Yun na. Sinabi yan ni Sherlock Holmes kay Dr. Watson sa case na Hound of Baskervilles. Yan na yung post ko. Bye!!
Wahahahahahahhahahahaha...
Okay. Matinong usapan na tayo. Nuong April 22, naisip ko uli bumalik sa "Haceinda" sa Pangasinan. Dahil nga sa natamo kong Filipino Hospitality ay nakaramdam ako maging VIP. Well ibang iba kasi talaga ang hospitality ng mga tao at gusto ko pa bumalik kaso lang marami akong kailangan asikasuhin dito sa Maynila. Itong araw din na ito ang first time ko magbyahe papuntang Pangasinan. Nakauwi ako mula Pangasinan ng magisa. Pero ang pumunta ay hindi ko pa nagawa. Hindi naman ako nahirapan dahil pagbaba ko ay may sumalubong naman sa akin.
April 23 ay nagkaroon ng mass murder ng mga chickens. 11 chickens ang sabay sabay na kintay at within an hour or so, naihati na sila sa maraming putahe ng manok. Ibang klase rin ang cook dahil lubhang napakalinamnam nung kanyang pagkakagawa. Pero siyempre paano nyo nga naman maapreciate kung ikukwento ko lang?
So ayan. Fast forward tayo sa April 25. Ngayong araw na ito, kailangan nang umuwi. At ang bus na nasabkyan ko ay tumagal ng halos 1 and a half hour sa stop over lang. Dahil sa sira ang kanyang gulong. Maraming pasahero ang "naurat" at marami ang bumaba. Pero kailangan kong magtiis. Nakababa ako ng Dau Terminal at lumipat ng Victory at dahil nga nasa likod lang halos ng Victory ang bahay nila Leo, naisip ko na rin dumaan. Marami rami rin akong nabalitaan. Well mas maganda na wag ikwento. Let Holmes do the rest.
anyways, pagkatapos ng Les Miserables, Sherlock Holmes naman ngayon ang binabasa ko. Kaso nga lang, Volume 2 lang. Hindi ko nabasa yung paglalaban nila ni Professor Moriarty. Pero oks na rin yun..
Medyo wala ako maisulat kasi nagmamadali ako maglaro! Bye!
Friday, April 25, 2008
"One cannot always have the success for which one hopes. An investigator need facts and not legends or rumours. It has not been a satisfactory case."
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 5:48 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment