Friday, April 18, 2008

Finally, it's Over.

Dahil nga meron akong masamang kutob sa isa sa aking mga accounts, naisip ko na magkaroon ng Random Check. At aking napatunayan na ang aking account ay still mine at hindi pa nakuha ng robber.

Bakit ko nga pala pinagawa ito? Unang-una, dahil ako ay nasa malayong lugar kung saan hindi hindi uso ang PC, at wala gaanong teknolohiya. Wala rin naman akong laptop kahit Vtech lang para dalhin. Isa pa, kinakailangan ko muna ng break. At dahil nga sa ganoon, pinadala ako sa malayong lalawigan ng Basista, Pangasinan.

UNANG ARAW

Siyempre, kinakailangan maghanap ng Bus. Nagkaroon ng kaunting kahirapan. In short, nakahanap din ng bus. Malamig ang napwestuhan kong area sa Bus. It would take almost 4 hours ang byahe. Siyempre maraming nagaakyatan na kung anu-anong tinitinda. Well of course, nakuhanan ng aking camera ang ilang roads na dinaanan.


NLEX yan, papasok pa lang sa tollway.


Sa loob ng NLEX, exact location ata nyan, Bulacan. Unsure po.


Ang tollway


Bahay na nasa gitna ng isang bukirin.


ISang factory na naglalabas ng smoke na nagsasanhi ng Greenhouse Effect or Global Warming


Ang NLEX, malayuang kuha.


Ang ROTONDA. Ito ay located sa Tarlac.

Nakarating naman kami nang estimated time of arrival. Inihatid kami sa "Hacienda" as I call it. Mula sa Bayambang (dito ang terminal o dito nagbabaan at nagsasakayan ang mga tao.) hanggang Basista. Sa Basista, narito ang "hacienda". Hindi naman kalakihan ang hacienda na sinasabi ko. Mga 20 hectares siguro. Naroon na rin ang bahay. Almost 149.70 km ang inabot or 148703 at kalahating piraso ng Meter Stick. Siyempre pahinga muna dahil medyo may "bus lag" pa. Well merong silang custom na ang bisita ay hindi dapat pinatatrabaho dahil daw aalis ang mga manok. Marami pa naman silang alagang manok, turkey or pabo, at pato or ducks. Siyanga pala, pagdating namin duon, kaaani lang nila ng mga mais. Hindi yung mais na sweet corn kundi yung ginagamit na feeds sa mga manok. Kulay orange ito. Pinatutuyo nila ito bago isako. Habang naglalakad-lakad ako, nakakita ako ng isang vintage na electric fan na gumagana pa.


Ito ang kanyang mga dials.


Ito ang tinaguriang Musical Fan.

Hindi siya transistor radio. Siya ay isang casette player. Meron din siyang lamp shade. Ang gamit na ito ay napasakamay ng mayari nuon pang 1979. At hanggang ngayon ay gumagana pa ang kanyang electric fan without any repairs. Hindi na gumagana ang player pero gumagana pa rin ang lamp shade. Hindi pa nabuksan o na-repair ang makina nito.

DAY 2

Ito na ang araw ng pagpunta sa Beach. Hindi resort. It is a free beach. Malayo ang Lingayen kaya pumunta na lang kami sa Binmaley. Mula sa "hacienda" gugugol ka ng halos isang oras papapunta sa Binmaley. 30.41 km ang layo nito.


Ito ang beach mga bandang 6 a.m.


Ito ang beach mga 7:30 a.m. Ito ay libre.

Ito rin ang araw ng paguwi ng aking mga magulang at kapatid. Hindi na sila nagtagal pa at ako ay naiwan. Siyempre katay ng manok. Ngayon lang talaga ako nakakakita ng LIVE na pagkatay nito. Una, ginilitan sa leeg. Kahit nakagilit na ang leeg ng manok ay nagpupumiglas ito. Naparaming seremonyas bago siya naluto. Hindi naman brutal.

ANG IBA PANG ARAW...

Ito yung mga araw na unang beses din ako nakakain ng batok ng baboy. Pati na rin tenga. Itong mga bagay na ito ay nakahalo sa sisig na hindi ko rin hilig. Nagkaroon din ako ng panandaliang peace of mind. Marami-rami rin akong mga bagay na napagnilay-nilayan. Napagisip-isip at nabigyan ng desisyon. Habang nasa bukid, naisipan kong kuhanan ng photo ang significant na bagay...


Isang haystock.



Ang bagong tabas na bukirin.


Ganun din to.


Mga manok na kinakabahan katayin.


Parang nagpakuha talaga ang aso.


Ito ang pinakamatapang na bantay o aso na nakilala ko. Nakakagat ng humigit kumulang 7 tao.


Baka yan.


Parang na-elibs din ako sa resulta nung ginawa kong style ng photography.


Ito rin. Nakakaelibs kasi itong punong ito. Para siyang Chocolate Hills. Nabubuhay kapag tagulan.


Dito talaga ako nabighani. Parang ito yung pinaka exquisite.


Parang deserted naman ang area.


Wag nyong pagisipan ng masama. Malambing lang talaga ang aso. Besides, kapatid nya yan.


Ito ang "ducklings" sumusunod talaga sila sa nanay nila kahit saan magpunta. Nakakatuwa silang tingnan.

Marami pa akong mga photos. Pero mauubos ang oras ko kaka-upload lang. Anyways, sa loob ng 3 araw, natapos kong basahin ang libro ni Victor Hugo. Ang Les Miserables.

Ito ay istorya ng isang exconvict. Si Jean Valjean. Nakulong siya sa kulungan dahil sa pagnanakaw ng tinapay dahil sa sobrang gutom. Drama ang istorya. Hindi dramang pinoy. Itong drama nya ay talagang nakakaantig. Hindi dahil iyak siya ng iyak. Actually, hindi siya umiiyak kahit anong hardships pa ang nangyari. Ayoko muna ikwento kasi mas maganda basahin nyo dahil talagang maganda pala ang istorya ng Les Miserables.

Well mayroong isang part ng istorya na medyo totoo sa ibang tao. Ang pinagmulan ng love story ni Cosette at ni Marius. Nangyayari talaga ito. Si Marius kasi hindi nya masabi yung nararamdaman nya. Tingin siya ng tingin kay Cosette. Isang araw natingnan siya ni Cosette at medyo umiral na ang pagiging sakim nya. Gusto na nya malaman kung saan nakatira si Cosette. Nung nalaman na nya, gusto na nya makausap.

Ganoon din ang karamihan. Noon nakokontento lang sa patingin-tingin. Tapos nung medyo napansin, gusto nang makuha lahat. Titigilan ko na dahil nasasaktan na ako.

PAGUWI

Siyempre sa paguwi, ako nalang magisa. Kasi nga nauna na ang mga magulang ko. Ganoon pa rin ang dinaanan. Naisip ko dumaan kanila Leo. Wala siya. Hihiramin ko pa naman sana yung DC. Pero binalik ko na yung DC 3 at 10.

That ends my 1-week post. Puro photography. Hehe.

No comments: