Tuesday, July 8, 2008

Thwart about Something...

Some things are meant NOT be said anymore. But most should be...


Before pa magbakasyon, that is March or April, naiisip ko na pumasok sa pagiging "kadete" nagbakasyon at nakapagdesisyon na ako ng hindi. Siguro dahil na rin sa solace na nararamdaman ko during those times kaya naisip ko na wag na. But Migraso continued. Dumating ang first day at pumasok si Migraso. Pero ako, for sure NO. Pero ngayon.. Nakita ko na 4 lang silang magkakadete. I mean kadete na talaga sila. Merong mga sure na almost 4 din. And I got my form. Ngayon, nagiisip uli ako. Actually hindi ko namang binibigyang importansya ang kapangyarihan pagdating ng ika-apat na taon. Ang gusto ko mangyari is to save my batch. Ayun. Malinaw po yun. Especially ayoko "siya" ma-maltrato ng mga ROTC. Siguro kapag nangyari yun, I can't forgive myself nor I can't just stand and look. So naisip ko na for the sake of "her" and for the sake na rin ng deliverance namin sa ROTC na pumasok sa pagkakadete SAKALI MAN NA KULANGIN. Inuulit ko, SAKALI MANG KULANGIN. Baka kasi may mga maglipana nanamang balita na hindi ko tinupad ang sinabi ko. Ayan. Malinaw. So siguro magtatanong-tanong uli ako or magiisip pa.

Marami akong iniisip ngayon... Maraming frustrations at maraming hindi nakakatuwa. Una, sa IT.

Hindi naging maganda ang resulta ng aking test. Nakakatawa na nakakaiyak. Paano ba naman kasi, medyo nalito ako ng konti sa mga bagay-bagay. Lintik talaga. Nakakaasar din na nalito ako kasi hindi ko rin nabasa yung ibang words. So ayun. Hindi nakakatuwa. Recitation naman, okay na. Pero talo pa rin.

Pasensya na medyo tinatamad lang talaga ako magkwento. So pagkatapos nun medyo wala nang problema. Actually medyo lang kasi meron nanaman akong mga bagong clues in relevance to my Fugitive Case.

Balak ko na rin ilabas ang mga culprit na nakikita ko base sa aking investigation. Narito ang buod ng kanilang pagkatao...
1. Scalene- Si Scalene ay isang lalaki. Kung bakit scalene ay dahil na rin sa aking "imaginative mind" sa paglalagay ng codenames.
Actually si Scalene na ang naging primary suspect ko mula pa nuon kaya nga sinara ko na ang case na ito. Pero dahil nga may lumabas na bagong POSSIBLE CULPRIT, narito siya
2. Cent- Nah. He's not 50 cent. Another possible culprit. Kung bakit siya ang naisip ko ay dahil sa proximity things and sa mga "looks" na tila bagang may dahilan. Tila may ibig sabihin. So kaya naisip ko na si Cent din ay dahil din sa mga nangyayari. Medyo may possibility din na siya ang culprit ay dahil na rin siguro sa marami ang may gustong makaarok kay Cent na malapit sa nagmamayari ng Quaker Oats.
Actually sa dalawang culprit lang na ito umiikot lahat. Pero nagkamali ata ako. Meron nanaman dumagdag na possible culprit din.
3. Mario Pozo- hindi naman siya mahilig sa The Godfather nor sa mga libro ni Mario Puzo. Wala rin siyang utak na katulad ng kay Mario Puzo. But again he's a man. Kung bakit siya ang naisip ko dahil merong mga "jokes" na posibleng may katotohanan. And di bale sana kung joke lang. Tila isa itong glue na lalong nagpapadikit sa papel at picture. So ayun. Medyo nakaka-sense ako na merong nangyayari.

So humihingi ako ng pasensya bakit hindi ko naexplain ang tungkol sa Fugitive's Case. Actually ang Fugitive's Case kasi ay tungkol sa kung sino ang sole heir ng "Quaker Oats" of a significant person. So ngayon nga may mga lumalabas na bagay bagay na lalong nagpapaisip sa akin.

---Change topic...

Medyo wala pa rin nangyayari. In relevance to things. Haizzzz. Mahirap ipaliwanag talaga. Pero I hope na dumating na ang araw.


Medyo wala nanaman ako sa sarili ngayon. Hanggang dito na lang siguro ang post ko.

No comments: