Monday, July 28, 2008

Bawat hagkis ng panitik sa pambansang kamalayan...

Wala pa halos akong nakakabisado. 1st 2 stanzas pa lang, di pa maayos. Di naman sa napaka-tanga ko magmemorize pero dahil na rin sa katamaran na tumatama sa akin, isama pa yung mga balitang di kasiya-siya...


Okay na sana ang lahat. Kasi walang pasok. Pero marami din naman naganap...

Actually kahapon sa di maintindihang dahilan, bumili ang tatay ko ng TV na kako-commercial lang. Di naman sa pagmamyabang, flat ito, ayokong sabihin kung ilang inch kasi baka magulat kayo pero para na rin siyang mini theater. Kasabay ng bagong TV (to be delivered pa ata sa Thursday) ay bagong sapatos na hindi ko naman susuotin palagi. Dahil na rin sa kaselanan ng presyo, mas maganda na sa ibang oras ko nalang gamitin. Tapos hindi pa first monday, bagong gupit na. Siyempre gupit "binata" nanaman (binatang sundalo).

Tapos paglabas ko sa barberya, dumaan in a flash yung sasakyan ng pangulo ng Pilipinas with its convoy. Grabe. Ang bilis talaga...

Anyways, kung bakit malungkot? May konek ito sa text message na natanggap ko nuong isang araw. Hindi lang pala sa message nagtatapos ang lahat. Dahil nga CO ako, may mga bagay palang nangyayari without me knowing and out of my sight. Ayun. Dahil nga di ako pwedeng magbigay ng proper names sa blog ko, gagawa ako ng representation. At isa pa, iimbestigahan ko na rin ito. Ito ay tatawaging...

The Seatmate's Case

Walang konek to sa seatmate ko kasi di ko pagaaksayahan ng panahon imbestigahan yun. Iba to! Hindi lang kasi to basta seatmate literally. Maraming reasons talaga. Ngayon, itong seatmate's case ay isa sa dahilan ng pag-reopen ng iba pang cases ko. Ganito ang story ng seatmate's case... (this is only a representation. Hindi ito ang nangyari)

Merong isang empleyado na nagngangalang Dencio. Si Dencio ay nasa accounting department. Pero dahil sa desisyon ng presidente ng kompanya, nalipat si Dencio sa Human Resources. Nakilala nya duon si Mara. Merong bystander na nagngangalang Arsene. My duda si Arsene na nanliligaw si Dencio kay Mara sa di maintindihang paraan. Duda rin ni Arsene na nagkakagusto si Mara kay Dencio. At ayun ang Seatmate's Case.

Ayon sa pagsasaliksik ni Arsene, maraming kaganapan ang sumusuporta sa kanyang kuru-kuru. Pero hindi ko na ikukwento ang mga naganap. Pero the Seatmate's Case really affects me as the Fugitive's Case...

Sa ngayon... Wala akong magawa... Ano pa bang magandang gawin? Hmmm....


No comments: