Tuesday, April 8, 2008

Solar Powered Sim (SPS)

To give a short glimpse, kung matatandaan, nadukutan ako ng cellphone last December kasabay ng sunod-sunod na unfortunate events na naganap. Umabot ng 2 mos. at natapos ang aking pagtitiis na walang cellphone nang nakita ko ang promotional advertisment (promo ads) sa dyaryong, The Philippine Star. Agad naman naming nakuha ang phone na libre kasabay ng pagpirma sa isang 2-year contract sa Sun Cellular. 24 mos. kaming seserbisyohan ng Sun with Unlimited Calls and Texts to Sun subscribers at 250 free texts to other networks. Kung titingnan, nakaka-enjoy dahil na rin sa unlimited ka araw-araw. Without further ado, naiuwi na namin ang handset. Meron lang akong isang bagay na nadiskubre. Ito ang mahinang signal ng Sun.

Medyo tiniis ko ng 2 mos. ang mahinang signal ng Sun kaya hindi ako nagreklamo. Pero nung Sunday, parang nainis talaga ako. Mga 9:45 ng nagtext sa akin si &)@&%&Q)@. Well, matagal ko rin siyang hindi nakakausap sa Ym, and hindi na kami nagkikita. Hindi na ganoon ang tingin ko sa kanya katulad ng 1st year. Well as for me, acquaintance na lang siya. Pero meron siyang tinanong. Then natapos na ang pelikula na aking pinapanood. Inantok na ako at naisipang matulog. Nagtext siya ng reply. Nakakapagtaka dahil nagpadala siya ng text sa akin ng 9:45 at agad ko namang nireplayan. Ngunit, ang nakakapagtaka lang ay sumagot siya about sa reply ko nang 10:40! Talagang nakakainis kaya di na lang kami nakapagusap. Anyway, kung naghahanap lang talaga kayo ng cellphone at oks naman sa inyo kahit di gaano maganda ang signal, mag-Sun kayo. Pero kung trip nyo ay malawakang text, mag Globe or Smart kayo. Bumili na lang kayo ng cellphone sa mga magnanakaw, or kahit saan pang bargain or second hand. Yun nga lang, hindi nyo masisiguro ang kalinisan at ang tibay at itatagal ng phone.

Dahil na rin sa sobrang kaadikan ko, naisip ko nalang na manood ng pelikula. Naisip ko kahapon unahin ang pelikula na Around the World in 80 Days. Napakalaking pagkakaiba ng nabasa ko na nobela ni Jules Verne sa pelikula ni Jackie Chan. Sisimulan ko sa characterization.

Sa libro, si Phileas Fogg, ang protagonist ay isang mayamang taong nagsasayang ng oras nya sa Reform Club. Napakayaman nya NGUNIT wala siyang trabaho at wala siyang pinagkakakitaan. Sa pelikula, si Phileas Fogg ay isang inventor na hindi pinaniniwalaan ng Royal Academy of Science. Sa libro din, ang kanyang valet or assistant, si Passepartout (pronounced as Paspartu), ay isang TUNAY na Frenchman kung saan ang kanyang relos ay nakasunod sa French Time at hindi nya ito binabago kahit dumadaan na sila sa mga International Dateline. Ngunit sa pelikula, si Jackie Chan, na gumanap na Passepartout ay isang CHINESE na nagnakaw ng Jade Buddha sa Bank of England. Si Passepartout duon ay si Lu Zhing ata. Ninakaw nya ang Jade Buddha para ibalik sa village nila. Isa pa, si Passepartout ay nag-apply mismo kay Phileas Fogg. Ngunit sa pelikula, nalaglag siya sa puno. Para mataguan ang mga pulis, nag-serve siya kay Fogg. Susunod ay si Detective Fix. Sa pelikula, isa siyang napakatangang detective. Ngunit sa libro, matalino siya at ang tanging dahilan na hindi nya mahuli si Fogg ay dahil na rin sa mabagal na pagproseso ng Warrant of Arrest. Last na character na nakakapagtaka ay ang paglabas ni Mrs. Aouda. Actually miss lang yun. Di ko alam kay Jules kung bakit Mrs. ang nilagay nya. Anyways, sa libro, si Aouda ay naisave mula sa mga kulto. Hindi naman sumasamba sa demonyo pero iaalay nila si Aouda. Nai-save ito ni Phileas mula sa India at naisip na isama sa journey. Sa pelikula, nakakilala si Phileas ng isang babaeng nangangarap maging painter at sumama ito sa journey nila. HIndi Aouda ang pangalan nya. Ewan ko kung ano.

Ang storyline ay napakalayo talaga. Ginamit lang nila yung ibang pangalan at yung title pero yung istorya ni Verne ay sadyang malayo. Una ay ang pagnanakaw sa Bank of England. Sa libro, isang gentleman ang nagnakaw ng 55,000 pounds. Lahat ng description ay naituro kay Fogg kaya naisip ni Fix na si Fogg ang magnanakaw at gusto nya ikutin ang mundo para manakaw ang pera at ginagamit lang nyang palusot ang paglibot sa mundo. Sinusundan ni Fix si Fogg sa lahat ng pupuntahan nila para lang hintayin ang Warrant. Sa pelikula naman, si Passepartout ang nagnakaw ng Jade Buddha sa Bank of England para ibalik ito sa kanilang village sa China. Kaya naisip nyang maging tagapagsilbi ni Fogg para makarating sa China. Si Fix naman ay namukhaan siya ngunit laging nabubugbog si Fix. Sa film din, si Passepartout ang nag-initiate ng pagikot ni Fogg sa buong mundo sa loob ng 80 araw. Ngunit sa libro, nabasa ni Fogg ang possibility na maikot ng tao ang mundo sa loob ng 80 araw kaya naisip nyang gawin ito. PAti ang wager o ang mga bagay na nakalaan or in short bets nila ay naiba rin. Sa libro ang wager ay 20,000 pounds na ibibigay nya sa mga kasama nya sa Reform kapag natalo siya. Nag-issue na siya ng check mula sa Barring Bros. At kapag nanalo siya ay bibigyan siya ng 20,000 pounds. Base naman sa film, ang wager ay ang posisyon sa Royal Academy of Science. Kapag nanalo siya, papalitan nya ang tao sa Royal Academy, kapag natalo naman siya, titigil na siya sa pagiimbento. Malaki rin ang pagkakaiba ng kanilang travels. Hindi gaano adventurous ang naging byahe ni Fogg sa film. At isa pa, nakapagbyahe siya using a flying machine. Ngunit sa libro, binibili ni Fogg ang lahat ng means of transportation at naikulong din siya ni Fix. Isa pa, inakala nilang talo na sila kaya umuwi na lang sila sa Saville Row (residence ni Fogg) at namuhay ng normal na walang pera. Ngunit nalaman nila na 78 days lang pala sila nagikot ng mundo kaya hinabol ni Fogg ang pagdating sa Reform. Sa film, 79 days sila nagikot.

Dahil nga collection ni Jackie Chan ang binigay nung tindero na naglalaman ng 38 pelikula, pinanood ko na ang iba pa. Pinanood ko yung The Tuxedo. Isang istorya tungkol sa isang driver na pinamanahan ng isang tuxedo na malupit. Well ang tux na nasabi ay kino-control ang katawan ng tao based sa command nung relos. Ang relos ay controlled ng owner. Tapos naisip ko na panoorin ngayon ang Detective Conan na mga movies.

4 na pelikula ni Conan ang tinapos ko ngayong araw. Una ay ang The Time-Bombed Skycraper. Ang hirap ipaliwanag ng buong pelikula dahil napakagaling ng deductions ni Conan. Ikalawang pelikula ay ang The Fourteenth Target. Pinapatay ang mga tao base sa number nila sa baraha. At ang pinaka-last na papatayin o ang tinutukoy na 14th target ay ako-I mean si Kudo Shinichi. Siya ang nag-symbolize ng Ace of Spades. Ang ikatlong pelikula, ang The Last Wizard of the Century kung saan unang lumabas si Kaitou Kid. Tungkol ito sa itlog (ayoko na ikwento kasi baka kung manood kayo, magmagaling kayo na kunwari nahuhulaan nyo ang mga mangyayari). Basta yun na yun. During this film pala, ito na ang SANA pagkakataon na umamin si Conan na siya si Shinchi. Pinahiram na ako ni Leo nito ngunit naisip ko na ulitin na lang. Ang last kong napanood ngayon ay ang Captured in Her Eyes. Ito ang pagiging amnesiac ni Mouri Ran kaya ganyan ang title dahil siya lang ang nakakikita nung assassin na pinipilit siyang patayin kahit sinave siya ni Conan. Makikita rin dito ang pagtingin ni Haibara kay Conan. At ang HALOS pagtatapat ni Conan kay Ran.


Anyways, merong bagong naimbestigahan ang SOCO. Actually, matagal na to. Pero ilagay na rin natin.



Binura ang mukha ng tao for the victim's privacy.


Nakita ito during a party held at the Rm. 105 or 106 of the ---------


Nakita ang isang blouse, a PULP Invitation at isang slide sa sliding folder


Nakita ito sa labas lang ng nasabing Room. Ito ay puno ng putik. Just look.


Well ito na. Sa sabado, siguro naman makakapag-repose na ako kahit papaano at mapagdedesisyonan ko na ang pinakamabigat na desiyon maaring bumago sa buong buhay ko. Ang pagiging kadete. Haizzz talaga.

Anyways, napapabalita na ilalabas daw ngayon ang Harry Potter 6: The Half Blood Prince. Ilalabas din daw ngayon ang Detective Conan 12: Full Score of Fear. Kung sinuman ang mayroong DC 11: Jolly Roger in the Deep Azure, pahiram naman. You can communicate thru this blog. At Olympics pa pala ngayon. Haizzz talaga. Ge. Hanggang dito na lang ang post ko.

No comments: