Monday, April 7, 2008

Ano? Challenge Letter?

Tingin ko kailangan ko muna i-fullfill ang title ko. Well may nagpadala sa akin ng challenge letter na hindi nagpakilala. Ito ang kanyang letter na aking ini-scan.



Well hindi ko naintindihan ang pakay ng nagpadala. Siguro naisip nya na purong Pilipino ako kaya nagpadala siya ng ikalawang copy. Ito ang nakasulat.




Nang aking tingnan ang characters, pareho sila kaya sigurado na iisa lang ang mensahe nung 2 sulat.

Enough of that.

Kahapon, naisip kong pumunta ng Quiapo. Ang masaklap, hindi ko naalala na magdidilim na pala. Pagdating duon, mga 7 na ng gabi. Hinanap ko na ang dapat kong hanapin. Ang Around the World in 80 Days. Ngunit naisip ko rin na maglibot para makahanap ng murang DVD ni Detective Conan. Habang naghahanap, merong lumapit nanaman. Medyo nasanay na rin ako sa mga trip ng taong to kaya parang wala lang. Siyempre pabulong yun.

Sabi, "Boss, Hentai?" Sagot ko, "Hindi" Tapos habang naglalakad ako, naghahabol pa rin at sinasabi, "Scandal, artista, koreano, hapon..." di ko na lang siya pinansin. Mga 5 tao ang dinaanan ko na ganun ang tinatanong. Well para linawin, hindi sila tumitingin sa mukha. Maging mukha ka mang pari, santo o demonyo, aalukin ka pa rin nila. Siyempre lantaran nanaman ang pagbebenta ng mga scandals. Nakarating na ako sa pukyutan ng mga DVD ng Anime. Tinanong ko sa lalaki, "Meron kayong Detective Conan?" Medyo malayo ang sagot nya na "Hentai?". Akala ko may Hentai yung Detective Conan. Wala pala. Iba pala ang hentai na tinutukoy nya. Akala nya siguro hentai talaga ang hinahanap ko. Nang makarating naman ako sa ibang tindahan, Lupin naman ang naisip kong itanong. Ang hindi ko maintindihan, bakit Lupin ang naisip ko. Well ang Lupin na tinutukoy ko ay hindi ang Lupin III o ang Lupin ni Richard Gutierrez. Ang Lupin na sinasabi ko ay ang French Film. Malayo nanaman ang utak ng natanungan ko. Sabi ba naman, "Ano yun, Koreano?" Sinagot ko ng "hindi" tapos tanong uli siya, "Scandal?" Sa isip-isip ko Potek! May scandal ba si Lupin??? Tinigil ko na dahil wala namang patutunguhan ang usapan namin. Nakabili naman ako ng Detective Conan at ngayon ko lang tetestingin kung gumagana.

Sige na. Kinakailangan ko pang manood!

No comments: