Monday, July 7, 2008

Where can I find my Solace?

Unang lunes ng Hulyo. Pero meron ding nangyari kahapon...

Nagkaroon ng pagsasalisihan kahapon in terms of "technology". So maghihintay nanaman siguro ako ng mga 2 weeks para matsambahan ko uli ang "ulan". Nakakalungkot isipin pero ano nga bang magagawa ko? That's how it will work...

Nasa gateway ako kahapon. Unknowingly, may laban pala ang Ateneo de Manila University at De La Salle University sa Araneta Colisieum. Around 6 ata ako nandun so hindi ko alam ang nangyayari thru out the net (sana kasi meron akong IM sa phone ko...). Naka-green pa ako nun. Hindi lang siya basta green pero parehong-pareho sa mga suot nung mga supporters at students ng La Salle. Pagkatapos ata nang laban, dumiretso lahat sa Gateway. Hindi ko alam kung mukha lang talaga akong La-Sallista o kung anumang dahilan na napagkamalan nila akong nakinuod din at estudyante din sa La Salle. May lumapit sa akin. Well hindi naman ganun ka-gandang babae pero siymempre, makikita mo na galing sa angking mayaman at hindi salat sa yaman. Nagulat din ako sa pangyayari.
"Hi" sabi nya sa akin. HIndi ko alam ang isasagot ko kasi di ko alam kung sinong kinausap nya pero for sure ako kasi siya yung nag-approach so naisip ko na baka makikipagkilala lang. So binati ko rin ng "Hello." Tapos nagkwento na siya. Hindi rin naman mahaba ang kwento nya at tinanong nya, "Ano bang course mo?" Biglang tumalon ang sisip ko. COURSE???!?!?! Di pa nga ako nakutungtong ng College eh!!!! So sabi ko, "highschool lang po". Tila may pagtataka akong nabasa sa mata nya at sinabing "Ha?" Medyo nalaman ko na. Kaya pala siya nakipagusap kasi akala nya, LA SALLE DIN AKO... HAIZZZZ... So sabi ko "ay, PUP po ako" tapos sabi nya "ay sorry" tapos umalis silang magbabarkada at may halakhak pa. Pucha talaga. Diskriminasyon. Haha. So ayun. Mahirap mapagkamalan...

Ngayon naman. Lunes. Maraming nangyari pero irrelevant na para ikwento. Anyways, meron lang talaga akong mga binibitawan na sila but I don't mean it. Minsan kasi, may mga kailangang linawin na yung mga salita lang na yun ang makakapagpalinaw...

Dahil nga irrelevant ang mga pangyayari at sa tingin ko ay wala nang kwenta para ikwento ko pa. Tatapusin ko na ang Post na ito. Yung Fugitive's Case, still it's under investigation.

No comments: