Wala akong mai-title sa post ko ngayon. Kaya ito na lang ang title ko. Ang aking paboritong salita...
Hindi nakakatuwa ang grades ko. Una. Hindi bumaba ang mga subjects ko na walang involvement sa NAT. In short sa Filipino, English, Biology, Social at Math lang ako bumaba. Meron ding kagimbal gimbal akong napagalaman na epekto nito sa grade ko. Hindi ko na tangka pang ikwento dahil nakaka-frustrate lang. Dumalaw lang talaga si Jeslie Lapus at matarget ko, babatuhin ko talaga ng Itlog yan. Haizzz. Marami rin ang na-shock sa grades nila siguro ay dahil na rin sa NAT. Sa Health okay naman ang score ko. Di naman 65. Sa Music, 95!!!! OMG!!!! Akalain mo yun? Well hindi kaaya-aya ang nakuha ko sa General Average at unang beses ko nagkaroon ng ganito kawalang kwenta na General Average. Sa ibang subjects na walang NAT, tumaas or retain lang.
Meron kaming higher possibility na makapasok sa Entrepreneurship. Hindi pa sigurado pero at least high ang posibilidad. Ito lang ata ang pinakamataas ko eh.
Sabi ko nga sa ibang nalungkot, at least walang Warning or Recommendation. Okay na yun. Maging kontento na sila.
Pinahiram ako ni Leonille ng Detective Conan na DVD. Nagenjoy ako ng todo. anyway, salamat pala Mr. Migraso! Obvious naman sa bg music ko ngayon ang aking lubos na galak. Malupit talaga ang mga tricks ni Kaitou Kid. Mala Arsene Lupin. Yun nga lang, may magic tricks pa siya saka nakaputi at may glider siya.
Ito si Kaitou
Ito naman si Arsene
Siguro ilang araw na lang, lilisan na ako ng Manila muna. At least sa ibang lugar, meron kapayapaan. Bago ko tapusin ang inaantok na post na ito, nais kong ipamahagi ang sinabi ng isang tao sa akin na nagsilbing gabay sa akin... Kahit naman siguro sabihin ko ang pangalan ng taong ito, di nyo rin kilala so better na hindi na lang. Simple lang ang sinabi nya.
"Do not base your judgement upon the mob. They always go whrein they will benefit."
Napatunayan kong totoo ito noong isang araw. Medyo matagal na ang araw na ito. Pero kung ibibigay ko ang HInts siguro makukuha na ito ng iba. Well dito kasi, nakita ko ang mga taong hindi nakikinig sa rason. Iniisip lamang ang kanilang sariling kapakanan at hindi tiningnan ang naapektuhang party. Ang sa kanila, kung saan sila mag benefit duon sila. Well I tried to explain pero this all goes to nothing. Kung titingnan, kung sinunod ko ang nais nila, siguro hindi ako nalagay sa ganito. But kapag ginawa ko iyon, magiging isa akong puppet na kayang paggalawin ninuman. Mahirap maging neutral palagi. Yung nakita mo na, dedma ka pa para wala nang commotion. Mahirap ipalaganap ang kapayapaan sa mundong puno ng kademonyohan. Kung lahat ng tao ay tatahimik na lang para walang gulo, sana wala nang mga pulis, justice atbp. Marami ang nagkomento na "walang pakisama". Ang mahirap kasi, sarado ang mga utak nila at kailanman di sila nakinig sa rason. Ang iniisip nila "F*ck this man! Epal! Agaw Trip!" Yun lang. Hindi nila inisip yung tangka nung tao bakit nya ginawa yun. In the first place, wala akong kasalanan dun but dahil nga tao silang sarado ang utak, kailangan nilang magpasa ng kasalanan. Siguro naman kilala nyo ang mga sarili nyo at hindi ko na kayo kailangan pang isa-isahin. Lilinawin ko lang uli na kahit anong BANAT, PATAMA o PAGPAPARINIG nyo ay wala na akong pakialam. Pinilit kong magpaliwanag pero masyado kayog greedy. Masyado kayong selfish. Papanig kayo kung saan kayo papabor. Yun lang. Sige. Magsaya kayo mga Hudlum.
Thursday, April 3, 2008
Haizzzz...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 1:56 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment