig si Arsene ngunit nabagot din ng napansin na wala namang sinasabing kahit ano si Cer. Hanggang dumating ang usapan ni Mary at Loren sa mga pictures at kung ano ano pa. Nag buntong hininga si Cer pero wala pa ring imik. Si Arsene naman, tuloy sa pagtingin tingin sa paligid sa posibleng pagputok ng baril o pananambang.

Dumating ang lahat sa bahay ni Mary. Hindi na pumasok si Cer at si Arsene at nanatili sa labas. Ang pumasok lamang ay si Loren upang kunin ang dapat nyang kunin. Nagsimulang magsalita si Cer.
"Siguro isusuko ko na to."
Nagulat si Arsene at tinanong si Cer kung ano ang tinutukoy nya. Duon nagsimula magkwento si Cer. Totoo ang lahat ng haka haka ng marami. Pero di pa yun ang alam nila. Hindi nila alam kung ano si Cer. Inakala nila na si Cer ay isang tao na katulad ni Alfie. Kayang ilaban kahit imposible. Sumuko si Cer sa laban nya kay Mary. Kahit pa maraming sumusuporta sa kanyang mga kaibigan, mga tao sa paligid na handang tumulong, inisip ni Cer na kung talagang minamahal ni Mary si Alfie, magiging talsik lamang siya kung saka-sakali. Sa pagkakataong ito, habang nagkukwento si Cer, naisip ni Arsene ang isa nyang kaso. Ang Missing Case. Ngunit pinakinggan nya muli ang kwento ni Cer. Naisip ni Cer na wag nang ipaglaban pa si Mary dahil mukhang imposible na itong mangyari. Sinabi ni Cer na ayaw nyang biguin ang mga taong nagtiwala sa kanya pero hanggang duon lang talaga ang kakayahan niya. Nagkakailangan sila ni Mary. Ngunit hindi pa sarado ang kanyang pinto sa posibleng signos. Sa posibleng magaganap. Pero di na siya umaasa. Di na rin siya lalaban. Hahayaan na lang nya mangyari ang nakatakda.

Lumabas si Loren at isang putok ang narinig mula sa malayo. Hindi tinamaan si Cer. Walang tinamaan. Nakailag sila. Sunod sunod na putok ang dumating at isang van ang tumigil sa harap nila. Pumasok sila at umandar ang van. Ito ang van ng Vintage Spy. Inuwi si Loren at si Cer. Sa mansyon ng mga Ignacio, tinanong ni Don Ignacio Sr. si Arsene kung nais nitong maging opisyal na bodyguard ni Cer. Umayaw si Arsene at sinabing di nya maaring iwan ang Vintage Spy dahil di siya ginawa para magbantay ngunit binuhay siya para magimbestiga. Binigyan ni Arsene si Don Ignacio Sr. ng calling card ng isang security agency na maaring maging bodyguard. Umalis na siya at nireport sa Vintage Spy ang lahat ng kaganapan, maging ang kanyang nalaman.

Sunday, April 12, 2009

The Missing Case

Merong bagong kaso, bago talaga though may konting relation sa ating previous cases.

The Missing Case

Pumunta sa isang conference si Arsene para mangalap ng kaalaman ukol sa Igu Case. Conference sa Instant Messaging ang pinuntahan nya. Ang pangalan ng Conference Room ay "The World". Maraming nakausap si Arsene, iba-ibang usapan. Pero walang naglead sa Igu Case. So naisip ni Arsene makipagkwentuhan na lang sa kung kani-kanino. Until na-meet nya itong isang chatter na magbubukas sa isang bagong kaso.

(Ang original na usapan ay sinave ni Arsene. Hindi ito ilalabas sa site na ito para mapangalagaan ang identity ng chatter na papangalanan kong "Alkane")

Sa paguusap ni Arsene at Alkane, naramdaman ni Arsene ang lungkot na ikinukwento ni Alkane sa kanya. Naisip ni Arsene na umalis sila sa conference at magusap ng sarilihan thru "Personal Messaging". Dun pa rin sa nasabing Instant Messaging site na yun. Nag chat sila dun at nagbitiw ng pangungusap na "Mawawala na siya" si Alkane. Yun ang pangunahing dahilan ng pagkalungkot ni Alkane. Tinanong ni Arsene ang ibig sabihin nito ngunit ayaw sabihin ni Alkane. Maraming bagay na nag pop-up sa utak ni Arsene. Lalo pa nang nalaman nya na si Alkane ay may koneksyon sa kanyang previous cases nang iscanin ni Arsene ang profile ni Alkane. Lalong nagbukas ang isip ni Arsene sa mga posibleng kaganapan. Posibleng tinutukoy ni Alkane. NAg sign out si Alkane ngunit walang malinaw na paliwanag sa kanyang binitiwang salita.

Merong mga ilang bagay na nagformulate sa utak ni Arsene tungkol sa sinabing pangungusap.
1. Si Vladimir. Nagamit si Vladimir sa "Unanswered Question Case" na naisara na ng Vintage Spy. Malaki ang posibilidad na si Vladimir ay may problema sa kanyang asignatura kaya may posibilidad na mawala siya na ikinalungkot ni Alkane.
2. Kawalan ng pagkikita. Magbabakasyon kasi si Alkane sa malayong lugar. Posible na hindi sila magkita kita ng kanyang mga kaibigan.
3. Instant Messaging Account. Nageexpire ang account dito. Ito ang pinakamalayo yet ito ang sinabi na dahilan ni Alkane. May punto rin kahit papaano dahil baka nga naman mamiss nya yung mga kausap nya sa conference.

Walang malinaw na sagot. Pero malakas ang kutob ni Arsene na si Vladimir ang dahilan.

May site na talaga si Captain Nguso...

www.lumangistorya.blogspot.com



USAPANG NLEX



Walang problema sa NLEX kung ordinary days ka babyahe pero kung ganito, makikita mo na grabe talaga.

DAU TOLLGATE

Dito na siguro naubos yung ilang oras na nasave namin sa pagbabyahe. Umabot ng halos 30 mins ang traffic. Mga 500 Meters pa mula sa tollgate ang buntot ng traffic. Ganun kalayo. Nung nasa traffic nga kami, di mo pa makita yung mismong tollgate. Sabay sabay kasi ang tao. Tapos ang init. Maraming parang masisiraan. Pa-over heat na rin ang sasakyan. Sa init ng araw at traffic, di imposibleng may ma over heat. Tumataas ang temperature. Patay ang aircon. Ubos ang body fats dahil sa pawis, nakalabas din ng Dau Tollgate. Tumabi muna sa shoulder. Makikita mo na napakarami ring nagstop over paglabas ng tollgate. Makikita mo talaga pagiging matiisin ng mga Pilipino. Tiniis nila na mag over heat yung sasakyan nila para lang makapila sa tollgate at paglabas nalang sila magpapalamig sandali. Ganun din ang ginawa namin, at nagtuloy naman ang byahe.

SOUTH BOUND

Pauwi na kami. Sa may Pampanga, nakalimutan ko ang pangalan ng lugar, basta malapit sa exit, isang Truck ang tumaob. As in upside down talaga sa may island ng expressway. Di lang yun, malaki ang damage ng truck, at mayroong naka handusay na duguan sa kalye. Wala pang rumirespondeng rescue. Di ko alam kung ilang minutes na siya nandun. Nagkalat din ang mga mangga na posible nyang idedeliver sa kalye.

Marami ring mga road accidents na naganap.

Hanggang dito na muna, too much to do.

Wednesday, April 8, 2009

Walang Talo Talo (The SECOND ISSUE)

Bago ang lahat, nais ko munang i-announce na tuloy na po talaga ang pagkakaroon ng Season 3 ng Captain Nguso. This time, di na to ningas kugon.

Sabi nila bakasyon na, pero si Arsene, dahil wala namang pupuntahan ay hindi nagbakasyon. Sa naunang post, nailathala ang istorya ng dalawang anak ni Haring Papius, si Prinsipe Iguedala at Prinsipe Igu. Ngayon, medyo mabibigyang linaw tayo thru Arsene's Investigation.

The Igu Case

Itong case na ito ay mairerefer sa isa ring case ng Vintage Spy. Ang Seatmate's Case. Sarado ang kasong iyon na lumalabas na si Dencio ay may gusto kay Mara pero si Mara ay walang gusto kay Dencio.

Ang Igu Case ay di lang basta case na aalamin, iimbestigahan pero pipigilan. Pareho kasi ng scenario ang Igu at ang Seatmate's. Noon pa man, alam na ng Vintage Spy na may "something" si Igu sa fox. Simula nagsimula ang taon na ito. Pero it grows more each day, sabi nga nila. Kaya yun ang nais alamin ni Arsene. Komplikado ang case na ito. Maraming pwedeng maapektuhan pero if that's the only way, we need sacrifices. Nakapanayam ni Arsene si Iguedala kamakailan lamang, or in short kani-kanina lang at sinabi nyang handa siyang labanan si Igu saan man abutin. Di pa nakakausap ni Arsene si Igu. Ang pipigilan ni Arsene, wag magkaroon ng gulo sa pagitan ng dalawang magkapatid. Nais ni Arsene ang katiwasayan ng mundo.

Well about the case, ayun nga, may something kay Igu patungkol sa fox. Ang Igu ay magaling na hunter. At ayaw ni Iguedala at ni Arsene na mangyari ito sa fox kung saan pinahalagaan daw ito ni Iguedala. Siguro walang something sa fox patungo kay Iguedala pero who knows? Di natin alam. Sana walang mangyaring masama.


Usapang Age of Empires muna...


Well, tuloy na tuloy na ang laban. Mahina na ang aking "created enemy" na mga Franks. Unti unti ko nang winawasak ang kanyang "kolonya" at lulusubin ko na ang kanyang mother base para makuha ang medalya at korona. It's the only way to win. Itutuloy ko na ang laban. Wala nang atrasan.

Anyways...

Kamakailan lamang, kumalat sa gm ang istorya ng King's Gold. Kung saan nabigyan ng tip si Arsene kung nasaan ang King's Gold. Sinasabi na nasa monasteryo ito. Pinuntahan nya ngunit nabigo siya at ang nakita nya ay isang note. Ito ang nilalaman ng note...

"Mas maganda sa June mo simulan. Pahinga ka muna"

Sa June na niya itutuloy ang paghahanap ng King's Gold.

Tuesday, April 7, 2009

Walang talo-talo

"Bok, walang talo-talo"

Paulit-ulit ko naririnig ito sa mga tao na this time naisip kong gamitin for this post.

Sa Kaharian ng Armenia, si Haring Papius ay mayroong dalawang anak. Si at Prinsipe Igu at Prinsipe Iguedala. Mas matanda si Prinsipe Igu kaysa kay Prinsipe Iguedala. Di naman sila nagaaway sa mga bagay bagay. Kadalasan silang nagkakasundo. Isang araw, isang sugatang fox ang dinala ni Prinsipe Iguedala sa kaharian. Pinagaling ito ng prinsipe. That time, hindi pinapansin ni Prinsipe Igu ang fox pagka't meron din siyang ibang alaga. May alaga siyang tigre. Binigyan ni Prinsipe Iguedala ang fox, pinakain, at binigyan ng karapatang mamuhay sa Armenia. Napamahal na si Prinsipe Iguedala sa fox.

Isang araw, lumusob ang mga Nine Bands, mga bandido na mula sa North sa kaharian ng Armenya. Matinding digmaan ang naganap at naisalba ni Prinsipe Igu ang buhay ng fox mula sa namumuno ng Nine Bands na si Nine. This time, nabusy si Prinsipe Iguedala sa pakikipaglaban sa iba pang mga bandido na kasama ng Nine Bands, katulad ng Armen Militia at Scoff Laws. Naubos ang kalaban at ang tanging kinakalaban ni Prinsipe Iguedala ay ang Nine Bands. Lingid sa kanyang kaalaman, inaangkin na ni Prinsipe Igu ang fox at sinabing kanya. Napaalis ni Prinsipe Iguedala ang Nine Bands at nagbanta si Nine na babalik siyang muli. Pagbalik ni Prinsipe Iguedala, binigyan siya ng hero's welcome. Hinanap nya agad ang fox at nalamang hawak ito ni Prinsipe Igu. Di nya alam kung paano nya babawiin ang fox, unang una, nakatatanda ito sa kanya at ikalawa kapatid nya ito. Ngunit kailangan nyang bawiin ito tulad ng pagtatanggol nya sa Armenia.

...to be continued...


Meron na palang Web Log ang Entrepreneurship 08-10, www.entreparangmaingay.blogspot.com


Wala na akong maidagdag pa. Hanggang dito muna.

Well, public announcement muna.


Sa lahat ng merong picture ng Commencement Excercises ng Laboratory High School, paki-inform lang po. Yung pinaka-recent. Yung 52nd. Thanks a lot po!

Friday, April 3, 2009

Year Sum-Up

Officially, tapos na ang lahat. Wala nang classes, wala nang pasok, di ka na babalik ng school for any subjects (maliban sa clearance). Everything is ENDED. Maraming bagay pa akong di nagawa, bagay na di nasabi at ilang mga bagay na ewan. Siyempre, tulad ng nakagawian, ipopost ko ang isa sa mga photos dito...

Pero bago ang lahat, short background muna tayo. Nagbigay ng ilang "terms" at mga trivia ang photographer tungkol sa mga bagay bagay na umiikot sa paligid. Definition of terms muna tayo.

Tershir -(n) /ter-shir/; 3rd year
PMI - (n) /pi-em-ay/; Philippine Military Academy

Trivia: Ang electric fan ng PUPLHS ay nagkakaroon ng "complete rotation" sa loob ng 7 seconds.

Well, ang class picture namin ay mala mission impossible. Ang mission ng photographer, makalusot ang flash ng camera at yung pag flicker ng camera nang hindi naiikutan ng electric fan. Inalam ni Etit Hunts (photographer) ang complete rotation ng electric fan. 7 seconds ito. So kailangan pagdaan ng electric fan, mahabol nya ang 7 seconds. Ang speed of light at pag flicker daw ng camera ay more or less tatagal lang ng 3 seconds. Sa sa calculations nya, kaya habulin. Bago makuhanan ang lahat, humabol ang isa...



Formal daw ito sabi nung photographer. Iisa-isahin ko ang mga nandito at ipapaliwanag ang pananaw ko sa kanila (kuro-kuro ko lang ito, walang pakialamanan)

(L-R) (Very Upper Part)
Rojan Miergas - idol si Francis M. Mahilig din siya sa mga rap things, mga hiphop things. Meron siyang kasintahan na isa sa mga kamagaral namin. Palatawa at masayahin.
Raymund dela Cruz - "bobo". Mahilig magsalita ng bobo, at kung ano ano pa, kapag kausap mo maliligo ka sa mura.
Daniel Clarin - corps commander ng batch nila. Mr. PUPLHS, Lakan ng YMCA, 4th Placer sa Mr. PUP. Sabi nila gwapo daw, sabi ko di lang gwapo, sobrang gwapo. Di siya katalinuhan. Tahimik pero malalim. Mabait, matalino, mapagkawanggawa, may mabuting loob atbp (walang kokontra, gawa kyo blog nyo kung gusto nyo)
Lloyd Lemoncito - Emo. Tahimik pero matalino.
Kaye Ron Canona - Masayahin, katropa ni Miergas. Mahilig sa mga negro music. Tipong mga negro yung kumanta. Kind-hearted din.
Cedric Manuel - They say he's eppileptic. Some said nakuryente siya, I say, it's just a manerism. Lagi siyang nagngingig nginig. Mabait naman siya, di lang siya nabigyan ng pagkakataon ipaliwanag ang side nya because he's like Vincent sa kantang "Vincent" sabi duon, "They would not listen, they would not know how..."
Leonille Migraso - Alpha Company Commander, Alpha 1st Platoon Leader, Presidente ng IT-BDA next school year, bigo sa pagibig. Bilib ako sa kanya. He has the perseverance. Kahit sa pagiging COCC. Sa lahat ng bagay, katuwang ko ito at kasama ang isa pang ka-CO ko. Repormista din yan.
Micah Bule - "Errand boy" Pansin ko lang talaga. Anyways, masipag naman siya, inspired, palatawa, joker at nagpapaligo ng mura. Di na nga gaano ngayon eh, pero maasahan mo siya kung meron kang responsbilidad na iwanan, in short, responsible.
Frangelico Co - willing siyang magextend ng help sa kahit kaninong nangangailangan. Matalino, palangiti at medyo pareho kami ng idealogy pagdating sa ibang bagay. Kapag titingnan mo siya sa inaasta nya, maangas, mayabang pero kapag nakausap mo, malalaman mo kung ano talaga siya.
Alfred Gallamos - masayahin, makulit at pasaway. Pero napapakiusapan naman.
Carl Kevin Sabillo - laging napapagtripan, laging inaasar pero nagiging mabait ang lahat kapag PSP time na. Siya kasi yung pinaka-approachable pagdating sa PSP na hiraman. Matalino. Laging inaasar. Di ko alam kung bakit.
Dan Vincent Figueroa - Best Buds ko yan. Since 1st year. Kahit di kami magkaklase nyan nung 2nd year, e best buds pa rin kami. Artistic, magaling sa designing especially sa movie maker. Basta software related, artistic siya dyan. Idolo ng lahat pagdating sa ganyang bagay. Technical support na rin siya ngayon ng LHS. Mabait, mapagbigay, intsik at palakaibigan. Repormista din yan.
Ephraim Gianan - 1st Runner-Up, Queen of the Night ng CAT. Di siya bakla pero magaling magbakla-baklaan. High-Ranking Officer ng CAT; Corps Staff 4, saka kasama ni MIgraso, katuwang ko sa lahat ng paghihirap. Habang nasa COCC ako, mas naging katuwang ko siya sa lahat ng hirap, kaligayahan at pagtatagumpay. Savior ko kumbaga. Kung ako si Ibarra, siya yung Elias. Repormista din yan.
Cyrus Ignacio - Former COCC. Masayahin, mabait siya. Iba yung pagkakakilala ko sa kanya nung 2nd year ako at sa ngayon. Lalo na nung nasa loob siya ng COCC at isa siya sa mga kasamahan ko. Madali siyang kausap, mabait saka may sense kausap.
(Upper Part, L-R)
Patricia Aparejado - Alpha 2nd Platoon Leader, secretary ng SCO this coming school year. Kasintahan ni Rojan.
Lezlee Garcia - sinisinta ni Kaye Ron, kaibigan ni Alano
Jasmin Poquiz - "friend lang daw" hehe. Classmate ko nung 1st year. Tapos natuto siya maglugay ngayon lang year na to. Naalala ko dati, nung 1st year, gustong gusto ni Rojan inaalis yung panali nya kasi mangiyak ngiyak na si Jasmin nun.
Phil Maglinte - "Running on the outside..." Bravo 2nd Platoon Leader. Well, inaasar siyang kabayo. Di ko alam kung bakit. Ka-CO ko siya, may sense kausap pero kadalasan puro reklamo. Hehe.
Carla Acosta - di naman kami close, tao siya, nilalang ng diyos, hehe.
Ira Baradi - katabi ko to dati sa Filipino. Masayahin naman siya saka may sense kausap.
Joneth Anne Diendo - Bravo Executive Officer (wohoo.. Ganda pakinggan), may pangarap maging pulis.
Dawn Doroja - dapat awardan na Most Active. Kahit binabara na siya ng mga kaklase namin, ibang tao, tuloy pa rin siya sa pagsasalita, pagrereason out, paglalabas ng saloobin. Di siya basta basta nababasag ng pambabara. Boses nga raw ng entre.
Nicole Nethercott - Ang chorale mate ko na may dugong "Hitler"; German ata. Kinalolokohan ni Cedric.
Gerby Bautista - Alpha Executive Officer
Sharmaine Laguatan - Bravo Company Commander, Siya kumbaga yung tumutulong tulong sa akin lalo na pag sa CAT. Kahit medyo matigas ang ulo. Palakanta din.
Apol Duque - ang babae na may "sedentary pose". Yung tipong di masyado nagiiba yung pose, yung anggulo ng camera atbp. Mahilig manalamin.
Rhey Ann Magcalas - taga Banda Kawayan. cooperative sa group works. Sa daming beses kong nakasama to sa group works.
Edsha Dulay - inaasar kay Dan, soulmate daw kasi sila. Lagi siyang handa. Siya tinatanong kung anong assignment, may test ba, etc.
Genna Martino - "Early Bird" Hindi dahil maaga dumating, maaga umuwi. Layo pa kasi ng bahay nya, Bravo 1st Platoon Leader, di matigil kakatext cause she said it's her life.
(middle L-R)
Rita Quinton - sinasabing pinaka banal sa buong entre.
Mara Alcaraz - di ko rin to close pero kaibigan siya ni Carla.
Gienela Pondevida - Marami daw siyang kamukhang celebrity, mahilig sa basketball players.
Hannahgene Carlos - para syang school supply store. Siya ang nagsusupply sa halos buong populasyon ng entre lalo na sa papel.
Mary Joi Diane Enriquez - ayan, buo, mahirap ma-technical, sayang naman. Siya ang presidente ng Entrepreneurship. Minsan isip bata siya, minsan matured thinker naman. May sense kausap kapag matured magisip, hehe, pero kapag isip bata, mahirap, hehe. Matalino sa IT. Top 1 sa IT (entre) eh. Mabait naman, kind hearted saka sobrang hinhin. Vice president din pala siya ng YES Org. Model student din siya ng Entrepreneurship.
Siyempre yung katabi ni Joi, eh ang adviser, si Prof. Serapia Serencio. Siya rin ang CAT Commandant.
Louise Dianne Serrano - commentator ng Entre, taga tanong ng mga explanation of things.
Czarlaine Bacero - artistic magisip, bookworm din.
Jirah Florendo - adik sa anime at magaling magdrawing ng anime. Sana naging drawing na lang, hehe, joke. Medyo weird siya kumilos.
Kim Alec Marcos - best in Entrepreneurship yan. Matalino. Tapos... hmmm... Banda Kawayan din siya, masayahin, mahilig kumanta though minsan makikita mo tulala or parang napakalalim ng iniisip. Di ko siya nakakausap masyado ng personal, laging thru text lang pero sa paguusap naman namin, eh may pinatutunguhan naman. Yun muna.
(lower L-R)
Mark Cabangon - joker din siya, masayahin at kaibigan ni Alano.
Lourence Angelo Encinas - tapos na ang taon di ko pa alam ang tunay na spelling ng pangalan nya. Mabait naman si LA, may "S" deficiency. Madaling kausap at may sense din.
Caryl Figura - volleyball varsity
Lenina de Guzman - mabait naman siya
Syville Sebastian - kaibigan nila Laguatan at Aparejado. May gusto sa isang superhero.
Maan Hontiveros - brains ng Entre. Pinakamatalino, walang aral-aral. Onti siguro, talented sa violin.
Evita San Juan - magkakaibigan silang 3 nila Joi at Kim. Banda Kawayan din. Minsan pag kinausap mo, puro tawa pero katagalan makikita mo na may malayong patutunguhan ang inyong usapan. Mabait naman, approachable, mahilig din kumanta kanta lalo kung inspired. Masayahin pero madrama sa text.
Mae de Castro - laging late, kaibigan ni Alano.
Edralyne Villegas - kaibigan nila Carla to eh.
Julius Alano - bestfriend ng mundo. MAy mga kamaganak sa military, mga kakilala sa PMA, ROTC, AFP meron din ata sa MILF, Abu Sayyaf, Al Queda atbp. Joke. Pero kapamilya nya ay militar. Pinsan nya ang isang prof ng PUP. Mabait siya, mapagkakatiwalaan.
Jervin Velasco - kumbaga sa pagkain, siya ang ulam. Nagbibigay ng kwenta sa kinakain mo. NAgbibigay ng katatawanan sa Entre, magaling mambato ng joke.


Iyan ang entre, kinabilangan kong batch ngayon at hanggang next year, di ako nagsisi sa pagpili.



(The Eko Pose)
Trivia: Merong isa dyan sa pic na yan ang di gumawa ng Eko pose. Sino?

Trivia: Isa sa mga tao dito, si Maria. Kung inaalam nyo pa rin kung sino, alamin nyo nalang. Hehe. Di ko ikokonfirm.


Hanggang dito na lang ang lahat. Tapos na ang klase, di ko pa siya nakausap. Sana sa April 13. Sana.

Thursday, April 2, 2009

Blood-stained threads

Itong kuwento na ito ang pinaka kontrobersyal na kasasangkutan kong kaso. This does not only involves me. This involves one powerful unit in a university. Di ko alam ang kalalabasan pero ayoko magbigay ng exact events, pero ito, if you can understand the story, you may relate into this.

Merong 2 kingdom na mag-allies. Ang Romans at ang Chinese. Nagkakaroon sila ng trade, mga ugnayan at iba pa. Matino ang naging pamamalakad at nagkakaisa sila. Ngunit isang araw, ipinadala ng hari ng Chinese ang heneral ng Romans upang makipagdeal ukol sa pakikipagtrade ng tela ng mga Romans sa mga Chinese. Ilang araw din pabalik balik ang Chinese general, kung minsan may kasamang tauhan at kung minsan ay wala. Isang araw, bumalik ang Chinese general at marami siyang kasamang tauhan. Pagdating nila sa kampo ng mga Romans, wala ang Roman General na nakipagdeal sa kanila at ang tanging nakausap nila ay isang kawal lang ng Roman General. Tila di maganda ang araw ng kawal ngunit naisip ng Chinese General na kailangan makisama dahil may kinakailangan sila. Pinapasok ang Chinese general, iniabot sa mga tauhan ang telang kinakailangan, inabot ng mga Chinese soldiers ang perang napagusapan at inutusan sila ng nasabing Roman Soldier na bumalik na sa China upang dalhin ang mga tela. Naiwan ang Chinese General. Tinorture ang Chinese General, pinahirapan at sa huli ay pinatay.

Napagalaman ng ilang Chinese soldiers na kasama nung general na may galit pala ang kasamahan nung Roman soldier na pumatay sa Chinese general. Hindi alam ng emperor ng China na patay na ang kanyang heneral. Nagdadalawahan ang mga natitirang sundalo na sabihin ito sa Emperor dahil maari itong lumikha ng digmaan. Pero naisip nila ang General. Ang general na nagbuwis ng buhay para sa trade na ito. Itutuloy nila ito. Digmaan ang magaganap.


Disclaimer:

Di ko alam kung anong mangyayari. I know God will help me, di ko alam. Sana makapasok ako ng matino bukas, sana naman walang mangyaring masama dahil oras lang na meron, p*tang ina nilang mga g*go sila, di na nila matitikmang mabuhay pa uli.

Ayoko na magsalita.

Wednesday, April 1, 2009

Mission: King's Gold

Before anything else, ang Mission: Sentry Security Agency ay drinop ng Vintage Spy at di na tinuloy ang pagiimbestiga. This time, it has lesser time...

MISSION: KING'S GOLD

Isang treasure mula sa ancient times ang nawala sa National Museum nuong isang linggo. Ito ang King's Gold na tinatawag. Ito ay isang jewelry, isang singsing mula sa unang rajah ng Pilipinas. Una nang naisip na iabandona ng Vintage Spy ang paghahanap sa King's Gold pero dahil sa ikabubuti ito ng bansa, naisip ng Vintage Spy na ituloy.

Actually, isang araw na ang nasayang. Kasi dapat talaga, last Tuesday pa sinimulan ng Vintage Spy ang paghahanap sa King's Gold pero dahil naubusan siya ng pagkakataon, di nya nagawa. Ngayon, nabusy ang ilang agents ng Vintage Spy sa ibang missions at walang nakapagtuon ng pansin sa King's Gold. Meron na lang siya POSSIBLY hanggang Friday pero kung mamalasin, bukas na lang ang deadline bago pa tuluyang mawala ang King's Gold.

Meron tayong mga outsider accomplices para dito pero di ko alam kung kakailanganin pa ng Vintage Spy ang karagdagang accomplices.


PARINIGAN TIME NA!!!

This time, we'll make SYMBOLISMS...

Ang title ng istoryang ito ay "Unang Digmaan"

Sa isang forest, merong naninirahang matandang leon. Siya ang hari ng isang tribo. Sa kabilang tribo ay pinamumunuan ng isang wild boar. Well ang istorya natin ay iikot sa kaharian ng Leon...

Merong digmaang gaganapin sa pagitan ng dalawang kaharian. Ipinadala ng Leon ang kanyang pinagkakatiwalaang kawal, ang kuwago. Ang agila ay matalino ngunit kapag maraming epal sa paligid nya ay nasisira ang kanyang katalinuhan at focus. Merong kaibigan ang leon. Ito ay ang tigre. Hindi namumuno ang tigre sa kaharian ngunit kaibigan siya ng leon. Masakit magsalita ang tigre kahit noon pa man. Sa pagsasanay sa pakikidigma ng agila at ng ilang tauhan nito (kuwago, paniki, maya, pabo) puro siya komento ng masasama kaya nasisira ang pagsasanay, isama pa ang ilang komento ng mga hayop sa paligid nila. MAsama ang loob ng agila. Di pa siya sanay sa pakikidigma ngunit kung ituring siya ng mga hayop sa paligid nya ay parang napakagaling na nya at sanay na sya sa gera. Pero wala na siyang magagawa. Ngunit sa dami ng mga hayop, merong nais tukain at patayin sa tuka ang agila. Ito ang maitim na gorilla. Noon pa man, bata pa man sila ng mga kaibigan nya ay inaapi na sila ng gorilla na ito. Nagpapakita lang ito ng kabutihan kung may kailangan sa kanila.

Di tapos ang istorya...


Congrats pala sa mga umakyat ng stage kanina!

Wala na akong masabi... Kasi mahirap magsalita...