Quit muna tayo sa missions, quit muna tayo sa cases. Saka na natin sila ibalik after the holidays. Wala naman talaga akong gana mag post pero medyo may ilang mga bagay lamang akong nais ikwento.
Nung December 27, umakyat muli kami sa Baguio not for mission. Family gathering ito. Mas mababa siguro ng ilang temperatura mula nung umakyat ako para sa misyon. Pero ito ang catch. Wala nang vacant rooms para tulugan. Di na kami naghanap ng suite or whatsoever dahil tulugan na nga lang wala na. Fully booked lahat. Gabi na rin kasi kami nakarating and we have to find a place na kahti matulugan lang for the night. (This reminds me of the Nativity Story. Well siguro, pwede siyang irelate.) Tama ang sinabi ko, Nativity. Talagang lahat ng hotels, inns, transients, rooms for rent sinasabi, "Fully Booked na po.", "May reservation po sir?", "Bukas try nyo." (Medyo nainis ako sa nagsabi nito kasi di nya ginamit ang utak nya. SAN KAMI MATUTULOG SA GABI?), and the likes. We stayed by the Session Road sa malapit sa Burnham para magisip. Lumalamig na ang klima, naglabasan na ang mga ukay ukay. Napakaraming tao. Isipin mo ang sale sa MOA. Ganun. Andami talaga. Iba ibang uri. May foreigner at may mga kalahi din natin.
So namomroblema pa rin saan magiistay. Luckily merong kamaganak na may kakilala na nagpaparenta ng transient. So para ngang nativity. Sabsaban siya sa liit pero at least may maistayan. Puno ang parking ng sasakyan sa Session Road. Traffic kahit saan. Sa Harrison Rd, Marcos Hway at lalo na talaga sa Session. Dami talagang tao. Napagalaman namin na kaya pala ganun karami ang volume ng tao ay dahil sa almost 160,000 ang umakyat ng Baguio. Iba't ibang restaurant rin ang aming pinasok kaya naubos ang aming pera. Nagenjoy din kami sa mga binebenta ng PMA. Meron ding formation na ginawa ang PMA. Naalala ko na ilang araw na lang, papasok na ako. Galing talaga. Tapos sinasaliwan ng drums yung pag martsa nila. Meron akong video nung ginawa nila kaso yung pagexit lang yung nakuhaan ko. Andami ring tao sa PMA. Kakabilib pati yung pagtaas-baba nila ng riple. Astigin din yung pagbaba nila ng flag. 5 tao tapos di ko na kasi masyado nakita. Basta parang may mga gwardya yung may hawak ng flag. 1700 HRS pala nila binababa ang flag. Sakto. Meron ding museum ang PMA. Andun yung mga weapons na nakumpiska, dating uniform, memorabilia, mga ginagawa ng kadete sa room nila, at kung ano ano pa. May bayad. Pero di ko alam. Kaya nakalibre ako. Hehe. Nagulat na lang ako paglabas ko merong naniningil ng bayad.
Enough of Baguio. Bandang 30-31 wala nang tao gaano.
Kung mapapansin, matagal tagal din di binuksan o inupdate ang Huang Tin Sun. Dahil nga sa HOLIDAY. So mahaba haba ang holiday ng author kaya matatagalan pa ang pagupdate.
Grabe rin ang work load na iniwan. Una ay Filipino, patatapusin na ata ang libro. Sunod yung IT, dalawang kalendaryo. Mahirap rin kahit yung sa group. Ikatlo, long test daw sa entrepreneurship pagbalik ng klase. Grabe naman. Para namang lahat ng tao nasa kani-kanilang bahay lang during the vacation na walang ginagawa. Yung tipong nakaupo lang. Siyempre yung iba, tulad ko eh nagbakasyon, wala sa Maynila, busy or pumunta ng probinsya. Di bale sana kung wala ka rin ginagawa sa probinsya. Siyempre kung may kapamilya ka doon, makikipagsocialize ka. Hindi naman dahil bakasyon, nasa bahay ka lang. Siyempre bakasyon, minsan nilalamang ng mag-anak na lumabas dahil minsan lang ito. Sana naman maintindihan nila ang ilang bagay na ito. Hindi lang kami basta nakatunganga lang sa bakasyon. Meron ding gatherings at hindi academic days. Talaga nga naman.
Well first blog ko to, kanya kanyang kuro-kuro yan. Kung hindi kayo sang-ayon, gawa na lang kayo sarili nyong blog tapos duon nyo ako batikusin o wag na kayong mambatikos. Binigyan ko na nga kayo ng paglilipasan ng oras (hehe) para di lang kayo mag-iCall.
Ilang araw from now, we will have designations. Kung ano man iyon, wag nyo na pilitin arukin dahil di ko rin naman ilalabas.
Siyanga pala, friendly reminder lang sa nagpaplano na wag magbayad for the JS this coming week...
Siguro nga mas maganda kung field trip. Me, myself, mas gusto ko ang field trip. Kaya ako nag "aye" sa JS dahil akala ko hindi maapektuhan ang field trip pero tingin ko nga maaapektuhan. Anyways, we can't do anything about it na. It has been passed. Kahit hindi natin bayaran yan, yung president lang natin ang mahihirapan. Kasi sa kanya isisisi bakit hindi nya masingil or bakit hindi magbayad ang kanyang suborinates. It will be an added pressure for her. At kahit naman talaga ano nang mangyari, matutuloy din. People, kahit sino man ang presidents nyo, be considerate enough. Be responsible enough na sundin na lang ang school rules. Kasi hindi man kayo maapektuhan nyan, yung people of higher ranks, yung president ng bawat rooms, yung representatives, yung SCO and yung mismong president ng SCO ang mananagot. Hindi tayo. So wag na natin silang pahirapan. Let us comply to the rules friends. We don't want any trouble. So let's be united in this happening and be cooperative and sensitive enough para sa ating leaders. Hindi biro ang mag organize nito. Pinaghirapan din nila ito and pinaghandaan para naman walang sisihan ang maganap. Hope I made myself clear.
Sabi nga ni Sec. Duque, wag magpaptuok so ginagawa ko naman. Hehe. Mahirap mag take ng risk.
Anyways, ilang oras pa bago mag new year pero nais ko na kayong batiin ng
HAPPY NEW YEAR!
Wednesday, December 31, 2008
We Shall Observe Holidays
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 1:41 PM
Wednesday, December 24, 2008
Mission: Ilocos Region
211208 0900 HRS
Unexpected ang pagbibigay sa akin ni Mr. Holmes ng assignment. Pangasinan ang destination. Pagkarating ko kaagad sa base, ibinigay agad ang mission order. Nakahanda na ang means of transportation ko na isang kotse. Ihahatid ako directly sa rest house at duon sisimulan ang mission.
1100 HRS, The Lakeshore
Nag stop over muna ang sasakyan sa "The Lakeshore" na nasa loob ng North Luzon Expressway (NLEX). Siyempre kailangan din ng fuel sa katawan. Pampanga ata ang area na ito. Ilang hours pa.
1200 HRS, Toll Gate, NLEX
Alam ko malayo pa. Pampanga pa lamang ito. Nakalabas na ng NLEX. Nakaka receive na ako ng updates from the base pero walang signal ang aking two way radio so hindi ko maibigay ang exact location ko sa base thru my voice. I have to use writing. At ito na nga sinulat ko muna dito.
1400 HRS, Basista, Pangasinan
Arrived at the rest house. Wala ka actually makita kundi puro taniman. Tahimik, at kaunti ang polusyon. Mainit ang araw. For sure di nyo pa alam ang mission order ko, well ito ang mission order:
Di ko na ilalagay ang exact copy kasi classified ang case na ito so ang pinaka mission dito is makuha ang vitaminized sack of rice na ipapadala sa local markets. Locally experimented ang bigas na ito na naglalaman ng Metamphetamine HCl. Tinawag siyang vitaminized upang malinlang ang mga tao. Ginawa ito upang kumita ng malaki ang mga pushers. Ang taong nasa likod nito, si "Uncle Sam" pa rin. Unknown pa ang real name pero nagtatago siya sa pangalang "Uncle Sam". Siya rin ang may pakana ng lahat sa Baguio. Hindi ko alam kung saan talaga siya pero kung hindi ito makuha ng Vintage Spy Investigation, ako na mismo ang huhuli kay Uncle Sam.
-Arsene (sgd.)
Signed Out: 2000 HRS.
221208 1000 HRS
Iniwan na ako ng sasakyan na naghatid sa akin. Mahirap daw kasi na matunton ang kinaroroonan ng isa sa kanilang mga agent.
1230 HRS
Hinahanap ko pa base sa mga binigay na clues kung nasaan ang vitaminized rice. Sa mga leads na naibigay, walang tama. Mahirap maghanap. Around 1120 HRS nga pala, nagkaroon ako ng signal so nakokontak ko uli ang base. Meron akong direct contacts sa iba pang field agents at mula mismo sa headquarters. Kaso kadalasan nilang pinapadala ay mga "General Message" kung saan involved ang buong investigation party. Meron din namang ibang sumasagot sa aking mga katanungan.
1930 HRS
Meron atang ibinigay sa akin ng antedote na mayroong substance na tinatawag na Venn-Tholin Drug. Isang uri ng drug ito na nakakapagpalakas na parang steroids ngunit kung mali ang intake or hindi tama ang intake ay nakakamatay. Parang na overdose ata ako. Nanghihina ako at halos hindi makagulapay. Bumalik nalang ako sa resthouse dahil dito. Nakakapanghina talaga. Parang katapusan na.
2100 HRS
I decided to end contacting the base. Hindi na kaya ng katawan ko. I have to rest. Pero isa sa mga agents na nasa headquarters ang kumontak sa akin at sinabi na meron daw on sight mula sa Muscov. Kung andito man si Uncle Sam, hindi ko alam. Nanghihina na rin ako para lumabas pa ng rest house. I just need to keep silent.
2230 HRS
Nawala ang threat ng pagdating ng Muscov. Nakalampas na sila sa Area of Responsibility ng Basista. I have to sleep.
-Arsene (sgd.)
Signed Out: 2230 HRS
231208 0600 HRS
Kailangan gumising ng maaga. Nakatanggap ako ng update mula sa base na nalaman na ang kinaroroonan ng vitaminized rice. Umalis na kami.
0730 HRS
Dumating kami sa area. Isang bodega siya sa Dagupan City. Ang area nya ay hindi pwedeng isiwalat pagkat ito'y residential area. Naroon ang vitaminized rice at dinala na namin. Wala namang humarang pero napansin namin ang camera na agad naming sinira. Wala namang ibang lookouts or something sa area. Abandoned warehouse ang lugar.
1230 HRS
Medyo natagalan kami ng balik sa resthouse dahil meron pa kaming ibang inalam about sa vitaminized rice. Sa buong area walang nakakaalam tungkol sa rice na ito. Wala ring may idea na may laboratory na nag exist within the area. Probably, galing ito sa Manila rin sa mismong base ng Muscov na hindi rin alam kung saan.
1400 HRS
Rest time. Natulog ako ngunit sa aking pagtulog, hindi ko alam kung pangitain ba siya or ano pa man pero kung gusto nyo magpakwento, contact nyo nalang ako. Ayoko ikwento talaga. Case Classified din kasi. You can access it here...
1900 HRS
Ibang klaseng feeling naman naramdaman ko. Nerve Spasms ata. Di ko alam. Ang sakit ng mga kamay ko. Take note, MGA. So yung 2 kong kamay. Hindi ko makontak ang base. Tiis tiis lang...
-Arsene (sgd.)
Signed Out: 2200 HRS
241208 0000 HRS
EXACTO!
Galing ng gising ko. Exact. Kasi ganito talaga yan. Bago ako mag sign out, nakatanggap ako ng report mula sa base na nalaman ng Muscov na nakuha ang vitaminized rice nila. Good thing hindi nila nakilala kung sino so ngayon, hinahanap nila ang vitaminized rice. Kailangan kong makalabas ng Ilocos region at makabalik ng Manila before 0700 HRS bago nila matunton at malaman na nasa akin ang vitaminized rice. Siguro aalis ako ng resthouse around 0100 HRS.
1230 HRS
Kailangan nang umalis ng resthouse. Dumating na ang magsusundo. We have to go.
0330 HRS, NLEX
Merong goma na tumama sa aming sasakyan. Of course accident. Buti mild lang at hindi umikot ang aming sasakyan. Sinira lang nya ang aming bumper at ang muffler. Wala ka nang magagawa. Kailangan nang makabalik.
0600 HRS, Manila
Finally.
-Arsene (sgd.)
MISSION PASSED, Thus closes MISSION: Ilocos Region
Note: Lahat ng pangyayari, TOTOO, FACTUAL. It's just that nilagyan lang ng istorya tungkol sa "vitaminized rice" pero ang lugar, time, date at pangyayari is factual.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 2:54 AM
Wednesday, December 17, 2008
Mission: Baguio - Mission Ends
Arsene ON-MISSION
Natigil ang updates ni Arsene sa mga globe subscribers at around 0900 HRS ng 131208. So naisip ni Arsene ipagpatuloy.
Wala na siyang exact time pero merong dates.
131208
Paghahanda ito actually. Bumalik kami ng camp at around 1200 HRS para umabot sa registration ng 1330 HRS. Pero bago pa man iyon, around 1000 HRS, dumaan ng Mines View Park at duon na rin nananghalian. Kumikinang ang presyo ng mga bilihin. Tipong barbecue na mabibili mo ng P10 sa Manila sa kanila ay P35. Chicken na sa Jollibee ay P80 with drinks and rice, sa kanila ay chicken lang wala pang rice or drinks. Pero dahil wala na rin akong magawa, kumain na rin ako.
Pagbalik ng camp, natulog pa muna ako at nagising sa oras na itinakda. 1430 HRS ay nagsimula na ang camp introduction. Medyo duda ako para sa mission ko. Yung target, medyo nawawala sa site pero tuloy lang.
Around 2000 HRS, nagsimula na ang mission ko. Makuha ang trophy ng Lakan na naglalaman ng isang pinagaaralang artifact na gustong mapasakamay ng Muscov Science Institute na underground company na gumagawa ng mga illegal na steroids para umabot sa 1 Billion ang energy level ng tao. Meron din siyang mga ginagawang weapons of mass destruction thru the use of drugs at makukuha lamang nila ito kapag nakuha nila ang artifact na nasa loob ng trophy ng Lakan. I know, one of the contestants is from Muscov. Sana di nila malaman na mula ako sa Vintage Spy Investigation. Anyways, nagparade.
-Arsene
Signed Out: 2330 HRS
141208
0609 HRS
Nagising ako. I know it's late, merong pang excercise pero buti inabot ko naman. Medyo kabado ako. Kapag hindi ko nakuha ang titulo, mapapasakamay ng Muscov ang trophy at matutuloy ang plano nila. I have to win. I have to. Kailangan maibalik ko sa pangangalaga ng Vintage Spy ang artifact na ito. Mga 1900 HRS natapos ako magdinner, Natulog pa ako at nagising ng 1932 HRS. Magsisimula na ang contest.
Good thing, I won. Maigi. Kailangan ko itong pagingatan. Nabigo ang Muscov. Nagtagumpay ang Vintage Spy. Ibabalik ko na ito dyan sa base.
Siyanga pala base, bakit di na kayo nagrereport ng nangyayari? Ano na ba nangyayari sa base? Na-hack ba yung systems or whatsoever? Baka naman hindi na safe itong communication natin.
-Arsene
S.O.: 2330 HRS
Base: No. Safe pa rin. Nung kahapon, umuwi ng maaga ang isa nating computer programmer. May LBM. Pero magkagayunman, hack-free pa rin ang systems. Don't worry Arsene. Good job. Hope you go back to base as soon as possible.
151208
0630 HRS
Di na ako nakapagattend ng excercise. Late na ang gising. Pero di bale. Continue lang.
Naglakad muna ako sa loob ng kampo. Nagisip-isip. Ayoko na sana bumalik ng base. Oo nga't ako ang pinakamagaling na spy sa buong agency. Pero naeenjoy ko ang lugar. Tahimik, walang gulo, walang ingay. Simple. Alam ko pagbalik ko bagong mission, bagong problema nanaman. Di ko alam.
1330 HRS nagsimula ang plenary. Marami akong naging friends. At isa sa mga ka-commision ko, galing ng Laguna, si Roy Josh ang nakaintindihan ko. halos pareho kasi kami ng ugali. Di ko alam kung nagwowork din siya sa isang detective agency. Anways, natapos ang plenary ng 1800 HRS. Kumain na ako ng dinner.
Around 2030 HRS, nakuha ng sinamahan kong school ang Outstanding Delegation. Ang galing. Congratulations PUP Laboratory High School!
Di rin ako nakatulog kaagad. Lumabas muna ako magpalamig ng niyaya ako ni "Lakambini" na take a walk.
Pumunta kami sa may baba ng Albert Hall at marami ring nakipagusap. Naglalaro ng Patintero ang ibang delegates. Hindi ko napansin ang pinaghihinalaan kong padala ng Muscov. Siguro di na siya pumunta. Sobrang lamig that time. Grabe. Nagkaroon naman kami ng magandang komunikasyon at naisipang bumalik ng barracks ng 161208, 0130 HRS.
Lahat tucked na sa kama, I have to go na rin.
-Arsene
S.O.: 0145 HRS
161208
Uuwi na. Free time na at naisipan pumunta ng Burnham Park.
Around 0930 HRS, nasa bangka yan actually. Nagenjoy ako sa bangka kasi paikot ikot. hehe. Natagalan bago naka abante yung bangka.
Around 1030 HRS, pumunta na ng palengke at pinalibutan kami ng iba't ibang specie ng lugar. Nagtitinda ng plastik at kung ano ano pa. 1130 HRS ng bumalik ng kampo.
Mga 1300 HRS na ng nag board ng bus. Umalis na rin ang bus at naghintay muli ng pasahero. 7 Hours uli na byahe. Back to Manila.
Mission Passed. Thus, closes Mission: Baguio
Arsene, signing out.
-Arsene
Line distorted at 1400 HRS.
That ends Mission: Baguio. Ang pictures during the mission process ay hindi pa fully uploaded. I-upload ko muna ang partial nito.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 5:50 PM
Thursday, December 11, 2008
Mission: Baguio
Ito ang bagong update group message na sisimulan ko. Ang Mission:Baguio. Ganito ang background nyan.
Si Arsene, isang agent ng Vintage Spy ay pinadala ni Godfather sa Baguio upang imbestigahan ang isang case. Natanggap ni Arsene ang malaking envelope na naglalaman ng mission nya at mga pertinent information tungkol sa mission at tinatakan ito ng FOR YOUR EYES ONLY. Pagbukas nya ng envelope, merong folder at may tatak ng Vintage Spy Investigation. Meron ding ALL CAPS sa labas ng folder na HIGHLY CONFIDENTIAL. Dahil duon, hindi maisisiwalat ng blog na ito ang nilalaman ng mission. Pero magbibigay ng updates si Arsene kung nasaan na siya para masubaybayan natin ang bawat minuto ng kanyang mission. Merong ilang tauhan ng Vintage Spe Pictures ang nag hack ng Online Technology ni Arsene na ginagamit nya para magbigay ng update sa base ng Vintage Spy Investigation. In that time, malalaman natin ang mission ni Arsene.
Therefore, Mission:Baguio starts NOW.
2131 HRS, 111208
Kasalukuyan ko nang inaayos ang mga gamit bukas. Kailangan walang makalimutan. Sabi nga ni Godfather, "We cannot afford any mistakes, Arsene." Umaalingaw-ngaw pa rin sa tenga ko hanggang ngayon. Kailangan maganda ang kalabasan nito. Kahit pinadala na ako sa iba't ibang lugar within PUP or Manila or Sta. Mesa, hindi pa ako naipapadala sa isang convention tulad nito. Malalim talaga. May magaganap. And I have to know it.
Till here na lang muna. Hindi ko na mailalagay pa ang ibang updates sa net. Delikado. Thru mobile phone ko na lang siguro ipapatch.
-Arsene
Ayun. Bukas pa ata ang alis ni Arsene. 1000 Hours.
Maiba tayo...
Kanina, I cannot explain. Maganda ang weather. Everything's fine. Pero as usual, meron nga bang pagbabago. Wala pa rin. It is still me, walang salitaan. Though gusto ko sabihin kung gaano kaganda ang weather, my instincts stop me. Haizzz... Sana darating ang time and sana malapit na, na masabi ko kung gaano kaganda ang weather. At gaano kahalaga ang weather.
Nakabili na rin ako ng dapat bilhin ngunit may suliranin...
May mga maiiwan na gawain dito sa Maynila tulad ng project sa IT, presentation atbp. Binibigyan ko ng responsibilidad si Migraso para sa IT at si Gianan para sa presentation. Hope they do their posts well...
Goodluck Arsene! Bon Voyage!
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:40 PM
Mission: Baguio
Ito ang bagong update group message na sisimulan ko. Ang Mission:Baguio. Ganito ang background nyan.
Si Arsene, isang agent ng Vintage Spy ay pinadala ni Godfather sa Baguio upang imbestigahan ang isang case. Natanggap ni Arsene ang malaking envelope na naglalaman ng mission nya at mga pertinent information tungkol sa mission at tinatakan ito ng FOR YOUR EYES ONLY. Pagbukas nya ng envelope, merong folder at may tatak ng Vintage Spy Investigation. Meron ding ALL CAPS sa labas ng folder na HIGHLY CONFIDENTIAL. Dahil duon, hindi maisisiwalat ng blog na ito ang nilalaman ng mission. Pero magbibigay ng updates si Arsene kung nasaan na siya para masubaybayan natin ang bawat minuto ng kanyang mission. Merong ilang tauhan ng Vintage Spe Pictures ang nag hack ng Online Technology ni Arsene na ginagamit nya para magbigay ng update sa base ng Vintage Spy Investigation. In that time, malalaman natin ang mission ni Arsene.
Therefore, Mission:Baguio starts NOW.
2131 HRS, 111208
Kasalukuyan ko nang inaayos ang mga gamit bukas. Kailangan walang makalimutan. Sabi nga ni Godfather, "We cannot afford any mistakes, Arsene." Umaalingaw-ngaw pa rin sa tenga ko hanggang ngayon. Kailangan maganda ang kalabasan nito. Kahit pinadala na ako sa iba't ibang lugar within PUP or Manila or Sta. Mesa, hindi pa ako naipapadala sa isang convention tulad nito. Malalim talaga. May magaganap. And I have to know it.
Till here na lang muna. Hindi ko na mailalagay pa ang ibang updates sa net. Delikado. Thru mobile phone ko na lang siguro ipapatch.
-Arsene
Ayun. Bukas pa ata ang alis ni Arsene. 1000 Hours.
Maiba tayo...
Kanina, I cannot explain. Maganda ang weather. Everything's fine. Pero as usual, meron nga bang pagbabago. Wala pa rin. It is still me, walang salitaan. Though gusto ko sabihin kung gaano kaganda ang weather, my instincts stop me. Haizzz... Sana darating ang time and sana malapit na, na masabi ko kung gaano kaganda ang weather. At gaano kahalaga ang weather.
Nakabili na rin ako ng dapat bilhin ngunit may suliranin...
May mga maiiwan na gawain dito sa Maynila tulad ng project sa IT, presentation atbp. Binibigyan ko ng responsibilidad si Migraso para sa IT at si Gianan para sa presentation. Hope they do their posts well...
Goodluck Arsene! Bon Voyage!
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:39 PM
Wednesday, December 10, 2008
We Three Kings
Nakikinig lang ako sa tugtugin na "We Three Kings" nang may mga bagay na nagfaflash back sa akin.
Hindi talaga ako pwede magkwento ng direkta so siguro I'll just relate this story...
Sa isang kaharian, merong isang monarko na namumuno sa lugar na iyon. Ang pamilya ng Cervantes. Si Haring Cervantes o mas kilala sa tawag na Haring Cer, ay merong mga kaanak. Marami siyang anak ngunit mga significant lang ang isasama ko. Bago ang lahat pala, meron siyang reyna. Si Reyna Juana. Well ito na nga. Dahil nga sa matanda na si Haring Cer at malapit na ring pumanaw si Reyna Juana, naisip nila na ipasa ang pamumuno sa kanilang mga anak. Ito ay sina Prinsipe Salvador, Prinsipe Santiago, Prinsipe Alberto, Prinsipe Guerrero, Prinsipe Lamiente at marami pang iba. Meron din siyang ibang kamaganak na naninirahan sa kanyang palasyo. Naroon ang tiyahin ng pinsan ng asawa ng kapatid ni Reyna Juana. Naroon din ang iba nyang pinsan, at iba pang kaanak nya at ng kanyang asawa. Isang araw, naisip utusan ng hari ang 5 nyang anak para mangaso. Hindi man ito gusto ni Reyna Juana, wala pa rin siyang magagawa dahil utos ito ng hari. Bago umalis ang 5 prinsipe, binigyan ito ni Reyna Juana ng tigiisang salamin. Bago pa man sumakay sa kanya-kanyang kabayo ang mga prinsipe, tinawag sila ni Viktoria, ang tiyahin ng pinsan ng asawa ng kapatid ni Reyna Juana.
"Ihanda nyo ako ng isang kabayo at sasabay ako sa inyong byahe." sabi ni Viktoria
Wala naman magawa ang mga prinsipe kaya si Prinsipe Guerrero ay kumuha na ng kabayo. Habang kumukuha ng kabayo si Prinsipe Guerrero nagkwentuhan ang iba pang mga prinsipe. Naputol ang kwentuhan nila ng dumating si Viktoria.
'Mukha kang hindi prinsipe sa gayak mo Santiago! Mag-ayos prinsipe ka naman!" utos ni Viktoria
"Ngunit mangangaso lang naman kami. HIndi na nangangailangan ng mga mamahaling roba at kasuotan. Tayo tayo at mga hayop lang naman ang makakakita sa atin." pagpapaliwanag ni Viktoria
"Wala kang karapatang magpaliwanag!" sabi ni Viktoria.
Naisip pa sumagot ni Prinsipe Santiago pero nabaling ang paningin ni Viktoria sa ibang prinsipe.
"Malapit nang mapunit yung bag na dala mo sa kabayo"
"Ano ba yan."
"Punyemas"
Mga puna ni Viktoria ang naririnig ng mga prinsipe.
"Ang epal talaga ng Viktoria na yan. Ano bang pakialam nya." reklamo ng ibang prinsipe.
"E di ligawin natin siya! Iwanan natin siya sa gubat!" sabi ni Prinsipe Salvador.
Nagsimula na ang paglalakbay at ginawa nila ang plano nila...
Ganito kasi iyan... Itong istorya na ito, actually gusto ko talaga magmura. Kaso kasi masyadong masama. Madagdagan ng explicit content yung blog ko...
Anyways, di na ako makakaupdate kasi pupunta ako sa Baguio.
Biglaan ang mga pangyayari. Hindi inaasahan...
Anyways, sige na, gagawa pa ako ng resume.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 3:44 PM
Monday, December 8, 2008
All I Ask of You...
Isang araw, naisipan kong manood ng Phantom of the Opera. Hanggang ngayon di pa rin ako maka-get over. There is something kasi sa story na nakakarelate talaga ako especially sa buhay ni Phantom. Hindi man ako inaapi ng mundo, meron pa ring something. Tipong ako si Phantom at nakita ko si Christine na kumakanta kasama ni Raoul, siyempre nararamdaman ko rin ang nararamdaman ni Phantom.
Everytime na nakakakita ako ng ganitong mga scenes, I know, there will always be hope. Tuwing may araw. Mga panahong pasinag ang araw, alam ko na darating ang panahon na ang araw ay sisikat din. Ngunit sa ilang mga bagay, kung saan palubog na ang araw, parang patapos na ang oras ng liwanag at kailangan mo muli mamuhay sa dilim at hintayin ang araw kinabukasan. Ngunit ang tanong, kailan sisikat ang araw na ito?
Panalo si Pacquiao, Patay na si Marky Cielo. Di rin talaga akalain ang mga bagay na ito. Regarding naman kay Pacman, kung tinuloy ko pala ang pusta ko, panalo sana. Pero ayos lang. Hehe. At least di ako napasok sa sugal.
Base sa mga nasasagap ng aking transmitters, merong something na nagaganap. Kung ano ang something na yun, saka ko na lilinawin kapag andyan na ang mga solid proofs.
Sa Cases walang updates. Though merong updates sa Foreigner Case, parang ganun pa rin naman kasi. So wala pang significant event na naganap or TUNAY na updates.
May mga panahon na gusto mo magalit pero dahil nga sa ako ang taong hindi nagagalit, siguro napigil ko pa rin ang emosyon ko. Pero I will always remember the days. And someday, kapag sumikat na ang araw ko, hindi ko isusumbat sa kanila ang days na habang nasa dilim ako eh lalo pa nila ako ibinabaon. Ipapaalala ko lang na minsan akong nalugmok sa dilim ngunit nakaahon si liwanag...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 3:40 PM
All I Ask of You...
Isang araw, naisipan kong manood ng Phantom of the Opera. Hanggang ngayon di pa rin ako maka-get over. There is something kasi sa story na nakakarelate talaga ako especially sa buhay ni Phantom. Hindi man ako inaapi ng mundo, meron pa ring something. Tipong ako si Phantom at nakita ko si Christine na kumakanta kasama ni Raoul, siyempre nararamdaman ko rin ang nararamdaman ni Phantom.
Everytime na nakakakita ako ng ganitong mga scenes, I know, there will always be hope. Tuwing may araw. Mga panahong pasinag ang araw, alam ko na darating ang panahon na ang araw ay sisikat din. Ngunit sa ilang mga bagay, kung saan palubog na ang araw, parang patapos na ang oras ng liwanag at kailangan mo muli mamuhay sa dilim at hintayin ang araw kinabukasan. Ngunit ang tanong, kailan sisikat ang araw na ito?
Panalo si Pacquiao, Patay na si Marky Cielo. Di rin talaga akalain ang mga bagay na ito. Regarding naman kay Pacman, kung tinuloy ko pala ang pusta ko, panalo sana. Pero ayos lang. Hehe. At least di ako napasok sa sugal.
Base sa mga nasasagap ng aking transmitters, merong something na nagaganap. Kung ano ang something na yun, saka ko na lilinawin kapag andyan na ang mga solid proofs.
Sa Cases walang updates. Though merong updates sa Foreigner Case, parang ganun pa rin naman kasi. So wala pang significant event na naganap or TUNAY na updates.
May mga panahon na gusto mo magalit pero dahil nga sa ako ang taong hindi nagagalit, siguro napigil ko pa rin ang emosyon ko. Pero I will always remember the days. And someday, kapag sumikat na ang araw ko, hindi ko isusumbat sa kanila ang days na habang nasa dilim ako eh lalo pa nila ako ibinabaon. Ipapaalala ko lang na minsan akong nalugmok sa dilim ngunit nakaahon si liwanag...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 3:39 PM
Friday, December 5, 2008
Condition Zero
Hindi ko alam kung ano meaning nito. Pero astigin kasi pakinggan.
Anyways, hindi na regular ang updates tulad ng dati kasi limited na ang time ko sa pagamit ng computer so pati yung Katas ng Buhay ay hindi na rin ganoon ka updated.
Magkagayunman, meron tayong updates at bagong case.
The Escober Case
Well matagal tagal natulog ang case na ito and ayoko na sana tapusin pa kasi walang proofs na lumalabas. Walang leads at inisip ko na baka mali lang ako at hindi naman ito sa loob ng school o walang nagmamayari sa loob ng school. Pero nuong isang araw. To be exact, Wednesday ata. Merong nakasulat sa board ng aming section. Capitalized lahat. It was ESCOBER. During that time, 2 tao ang nagsusulat sa board. Si Marty at si Knight. (Take note, babae si Knight). Anyways, tinanong ko si Marty sino ang nagsulat ng ESCOBER sa board. It will lead kung sino talaga si "Sender" at sa huli magtuturo kay Escober. Sinabi nya na ito ay si DJ (a codename). Dahil dyan meron akong single suspect para kay Escober. Si Edward. Siya pa lang. Kasi si Edward lang talaga ang pwede mo ikonekta kapag pinagusapan si DJ. And gaya nga ng sabi ko, "Everybody loves Edward."
This day mismo. Meron akong napapansin. Actually kahapon pa.
Sino Sila? Well we cannot give their identities.
The Foreigner Case
Maraming pagkatao na ang dinaanan ni "Foreigner". Dahil nga ilang beses na rin siya nasasangkot sa mga cases. Pero this time meron akong napapansin lamang. Actually hindi lang ako, maging si Arsene at si L na pumuna kanina ng pangyayari. Merong "kakaibang pagkakaintindihan" sa pagitan ni Roan (screen name ng Foreigner) at ni Marie (screen name nung girl). Sa picture, ang footage na ito ay nakuha kahapon by the Vintage Spy. Well una kasi yung mga tinginan nila sa isa't isa. I know it's not just tingin. It's something. Hindi naman siguro mutual understanding pa. Pero ewan. There is something talaga. Pati yung paglipat lipat ng rooms merong something. Ano man ang something na iyon, aalamin ko yan.
(yo man! Alano changing his appearance.)
Wala pa akong maidagdag. Next time na lang uli siguro kasi masakit na ang ulo ko...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:08 PM
Tuesday, December 2, 2008
The Conflict
Si alguna vez la vida te maltrata
acuerdate de mi
que no puede cansarse de esperar
aquel no se cansa de mirarte
-Luis Garcia Montero
Ito ang translation nyan...
Kung sakaling malupit sa iyo ang kapalaran,
alalahanin mo ako
dahil hindi mapapagod sa paghihintay
itong walang sawang tumitingin sa 'yo.
Sa LRT ko yan nakita... Medyo mairerelate kasi sa aking kwento ngayong araw na ito...
Ang presidente ng isang kumpanya ay naghire ng isang private bodyguard dahil na rin siguro sa banta sa kanyang buhay. Siyempre, merong conflict dahil nga sa bodyguard siya at presidente ng kompanya ang isa. Hindi sila gaano naguusap or wala man lamang silang any other communication maliban sa business matters na sasabihin ng presidente or schedule. Hindi sila nagkukwentuhan sa iba pang bagay. Sa kumpanyang iyon, naging malapit ang head of security sa presidente at dahil duon, naging close sila ng presidente. Mas pinagkakatiwala na ng presidente ang mga bagay bagay sa head of security kaysa sa kanyang bodyguard. Lagi nang nakikitang magkasama ang presidente at ang head of security kaya inaakala na siya na ang bagong bodyguard at driver na lang ang dating bodyguard. Then hindi nagtagal may dumating na sampid sa kumpanya. Nago-OJT siya bilang gwardya sa pinto ng kumpanya. Taga check ng bags at ng IDs. Mas nagkaroon ng closeness between sa president at sa guard though hindi pa rin nawawala ang pagextra ng head ng security sa presidente na hindi naman isanasawalang bahala ng presidente. Though di naman lagi nakikita ang presidente na kasama ang guard, nakikita sila palagi na nagkakaroon ng masinsinang usapan. Tipong mga sikreto tungkol sa kumpanya ang pinaguusapan. Medyo nagtatampo ang bodyguard dahil kahit minsan ay hindi siya binigyan ng ganung atensyon ng amo nya. Iyon ang dahilan kaya nakakaramdam ng lumbay ang bodyguard dahil kahit minsan ay hindi nakita lahat ng kanyang efforts hindi katulad ng ginawa ng head of security at guard na madaling nakuha ang loob ng presidente.
Ilan din sa mga transmitters ko ay nasisira...
Meron ding ilang extra sa mundo na patay na ngunit bumabangon pa sa hukay para manggulo ng mga nanahimik na buhay na kaluluwa.
Paskong pasko na talaga... I can really feel it...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 3:17 PM
Why is it needed?
Kahit kaunting respeto lang...
Iyan naman ang palagi kong hinihingi sa every living creature na naglalakad sa mundo. Pero meron kasing iba na sadyang wala nang pakialam sa request ko na ito. Isang magandang halimbawa. Pangingialam ng IBANG GAMIT. Yun kasi talaga eh. Pangingialam. Tapos wala pang paalam. Tapos pag tinanong mo saan napunta wala pang aamin. Magtuturuan. Kanya kanyang kuro-kuro na alam mo namang kasinungalingan. Ang nakakainis lang kasi yung makikialam talaga. Kawalang galang talaga. Makikita na walang modo. Haizz... Naku...
Anyways, everything still's the same. Especially regarding kay Maria. Sa academics, may kaunting improvement. I really need to improve. May mga bagay na sinakripisyo para sa improvement nito. So I really need to improve. Well siguro hindi lang academics. Pati mga extra curricular at iba pa. Nagiging active na ako ng kaunti sa school. Siguro dahil na rin sa ilang motivation pero walang inspiration.
Marami akong kwento pero di ko pwedeng ikwento. SO siguro akin na muna ito.
Medyo walang saysay ang pinost ko... Next time na lang ako magpopost ng matino tino...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 2:49 PM
Tuesday, November 25, 2008
Somewhere in time
Try nyo pakinggan yan. Ewan ko saan ko nadownload to pero talagang relaxing. Actually yan yung pinapakinggan ko ngayon kaya medyo sentimental nanaman ako...
Habang inaalala ko talaga... Tapos tumutugtog ang tugtog na ito. Piano version kasi siya. Kaya medyo masesenti ka talaga. Paulit ulit. Tapos na ang oras ko sa pakikinig sa awitin ng mga choir. Ito naman, instrumental.
Minsan kasi sa pakikinig ko ng instrumental, nakakapagrelax ako. Tipong nalilmutan ko panandalian yung mga problema ko. Haizzz...
Siguro, meron talagang ibang mga bagay na hindi meant para matanggap mo. Siguro meron talaga itong pinaglalaanan. I am a failure. Lahat na lang. Simula ng maging tao ako hanggang sa matuto akong magsalita at magkaroon ng sariling grupo. Siguro, failure talaga ako. Hindi talaga siguro ako meant para magtagumpay,,, (hahaha... drama).
Hindi naman sa dinodown ko ang sarili ko, pero siguro, someday, hindi ko alam kung kailan, somewhere in time, matatapos rin ang kabiguan na to.
Hindi naman kasi ako magsesentimental talaga kung hindi ko natanggap ang ilang balita.
Una, regarding to where I am now, my course. Siguro nga... Nakakalito. Hindi ko alam. I was not always given the chance...
Pangalawa, ito. The main reason. Mula talaga nung 2nd year. Pero di ko alam. I thought, it was all over, but there was no confirmation. Yeah. Ilang facts na ang nagsabi na talagang no hope na. Pero ewan. Di ko maintindihan. Siguro sa readers wala kayong maintindihan, well sinasadya ko ito ng kaunti para naman hindi ako mawalan ng privacy sa buhay... Maybe, it is really not the time. And if ever, sana naman malaman ko. Mahirap mag risk. There's this losing. Ayoko mangyari sa akin yun. Haizz.... I know. There is someone much better. I am not much of a significance.
(Wahahaha.. Tama na drama... Aral muna...)
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:20 PM
Monday, November 24, 2008
...
Though it looked na maliliit na dots, merong simbolismo yan. It's like sa Algebra. Merong simbolismo ang dots na yan. At lahat ng clues ay maituturo sa isa.
Merong isang pangyayari ngayon...
Wala sa school, TECHNOLOGICALLY ang pangyayari. May konek siya sa inaalam ng ibang tao ngayon. Yung mga operations ni Bule, mga cases ni Migraso at ilan sa kuro-kuro ni Gianan. Meron din siyang konek sa ilan sa mga hula ng mga tao sa environment.
Alam nyo na siguro kung ano iyon...
Anyways, kung sakanya nga hindi ko masabi sa ibang tao pa kaya. Andaming gustong umalam, pero siya mismo wala siyang malinaw na ideya. Haizz.. Halos nandyan na ngunit meron pa rin akong hesitation. inspirat nanaman...
Anyways,
THE Quadrangle Case
Ganito ang scenario. Magbabanggit ako ng Proper names ngayon, First time in the history. Matagal ko na ito nahuli.
Dahil nga meron na akong globe, naisip ko kuhanin ang numero ng bawat specie sa LHS. After ilang days ng pagkakaroon ko ng Globe, nagtext sa akin ang isang tao. Nag pop-up ang pangalang Genna Martino. Pero for clarification, nilinaw ko kung sino siya. Sabi nya siya si Gennah Cuadra. Ramdam ko na parang may mali. Pero inisip ko na baka nagkamali lang si Migraso sa pagbigay sa akin ng mga numero. So for that day, inisip ko na baka nga si Cuadra iyon. What happened next is napansin ko ang GM nya. Lahat ng GM nya napansin ko which leads na naisip ko na hindi ito si Cuadra. If hindi si Martino, then sino?
Wala akong ginawang imbestigasyon. Kusang lumabas ang katotohanan. Nag GM sa akin nung sabado na sinasabi ang tungkol sa "no talk something" na naganap. naisip ko na si Cuadra ay nagsalita during those moments at ang tanging hindi nagsalita ay si Martino. Para ma-confirm, (dahil hindi ako nagiimbestiga lang, KINOCONFIRM ko at hindi lang ako nangiissue), tinanong ko ang number ni Martino at nag match.
Therefore, si Martino nga ang taong nagtext. Nung bago ang sim nya, nagpakilala siya bilang "Love Doc" at nagpakilalang "Raymund".
So CASE CLOSED
The Auditorium Case
Case Closed. Wala sa lumang suspects ang sagot, ang sagot ay si Fleming. Tama ako, siya kasi ang una kong hula.
Alam na Case
Nahalata nanaman... Lagi na lang...
After ilang days, nakuha ko na... Cash...
Sunday, November 23, 2008
Speechless
Wala kasi akong maisip na title. Anyways...
This past days, palaging wala ako sa sarili. Wala ako sa tamang focus. Hindi ko maintindihan pero I'll explain it in the Entrepreneurship way.
Ganito kasi yun. Dati meron akong Drive. Then meron akong nakitang cues. Surely dahil sa drive ko, kinuha ko agad yung cues without thinking AGAIN. Inisip ko siya, pero hindi ko sineryoso. As if mamimili lang ako ng bibilhin kung Juicy Fruit ba o Judge ang bibilhin ko. Yun nga, dahil sa kinuha ko meron na akong response na ginawa. Kaso ito na. Dapat merong reinforcement na magaganap. Pero wala. Nawala ang motivation. Sabi nga sa Health, bago magkaroon ng Goal, mayroon munang motives. Meron akong motives. Kaya nga tinungo ko yung goal ko using Entrepreneurship eh. Kaso nga yung "motivation" para ma-motivate ka sa pagabot ng goals mo is wala. Walang inspirasyon, wala. Mahirap maghanap ng motivation especially in this kind of choice. Sana one of these days, magkaroon na ako ng motivation.
Anyways, meron akong quote, "Ano ang silbi ng microphone na ibibigay mo kung hindi naman ito naka-konekta sa speaker."
HIndi ko alam ang una kong gagawin. Kung matulog, maglaro, mag sound trip o gumawa ng assignments. Siguro wala pa nga ako sa ulirat ngayon. Medyo inspirat pa rin.
KAsi naman, wala akong pang load sa globe ngayon. PEro di naman yun yung dahilan ng aking pagiging inspirat. It's just that inspired ako sa isang bagay pero hindi ko alam kung paano ko masasabi na inspired ako sa kanya so inspirat talaga ako.
Medyo walang kwenta ang blog post ko but if ever na maisip nyo ang meanings, meron din naman. Sabi nga Sa Ibong Adarna na libro, sa chapter na "Sa Babasa Nito" Basahin nyo nalang iyon at irelate sa blog post ko...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:55 AM
Friday, November 21, 2008
Graph makes One Hundred
Ewan ko bakit napaka-corny ko.
Projects etc...
Kahapon ng gabi. Inasahan ko ang pagtext ni Bule sa akin ng format ng project. Nais ko kasi tapusin kahapon ang project at nang hindi mahuli sa submission at walang rush missions na gagawin. Inassign ko kay Migraso ang graph bilang mainframe ng project namin. Naisip ko kasi maganda i-present ito sa graph form para talaga makita nila ang layo ng ratings. Sad to say, nawala ni Bule ang format. Nagonline si Co. Inabangan ko yung pwede kong ipasa. Pero ang naipasa ko kay Co ay alamin ang format. Todo hanap at kalampag kami sa mga gising pa but in vain. Umabot ng halos 10:30 at naisip ko na wala na rin akong magagawa at matutulog na lang ako, tutal napag-alaman ko na 5:30 pa ang submission. Pagkabalik ko sa PC at pagtingin sa phone, nagtext si Bule at nagmessage si Co. Ang Format. Ginawa ko na lang ang intro at naisip na itulog na lang ang natitirang bahagi...
Kinabukasan, printing time na dapat. Gagawin na lang yung sampling procedures and okay na. All set. Kumpleto dapat. Kaso may problema. Wala yung graph na pinagawa ko kay Migraso. Medyo na badtrip ako. Wala nang oras. Buti na lang kalmado pa ang iba kong groupmates at naisip na gawin ito. Rent kami ng isang PC, nagkaproblema pa sa paggawa ng graph. Nakalimutan na namin yung napagaralan. Besides, 2007 yung Word so mahirap mag adjust. Umubos kami ng mahigit 15 mins para lang pagaralan yung graph. Aral.. aral... Naisip nila Co at Bule na magrent na rin para mahati ang labor at mapabilis ang trabaho. Teamwork talaga. Natapos at naicompile..
Pagod talaga. Sobra. Kasi todo rush para umabot sa deadline. Though late ng ilang minutes, naihabol pa rin. "Very Good" ang tanging salita na nakaalis ng aming pagod. Dahil sa graph...
Anyways, Maglilinis pa
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 3:55 PM
Tuesday, November 18, 2008
The Trouble of Surveying
Di pala madali magtrabaho sa National Statistics Office. Sa mga Pulse Asia, sa SWS at iba pa. Oo nga't masaya dahil kapag nag survey ka, malalaman mo yung pulso ng bayan, yung gusto nila at mga mas ninanais nila. Ngunit yung proseso pala ng pagsurvey ay hindi biro. Kailangan mong isaalang alang ang ilang mga bagay...
Una, ang pera. Budget ang kinakailangan sa pagsurvey. Siyempre yung mga questionnaires and the likes.
Ikalawa, effort. Grabeng work and effort ang ieexert mo bilang taga survey. Pero kung pagtutulungan siguro ito ng grupo, mapapadali ang pagsurvey.
Ikatlo, respondents. Ito ang pinakamahirap. Magadjust sa respondents. Napakahirap maghanap ng respondents. Merong iba na sira-ulo, walang pakundangan o walang paki-alam. Ano nga ba ang gagawin lang nila, mag-shade or check lang samantalang yung effort at pera na ginamit para gawin yung questionnaire na iyon ay hindi pa sapat sa kanilang walang kwentang komento.
Ang respondents namin, 1st at 2nd year. Matigas ang ulo ng ibang 1st Year. Sa 2nd year ayos lang naman. Sana sa 3rd year kami, mas madali kaso sa 4th naman so masaya na ako para sa 1st and 2nd.
Merong iba engots talaga. Ang linaw na shade binilugan, inekisan, chinekan. Merong iba wala naman akong sinabi na multiple answers ang ilagay, chineken 2. Pero karamihan naman matino. Salamat sa mga nakipag-cooperate.
Okay parinigan na!!!
Hindi naman ito mapanirang parinigan. Actually, expression of feeling ko ito. Pero kasi hindi ako pwede magbanggit ng proper names. Anyways, ganito kasi yan. Sa tuwina na lang talaga na nakikita ko siya, parang gusto ko na talaga sabihin. Haizz.. Pero I know.... May mga bagay bagay talaga na iyo na pero may mga circumstances na nagpapaalis nito sayo. I am really into her, that's certain. But how can I express it? Hindi ko alam kung paano. Nanghihinayang ako sa ilang opportunity pero naiisip ko na hindi pa nararapat... Haizz...
Isa pang parinig!!!
"Magkaroon na ng sigwa! Siyang nararapat sa mga tao sa mundo!" -Pilosopo Tasyo
Meron kasing iba na nakakapaginitiate ng sigwa. Kung nais talaga ng sigwa, let it be. Kagustuhan eh. Minsan nakakainis din isipin na hindi pala credited yung mga pundasyon mo mula pa nuong una. Pero ganun talaga, gusto ng siwa eh...
Well, ang ganda talaga ng weather...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:24 PM
Monday, November 17, 2008
Inspirat...
Inspirat- (v) /ins-pi-rat/ Inspirado na nauurat sa mga bagay bagay.
Meron talagang mga bagay na gustong gusto ko sabihin pero naghihintay ng takdang panahon. If ever kasi na sabihin ko within this period, maari "siya/ ito" malito or baka lalo lang lumayo. Kaya kailangan ko pa magadjust ng kaunti at maghintay. Pero habang tumatagal ang panahon, lalo kong nararamdaman na wala na. Masasayang na lang ang effort ko if ever na dumating na ang "panahon" na hinihintay ko. Inspirat ako. Sa tuwing nakikita ko ang nangyayari, nais ko na talaga sabihin. It's just that lagi akong may hesitation. Alam ko darating ang panahon na pagsisihan ko nanaman ito or dumating na nga yung "panahon" na dapat sabihin ko na pero napipigilan nanaman ako ng hesitation. I know, it's more than that. Siguro dati, pero ngayon kasi, iba na talaga, something is into me. Inspirat talaga.
Merong bagong opportunity.
Sinama uli ako sa chorale. Yes. Mabuti, maigi. Gusto ko na rin kasi talaga bumalik. Pero may trouble. Kung ano man iyon, it's all about time management. Malaki ang gap ng chorale at ng CAT. Mahirap ipagsabay. Kaya naguguluhan ako and I have to think this over all night.
Marami nanaman akong napagalaman. Siguro nga ganun talaga...
Dahil sa mga nalaman ko, meron akong bubuksang bagong case. Ang akala ng lahat case closed na ang Seatmate's Case. Na-case closed na si Dencio ay may gusto kay Mara pero lumabas na si Mara ay walang gusto kay Dencio. Tama ang lumabas. Pero SPECULATION lamang ito. Merong matibay na ebidensya para suportahan ito.
Sa isang panayam, mayroong nabanggit si Dencio sa isang source tungkol sa pangalan ni Mara. Ayaw nga lang linawin ng source na merong nabanggit tungkol kay Mara. Pero meron. CASE CLOSED uli.
Anyways...
May mga pagkakataon, matalino tayo sa 4 na pader ng paaralan ngunit sa pagibig, ano nga ba tayo? Hanggang saan lang ba tayo? Kailan ang limitasyon natin sa pagibig?
Bawat patak, bawat hagkis, bawat piga, nanggagaling...
sa KATAS NG BUHAY...
Hua Tiin Sun (The Sap of Life)
www.katasngbuhay.blogspot.com
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 3:45 PM
Thursday, November 13, 2008
When the Crew Cries
Sa bawat pelikula, ang artista ang sikat. Sa bawat awitin, ang singer ang sikat. Sa bawat stage play, ang aktor ang sikat. Pero magagawa ba nila ito kung sila lang magisa? Lahat sila merong tinatawag na "crew"
Hindi nakikita ang crew. Pero sila ang tumutulong para maging maganda ang isang pelikula o awit. Halimbawa, sa isang pelikula, mayroong namamahala sa lights, sounds, camera, etc. Ang namumuno sa kanila, ang direktor. Pero minsan lang rin sumikat ang direktor. Ni hindi nabibigyan ng pagkakataon makilala ang crew o ang mga taong nagtrabaho alang alang sa ikabubuti ng show. Haizzz... Ang pinakakawawa sa lahat, crew. And the credits are for the actors and actresses.
(grabe, walang katapusan...)
May movie poster. Tsk. Gulat nga ako eh. Kala ko kasi December pa showing tapos ngayon pala yung showing...
Anyways...
Sa cheering, 4th. Pero hindi kinikilala ang 4th so ayun. Sayang. Maraming nangyari sa foundation. Siguro mas naramdaman ko lang kasi yung foundation day. Dati kasi umuuwi lang ako or namamasyal kapag foundation. Medyo tinatamad ako. Pero siguro pareho lang naman halos wala lang akong partisipasyon.
Mayroon talagang mga auction na kapag na-late ka eh di ka na kasama sa bidding. Merong parte ng buhay ng tao na parang bidding. Paunahan na lang sa pagbibigay ng pinakamalaking halaga. At sa bidding, may nanalo may natatalo. This time, sa bidding ng part ng buhay kong ito, na siyang pinaka-vital sa buhay ng tao, na siyang dahilan kung bakit may tao, na siyang dahilan ng pagkabawas ng kaguluhan sa mundo, ay aking pinatalo. Hindi ko gusto ipatalo. Pero alam ko na mayroong mas matataas na bidder sa akin dahil na rin siguro sa kalagayan ko ngayon...
"If planes can fly, why can't I?"
Wala na ako maikwento.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 3:57 PM
Tuesday, November 11, 2008
Silent Assassin
"Tahimik lang ako pero hindi ako tanga."
That sentence... Paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko. Tila isang problema, isang kahihiyan na gusto ko takasan. Marami ako dapat ikwento. Pero siguro lalagyan natin by date...
Nakalimutan ko na ang ibang nangyari nung mga nakaraang araw. Ngunit kahapon...
Regular Day. May klase ngunit may practice ng arrivals. Ang ieensayo ko duon ay yung Pledge of Allegiance to the Philippine Flag (Panunumpa ng Katapatan sa Watawat). Nagtapos ang araw at nagkaroon ng practice sa cheering. Natapos ng gabi. Walang kwenta kasi regular day lang. Pero ganito kasi yun. Medyo naligayahan din ako at the same time, na-frustrate. Yeah. Wala na. Siguro nga wala na.
Ngayon. Halos walang klase. Dahil na rin siguro sa pageensayo ng mga kalahok sa cheering competition.
Nung umaga nakatanggap ako ng masakit na balita. Siguro para sa ibang tao, walang kwenta. Pero sa akin malaki. Kung ano man iyon, di ko na ipapaliwanag pero kung isa kayo sa mga tinamaan relax lang. Basahin nyo yung description at baka makilala mo ang sarili mo.
Parang isang pagsasayang ng oras ang ginawa ko mula Oct. 27-29. Imbes na natutulog ako sa bahay, naruon ako sa paaralan para tapusin ang isang bagay na ito. Well wala rin naman halos nagawa. Lalo pa nung 29. Kung hindi dahil sa "Italian Job" wala talagang saysay ang mga araw na ito at nagsayang lang ako ng pasahe, damit atbp. Nung mga nakaraang araw, aminado ako sa sarili ko na wala ako sa mga pagkakataong kinakailangan ang tulong ko. HIndi ko rin kasi mahati ng ganun ganun lang ang sarili ko. Pero ganito ang masaklap. Merong iba na bago lang pero talagang sila pa rin ang itinuloy. Mayroon na rin akong ilang oras sa buhay ko na sinayang na dapat ay napakinabangan ko na. Yung mga oras na dapat naigugol ko sa mas mahahalagang bagay, naigugol ko dito sa bagay na ito (di ko naman masasabi na walang kwenta pero kumbaga ay wala namang maidudulot na maganda sa akin).
Ngayong umaga, nakatanggap ako ng balita. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa balita. Kung bubulyawan ko ba ang nagbalita, susumbatan, sisingilin o kung ano pa man. Tumahimik lang ako tulad ng lagi kong ginagawa. Wala akong magagawa. Palaging iniisip ko kalma lang, kalma lang. Pero deep inside naiinis ako. Yeah tahimik lang ako. Pero hindi ako tanga. MAy utak ako at may nararamdaman. Tao rin ako at nagsayang din ako ng oras ko. Mahalaga ang bawat minutong pumapatak sa buhay ko sa mga panahon na ito. Pero wala nga akong magawa. Alang-alang sa pakikisama, ginawa ko. Then here comes the time na naging masyado silang insensitive.
Hindi ko hinahabol ang magaganap. Ang sinasabi ko dito is yung time. Sana noon pa man sinabi na para di ako nagsasayang ng oras ko na ayaw na ayaw kong gawin. Alam ko wala akong mapapagkwentuhan at ito lang blog ko ang tanging sandigan ko. Hindi ko pa mailabas lahat ng saloobin ko. Siguro, wala nga talagang makakaintindi sa akin at kailangan ko nalang ikimkim ang lahat ng nais kong sabihin.
Alam na Case
Actually wala na dapat pagaralan sa case na to kasi nga ALAM NA! Pero to give you a glimpse ito ang representation.
Sa isang kaharian, mayroong 10 wisemen. At sa sampung wisemen, 3 sa kanila ang may kapangyarihan tulad ng hari. Ilan ang natira?
Ayun. Walang kwenta.
Meron akong ibibigay na example. What if mayroong lalaki na nagngangalang Jim at babaeng nagngangalang Mary. Si Jim may gusto kay Mary pero hindi alam ni Jim kung sino ang gusto ni Mary. Then there came a time sa isang sayawang bayan, nakasayaw ni Jim si Mary dahil sa magkapitbahay lang sila. Tapos lumipat ng kasayaw si Mary sa isa pang lalaki na nagngangalang Tony. Walang magawa si Jim dahil wala naman siyang karapatan kay Mary. Ang nagawa na lang nya ay magsulat sa blog at magtype ng kalungkutan nya.
Ang example na ito ay ilan sa milyong-milyong dahilan bakit nageexist ang blog or diaries. May mga bagay na hindi natin masabi sa ibang tao na tanging sa isang bagay na hindi sumasagot natin naikukwento...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 3:13 PM
Wednesday, November 5, 2008
"Book Keeper"
Hindi ito regarding sa bookkeeping na ssection or job or whatsoever. Related ito ng kaunti sa classroom scenario na nagaganap ngayon. It's a crisis.
The Book Keeper Case
Hindi siya taga-tago ng libro. Taga nakaw lamang ng libro. Hindi ko alam ang identity nya at walang leads kung sino si Book Keeper or BK. Well ito kasi ang nangyari bakit nagformulate na mayroong thief ng libro sa classroom.
Si Student A ay nawalan ng isang uri ng English book bago magkaroon ng examination. Naisipan nyang bumili na lamang ng bagong libro. Si Student B naman ay pumunta ng Recto para rin bumili ng English book. Paguwi ni Student B, tiningnan nya ang libro at nakita na may punit na page. Napagalaman nya ng ibuklat nya sa isang page na kay Student A pala ang libro na sakto naman na kaklase nya. So nabuo ang chances na mayroong magnanakaw ng libro na ninakaw ang libro ni Student A para ibenta sa Recto.
Isa rin ako sa nawalan ng libro. Ang inaannounce ko mula pa noon na Geometry Book. Hindi ko na natagpuan ito. May mga kinukursunada lang si BK. Kasi si Aparejado PJR, laging nakakaiwan ng libro pero nakikita pa rin. Mayroong lampas sampung cases ng nawawalang libro sa classroom at di na muling natagpuan ang mga libro. Probably lahat ito ninakaw ni BK. Sabi ko nga kanina wala pang leads kay BK. Pero patuloy kong aalamin ang tungkol dito...
Kung sino man si Book Keeper o may idea kung sino ito, makipagugnayan lamang kay Vintage Spy. Lintik lang ang walang ganti.
Meron muna akong kwento...
The Tale of 2 Kingdoms
Mayroong nageexist na 2 kaharian. Ang unang kaharian located siya sa silangan, ang kaharian ng araw. Sa bandang timog ay makikita naman ang kaharian ng mundo. Mayroong isang tao na nakatira sa kaharian ng mundo. Naglilingkod siya sa hari bilang isang magiting na heneral ng hukbong sandatahan ng hari. Nakilala nya ang isang prinsesa na anak ng hari. Nagkaroon ng pagiibigan ang prinsesa at ang heneral. Maraming nanliligaw sa prinsesa. Ang iba'y anak ng mga mayayaman at galing sa mga sikat na pamilya ngunit lahat ay kanyang di pinapansin dahil sa heneral. Hindi ito naibigan ng hari at naging tutol siya sa pagiibigan ng kanyang anak at ng heneral. Naisipan nyang ipadala sa digmaan ang heneral na tiyak na ikamamatay nito. Naisip ng hari na magsisimula siya ng digmaan sa silangan para masakop ang kaharian ng araw. Kahit nanahimik ang kaharian ng araw, naisip nya na sakupin na ito at mapatay na ang heneral sa digmaan pagka't nasa kaharian ng araw ang ilan sa mga magagaling na mandirigma.
Pinadala na ng hari ang heneral sa digmaan. Nalungkot man ang prinsesa, wala siyang magagawa sa utos ng hari. Naipadala ang heneral. Nagsimula na ang digmaan at nakubkob ang heneral. Natalo ang hukbong sandatahan ng kaharian ng mundo ngunit mayroong isang sundalo na naisipang bumalik sa timog para ibalita sa hari ang naganap. Sinabi nya na patay na ang heneral sa pagaakalang napatay ito sa laban. Di nakita ang bangkay ng heneral. Ikinalungkot ito ng prinsesa at hindi na siya halos kumakain. Naging malungkutin din siya at napansin ito ng kanyang ama. Ngunit kahit anong gawin ng ama ay hindi nya mapasaya ang prinsesa.
Sa kaharian ng araw, nakakulong ang heneral at napagpasyahan ng konseho na wag na patayin ang heneral bagkus ay gawin itong alipin. Nangyari nga ito. Naging alipin ang heneral. Ngunit dahil sa talino nya at kanyang talento, siya ay nagtrabaho sa kaharian bilang isa sa mga mahistrado. Nalaman din ng hari na gusto siya ipapatay ng hari ng kaharian ng mundo at sinabi ito sa heneral. Naisip ng heneral na magtrabaho ng tapat sa kaharian ng araw at gantihan ang kaharian ng mundo pagdating ng panahon na mailigtas nya ang prinsesa. Ginawa siyang isa sa mga kagalang galang na konseho ng hari at tagapagpayo.
Dumaan ang mga araw at nalaman ng prinsesa na nasa kaharian ng araw ang heneral at buhay pa ito. Kasama ang ilang kaibigan, umalis sila sa kaharian ng mundo at pumunta ng timog upang makita ang heneral. Nagkita nga ang heneral at ang prinsesa at naisip nila na magpakasal na. Ngunit ilang araw pa lamang ang nakakalipas, nakatanggap ng sulat ang kaharian ng araw mula sa mundo na kailangan bumalik ng prinsesa. Napagdesisyonan ng konseho na iganti ang paglusob sa kanila ng kaharian ng mundo at gumawa ng matibay na depensa at talunin muli ang mundo sa ikalawang pagkakataon. Nagabang sila sa paglusob ng kaharian ng mundo ngunit wala silang nakita. Hindi nila nakita ang mga pinadalang ninja ng kaharian ng mundo para dakpin ang prinsesa at ibalik sa mundo. Nagawa ng mga ninja ang misyon at nalaman ito ng araw kinabukasan. Nalungkot ang heneral ngunit naisip nya na saka na lamang iganti ang pangyayari...
Lumipas ang ilang taon, hindi pa rin nakakalimutan ng heneral ang prinsesa. Wala na siyang balita sa prinsesa. Ang alam lang nya ay may masugid na manliligaw ang prinsesa na anak ng isang gobernador sa kaharian ng mundo. Hindi na nya alam ang mga sumunod pang pangyayari. Naisip nya na bumalik muna siya sa kaharian ng mundo at kuhanin ang prinsesa ngunit baka masira naman ang kaharian ng araw. Nakulong siya sa isang desisyon. Hindi siya maaring bumalik ng mundo dahil ipapapatay siya samantalang sa araw ay pinahahalagahan siya katulad ng hari...
Mahabang kwento, pagpasensyahan nyo na...
Di na rin ako magtatagal, kailangan ko pang gumawa ng vector...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:53 PM
Monday, November 3, 2008
Hitman's Letter
Tulad ng dati, 47 nanaman ang dating natin ngayon. Wala akong magagawa dahil kasama yun.
("...tulad ng isang kahoy na nagsisilab sa dulo ng kahoy, agad itong mawawala")
Isang kadramahan sa mundo na di ko magapi. Magkagayunman, marami pa rin akong kailangan ayusin. Napakarami ng mga bagay ang bumabagabag sa akin, nagpepressure, nagdadagdag ng kaguluhan sa aking pagiisip. Napapansin ko na araw araw na lang padagdag ng padagdag ang kung ano man ang nasa isipan ko. Siguro nga nahihirapan na ako. Pero bakit pa? Haizz... Tama na ang pagdadrama...
Iyong nasa ibabaw ang letter ni Hitman..
Anyways, meron tayong bubuhaying cases...
The Unanswered Question Case
Tingin ko nasagot na ni Celia ang lahat ng katanungan ni Vladimir... Ganito kasi ang representation ng scenario...
Nakaonline si Celia, ngunit naglagay siya ng busy sign sa kanyang status though hindi siya busy. Naisipan ng isang asset ng Vintage Spy na tatawagin kong "Spammer" na magpanggap na taong gustong magpakilala kay Celia. Hindi sinasagot ni Celia ang lahat ng mga messages ni "Spammer". Until inalam ni Spammer kung talagang busy si Celia pagka't nagtatanong si Spammer ng mga bagay na pang akademiko. Nalaman nya na kausap ni Celia si Vladimir. Hindi alam ni Spammer kung ano ang pinaguusapan nila ni Vladimir ngunit wala raw talagang nirereplayan sa mga pinapadaling messages sa YM ni Celia gayong siya ay naka-online. Mayroon nga kayang namumuo sa pagitan ni Celia at ni Vladimir? Nasagot na nga kaya ang katanungan ni Vladimir? Iyan ay wala pang kalinawan sa ngayon ngunit mayroon pa ring mga asset na pinapaikot ang Vintage Spy.
Si Escober mukhang di ko na malalaman pa kung sino...
Medyo naiinis ako ngayon. Di gumagana ang ilang keys sa keyboard ko. Para akong tanga na nag copy paste pa para lang gumana ang ibang letra. saka na lang siguro yung updates
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 3:26 PM
Wednesday, October 29, 2008
Street Magic
Meron kaming Street Magic Show na ginagawa ngayon. Ilalabas namin siya sa inyo. Di lang siya basta mga baraha kundi yung mga nakikita mo sa stage ngayon sa street mo na makikita! Anyways, abangan nyo nalang yan...
Meron nang title ang dinedevelop kong nobela. Pangit pero pag nasa Korean Version na astigin na. Sa English title nya, The Sap of Life. Sa Filipino title, Katas ng Buhay. Abangan nyo yung Korean title. Kahit Korean style yung istorya nya, sa Pilipinas unang ilalabas ang istorya. Saka ko na rin ilalabas yung characters kapag marami akong time. For reference, dalaw-dalawin nyo lang ang site na ito dahil dito ko ipopost yung istorya. www.lumangistorya.blogspot.com
Sembreak na sobrang pressure pa rin. Andami talagang things na umiikot sa universe na nakakalito. Anyways sa Escober Case wala pang leads pero may bagong case.
The Auditorium Case
Ang kasong ito ay kabubukas lamang kahapon. Ganito ang scenario nyan...
Habang nagpapahinga si Codus sa kanyang resthouse upang magbakasyon muna sa pagiimbestiga, may dumating na mysterious text kay Codus. Di nya alam saan nanggaling pero meron itong ipinaalam sa kanya. Ito ay tungkol sa isang lalaki. Ang lalaking ito ay unknown kaya nga inaalam eh. Nagbigay ng mga clues ang texter na naisip ko na wag na ipost for confidentiality. Base sa clues, meron tayong 2 suspects ngayon...
1. Edward - Sabi nga nila, "everybody loves Edward". Lahat ng clues nagaagree kay Edward including the place, pangyayari, physical aspects at lahat ng information na ibinigay. Pero dineny ito ng texter. Pero malay ba natin kung ayaw lang nya sabihin na si Edward talaga?
2. Mao Zedong - Hindi siya yung conqueror. Of course it's codename again! Anyways, dahil sa pagdeny ng texter kay Edward, nakapagbigay siya ng testamento. "yung 2 kamiyembro". 2 lamang ito, ang isa ay si Francisco at ang isa ay si Mao Zedong. Again, dineny nya si Francisco leaving Mao Zedong. Pero merong ibang clues na hindi nagagree kay Mao Zedong. Pero malay natin kung panlito lang ang ibang clues?
Though recently, dineny din ng texter na si Mao Zedong, it's still up to Codus kung sino sa tingin nya ang totoong tinutukoy ng texter.
Sa ngayon tatapusin ko na muna ang post ko. Till here na lang muna siguro...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 3:58 AM
Saturday, October 25, 2008
Fully Detonated
Dahil medyo nainspire ako gumawa, naisipan kong gumawa ng isang trailer nanaman. Actually hindi siya trailer na plano ko gawan ng istorya. Para lang siyang random trip. Pero para lumigaya naman kayo sa mga halakhak ng "gorilla", play the video.
Anyways...
Medyo maraming pangyayari at tinatamad ako magkwento. Pero merong Episode III ngayon ang Advetures of Frank Warner.
Episode III: Opportunity
Bugbog sarado si Frank, nasa kalye. Walang taong naglalakad kaya't walang nakakita sa kanya. Nagising si Frank sa isang ospital. Naroon sa tabi nya si Maria Alcantara. Nang makita nya si Maria, agad siyang may naalala. Ang pilak na barya sa kanyang bulsa. Naroon pa rin naman. Nakita nya ang pagalala ni Maria ngunit mayroon talagang bumabagabag sa kanya sa mga panahon na iyon. Naisip nya ibigay ang pilak na barya kay Maria ngunit naisip nya na ipagpaliban muna ito. Di nagtagal umalis na si Maria at dumating si Charlie. NAbalitaan daw nya ang nangyari kay Frank at niyaya nya itong magsaya. Naisip ni Frank na sa oras na gumaling siya ay itutuloy nya ang adventures nya.
Ilang araw ang nakalipas at nakalabas na ng ospital si Frank. Naisip nya umuwi muna at habang naglalakad siya pauwi, mayroon siyang napansin nya ang magkahiwalay na pila ng taxi. Mayroong ilang taxi na napapahiwalay at ang ilan ay nanatili sa kanilang pila. Naisip ni Frank na alamin kung bakit ganuon ang nangyayari. "Ano bang meron bakit magkahiwalay ang pila nitong mga taxi na ito?" mausisang tanong ni Frank. "Kasi yung nahiwalay na pila, naisip nila dumikit sa mga opisina para daw mas malakas ang kita nila." sagot naman nung naglalakad lakad na tao. Napansin nga ni Frank na mas malaki ang advantage ng nakapila ang taxi sa malapit sa opisina kesa sa mga nakapila sa dating pila. Yun nga lang, nasasapawan na ng mga taxi malapit sa opisina ang iba. Nawawalan ito ng pasahero dahil na rin sa mas malayo sila mula sa opisina. Yung mga taxi na malayo sa opisina ay di nabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng kita. Iniwan na ni Frank ang scenario na iyon at dumiretso sa bahay. Natulog siya sandali at nagising. Nararamdaman nya kasi na merong tumutusok sa likod nya na isang matalim na bagay. Inalam nya kung ano ito at nalaman na isa pala itong karayom. Noong una hinayaan lang nya ang karayom bumaon sa kama dahil di naman siya naapektuhan nito. Ngunit ng katagalan at dumating ang araw na ito, na tinusok na siya ng karayom. Naisip nya alisin ang karayom at itapon na lamang ito. May narinig siyang kumakatok. SI Miguel ang dumating at sinasabi na mayroong pagtitipon tungkol sa isang programa. Naisip nya sumama at sa pagtitipon ay nakita nya ang kaibigan nilang si Francis at si Charlie. Sinimulan na ang programa at nagtapos ng matiwasay...
Paguwi sa bahay, naisip nyang magluto ng hotdog. Namroblema siya paano dudukutin yung kawali. Nahaharangan kasi ito ng plato at iba pang kaldero. Sakaling hatakin nya, lalaglag ang mga nakaharang at kung hawiin naman nya ang mga ito ay tutunog at magigising ang kanyang mga magulang at magagambala ito. Naguluhan siya. Parang gusto nya talaga kuhanin ang kaldero ngunit napakaraming humaharang. Nais nyang gamitin ang utak nya ngunit inunahan siya ng takot, pangamba at pagaatubili. Naguluhan na siya at naisip na itulog na lamang ang kanyang gutom.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 1:33 PM
Wednesday, October 22, 2008
Accountancy
Word of the Day. Ganito kasi yan...
Nuong isang araw, it was a Friday, napagisip isip namin na pumunta ng SM. Dahil ata yun na-cut yung klase. Then naka uniform kami nun. Together with Gianan, naisip namin pumasok nang naka-uniform. Nagawa namin. Nakakabilib kasi walang nakakapasok ng SM na estudyante bago mag 5. So naka-uniform pa.
Then ngayong araw na ito. Huling araw nang Doom's Days. Lahat ng exams mahirap. Badtrip. But anyways, naisip namin uli dumiretso ng SM na nakauniform PERO di na kasama si Gianan. May ginawa pa siya. So napagisip isip namin na dumiretso na at gawin ang dati naming ginawa.
Pagdating sa site, may nakita kaming parang 2 taong grasa na HS student (hehe). Ibang school. Mukhang adik pa. Di sila pinapasok samantalang mukha nang matatanda ang mga mukha nila. Naisip namin na iinfiltrate. Mayroong halos 5 guards na nagtambakan sa pinto. Pero nakapasok na sana. Biglang tinanong. "High School?" sumagot ako ng "College, PUP oh!" tapos pinapasok na. May biglang umepal. "Patingin nga ng ID" Naramdaman kong kinabahan si Migraso kasi sabi nya "High School" pero tuloy pa rin ako sa pakikipaglokohan pagka't nasimulan ko na. Tinanong ng guard "anong course?" "Accounting" sagot ko naman. (Dapat pala Entrepreneurial Management) Meron palang nakasulat na LAboratory High School malapit sa barcode at nalaman na High School kami so Mission Failed.
Bago ang lahat...
Happy Birthday Kudo! Happy Birthday Kudo! Wahahahaha. Di ko alam kung kailan bday ni Kudo. Ang mahalaga, project yan.
Anyways... The Escober Case
Nakapulot kami ng isang papel na naglalaman ng isang love letter. Ito ang eksaktong sinulat (hindi ko na iiscan dahil mawawala ang confidentiality pero yung exact na ginamit nya at pagkakasulat nya ay ilalagay ko).
I love u escober =D
anu ba? bk8 ka b nggu2lo
sa utak q... dmi q n ngang
iniicp dumdgdg k p lalo
2loy lumlki eyebags q...
Naaala2 q noon knanthan
mo aqng hapi brtdei... ang
sia q nun super kilig aq
d mo lng alam...
Kniklig din aq qng
tnitingnan mo aq sa aking mga mata. ewan
q b d q mramdaman ung
feeling n un pg sa ibng
mata q nkati2g... anu
bng meron sau? ba't
d q maintindhan ang
feeling n 2... sau q
lng i2 nramdman...
s 't'wing wla k, aq'y
tula2 hinhnap-hnap k...
... nalu2nqt aq pg ika'y lumilisan
tila nnghi2nyang at nagsisisi
qng bk8 wla aqng mgwa nung
mga sndleng nanjan k qndi tngnan
k ng plhim... sna mpncn mo rin...
pero qng nanjan k
d q n alam ang ggwin
q nwwla aq s srili q...
...bk8 d aq mkpgslita, d mkpg-
icp ng maauz pg nriyan k...
my kpngyrihan kb? pno mo
nggwa skn 2?
...kh8 alm qng d tma ang gngwa
mo d q i2 alintna... wla aq s
srili q pg nariyan k...
...ito n kya? ung snsbi nilang
pkramdam? ewan q d q msbi...
... ung ktga bng d q msbe ay ang
ktgang "mnmhal kita"?
...d q alam qng aun nga un pro
ang alam q nhi2rpan aq gumlaw d2.
s mundo ng kh8 anino mo sa aking isipan ay d
q mkita...
...escober ikaw ay d nwla s aking isipan... kailanman...
... ikw ang aking unang pag-ibig...
Wohoo!!! Grabe! yan yung Exact na letter. Case sensitive yan. Pati positioning. Nakasulat yan sa intermediate pad, tinupi lengthwise at sinulatan ng ganitong style. Ang crooked line sa gitna ay ang hati ng pagiging lengthwise nya.
Probably, ang "Sender" nitong letter na ito ay isang girl. Based sa handwriting at words na ginamit, babae siya. And dahil nga napulot ito sa classroom, most probably din na kaklase namin siya. Then ang Recepient o ang tatawagin natin sa codename na "Escober" ay lalaki na kaklase din niya. Probably din ang letter na ito ay tinatago lang nung girl dahil ito ay tungkol sa nararamdaman nya kay Escober at dahil duon nalaglag nya at napulot ng Vintage Spy. Anyways, sakali naman na malaman ko kung sino si Escober o ang Sender, it will be very discreet. Kung nakikita mo o naalala mo na nagsulat ka ng ganito, well, it's up to you kung mag unveil ka. Pero for sure, si Escober ay isang codename...
Trivia: Ang Ekonomiks na test ay ginawa habang natutulog!
Well ganun nga... Mahirap ang exams at ayoko na magkwento. Expected na ang results. Wala nang paguusapan.
Walang issue ngayon ang The Adventures of Frank Warner. Pero may lalabas na bagong Koreanovela. Discreet muna ang title.
So sa ngayon, wala akong maisip na ipost. Siguro hanggang dito na lang muna...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 10:49 AM
Friday, October 17, 2008
Hmmm...
Bago ang lahat...
The Adventures of Frank Warner
Episode II: The Treathening Threat
Kinaumagahan, kahit sugat sugat pa rin ang kamay at paa ni Frank ay dumiretso sya sa parke upang magpalamig. Maya maya ay may lumapit sa kanya na isang police officer. Binulungan siya ng police officer. Hindi nalaman ninuman maging ako ang ibinulong ng police officer ngunit tila napangiti si Frank. Kinuha nya ang singsing mula sa bulsa nya at tiningnan ito maigi. Maya maya pa ay itinago nya muli ito. Di nya akalain na makikita siya nila Francis, George at Miguel na namamasyal din sa parke. Naisip nila dumiretso sa concert sa Circular Dome. Pagdating sa concert, makalipas ang ilang minuto, namatay ang ilaw at lumabas ang performer. Paikot ikot ang spotlight hanggang matapat ito sa dalawang teddy bear na kakikitaan ng pagibig na hawak ng isang bata. Ang puting bear ay nakapatong ang ulo sa brown na bear. Si Frank lamang ang nakapansin nito pagka't nakatitig ng matindi sila Francis, George at Miguel sa pinanonood. Tila may bumagabag sa kanya. Tila isang bagay na sumalungat sa anuman ang sinabi ng officer nung umaga.
Naisip na nila umuwi. Naglakad na rin si Frank pauwi ng makasalubong nya ang 2 taong gutom. Sila ay sina Charlie Forte at Benjamin "Ben" Mercado. Tila meron silang gutom na tinatago at mababakas ito sa kanilang makikita. Kung titingnan, tila normal lamang ngunit kung pagmamasdan, makikita sa kanilang mga mata ang kanilang ipinapahiwatig. Gutom. Naawa si Frank at naisip na dalhin sila sa isang fastfood chain. May mga nais sabihin sila Ben at Charlie ngunit hinihintay nila mag suggest si Frank upang di naman sila mapahiya sakaling magorder sila. Magkagayunman, inorder na lamang sila ni Frank at kinain nila ito. Nagpasalamat sila at inalam ang number ni Frank. Umalis na sila Ben at Charlie. Lumabas na rin ng restaurant si Frank at nagpatuloy sa paglalakad.
Habang naglalakad malapit sa kanilang tahanan, nakita ni Frank na binubugbog ng mga bully na bata ang isa pang bata. Mukhang mga teenager na ang mga ito. Naisip ni Frank na harangin ngunit siya ang pinagbalingan ng galit. Iniwan nila si Frank sa kalye, half dead.
Saka na ang Episode 3.
Anyways...
pagod...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 5:34 PM
Thursday, October 16, 2008
The Adventures of Frank Warner
Si Frank Warner ay isang simpleng tao. Yun nga lang meron siyang personalidad na pagiging adventurous.
Episode I: Pagbaba ng Tingin
Hindi nakuntento si Frank Warner sa buhay nya sa loob ng bahay. Paglabas nya ng bahay ay nakilala nya sila Miguel Lorenzo, George Estevez at Francis Domingo. Sila ay magkakaibigan. Naisip ni Frank na sumama sa kanila dahil na rin sa pahiwatig ni Miguel na masaya ang kanilang samahan kahit 3 lang sila. Sa paglalakbay, nakakita si Frank ng isang rosas. Unang kumuha si Miguel ngunit nabigo siya. Nasugat ang kanyang kamay ng mga tinik. Sumunod ay si George ngunit tulad ni Miguel ay nabigo rin. Naisip ni Francis na wag na kumuha ngunit si Frank ay naroon pa rin at nagiisip kung kukuhanin nya. Naisip nya ang maaring negatibo at positibong mangyari sakaling makuha nya ito. Sinasabi kasi na ang ganitong uri ng rosas ay may nakalalason na substance sa kanyang tinik at kapag ika'y napuruhan ay maari mong ikamatay. Ngunit ang magiging maganda lamang ay may maibibigay silang bulaklak para sa mahal na birhen para sa dadaluhan nilang Flores de Mayo. Determinado si Miguel na makakuha. Nakakuha siya ng isa. Pinilit ni George ngunit muli ay nasugat siya. Nagpatuloy sila sa paglalakad. Habang naglalakad, tuwang tuwa si Miguel sa kanyang nagawa. Nagkaroon ng kaunting inggit si George at naisip na kumuha muli. Halos 10 minuto siya nagpasugat muna sa tinik bago nakakuha. 2 na silang meron at si Francis at Frank na lang ang wala. Nahikayat rin nila George at Miguel si Frank na kumuha, Una, nasugat siya. Tapos nasugat uli siya. Ikatlong subok, dugo dugo na ang kamay nya. Ikaapat., ikalima, hanggang umabot sa ika-labing apat na subok bago nya nakuha ang rosas. Natuwa siya. Gayunpaman, napakalaki ng kanyang sinakripisyo. Nalaman na nya sa likod ng ngiti nila George at Miguel ay may sakit at hapdi na nararamdaman dahil sa rosas. Si Francis ay tila walang pakialam dito. Nagpatuloy sila sa paglalakad at naialay na nila ang bulaklak. Naisip na ni Francis na mauna na umuwi dahil magluluto pa siya. Sila Frank, George at Miguel na lamang ang naiwan na naglalakad sa kahuyan. Naisip na rin nilang umuwi dahil wala na rin silang patutunguhan. Habang pauwi, hindi alam nila George at Miguel na nagdurugo pa rin ang kamay ni Frank dahil mayroon pa siyang hawak na rosas at tinitiis lamang nya ito para na rin hindi magalala ang mga kasama. Tinuloy lang nya ang paglalakad at napako ang kanyang paa. Magkagayunman, may sugat man sa kamay tuloy pa rin sa paglalakad. Hirap na siya ngunit ang tingin sa kanya ng mga nakakasalubong nya ay wala lang at tila masaya pa siya. Ngunit sa likod ng mga ngiti ni Frank ay sakit na nararamdaman. Dumating na siya sa tapat ng kanilang bahay. Kumatok at pumasok. Nakita nya na wala pang pagkain. Wala ring gamot. Sa sobrang kalungkutan at para wala na siyang masabing masama, lumabas siya ng bahay at umupo sa parke. Doon nya inisip ang tunay na dahilan ng kanyang pagkuha at pagtago ng 3 pang rosas. Una na rito ay para iuwi sa bahay at maidisplay. Ikalawa ay para ibigay ito sa kanyang sinisinta na si Maria Alcantara. At ikatlo ay para na rin sa memorable experience na naglakad siya sa isang masukal na daan. Lahat ng ito ay ibinulsa nya. Inisip nya na masugatan man siya ng mga tinik nito, kailangan nyang magpatuloy tutal sugat na rin naman siya. Tuloy tuloy pa rin ang tulo ng dugo at di pa rin nya inaalis sa kamay nya ang isang rosas para sa bahay. Bagamat binulsa nya muna ang 2, hawak pa rin nya ang isa. Kahit na mahapdi at nagdurugo, hindi pa rin siya napapansin ng mga palakad lakad sa kalye. Naisip nya na hindi naman nya kailangan ang tulong ng sinuman sa mga ito. Tiningnan nya ang kanyang kamay. Dala ang pangarap na maibibigay nya sa 3 dapat paglaanan ang mga rosas. Tumingin siya sa itaas nya at nasilayan nya ang alulod na kanina ay malakas ang buga ng tubig. Ngayo'y unti unti nang naglalaho ang tubig at tila nagiging patak na lamang. Habang sumasakit ang kanyang kamay, lalong humihina ang patak...
Marami rami rin namang pangyayari ngayon. pero medyo busy eh...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:40 PM
Saturday, October 11, 2008
Usapang History...
Bakit punong puno ng hesitation ang mga Pilipino?
Sinasabi nila na kaya daw mayroong "hesitation" ang mga Pilipino sa lahat ng bagay ay dahil na rin sa ugali natin ito. Kasama na dito ang pagiging mahiyain, mahinang personalidad (halimbawa ay ang Filipino "yes"), hindi maisagawa ang sariling desisyon dahil sa pakikisama at etc. Nagmula lahat ng ito sa iisang bagay. Ang hiya. Tingin kasi natin sa sarili natin, masyadong mababa, mahina. Kumbaga mababa ang self esteem nating mga Pilipino. Hindi katulad ng ibang bansa na wala silang pakialam sa sasabihin ng iba. Bakit nga ba?
Nagsimula ang lahat nuong panahon ng mga Kastila. Bago pa man dumating ang mga Kastila, sinasabi na mayroon na tayong sariling pamahalaan ngunit hindi malinaw paano namuhay ang mga tao. Meron lamang ilang mga kuro kuro ngunit hindi natin alam kung mataas ang self esteem ng mga Pilipino. Siguro nga sa side ng mga maharlika at ibang timawa ay mataas ngunit sa alipin ay napakababa. Ngunit pagdating nga mga Kastila, dito talaga nagsimula na lahat ng mga Pilipino ay bumaba ang tingin sa sarili.
Dahil na rin siguro sa pananaw ng mga Kastila sa kanilang sarili as superior at mas nakakataas kaysa sa mga Pilipino, inapi nila ang mga Pilipino. Para sa kanila, anumang gawin ng mga Pilipino, palpak o kung hindi man eh hindi pa rin maganda. Nahilig sila sa panlalait na kung saan hindi nila inisip kung ano ang mararamdaman ng kanilang nilait. Naging masyadong "insensitive" ang mga Kastila during those times dahil ang tingin nila sa mga Pilipino ay masahol pa sa alipin at hindi tao. Walang nararamdaman. Dahil nga sa likas na matiisin ang mga Pilipino, tiniis lamang nila ito at naukilkil sa kanilang pagkatao ang mababang tiwala sa sarili. Ang tingin na rin ng mga Pilipino sa kanilang sarili ay mga tanga, stupido at kung ano pang salita ang sinabi ng mga Kastila sa mga Pilipino. May mga panahon na ayaw na humarap ng isang Pilipino dahil ang tingin nya ay napakababa na nya. Natalo man ang mga Kastila, hindi na nawala ang ugaling iyon kaya ito rin ang naging dahilan ng ating personalidad sa ngayon...
Hindi lamang pagkababa ng pananaw sa sarili ang naidulot ng pangaaping nabanggit. Hindi rin natuto ang mga Pilipino. Dahil sa tuwing tinuturuan sila ay may kasamang mura. Kaya nawawalan na rin ng gana mag-aral ang mga Pilipino...
Kung nuon pa man ay na-"appreciate" na ng mga Kastila at binigyang halaga ang nararamdaman ng mga Pilipino, hindi sana mauuwi sa digmaan ang usapan. Kung binigyan nilang halaga ang bawat tama na ginawa ng mga Pilipino at itama sa paraan na hindi masasaktan ang mga Pilipino sa kanilang mga mali, hindi ganito ang magiging personalidad ng mga Pilipino. Ngunit hindi pa huli ang lahat. Maari pa natin i-apply sa buhay natin ito, kung saan hindi tayo makakasakit ng kapwa sa bawat salitang bibitawan natin in the sense na tataas ang pananaw nya sa sarili nya at mabigyan mo siya ng moral booster upang magpatuloy pa.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 5:13 PM