Tuesday, July 15, 2008

Lack of Attention

After ilang days, medyo wala akong ikukwento about COCC ngayon!!! Di tulad nung past days. Kasi nga desidido na ako. Ang aking post ay mostly sa isang taong kinulang nanaman ng atensyon.

Okay. Simula pa lang ng araw, exam agad ang sasambulat. No comment about the exam. Tapos ayun. Parang wala na akong gana magkwento tungkol sa klase. Magkukwento na lang ako tungkol sa main topic ko.

During these days, meron talagang mga tao na magbayad na at makasagasa, mapansin lang. Para kasi yang artistang laos, bigla na lang lalabas at sinabing nanakawan, nagahasa, muntikan patayin etc. Ginagawa nila yun para mapansin uli sila ng tao at makagawa nanaman ng pelikula. Sa ibang lugar may ganun din. Mapansin lang at sumikat, at dahil nga sa UHAW sa kapangyarihan eh gagawin ang lahat maging sikat at bida lang.

Meron kasi talang isang tao ngayon na iba ang inaasta. Tipong paepal na hindi halata. Naalala ko nung 1st year ako. Kunwari hindi alam pero yun pala nakikinig. Ganun din ang mga pangyayari ngayon. Merong isang nilalang, dahil nga sa kinulang sa pansin, para lang makagawa ng joke eh nangba-backstab na. Besides, di bale sana kung ganun lang. Pero may mga unexplainable things kasi na madaling paniwalaan.

Siyempre kung mali ang balita, mali din ang reaksyon. Not exactly na mali pero mali ang pagdedeliver. Masyado kasi talagang ewan at epal na ginagawa pang kalokohan. Kung di ba naman siya utak-tinik, hindi kasi niya nililinaw. Ang alam lang kasi ng utak nya, magmura, umepal, mag-feeling, mang-traydor atbp. Yung iba naman na naniwala, sorry for the word pero tila dinidibdib ang maling balita. Naniwala naman kayo. Di nyo muna tinanong yung person concerned tapos pinagkakalat nyo na at naninira pa? Ganun? Sige. Magsaya lang kayo. Manira lang. At wag nyo nang balakin pang alamin ang side ko.


Sa siraulo naman na nagfefeeling na para lang sumikat eh walang pakialam sa pakiramdam ng iba, ito lang masasabi ko. Mula pa 2nd year, gago ka na. Hanggang ngayon ba naman? Gago ka. Period. Gago na tanga pa. Alam mo yun? Yung para lang mapansin ka eh gagawa ka ng lahat para lang mapansin ka. Kahit ipakahamak ng ibang tao. TARANTADO KA. Yun. TARANTADO NA GAGO PA. Eh ano? Todo sabi ka naman. Tapos sa iba naman na nagtatraydor din at tila nagmamatapang at nagaangas-angasan, bakit di tayo magharap-harap? Puro patalikod birada nyo eh. Napaghahalataan kayong sanay mangback-stab eh. Mga pucha talaga. Pilit na nga namin inaayos tapos ginugulo pa.


Kung di nyo alam ang istorya, ganito kasi yan (representation lang to. Gawin nating style ng epiko):

Merong isang halimaw na utak-tinik pero higante sa laki. Tinatawag siyang DAMBO o dambuhala. Meron ding nageexist na makapangyarihang diyos na bihira lang magpakita sa mga tao. Siya ay si Dumalapadawis. Meron pang diyos ng lahat ng diyos na si Cioren. Inutusan ni Cioren si Dumalapdawis na puntahan ang dambuhalang si Dambo at kausapin ito. Narinig kasi ni Cioren ang panalangin ni Dambo para makita si Dumalapdawis. Bumaba naman si Dumalapdawis mula sa langit. Inakala ng halimaw na si Dambo na naakit sa kanya si Dumalapdawis. Naisip nya na malapit na sila sa isa't isa. Habang wala si Dumalapdawis at nasa langit, sinama ni Dambo ang kanyang mga kaibigan na sina Kong, sila Lonaous, at iba pa. Dahil nga sa akala ni Dambo na alam na nya ang lahat tungkol kay Dumalapdawis, ginawa nyang katatawanan si Dumalapdawis at nagsabi pa siya ng ilan sa narinig nya mula kay Dumalapdawis na hindi naman sinabi sa kanya. Tsimosa lang talaga siya. Ikinagalit ni Kong ang ilan sa kanyang narinig at nagbanta na papatayin ang diyos na si Dumalapdawis. Ipinagkalat ni Kong ang nalaman nya kay Dambo kahit wala pa itong patunay. Nakarating ang balita kay Dumalapdawis dala ng hangin at lubusan nyang ikinagalit. Bumalik ng langit si Dumalapdawis at hindi na muli nakita. Sinasabing naghihintay siya ng tamang pagkakataon paano brutalang papatayin ang walang kwentang buhay ng halimaw na si Dambo.


Ayun. Kung naintindihan nyo, well and good. Kung hindi uwi na kayo...

Huling mensahe ko lang sa mga epal na tulad mo, TARANTADO!

No comments: