Tuesday, November 11, 2008

Silent Assassin

"Tahimik lang ako pero hindi ako tanga."

That sentence... Paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko. Tila isang problema, isang kahihiyan na gusto ko takasan. Marami ako dapat ikwento. Pero siguro lalagyan natin by date...

Nakalimutan ko na ang ibang nangyari nung mga nakaraang araw. Ngunit kahapon...

Regular Day. May klase ngunit may practice ng arrivals. Ang ieensayo ko duon ay yung Pledge of Allegiance to the Philippine Flag (Panunumpa ng Katapatan sa Watawat). Nagtapos ang araw at nagkaroon ng practice sa cheering. Natapos ng gabi. Walang kwenta kasi regular day lang. Pero ganito kasi yun. Medyo naligayahan din ako at the same time, na-frustrate. Yeah. Wala na. Siguro nga wala na.

Ngayon. Halos walang klase. Dahil na rin siguro sa pageensayo ng mga kalahok sa cheering competition.

Nung umaga nakatanggap ako ng masakit na balita. Siguro para sa ibang tao, walang kwenta. Pero sa akin malaki. Kung ano man iyon, di ko na ipapaliwanag pero kung isa kayo sa mga tinamaan relax lang. Basahin nyo yung description at baka makilala mo ang sarili mo.

Parang isang pagsasayang ng oras ang ginawa ko mula Oct. 27-29. Imbes na natutulog ako sa bahay, naruon ako sa paaralan para tapusin ang isang bagay na ito. Well wala rin naman halos nagawa. Lalo pa nung 29. Kung hindi dahil sa "Italian Job" wala talagang saysay ang mga araw na ito at nagsayang lang ako ng pasahe, damit atbp. Nung mga nakaraang araw, aminado ako sa sarili ko na wala ako sa mga pagkakataong kinakailangan ang tulong ko. HIndi ko rin kasi mahati ng ganun ganun lang ang sarili ko. Pero ganito ang masaklap. Merong iba na bago lang pero talagang sila pa rin ang itinuloy. Mayroon na rin akong ilang oras sa buhay ko na sinayang na dapat ay napakinabangan ko na. Yung mga oras na dapat naigugol ko sa mas mahahalagang bagay, naigugol ko dito sa bagay na ito (di ko naman masasabi na walang kwenta pero kumbaga ay wala namang maidudulot na maganda sa akin).

Ngayong umaga, nakatanggap ako ng balita. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa balita. Kung bubulyawan ko ba ang nagbalita, susumbatan, sisingilin o kung ano pa man. Tumahimik lang ako tulad ng lagi kong ginagawa. Wala akong magagawa. Palaging iniisip ko kalma lang, kalma lang. Pero deep inside naiinis ako. Yeah tahimik lang ako. Pero hindi ako tanga. MAy utak ako at may nararamdaman. Tao rin ako at nagsayang din ako ng oras ko. Mahalaga ang bawat minutong pumapatak sa buhay ko sa mga panahon na ito. Pero wala nga akong magawa. Alang-alang sa pakikisama, ginawa ko. Then here comes the time na naging masyado silang insensitive.

Hindi ko hinahabol ang magaganap. Ang sinasabi ko dito is yung time. Sana noon pa man sinabi na para di ako nagsasayang ng oras ko na ayaw na ayaw kong gawin. Alam ko wala akong mapapagkwentuhan at ito lang blog ko ang tanging sandigan ko. Hindi ko pa mailabas lahat ng saloobin ko. Siguro, wala nga talagang makakaintindi sa akin at kailangan ko nalang ikimkim ang lahat ng nais kong sabihin.

Alam na Case

Actually wala na dapat pagaralan sa case na to kasi nga ALAM NA! Pero to give you a glimpse ito ang representation.

Sa isang kaharian, mayroong 10 wisemen. At sa sampung wisemen, 3 sa kanila ang may kapangyarihan tulad ng hari. Ilan ang natira?

Ayun. Walang kwenta.

Meron akong ibibigay na example. What if mayroong lalaki na nagngangalang Jim at babaeng nagngangalang Mary. Si Jim may gusto kay Mary pero hindi alam ni Jim kung sino ang gusto ni Mary. Then there came a time sa isang sayawang bayan, nakasayaw ni Jim si Mary dahil sa magkapitbahay lang sila. Tapos lumipat ng kasayaw si Mary sa isa pang lalaki na nagngangalang Tony. Walang magawa si Jim dahil wala naman siyang karapatan kay Mary. Ang nagawa na lang nya ay magsulat sa blog at magtype ng kalungkutan nya.

Ang example na ito ay ilan sa milyong-milyong dahilan bakit nageexist ang blog or diaries. May mga bagay na hindi natin masabi sa ibang tao na tanging sa isang bagay na hindi sumasagot natin naikukwento...

No comments: