Wednesday, November 5, 2008

"Book Keeper"

Hindi ito regarding sa bookkeeping na ssection or job or whatsoever. Related ito ng kaunti sa classroom scenario na nagaganap ngayon. It's a crisis.

The Book Keeper Case

Hindi siya taga-tago ng libro. Taga nakaw lamang ng libro. Hindi ko alam ang identity nya at walang leads kung sino si Book Keeper or BK. Well ito kasi ang nangyari bakit nagformulate na mayroong thief ng libro sa classroom.

Si Student A ay nawalan ng isang uri ng English book bago magkaroon ng examination. Naisipan nyang bumili na lamang ng bagong libro. Si Student B naman ay pumunta ng Recto para rin bumili ng English book. Paguwi ni Student B, tiningnan nya ang libro at nakita na may punit na page. Napagalaman nya ng ibuklat nya sa isang page na kay Student A pala ang libro na sakto naman na kaklase nya. So nabuo ang chances na mayroong magnanakaw ng libro na ninakaw ang libro ni Student A para ibenta sa Recto.

Isa rin ako sa nawalan ng libro. Ang inaannounce ko mula pa noon na Geometry Book. Hindi ko na natagpuan ito. May mga kinukursunada lang si BK. Kasi si Aparejado PJR, laging nakakaiwan ng libro pero nakikita pa rin. Mayroong lampas sampung cases ng nawawalang libro sa classroom at di na muling natagpuan ang mga libro. Probably lahat ito ninakaw ni BK. Sabi ko nga kanina wala pang leads kay BK. Pero patuloy kong aalamin ang tungkol dito...

Kung sino man si Book Keeper o may idea kung sino ito, makipagugnayan lamang kay Vintage Spy. Lintik lang ang walang ganti.


Meron muna akong kwento...

The Tale of 2 Kingdoms

Mayroong nageexist na 2 kaharian. Ang unang kaharian located siya sa silangan, ang kaharian ng araw. Sa bandang timog ay makikita naman ang kaharian ng mundo. Mayroong isang tao na nakatira sa kaharian ng mundo. Naglilingkod siya sa hari bilang isang magiting na heneral ng hukbong sandatahan ng hari. Nakilala nya ang isang prinsesa na anak ng hari. Nagkaroon ng pagiibigan ang prinsesa at ang heneral. Maraming nanliligaw sa prinsesa. Ang iba'y anak ng mga mayayaman at galing sa mga sikat na pamilya ngunit lahat ay kanyang di pinapansin dahil sa heneral. Hindi ito naibigan ng hari at naging tutol siya sa pagiibigan ng kanyang anak at ng heneral. Naisipan nyang ipadala sa digmaan ang heneral na tiyak na ikamamatay nito. Naisip ng hari na magsisimula siya ng digmaan sa silangan para masakop ang kaharian ng araw. Kahit nanahimik ang kaharian ng araw, naisip nya na sakupin na ito at mapatay na ang heneral sa digmaan pagka't nasa kaharian ng araw ang ilan sa mga magagaling na mandirigma.

Pinadala na ng hari ang heneral sa digmaan. Nalungkot man ang prinsesa, wala siyang magagawa sa utos ng hari. Naipadala ang heneral. Nagsimula na ang digmaan at nakubkob ang heneral. Natalo ang hukbong sandatahan ng kaharian ng mundo ngunit mayroong isang sundalo na naisipang bumalik sa timog para ibalita sa hari ang naganap. Sinabi nya na patay na ang heneral sa pagaakalang napatay ito sa laban. Di nakita ang bangkay ng heneral. Ikinalungkot ito ng prinsesa at hindi na siya halos kumakain. Naging malungkutin din siya at napansin ito ng kanyang ama. Ngunit kahit anong gawin ng ama ay hindi nya mapasaya ang prinsesa.

Sa kaharian ng araw, nakakulong ang heneral at napagpasyahan ng konseho na wag na patayin ang heneral bagkus ay gawin itong alipin. Nangyari nga ito. Naging alipin ang heneral. Ngunit dahil sa talino nya at kanyang talento, siya ay nagtrabaho sa kaharian bilang isa sa mga mahistrado. Nalaman din ng hari na gusto siya ipapatay ng hari ng kaharian ng mundo at sinabi ito sa heneral. Naisip ng heneral na magtrabaho ng tapat sa kaharian ng araw at gantihan ang kaharian ng mundo pagdating ng panahon na mailigtas nya ang prinsesa. Ginawa siyang isa sa mga kagalang galang na konseho ng hari at tagapagpayo.

Dumaan ang mga araw at nalaman ng prinsesa na nasa kaharian ng araw ang heneral at buhay pa ito. Kasama ang ilang kaibigan, umalis sila sa kaharian ng mundo at pumunta ng timog upang makita ang heneral. Nagkita nga ang heneral at ang prinsesa at naisip nila na magpakasal na. Ngunit ilang araw pa lamang ang nakakalipas, nakatanggap ng sulat ang kaharian ng araw mula sa mundo na kailangan bumalik ng prinsesa. Napagdesisyonan ng konseho na iganti ang paglusob sa kanila ng kaharian ng mundo at gumawa ng matibay na depensa at talunin muli ang mundo sa ikalawang pagkakataon. Nagabang sila sa paglusob ng kaharian ng mundo ngunit wala silang nakita. Hindi nila nakita ang mga pinadalang ninja ng kaharian ng mundo para dakpin ang prinsesa at ibalik sa mundo. Nagawa ng mga ninja ang misyon at nalaman ito ng araw kinabukasan. Nalungkot ang heneral ngunit naisip nya na saka na lamang iganti ang pangyayari...


Lumipas ang ilang taon, hindi pa rin nakakalimutan ng heneral ang prinsesa. Wala na siyang balita sa prinsesa. Ang alam lang nya ay may masugid na manliligaw ang prinsesa na anak ng isang gobernador sa kaharian ng mundo. Hindi na nya alam ang mga sumunod pang pangyayari. Naisip nya na bumalik muna siya sa kaharian ng mundo at kuhanin ang prinsesa ngunit baka masira naman ang kaharian ng araw. Nakulong siya sa isang desisyon. Hindi siya maaring bumalik ng mundo dahil ipapapatay siya samantalang sa araw ay pinahahalagahan siya katulad ng hari...


Mahabang kwento, pagpasensyahan nyo na...

Di na rin ako magtatagal, kailangan ko pang gumawa ng vector...

No comments: