Nuong isang araw, dumaan ako sa bahay nila Leonille. Meron siyang isang bagong site na inintroduce. Ang TRIKE PATROL. Ngunit ang nakakapagtaka, hindi ito gumagana sa Mozilla Firefox. Base sa nabasa ko, IE daw dapat ang gamitin. Nung ginamit ko naman yung IE, ayaw din. Sobrang illegal ata. Umabot lang ako sa Terms and Conditions page. Kung nais nyong tingnan ang nagbabagang eksena, i-try nyo kasi hindi pa talaga ako nakapasok. Kaya naisip ko na dumaan na lang sa Quiapo bukas.
REGARDING YM
Anyways, kung may mga messages pala kayo, huwag nyo na ipadala dun sa email kong luma. Ipadala nyo siya sa dsclarin. Unang-una, malinaw po na ako yun at hindi yun isang nanggagayang nilalang. Mas maganda kasing pakinggan kung dsclarin lang. Hindi ko na rin binubuksan yung isa at ito na lang ang palagi kong binubuksan. Anyways, hindi ko rin maintindihan kung nagloloko ang ym ngayon or talagang may nakakaalam ng YM account ko na base naman sa investigation is wala. Nakakapagtaka kasi na sa araw-araw akong online, automatic siyang nagsign-out. Minsan habang naglalaro ako, napuputol ang paglalaro ko dahil nagsign-out pala ang ym ko. Sabi ni Leo may problema daw talaga ang ym. Pero kung may iba kayong hula, pakisabi na lang.
ANG LABANANG MALUPIT
Tinuruan din ako ni Leo kung paano gumawa ng mga characters sa NBA 08 na hindi mabubura. Kasi dati nakakagawa ako pero nabubura agad. Ngayon halos lahat ng rosters ko is taga-LHS. Siyempre kung ikaw ang creator gagawin mong perfect or close to perfect ang character mo na siyang ginawa ko. Pero hindi ako yung palaging nailalagay sa Jordan Player of the Game sa katapusan ng laban. Minsan si Migraso19, Gianan24 or ang iba pa but never si Gaspar69. Lahat din ng aking kabaro at katoto mostly ay nasa Philadelphia 76ers. Nilipat ko rin yung mga top-ranking players sa team ko. Andun sila L.James, D.Wade atbp. Pero di ko naman sila ginagamit. Pampataas lang ng percentage yun. Siyempre malulupit din dapat ang mga kalaban namin. Andun ang varsity, teachers, noobs na nagmamagaling, taong kalye, mga hiphop, rockers, autistic, siga, gangsters, mukhang et***, bakla, pati yung mga empleyado ng LHS, mga first year na magsesecond year (especially ang "repeater") at pinakahuli ang mga matatalinong estudyante. Siyempre anduon si Juryl pero hindi siya palaging nakakashoot dahil nasobrahan ko ata sa liit yung character. Dahil din sa pageexperimento, natuto ako duon sa Slam Dunk Competition at 3-point shoot-out.
ATBP.
Siyanga pala, habang naglalakad ako sa hindi maintindihang lugar, nakita ko itong pelikulang ipapalabas ata.
Action ata yan na may love story, erotic story, love scenes, atbp. Siyempre ma comedy.
Kung titingnan sa mga blogs, ang pinakamaraming dumadalaw sa blogs ay mostly English ang ginagamit na language. Pero kung bakit pumasok ito sa isip ko ay hindi ko rin maintindihan.
Meron ding nagcomment sa youtube na masarap talaga saksakan ng canister. Hindi ko pa siya sinagot dahil na-delete ko kaagad ang comment nya.
Speaking of comments, masarap balikan sa friendster ang mga testimonials pa noon. Para kasing may bumabalik na bygone era.
Hanggang dito na lang muna ang post ko dahil kakain pa ako. Goodbye!
Tuesday, April 29, 2008
Trike Patrol
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 11:06 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment