Thursday, July 24, 2008

Mi Ultimo Adios

Bakit ba nagsulat si Rizal ng My Last Farewell? Di ko rin alam. May naalala pa nga ako na ilang words mula duon na pinamemorize nung 1st year. Ito yun...

Land that I love, farewell.
Oh sun the sun loves.
Pearl of the sea of the orient...

Di ko na maalala sa iba pero kung iparecite nyo sa akin yung Song of the Teargased Man by Cirilio F. Bautista, kabisado ko pa yun.

Anyways, iba na kasi libro ng 1st year ngayon. Pero kung yun pa rin yun, at least sana pareho kami ng knowledge.

Bakit nga ba Mi Ultimo Adios???

Hindi ko alam pero may threat ako ngayon. Yeah right. I don't know kung para sa buhay ko, or pabubugbog ako or ano pa man. It is just like this. May pangyayaring mali na kailangan itama. Pero may mga taong hindi nagpapatama at ayun nga. Nagkaroon ako ng threat. Yes safe ako ngayon. What about tomorrow? The other week? Hindi ko alam. Pero I know deep inside me, para itong GRAND THEFT AUTO SAN ANDREAS meets THE GODFATHER. Haizzz... Dunno what to do.


Bukas for sure, public figure nanaman ako. Laman ng usapin. May mga nakakita at kwinento agad. Nakita ko yun kung sino yun. Meron ding nakabalita and of course, kakalat agad yun WITH extras. Medyo may dagdag na sa mga pangyayari na pasasamain ako or yung taong involved. Ganun naman eh. May balita. Tapos siyempre lalaki. Pagbalik sa akin extra na. Parang ganito lang yan...

Nagsimula nung napansin ni Nardo na napatingin si Danilo kay Maria. Naikwento ni Nardo sa mga katropa nya ang tungkol sa biglang pagtingin ni Danilo kay Maria. Siyempre ang sasabihin nya "Alam nyo ba si Danilo nakatingin kay Maria". Then siyempre maikwento yun ng mga napagsabihan nya sa ibang tao. Ang sasabihin nila "Si Danilo may gusto kay Maria" or "Si Danilo nililigawan si Maria". Pagdating uli sa ibang tao thru the process of GRAPEVINE, nag sasabihin nila "Basted si Danilo". Darating kay Danilo na may buong istorya na ang aksidenteng pagkakatingin nya kay Maria na wala namang dahilan...

Ganun. Ganun ang tsismis. Pagbalik sayo, buong istorya na. Wala ka nang panahong mag-explain. Minsan may iba-iba pang versions. Balik tayo sa halimbawa ko, minsan may version pa na "Siguro nagseselos si Danilo kay Maria kasi bakla siya" and "Si Danilo pinapaasa lang ni Maria at pinaglalaruan". Yun yung masaklap. Andaming nalalaman ng mga tao. Mali naman. Nagfefeeling lang...

Nagpapasalamat ako sa mga taong sumabay sa paguwi ko kanina. Kasi at least kahit kalahati lang yun, medyo wala lang. Basta. Salamat. And dun din sa mga taong nakatulong, salamat. Sa mga magtsismis, dalian nyo para bumalik agad sa akin ang kwento. Then ayun nga. Maraming pangyayaring di maintindihan ngayon.

Akala ko mababawasan nanaman kami. Good thing hindi.

Wala akong maikwento. Sa mga ka-grupo ko sa group 1 sa Filipino, yung iba di ko pa kilala kung sino, announcement to.

May practice tayo sabado, and next week, Monday, Tuesday, Wednesday, Thursaday. Friday, is the D-Day. I need cooperation. For more information or kung hindi nyo ako mahagilap, pakitanong si Mary Joi Enriquez.

Isang magandang kasabihan, "Kapag alagad ka ng batas, asahan ang buhay ay mautas."
Akalain nyo yun? Ako lang gumawa nyan.

No comments: