Thursday, July 31, 2008

The Thermometer: Judgement Day

Medyo nilalagnat ako ngayon. Ayun. Di ko alam kung mapapasma ako dahil sa pagkabasa at hinayaan ko lang matuyo ang aking paa. I'm just too precautious.

Anyways, Judgement Day bukas, pano ba naman kasi, bukas na ipepresent ang aming 1-week in the making na Sabayang Pagbigkas. ONE WEEK. For sure may magagawa ka nun pero di kumpleto pero kami na-kumpleto namin. Actually ang one week is consist of 7 days, and sa isang day may 24 hours. So hindi rin pala one week. Meron lamang kaming 5 days with a minimum of 1 hour each and maximum of 3-4 hours (ngayon lang yun!!!). Pero as I always say, BAHALA NA.

Talking about school pa rin, nag-paraya ang ibang classes para lang mabigyan kami ng enough time to practice. And grabe din ang lakas ng ulan at ngayon ko lang napansin na barado siguro ang drainage ng PUP o talagang napakalakas ng ulan. Kasi ba naman, may nakita akong tao naglalakad, hanggang tuhod ang baha. Tapos marami rin ang nagpaa o nagtsinelas. Isa pa, marami ding nadapa. Basta, grabe. Baha talaga.

Speaking of school things pa rin...
WE ARE IN NEED OF COCC's. IF YOU THINK YOU ARE QUALIFIED,



Usapang labas ng school naman...

If I remember the plate number right, it's TWZ 111, meron akong nakita na magandang dilag na nakaupo sa dulo. Wala lang, naishare ko lang. Tapos kilala ko siya, pero ewan ko kung kilala nyo. Tapos if I see it right, kilala ko lahat ng kasama nya. Wahahahaha. Wag nyo pagtuunan ng pansin...

Anyways, meron talagang iba na habang tumatagal, gumaganda. Parang isang alak, habang tumatagal, gumaganda ang lasa. Pero hindi siya alak. Basta, napaka-wala lang. Wala akong maidescribe na word tapos ganun na nga (meddyo walang thought). Kung aalamin nyo kung sino siya, siya si Maria. Paglilinaw lang, kasi baka malito kayo sa iniimbestigahan kong case. Walang magkakapareho. Spelling pa lang...

At ang ngayon, na sa ngayo'y dumadatal ang panahon...

Wednesday, July 30, 2008

The Eye of the Beholder

I am the beholder. Pero meron pa akong isang mata. Sa kadahilanang CO ako, siyempre hindi na ako magiging VIntage Spy sa ngayon. Pero dahil nga meron akong ultimate asset na napakatalino at napakagaling sa imbestigasyon na si Arsene na siyang nagbibigay sa akin ng facts, mata ko siya talaga. Kung di nyo kilala si Arsene, mula pa nuong nagsimula ang Vintage Spy, si Arsene na ang ultimate spy ko. Maliban sa skills ko, nandyan din siya with the help of some "detectives"...

LUMALAWIG...

Hindi lang si Arsene ang nakakita ng lahat ng pangyayari sa Seatmate's Case sa ngayon. Nakita na rin ito ni L at ng isang DG na hindi detective... Ganito ang pangyayari (inuulit ko, representation lang to)

Kanina, si Arsene ay naglalakad lakad at tumitingin sa mundo ng biglang mapansin ng co-detective nyang si L ang paguusap nila Mara at Dencio. Hindi lang iyon ang naganap. Marami pa talagang kaganapan sa araw na ito tungkol sa pagiging malapit nila Mara at Dencio. May mga sources din na nagsabi kay Arsene na gumagawa daw ng hakbang si Dencio na "maiabot ang pamaypay" kay Mara. Hindi ko alam kung anong reaksyon ni Mara or meron din siyang nararamdaman kay Dencio. As for Dencio, base sa observations ng napakagaling at napakatalinong si Arsene, si Dencio daw ay may 70% chances na mahulog kay Mara or mayroong paghanga kay Mara. As of now, hindi pa case closed. Ito pa rin ang mga tanong na umiikot sa utak ni Arsene,

"Ano ang tunay na nagaganap. Pangalawa, mahuhulog ba si Dencio kay Mara and vice cersa"

About sa sabayang pagbigkas...

Kailangan ng thourough practice bukas. Goodluck teammates...

Anyways, medyo oks naman lahat. Kaninang umaga, medyo na-depressed tapos ayun. Medyo oks na, sumabay sa ulan yung depression ko...

As of now, goodbye, syanga pala, kung di nyo pa napagdedesisyonan ang pagboto sa JS, mag YES kayo. Wala lang. Gumaya kayo sa amin...

Monday, July 28, 2008

Bawat hagkis ng panitik sa pambansang kamalayan...

Wala pa halos akong nakakabisado. 1st 2 stanzas pa lang, di pa maayos. Di naman sa napaka-tanga ko magmemorize pero dahil na rin sa katamaran na tumatama sa akin, isama pa yung mga balitang di kasiya-siya...


Okay na sana ang lahat. Kasi walang pasok. Pero marami din naman naganap...

Actually kahapon sa di maintindihang dahilan, bumili ang tatay ko ng TV na kako-commercial lang. Di naman sa pagmamyabang, flat ito, ayokong sabihin kung ilang inch kasi baka magulat kayo pero para na rin siyang mini theater. Kasabay ng bagong TV (to be delivered pa ata sa Thursday) ay bagong sapatos na hindi ko naman susuotin palagi. Dahil na rin sa kaselanan ng presyo, mas maganda na sa ibang oras ko nalang gamitin. Tapos hindi pa first monday, bagong gupit na. Siyempre gupit "binata" nanaman (binatang sundalo).

Tapos paglabas ko sa barberya, dumaan in a flash yung sasakyan ng pangulo ng Pilipinas with its convoy. Grabe. Ang bilis talaga...

Anyways, kung bakit malungkot? May konek ito sa text message na natanggap ko nuong isang araw. Hindi lang pala sa message nagtatapos ang lahat. Dahil nga CO ako, may mga bagay palang nangyayari without me knowing and out of my sight. Ayun. Dahil nga di ako pwedeng magbigay ng proper names sa blog ko, gagawa ako ng representation. At isa pa, iimbestigahan ko na rin ito. Ito ay tatawaging...

The Seatmate's Case

Walang konek to sa seatmate ko kasi di ko pagaaksayahan ng panahon imbestigahan yun. Iba to! Hindi lang kasi to basta seatmate literally. Maraming reasons talaga. Ngayon, itong seatmate's case ay isa sa dahilan ng pag-reopen ng iba pang cases ko. Ganito ang story ng seatmate's case... (this is only a representation. Hindi ito ang nangyari)

Merong isang empleyado na nagngangalang Dencio. Si Dencio ay nasa accounting department. Pero dahil sa desisyon ng presidente ng kompanya, nalipat si Dencio sa Human Resources. Nakilala nya duon si Mara. Merong bystander na nagngangalang Arsene. My duda si Arsene na nanliligaw si Dencio kay Mara sa di maintindihang paraan. Duda rin ni Arsene na nagkakagusto si Mara kay Dencio. At ayun ang Seatmate's Case.

Ayon sa pagsasaliksik ni Arsene, maraming kaganapan ang sumusuporta sa kanyang kuru-kuru. Pero hindi ko na ikukwento ang mga naganap. Pero the Seatmate's Case really affects me as the Fugitive's Case...

Sa ngayon... Wala akong magawa... Ano pa bang magandang gawin? Hmmm....


Sunday, July 27, 2008

Bakit ba walang pasok?

Sabi sa balita, walang pasok. MALINAW...

Hindi ko alam kung ginawa ito to give way for the SONA. UNa nakakaramdam ako ng kalungkutan. And mas malaking kasiyahan. Malungkot kasi di ko siya makikita eh minsan na nga lang kami magkita dahil na nga rin sa "hecticity" ng schedule ko. Buti na lang talaga, may mga "circumstances" na ewan. Basta. Yun na yun. Understand if you can... Sabi ko nga, mas malaki ang kasiyahan ko dahil na rin sa walang pasok. Siyempre yun na yung unang dahilan. Pangalawa, makakapagisip ako ng dapat gawin sa sabayang pagbigkas. Pangatlo, makakabisado ko yung ibang parts at panghuli, makakapagaral ako ng kaunti.


Madaming naganap. Maraming nangyari. Pero tinatamad na ako. Hanggang dito na lang talaga. Wala akong maisip...

Saturday, July 26, 2008

Too Much for a Melancholic Day...

Hindi naman ako ganun ka-sentimental this day. Di ko rin maintindihan sarili ko.

Kasi ba naman, ayun nga. Wala ako masyadong naitulong at naituro sa mga group mates ko kanina. Parang iniisip ko tuloy pinaasa ko lang sila ng ilang oras. Pero sa ngayon, nangangailangan ako ng inspirasyon para maayos ko ito. Sakaling nababasa man ito ng groupmates ko, pasensya na. And another thing, please do memorize the piece. Kasi maganda kung kabisado nyo yan...

Another thing. Meron talagang naglipanang lamok sa paligid sa ngayon. Kung mapapansin, ang lamok ay walang kwentang umaali-aligid at maaring may dalang sakit sa tao. Basta. Yun lang. Maraming umaaligid...


Mayroong palaging umaalingaw-ngaw sa tenga ko. Paulit-ulit. Tila isang sigaw na hindi ko maalis sa utak ko... haizzzz

Sa ngayon, meron akong dahilan para maging melancholic. This day, may natanggap akong text. It's not a threat but has a connection somehow to the Fugitive's Case. Why? Kasi ganito lang yan. Ang nilalaman ng text ay isang tanong na tila merong ibig sabihin. Sumusuporta din ito sa ilang mga perception ni Arsene. Sa ngayon, wala pang kasagutan. Pero aalamin ko palang...

It does not all end in the text. Pero related pa rin sa phone. Meron kasing text message na aking na-save. Natuwa kasi ako sa text message na yun. Wala lang. Basta. It was dated May 14, 2008 at dumating sa akin ng 9:01 a.mm. Kung itatanong nyo kung sino nagpadala, "siya" yun. Hindi ko alam kung group message yun o talagang akin lang sinend pero natutuwa talaga ako in the sense na minsan nagiging melancholic ako. It only reminds me about the communication process. Ayoko na ipaliwanag. Basta ganun na yun. Magulo pero masaya ako.


Anyways, dahil wala akong magawa sa buhay, naisip kong magsulat ng Last Will and Testament. Kung bakit, isipin nyo nalang. Ang Testamento ay nakalagay sa aking Flash Drive na kaya lamang mag-store ng 128 MB of files. Libre lang kasi yun kaya walang kwenta. Pero nandun yun. Sakaling may mangyari, nandun lang yun. Andun lahat ng gusto ninyong malaman.

Medyo inaantok ako in the sense na hindi naman. Alam ko merong isang nagbabasa ng blog ko na merong gunamgunam about sa natanggap nyang business letter. Ang masasabi ko lang is why not take a chance to believe it? Malay mo, this time, totoo yung sales message dun...

Thursday, July 24, 2008

Mi Ultimo Adios

Bakit ba nagsulat si Rizal ng My Last Farewell? Di ko rin alam. May naalala pa nga ako na ilang words mula duon na pinamemorize nung 1st year. Ito yun...

Land that I love, farewell.
Oh sun the sun loves.
Pearl of the sea of the orient...

Di ko na maalala sa iba pero kung iparecite nyo sa akin yung Song of the Teargased Man by Cirilio F. Bautista, kabisado ko pa yun.

Anyways, iba na kasi libro ng 1st year ngayon. Pero kung yun pa rin yun, at least sana pareho kami ng knowledge.

Bakit nga ba Mi Ultimo Adios???

Hindi ko alam pero may threat ako ngayon. Yeah right. I don't know kung para sa buhay ko, or pabubugbog ako or ano pa man. It is just like this. May pangyayaring mali na kailangan itama. Pero may mga taong hindi nagpapatama at ayun nga. Nagkaroon ako ng threat. Yes safe ako ngayon. What about tomorrow? The other week? Hindi ko alam. Pero I know deep inside me, para itong GRAND THEFT AUTO SAN ANDREAS meets THE GODFATHER. Haizzz... Dunno what to do.


Bukas for sure, public figure nanaman ako. Laman ng usapin. May mga nakakita at kwinento agad. Nakita ko yun kung sino yun. Meron ding nakabalita and of course, kakalat agad yun WITH extras. Medyo may dagdag na sa mga pangyayari na pasasamain ako or yung taong involved. Ganun naman eh. May balita. Tapos siyempre lalaki. Pagbalik sa akin extra na. Parang ganito lang yan...

Nagsimula nung napansin ni Nardo na napatingin si Danilo kay Maria. Naikwento ni Nardo sa mga katropa nya ang tungkol sa biglang pagtingin ni Danilo kay Maria. Siyempre ang sasabihin nya "Alam nyo ba si Danilo nakatingin kay Maria". Then siyempre maikwento yun ng mga napagsabihan nya sa ibang tao. Ang sasabihin nila "Si Danilo may gusto kay Maria" or "Si Danilo nililigawan si Maria". Pagdating uli sa ibang tao thru the process of GRAPEVINE, nag sasabihin nila "Basted si Danilo". Darating kay Danilo na may buong istorya na ang aksidenteng pagkakatingin nya kay Maria na wala namang dahilan...

Ganun. Ganun ang tsismis. Pagbalik sayo, buong istorya na. Wala ka nang panahong mag-explain. Minsan may iba-iba pang versions. Balik tayo sa halimbawa ko, minsan may version pa na "Siguro nagseselos si Danilo kay Maria kasi bakla siya" and "Si Danilo pinapaasa lang ni Maria at pinaglalaruan". Yun yung masaklap. Andaming nalalaman ng mga tao. Mali naman. Nagfefeeling lang...

Nagpapasalamat ako sa mga taong sumabay sa paguwi ko kanina. Kasi at least kahit kalahati lang yun, medyo wala lang. Basta. Salamat. And dun din sa mga taong nakatulong, salamat. Sa mga magtsismis, dalian nyo para bumalik agad sa akin ang kwento. Then ayun nga. Maraming pangyayaring di maintindihan ngayon.

Akala ko mababawasan nanaman kami. Good thing hindi.

Wala akong maikwento. Sa mga ka-grupo ko sa group 1 sa Filipino, yung iba di ko pa kilala kung sino, announcement to.

May practice tayo sabado, and next week, Monday, Tuesday, Wednesday, Thursaday. Friday, is the D-Day. I need cooperation. For more information or kung hindi nyo ako mahagilap, pakitanong si Mary Joi Enriquez.

Isang magandang kasabihan, "Kapag alagad ka ng batas, asahan ang buhay ay mautas."
Akalain nyo yun? Ako lang gumawa nyan.

Tuesday, July 22, 2008

¡feliz cumpleaños! jefe!!!

Ngayon... Obviously kastila ang ginamit kong title ng post. Dahil na rin siguro sa paulit-ulit na pagalingaw-ngaw ng mga pangalan sa Noli Me Tangere. Ngunit isa lamang ang ibig sabihin nyan. MALIGAYANG KAARAWAN HEPE.

Una, sino si Hepe? Isa siyang marangal, masayahin at mabait ngunit malakas na kiliti na nilalang. Si Hepe ay aking kaklase mula pa noong 1st year ako. Ang kanyang buhok at style nito ay di nagbago, may puti, kulot at nakadikit sa anit. Nuong 1st year pa lang ako, hindi pa siya hepe nuon. Wala lang. Pero tao na siya. Magaling din siya sa recitation sa English. Malupit at astig ang diction. Tila may halong paarte na pagiging matikas. Siya ang nasa pinakauna sa class number palagi dahil na rin sa kanyang apelyido. Matatag din siya at may paninindigan. Mapagkakatiwalaan din siya. Matino siya kausap at kung gusto mo lokohan lang, lokohan din ang isasagot nya. Dumating ang 2nd year at binansagan siyang HEPE. Katunayan, ako ang unang nagbansag sa kanya na hepe. Ginawa ko yun kasi trip trip lang. Yung as in naisip ko lang. Pag nakikita ko kasi siya, I always remember the policemen. Lalo na yung mga gumaganap na hepe sa pelikula. Binansagan ko siyang hepe at nasanay na rin sa tawag na ito. Hindi ko akalain na sisikat siya sa pangalang hepe na kahit taga ibang section ay tinawag din siyang hepe. Nakilala siya bilang hepe.

Ngayong ikatlong taon, si hepe ay gustong isakatuparan ang tawag na "hepe" sa kanya. Pumasok siya sa COCC pero sadly merong aberya when it comes to parents (kaya yung ibang mapanlait, alamin nyo muna yung dahilan bago kayo magjoke ng nakakasakit ng kapwa. Yung tipong nagpaparinig pa). Pero still, he's still hepe. At birthday nya ngayon. Kung di nyo siya kilala, siya si JULIUS ALANO. Nagiisang Alanong hepe, mahilig mag-Mavis Beacon, katabi ko sa IT at malakas ang kiliti.



Muli, binabati ko si Alano ng HAPPY BIRTHDAY!!!!

Bukas, bday ata ni Mabini.

Tapos medyo maligaya ako ngayon. Una kasi sinuportahan nanaman "nya" ako. Especially when ito comes to moral support. Saka basta, napakaganda nya talaga lalo na kapag masaya siya. Ayun. Walang kwenta. Wala kasing makarelate eh...

Another, ano pa ba dapat kong sabihin?

Ah oo nga pala. Napapansin ko ngayon. Marami kasing nagaakalang napakagwapo nila. Nagaangas-angasan, mukha namang ogag. Yung tipong ang sarap tadtarin gamit ang bread knife. Dahil nga isa na akong COCC (proud talaga ako dito!!!), marami nang epal na tao ang naglipana. Halimbawa na lang. Dahil nga napakahusay ko talaga magrecite, sumikat nanaman ako sa "That I Would be Good". HIndi ko alam kung bakit pero sa tuwing naglalakad ako and on a mission, pag may nakakasalubong akong 1st or 2nd year, palaging nagsasalita ng THAT I WOULD BE GOOD. Okay. Di naman sa pagmamayabang, gusto ko lang sabihin na kung mangaasar naman kayo, lupitan nyo na. Yung as in kakabisaduhin mo rin yun in less than 5 minutes tapos magsasalita ka sa tapat ng maraming tao. Hindi yung pag nakakasalubong nyo lang ako, dun lang kayo nagmamaglaing mag recite.

Siguro okay lang. Palalampasin ko muna yung recitation thing na yan. Eh kung sa marami ka ba talagang fans at hindi naman sila nangaasar eh! Anyways, ayun nga, meron kasi, 1st year ata yun. Di ko kilala sa pangalan yung ungas na yun pero ang masasabi ko lang, ungas yun. Basta. Merong nakakatandang kapatid yun sa nakakatandang year din na medyo ungas din. Sa bagay, may pinagmanahan. Pero sa ngayon, kung hindi ko lang suot yung pin ko, talagang makakatikim siya ng bread knife sa leeg. Actually di pa naman ako ganun ka-brutal. Di ko magagawa yun. Pero wala lang. Gusto ko lang sabihin. Anyways, wala akong pakialam kung sino ka, anong posisyon ng tatay mo sa PUP at wala akong pakialam dahil alam ko wala kang turing, walang kwenta, bobo, tanga, inutil, estupido, servenguenza, atbp related to stupidity and kamang-mangan. Ang masasabi ko lang, matutulad ka lang sa isa pang BOY KO (kick out) din na repeater din na nagaangas-angasan din pero kick-out naman kasi medyo inutil din.

Anyways, kung sinuman ang 1st year na yun, malalaman ko rin pangalan mo. Of course hindi ako ang magtatrabaho. Basta. Malalaman ko rin kung sino ka at dahil siraulo ka, aayusin ko ang ulo mo. Bakit naman kita pagiinitan wala ka namang kwentang tao? Nagaangas-angasan ka lang. Anyways, sa 2nd year, for sure meron din nagaangas-angasan. Yung tipong dahil nga CO kami e ginagago kami. Pero di ko naman feel. Pero malaman ko lang kung sino yun, at pati pangalan, sisikat ka sa blog ko. Sa upper years naman. Sa upper years (isama ko na yung 2nd year siguro), wala lang. Basta. Merong iba parang kuliglig, sitsit ng sitsit. Parang baklang naghahanap ng babayarang lalaki. Yung iba naman, nagmamagaling pero inutil din mukha pang ewan na sayote. Meron ding iba na nagmamagaling nanaman, nag-gagaling-galingan, stupido naman. Medyo naaasar kasi ako sa kaestupiduhan ng mga tao ngayon. Actually mula 1st year kami, meron nang mga nageexist na mangmang na nagmamagaling at nagmamataas na tipong diyos sila. Actually assumed ko na to. Na merong magmamana ng kamang-mangan at dadalhin pa at magmamalaki pa mukha namang tinikol na ano. Mukhang gago talaga. Basta. Kung tinamaan ka, ibig sabihin gago ka.


Dahil nga naaasar ako sa mundo at mga taong nakapaligid dito, kung akala nyo lang sa LHS lang may mga ungas, meron ding ungas na napatalsik sa LHS. HIndi ko alam ang buong pangalan. Pero nagagaguhan ako sa kanya. Napakalaki nyang tanga. Napatalsik na nga dahil sa katangahan, balik pa ng balik at pinagmamalaki ang kanyang katangahan. Parang sinasabi nya "O ano! Maangas ako! Kick out nga ako unang taon pa lang eh!" Buti pa si Prisbitero (tama ba yung spelling?), kahit tinatawag ko siyang PANGHAPONG KAKLASE (dahil bumabalik siya dito tuwing hapon sa LHS), di pa rin siya gago at nanlalait sa mga CO. Isa pa, di nya kami ginagalaw at hindi rin siya nagmamagaling. Saka at least siya, umabot ng 2nd year sa LHS. Yung iba, wala. Wahahahahaha. Nagmagaling pa kanina. As if naman kaya nyang magCO eh puro katangahan lang yung nasa utak nya! Pakatok-katok pa. Tapos ginagaya pa yung boses namin. Ang masasabi ko lang, gago ka. MagCO ka para malaman mo. Pero ayun nga, dahil tanga ka nga, wala ka sa school na to, mag frat ka nalang o gang o ano pang trip. Pwede ka ring sumama sa mga solvent boys, magkakamukha naman kayo eh!

So ayun. Dito ka na tatapusin ang post ko. Tandaan, ang tamaan: GUILTY

Sunday, July 20, 2008

The Cadet

Currently developing game...

Hindi ko pa naisasaayos ang storyline, gameplay at ibang parts ng maps nito. Pero more or less meron na siyang plot. Saka na ako maglalabas ng iba pang screenshot sa laro. I-eexplain ko muna yung parts nung mismong gameplay.


(click image to enlarge)

as you can see, merong isang sundalong nakatayo. That is the protagonist named Marco Rodolfo Garcia. Isa siyang recruit ng Special Tactical Armed Forces of Felipenas (STAFF). Set in 2007, meron na rin siyang high-technology na kagamitan. Iba't iba ang kanyang kalaban. Sa lower left corner makikita ang blue bar. Ito ang health bar. sa tabi nito, ang green bar ay ang Heat Level. Of course hindi ng mga authorities or law pero yung mga outlaw at mga terrorists. Mission-based ang laro. Tumataas ang military rank (found at the upper right corner near the weapon box) habang nakikipaglaban. Sa lower right ay ang map. Maari rin magpalit ng suot si Marco at maging civilian. Pero during that time, he may be captured by law kung gumawa siya ng military activites.

Anyways, sa ibang araw ko na ipapaliwanag ang larong The Cadet. Sa ngayon, tatapusin ko muna ang gameplay nito.

Saturday, July 19, 2008

Then Why?

Matagal-tagal na rin akong hindi nakapagupdate. And alam ko naman, sa mga readers, of course kapag almost 1 week na walang update ang isang blog parang nakakatamad ng basahin. Kaya naisip ko na rin magupdate. Wala akong masyadong maikwento tungkol sa mga pangyayari sa classroom dahil nga tigil muna ang social life ko (naalala ko tuloy yung sinabi sa akin nung isa kong classmate na mawawala ang social life ko).

This past few days, nakakaramdam ako ng antok palagi. Kasi maaga nga ako nagigising. Parang araw-araw field trip.Pero wala lang. Basta inaantok ako...

Speaking of the Fugitive's Case, hindi pa siya Case Closed. Though andami nanamang nagsusupport na informations tungkol sa primary suspect na si Scalene. But there's always Mario Pozo. Medyo mababa ang possibility na si Cent pero di pa rin siya totally cancelled. Though maraming nagsasabing facts na si Scalene nga, based sa observations ni Arsene (if you remember, mula pa noon, he's my ultimate spy at informer lalo pa ngayong COCC na ako), parang merong malaking katanungan kung si Mario Pozo ang dapat na primary suspect. Pero Arsene will investigate further about that.

Anyways, meron din akong na-case closed. Pero untitled siya at wala akong gana ikwento sa madla yun. Akin na lang yun.

May bagong nadagdag na CO. SI Lasala.

Ano pa ba dapat kong sabihin? Update ko nalang siguro uli to. Medyo inaantok ako eh...

Tuesday, July 15, 2008

Lack of Attention

After ilang days, medyo wala akong ikukwento about COCC ngayon!!! Di tulad nung past days. Kasi nga desidido na ako. Ang aking post ay mostly sa isang taong kinulang nanaman ng atensyon.

Okay. Simula pa lang ng araw, exam agad ang sasambulat. No comment about the exam. Tapos ayun. Parang wala na akong gana magkwento tungkol sa klase. Magkukwento na lang ako tungkol sa main topic ko.

During these days, meron talagang mga tao na magbayad na at makasagasa, mapansin lang. Para kasi yang artistang laos, bigla na lang lalabas at sinabing nanakawan, nagahasa, muntikan patayin etc. Ginagawa nila yun para mapansin uli sila ng tao at makagawa nanaman ng pelikula. Sa ibang lugar may ganun din. Mapansin lang at sumikat, at dahil nga sa UHAW sa kapangyarihan eh gagawin ang lahat maging sikat at bida lang.

Meron kasi talang isang tao ngayon na iba ang inaasta. Tipong paepal na hindi halata. Naalala ko nung 1st year ako. Kunwari hindi alam pero yun pala nakikinig. Ganun din ang mga pangyayari ngayon. Merong isang nilalang, dahil nga sa kinulang sa pansin, para lang makagawa ng joke eh nangba-backstab na. Besides, di bale sana kung ganun lang. Pero may mga unexplainable things kasi na madaling paniwalaan.

Siyempre kung mali ang balita, mali din ang reaksyon. Not exactly na mali pero mali ang pagdedeliver. Masyado kasi talagang ewan at epal na ginagawa pang kalokohan. Kung di ba naman siya utak-tinik, hindi kasi niya nililinaw. Ang alam lang kasi ng utak nya, magmura, umepal, mag-feeling, mang-traydor atbp. Yung iba naman na naniwala, sorry for the word pero tila dinidibdib ang maling balita. Naniwala naman kayo. Di nyo muna tinanong yung person concerned tapos pinagkakalat nyo na at naninira pa? Ganun? Sige. Magsaya lang kayo. Manira lang. At wag nyo nang balakin pang alamin ang side ko.


Sa siraulo naman na nagfefeeling na para lang sumikat eh walang pakialam sa pakiramdam ng iba, ito lang masasabi ko. Mula pa 2nd year, gago ka na. Hanggang ngayon ba naman? Gago ka. Period. Gago na tanga pa. Alam mo yun? Yung para lang mapansin ka eh gagawa ka ng lahat para lang mapansin ka. Kahit ipakahamak ng ibang tao. TARANTADO KA. Yun. TARANTADO NA GAGO PA. Eh ano? Todo sabi ka naman. Tapos sa iba naman na nagtatraydor din at tila nagmamatapang at nagaangas-angasan, bakit di tayo magharap-harap? Puro patalikod birada nyo eh. Napaghahalataan kayong sanay mangback-stab eh. Mga pucha talaga. Pilit na nga namin inaayos tapos ginugulo pa.


Kung di nyo alam ang istorya, ganito kasi yan (representation lang to. Gawin nating style ng epiko):

Merong isang halimaw na utak-tinik pero higante sa laki. Tinatawag siyang DAMBO o dambuhala. Meron ding nageexist na makapangyarihang diyos na bihira lang magpakita sa mga tao. Siya ay si Dumalapadawis. Meron pang diyos ng lahat ng diyos na si Cioren. Inutusan ni Cioren si Dumalapdawis na puntahan ang dambuhalang si Dambo at kausapin ito. Narinig kasi ni Cioren ang panalangin ni Dambo para makita si Dumalapdawis. Bumaba naman si Dumalapdawis mula sa langit. Inakala ng halimaw na si Dambo na naakit sa kanya si Dumalapdawis. Naisip nya na malapit na sila sa isa't isa. Habang wala si Dumalapdawis at nasa langit, sinama ni Dambo ang kanyang mga kaibigan na sina Kong, sila Lonaous, at iba pa. Dahil nga sa akala ni Dambo na alam na nya ang lahat tungkol kay Dumalapdawis, ginawa nyang katatawanan si Dumalapdawis at nagsabi pa siya ng ilan sa narinig nya mula kay Dumalapdawis na hindi naman sinabi sa kanya. Tsimosa lang talaga siya. Ikinagalit ni Kong ang ilan sa kanyang narinig at nagbanta na papatayin ang diyos na si Dumalapdawis. Ipinagkalat ni Kong ang nalaman nya kay Dambo kahit wala pa itong patunay. Nakarating ang balita kay Dumalapdawis dala ng hangin at lubusan nyang ikinagalit. Bumalik ng langit si Dumalapdawis at hindi na muli nakita. Sinasabing naghihintay siya ng tamang pagkakataon paano brutalang papatayin ang walang kwentang buhay ng halimaw na si Dambo.


Ayun. Kung naintindihan nyo, well and good. Kung hindi uwi na kayo...

Huling mensahe ko lang sa mga epal na tulad mo, TARANTADO!

Sunday, July 13, 2008

He's just a poor boy from a poor family...

Haizzz....

Again this is my first word. Maraming lumisan. Nakakaasar talaga. Kasi ganito yan eh. Halimbawa sa isang batalyon ng sundalo. Ang 4 sa mga sundalo ay umatras sa laban at nagtago sa loob ng tangke. At tila 9 na lang kayong natitirang lalaban, parang nakakaramdam ka ng panghihina ng loob. Yung tila wala pa yung kalaban, ni hindi nyo pa namataan, parang nawawalan na rin ng saysay ang pakikipaglaban mo...

Sa ngayon ang masasabi ko ay patuloy kong haharapin ang kalaban kahit ako lang mag-isa. Kahit ang dala ko lang ay dagger at m4a ang hawak ng 100 kalaban at nagiisa lang ako, itutuloy ko. Bahala na. That's my word...


Problema bukas. Magrerecite pa ako ng That I Would be Good. Wala akong gana. KAasar. Sana makalimutan akong tawagin. And sakali man na tawagin ako, pray na hindi ako ma-mental block.

Sa mga brethrens ko, sana wala nang umalis. Let's stick together and end this year. Please.
Sa mga di nakakaintindi, wag mo nang pilitin maki-relate. Di ka lang makakarelate. Sasayangin mo lang oras mo kakaisip.


Nu pa ba sasabihin ko? Test nanaman sa Filipino. Hoping for a good score. Hindi pa ganun karami ang napagaralan ko. Pero goodluck na lang talaga.

Saturday, July 12, 2008

Flabbergasted...

What can I say? Actually I have nothing to say... Pero sige. Para lang may maitype...

First of all, isa na akong COCC (Cadet Officer Candidate Course), other else than that, NO COMMENT...

So sa Lunes ata, magrerecite ako sa tapat ng maraming tao ng That I Would be Good (di ko alam paano i-apply sa buhay ko yung phrase na "that I would be good if I lost my HAIR and my youth). Pero bahala na. Recitation na to and I really have to do this.

May mga exams din na naganap nitong mga huling araw. Mga shocking scores (lalo na yung NAPAKA-SORPRESANG QUIZ), yung iba, oks na, pero di ako masaya sa score. Para akong nagkakasakit pag nakikita ko yung score na yun.


May mga understandable circumstances talaga. Meron ding mga ibang advancements sa Fugitive's Case (yeah, even if marami akong ginagawa, naisisingit ko pa ito. Thru the power of my electronic items.). Actually, lumalaki ang hinala ko na si Scalene nga ang suspect. Pero parang pumapangalawa si Mario Pozo at huli si Cent. Kung bakit ko nasabi yun ay dahil na rin sa aking pagsasaliksik kahapon...


As of now, wala akong masabi. Sa mga aspiring COCC's goodluck. Sa mga mag-oath taking naman sa lunes, goodluck din, especially Bule, and sa mga tao naman na wala lang, tao lang, wala lang.

Thursday, July 10, 2008

Tomorrow, THE REAL D-DAY

Medyo katuloy lang ito ng post ko kahapon. Siguro if ever na mabasa nyo ito, wala na ako sa YM or hindi na ako online kasi magaaral pa ako. Let's all make this short.

Kahapon nagkakaroon ako ng kaguluhan sa aking isip (actually hindi lang kahapon), kailangan ko nga ba mag-COCC o not?

Medyo nagmuni-muni, nagisip at nagplano. Inisip ko uli ang mga pwdeng maganap at pwedeng mawala. Inisip ko rin na kahit nanghingi ako ng opinyon, the decision still lies in me. Gaya nga ng sinabi ko, mas maraming nag-NO. Kanina, tinuloy ko ang pagtatanong-tanong at may mga sumagot na hindi. And meron ding oo.

So medyo nakaramdam ako ng lungkot bago ko pa ipasa ang form. Maraming mawawala, sabi nga nung isa kong tinanungan, "social life" daw, pero bahala na. I did it my way...


Maraming kaganapan pero marami ring exam bukas. Uunahin ko muna yung exam siyempre. Aaral muna ako.

Wednesday, July 9, 2008

Tomorrow... Is the D-Day...

d-day-/n/ day when operation is to begin: a day chosen for the beginning of a military operation or other major venture.


Bakit nga ba d-day? Kasi nga tulad ng nasabi ko kahapon, pinagiisipan ko ang patuloy kong pagpasok sa COCC. Sa Last tally ko as of July 9,2008, 1815 hours, mayroon nang 10 sure na papasok sa pag-COCC. So it means, I am saved. Actually may mga bali-balita pa nga na baka mag 15? Or basta parang madami yung nalaman ko pero yung official kong nalaman ay meron nang 10. So saved na ako.

But it does not end in there. Though I won my deal, merong bumabagabag sa akin. Kahit naka-10 na ay nagpatuloy ako sa pagtatanong and most na sumagot ay NO (kahit i-check nyo pa uli). Yah. Sa lahat po ng tinanong ko, 3 lang or 4 ang nag-agree. So ngayon nagdalawahan nanaman ako. As in talagang nagugulumihanan. Marami ang nagsabi ng No. 65% of my brain says NO while yung natitirang 35% ay for the "sige, mag-CO ka na!" Pero di naman nakasama ang pagtatanong-tanong ko. Kasi parang nabibigyan nila ako ng overview ng kung anuman ang pwedeng maganap once na nakapasok na ako. And may hiningi akong sign. Siguro kung bukas or sa Friday, dedepende ako sa sign na hiningi ko. And magdedesisyon na ako. Papapirmahan ko nalang yung permit at pipirma na lang ako sa form and siguro to follow na lang yung iba. Pero I am still UNSURE...



Anyways, usapang COCC pa rin to. Kanina habang nagtatanong ako sa isang classmate kung dapat ba talaga ako tumuloy ang sagot nya hindi. Then of course I asked the question why. Then sinagot nya naman ng maayos. Sa bandang dulo ng statement nya meron siyang nabanggit na "and that girl of yours". So tinanong ko kung ano ibig sabihin nun pero ayaw nyang sabihin. Sinabi nya "Anne Frank". Hindi ko alam kung may konek yun. Kung Anne Frank then si Fatima yun? Pero for sure may utak yun at nalalaman nya yung mga kinikilos ko at alam kong niloloko ko lang si Fatima as Anne Frank. May isa pang teorya, siguro yung Anne Frank is para makaiwas sa kung sino yung tinukoy nya na "that girl". Hindi ko alam kung may idea siya? Or may hinala siya? Or meron siyang alam na issue? Nabasa ba nya sa blog ko? Or kung ano pa man. Pero one thing is for sure. Malalaman ko yun. Actually kasi parang meron akong narinig sa kanya. Kausap nya yung iba nyang friends. It was near the wash area. Meron siyang nabanggit sa sentence nya na "(insert name of my 1st year's cause of insanity)" tapos nung nakita nyang dumaan ako, medyo hininaan nya yung pakikipagusap. I don't know kung may konek or wala pero for sure kung may konek yun, ipapa-COCC nya ako. Pero di ko talaga alam. Pero malalaman ko rin yung "that girl" na yun...


Anyways, ayun na nga. Marami pa rin pangyayari. May surprise test sa PA, as in surprise or pwede ring shocking, merong iba-ibang kung anu-anong trip, meron ding mga pagusad sa imbestigasyon ko sa the Fugitive's Case. Pero the most of all may nagbalik.


Nagbalik na rin ATA yung LHS Chorale. So ayun, may mga kantang di ko alam tulad ng "Exultante?" atbp. Mga masters lang nakakaalam nun at yung mga "lumang Loyalty" ay hindi rin alam ang kantang yun. Anyways, ayun la lang. La nanaman akong masabi...

Nagbigay si Ephraim ng mga pwede kong incentives once na pumasok ako sa pag-COCC. Pero lahat ng binigay nya ay patungkol lahat kay, (insert name of my 1st year's cause of insanity). Haizzz. Kung sakali mang pumasok ako, it's of course not because of her. Ito ay dahil sa gusto ko. At sakali mang pumasok ako, maisusulat ko nanaman ito dahil kahit madaming kumontra, yung iba todo kontra, eh tinuloy ko pa. PERO TEKA. Wala pa akong desisyon.


Kung mapapansin puro patungkol sa pagsi-CO ang sinasabi ko. Yun lang kasi ang tumatakbo sa isip ko ngayon. About "her" naman, nagkaroon pala ng suspect si Leo. Pero mali. Meron siyang sinabing isa pang suspect pero di daw muna nya sasabihin. Kaya sige. Oks lang.

So I just need the guts and everything para mapagdesisyonan ko ito. Of course, readers, people, classmates and comrades, I need your help. Kailangan ko ng tulong dahil hindi ko mapagdesisyonan ito ng maayos. Isa ito sa mga RUSH Decisions na ginagawa ko ngayon because lalagdaan ko na ito. So please, magiwan na lang kayo ng message sa chat box ko or mag-comment na lang if ever.

Tuesday, July 8, 2008

Thwart about Something...

Some things are meant NOT be said anymore. But most should be...


Before pa magbakasyon, that is March or April, naiisip ko na pumasok sa pagiging "kadete" nagbakasyon at nakapagdesisyon na ako ng hindi. Siguro dahil na rin sa solace na nararamdaman ko during those times kaya naisip ko na wag na. But Migraso continued. Dumating ang first day at pumasok si Migraso. Pero ako, for sure NO. Pero ngayon.. Nakita ko na 4 lang silang magkakadete. I mean kadete na talaga sila. Merong mga sure na almost 4 din. And I got my form. Ngayon, nagiisip uli ako. Actually hindi ko namang binibigyang importansya ang kapangyarihan pagdating ng ika-apat na taon. Ang gusto ko mangyari is to save my batch. Ayun. Malinaw po yun. Especially ayoko "siya" ma-maltrato ng mga ROTC. Siguro kapag nangyari yun, I can't forgive myself nor I can't just stand and look. So naisip ko na for the sake of "her" and for the sake na rin ng deliverance namin sa ROTC na pumasok sa pagkakadete SAKALI MAN NA KULANGIN. Inuulit ko, SAKALI MANG KULANGIN. Baka kasi may mga maglipana nanamang balita na hindi ko tinupad ang sinabi ko. Ayan. Malinaw. So siguro magtatanong-tanong uli ako or magiisip pa.

Marami akong iniisip ngayon... Maraming frustrations at maraming hindi nakakatuwa. Una, sa IT.

Hindi naging maganda ang resulta ng aking test. Nakakatawa na nakakaiyak. Paano ba naman kasi, medyo nalito ako ng konti sa mga bagay-bagay. Lintik talaga. Nakakaasar din na nalito ako kasi hindi ko rin nabasa yung ibang words. So ayun. Hindi nakakatuwa. Recitation naman, okay na. Pero talo pa rin.

Pasensya na medyo tinatamad lang talaga ako magkwento. So pagkatapos nun medyo wala nang problema. Actually medyo lang kasi meron nanaman akong mga bagong clues in relevance to my Fugitive Case.

Balak ko na rin ilabas ang mga culprit na nakikita ko base sa aking investigation. Narito ang buod ng kanilang pagkatao...
1. Scalene- Si Scalene ay isang lalaki. Kung bakit scalene ay dahil na rin sa aking "imaginative mind" sa paglalagay ng codenames.
Actually si Scalene na ang naging primary suspect ko mula pa nuon kaya nga sinara ko na ang case na ito. Pero dahil nga may lumabas na bagong POSSIBLE CULPRIT, narito siya
2. Cent- Nah. He's not 50 cent. Another possible culprit. Kung bakit siya ang naisip ko ay dahil sa proximity things and sa mga "looks" na tila bagang may dahilan. Tila may ibig sabihin. So kaya naisip ko na si Cent din ay dahil din sa mga nangyayari. Medyo may possibility din na siya ang culprit ay dahil na rin siguro sa marami ang may gustong makaarok kay Cent na malapit sa nagmamayari ng Quaker Oats.
Actually sa dalawang culprit lang na ito umiikot lahat. Pero nagkamali ata ako. Meron nanaman dumagdag na possible culprit din.
3. Mario Pozo- hindi naman siya mahilig sa The Godfather nor sa mga libro ni Mario Puzo. Wala rin siyang utak na katulad ng kay Mario Puzo. But again he's a man. Kung bakit siya ang naisip ko dahil merong mga "jokes" na posibleng may katotohanan. And di bale sana kung joke lang. Tila isa itong glue na lalong nagpapadikit sa papel at picture. So ayun. Medyo nakaka-sense ako na merong nangyayari.

So humihingi ako ng pasensya bakit hindi ko naexplain ang tungkol sa Fugitive's Case. Actually ang Fugitive's Case kasi ay tungkol sa kung sino ang sole heir ng "Quaker Oats" of a significant person. So ngayon nga may mga lumalabas na bagay bagay na lalong nagpapaisip sa akin.

---Change topic...

Medyo wala pa rin nangyayari. In relevance to things. Haizzzz. Mahirap ipaliwanag talaga. Pero I hope na dumating na ang araw.


Medyo wala nanaman ako sa sarili ngayon. Hanggang dito na lang siguro ang post ko.

Monday, July 7, 2008

Where can I find my Solace?

Unang lunes ng Hulyo. Pero meron ding nangyari kahapon...

Nagkaroon ng pagsasalisihan kahapon in terms of "technology". So maghihintay nanaman siguro ako ng mga 2 weeks para matsambahan ko uli ang "ulan". Nakakalungkot isipin pero ano nga bang magagawa ko? That's how it will work...

Nasa gateway ako kahapon. Unknowingly, may laban pala ang Ateneo de Manila University at De La Salle University sa Araneta Colisieum. Around 6 ata ako nandun so hindi ko alam ang nangyayari thru out the net (sana kasi meron akong IM sa phone ko...). Naka-green pa ako nun. Hindi lang siya basta green pero parehong-pareho sa mga suot nung mga supporters at students ng La Salle. Pagkatapos ata nang laban, dumiretso lahat sa Gateway. Hindi ko alam kung mukha lang talaga akong La-Sallista o kung anumang dahilan na napagkamalan nila akong nakinuod din at estudyante din sa La Salle. May lumapit sa akin. Well hindi naman ganun ka-gandang babae pero siymempre, makikita mo na galing sa angking mayaman at hindi salat sa yaman. Nagulat din ako sa pangyayari.
"Hi" sabi nya sa akin. HIndi ko alam ang isasagot ko kasi di ko alam kung sinong kinausap nya pero for sure ako kasi siya yung nag-approach so naisip ko na baka makikipagkilala lang. So binati ko rin ng "Hello." Tapos nagkwento na siya. Hindi rin naman mahaba ang kwento nya at tinanong nya, "Ano bang course mo?" Biglang tumalon ang sisip ko. COURSE???!?!?! Di pa nga ako nakutungtong ng College eh!!!! So sabi ko, "highschool lang po". Tila may pagtataka akong nabasa sa mata nya at sinabing "Ha?" Medyo nalaman ko na. Kaya pala siya nakipagusap kasi akala nya, LA SALLE DIN AKO... HAIZZZZ... So sabi ko "ay, PUP po ako" tapos sabi nya "ay sorry" tapos umalis silang magbabarkada at may halakhak pa. Pucha talaga. Diskriminasyon. Haha. So ayun. Mahirap mapagkamalan...

Ngayon naman. Lunes. Maraming nangyari pero irrelevant na para ikwento. Anyways, meron lang talaga akong mga binibitawan na sila but I don't mean it. Minsan kasi, may mga kailangang linawin na yung mga salita lang na yun ang makakapagpalinaw...

Dahil nga irrelevant ang mga pangyayari at sa tingin ko ay wala nang kwenta para ikwento ko pa. Tatapusin ko na ang Post na ito. Yung Fugitive's Case, still it's under investigation.

Saturday, July 5, 2008

My Final Prerogative

"Should I suppose to be happy?"

Yan ang minu-minutong umaalingaw-ngaw sa tenga ko ngayong mga araw na ito. But unfortunately may 2 pangalang umaalingaw-ngaw sa tenga ko ngayon... They are both of the same gender but the one weighed the most... Hindi in terms of weight but in terms of importance. I don't understand bakit ganun? Why was the world so unfair?

I was currently reading yung mga previous posts ng aking kaibigang si Leonille Migraso. In relevance with my Fugitive's Case, naisip ko na baka maka-tip ako duon sa mga posts nya before na hindi ko nabasa dahil hindi pa ako into blogging. And luckily, I got one. Actually not one. But lots. So nalaman ko na meron din palang relevance ang aking mga hinala. Akala ko, "it" was not included. But the real thing is, IT WAS. Hindi ko rin akalain. Pero meron pang mga clues akong nasagap maliban sa mga narinig ko na dati pa. And all was written. Hindi ko alam pero it all pertains to my primary suspect. Pero may mga objections na nagaganap. And that objections whouldn't be missed. That's why it's reopened.


Si Leo ay nakagawa ng maraming imbestigasyon and that's when I got the guts to do it too. Di nga lang siya published. But iba kasi itong Fugitve's Case. Parang may inner forces na nagsasabi na kailangan kong i-publish ito. Siguro kailangan ko na talagang basagin ang solace ko.


Next subject...

I tend to talk. But each time I do, seems like na nag-freeze yung paa ko. Parang umuurong yung dila ko. I don't understand but it's making me sick...

Habang nag-memeditate ako, naisip ko na oks na rin siguro na panatilihin ko ang pananahimik ko. First kasi nakaimbento nanaman ako ng quote and it says:

"Mas makapangyarihan ang tsimis kaysa sa apoy na susunog sa bahay mo. Pareho silang traydor pero ang apoy ay nangangailangan ng suporta ng mga combustibles samantalang ang tsimis ay mabubuhay wala man itong patunay..."

Meron din siyang English...

"Gossips are more powerful than the fire that burns your house. They may be both traitors but fire needs support from combustibles while gossips exist even without proofs."

Then second, ayoko na "siyang" madamay dito. Actually wala talaga siyang nalalaman. (I don't know there was a tipster). Hindi ko rin alam na last conversation na pala namin nuong May 27 I guess... It makes me so sad kasi during those times, hindi ako nakipagusap ng maayos. I tend to hook myself in the computer kasi ang iniisip ko na sa pasukan, madalang ko nalang mahahawakan ang keyboard ko. Palagi kong sinasabi na "teka lang.. wait.." or may mga topics akong pinuputol just to give way for my nonsense plans. Wala rin naman. Akala ko kasi that there is always next time and I was greatly mistaken. Yun na nga ang pinakahuli. Tahimik ang phone ko. Hindi ko na nariring ang mga tili ni Conan na sa tuwing nangyayari ay nakakapagpatalon ng aking damdamin. Nawawala ang aking excitement sa paghihintay na may mag-pop up na message at agad kong sasagutin. I thought na yung "next time" ay mangyayari. HIndi na rin. Walang next time. Though palagi pa naman siyang nandito, we cannot communicate well... Siguro kung inayos ko dati yung pakikipagusap ko, it will not resort into this happening...


I cannot tell when my melancholy will end. Hindi ko alam. Marami pang pwedeng maganap. I know araw-araw merong chances na dumadaan sa akin. But because of some damn circumstances, hindi ko nanaman nakikita. Maybe nakita ko. Pero isinasawalang bahala ko nanaman.

I cannot blame anyone for what I've done. Alam ko, darating ang araw na makikita ko rin ang silver lining ko. And maybe when that time comes, I hope na siya ang maging isa duon.


Anyways, it seems na mawawalan kami ng kaibigan ngayon. Si Leonille. Para siyang sasabak sa isang digmaan. Anyways, it's for his own good. Not mine. Kung ikokonvert natin sa Medieval Times, swordsman na siya, ako villager pa lang or commoner. Pero siyempre hindi lang villager. MERCHANT.

So ayun. Goodluck na lang sa kanya. And kung sakaling mabasa mo man ito, wala na ako. I mean, di na ako online. Pero for sure mababasa mo ito. I would like to send my apologies kasi hindi namin natupad ang pangako natin nung 2nd year. Ewan ko kay Ephraim. Di nga talaga namin natupad. Pero meron akong pangako na tutuparin. Siguro yun lang yung matutupad ko hanggang matapos ako sa 4th year. Sakaling hawakan tayo ng ROTC, don't be shocked, I'll be gone. Kung CAT namin, God Bless me. Anyways, yung mga iniimbestigahan mo, yung mga binigay mong clues sa pagiimbestiga mo nuong mga June, July, August hanggang September 2007 ata, they mean a lot to me. Nakakatulong siya ngayon kahit papaano na mahanap ang kasagutan na hinahanap ko. And isa ka ngang tunay na "detective" pero I guess, hindi ko na kailangan magbigay ng clues sa mga depression na nagaganap sa akin ngayon. And it's all because of one person I think. So ang huli ko nalang masasabi is goodluck. Alam ko maeenjoy mo yan. Unlike me, siguro mamumuhay na lang talaga ako as merchant and do what a merchant can do. Tapos pagdating ng takdang panahon, ipang bala sa kanyon at maging isang taong posporo din. Hehe. Saka tol, may mga gossips pala ngayon. Wala lang.


Before I end this post, shouldn't be this blog written in the English language?

Friday, July 4, 2008

Beyond the Horizon...

Di ko rin maintindihan bakit napaka-dadrama ng mga psot ko. Maybe it's because of the weather? Or maybe because of the happening??? Dunno..

So let's begin this post with this photo...



(as you can see, malinaw po. FAST AND THE FURIOUS 4. So ayan Mr. Jeffrey Bravante. Nariyan na ang patunay ko. Case Closed.)

P.S.:Original Title nyan is Fast Track.


Okay. Enough of that.

Isipin nyo ito. Depressed ka na nga, dinagdagan pa. My wait was worth. Though di ko man inabutan ang hinintay ko habang nagbuffer ako, merong balitang dumating. A grapevine.

Nuong isang araw sobrang nakakadown talaga ang mundo. Mula sa mga happenings hanggang sa mga sumunod pa, talagang haizzzz... Ngayon naman. Isang friend ang nagsabi na may mga issues nanaman regarding that syota thing. So nililinaw ko uli, WALA. Next news, ito talaga. HIndi ko ito inaasahan. Mula uli sa ibang friend naman, merong shocking news talaga. Actually medyo nakadagdag din siya ng almost 15% ng depression ko. Why? Kasi I was hoping for a reply. But the reply was not made. I mean ibang sagot ang dumating. Okay. I'm not talking about yung mga nakapagpadepress sa akin mula nung isang araw na tao. This is different. Pero siguro. That's life. Una-unahan lang...


So enough of that. Tama na drama. Tanggap na ng lahat na Captain Nguso is dead. 3 primitive people were found praying over this thing. I don't know what character it is. Please understand...



(ano kaya yan??? basahin. Alam ko Alibata yan eh)

So maraming nangyari and some, just contributed to my melancholy. Haizzz. If only the whole Metro Manila can understand what I mean by this...

Tinatamad na ako magupdate ng maayos. Babalik na lang ako sa bukas siguro? HIndi ko alam.

Thursday, July 3, 2008

The "FUGITIVE'S CASE" reopened.

Actually if you read my former blog posts, wala kayong makikitang Fugitve's Case. Magtataka kayo kung bakit reopened na tapos parang di pa nga nasimulan...

Katunayan, nasimulan kong pagaralan ang Fugitive's Case nuong na-curious ako. Kung bakit Fugitive's Case ang title, that I cannot explain. Likha ito ng mapaglaro kung utak based on adjectives, verbs and nouns. Back to the topic. Ang Fugitive's Case ay pinagaralan ko nga mga bandang September ata if I remember it right. Di ko lang sure. Pero parang August din. I gather infos using my 3 senses. Sight, Hearing and Touch. Bakit touch? Kasi may mga bagay na ginagamitan ng konting galaw. So ngayon dahil nga sa aking pagsasaliksik, naisara ko na ito. Di ko rin sinabi na sinisimulan ko nang pagaralan ito kahit merong ibang expert detectives na nagaaral dito. Actually napakarami kong nakuhang tips. Dati namumuhay ako sa clues. I got my supect. Tama ang suspect ko. Base ito sa mga nakuha kong tips. Kunwari hindi ko alam. Pero sa totoo lang, may 2 nang nagsabi ng Truth. Dahil nga dito, nalaman ko na confirmed ito at sinara na ito mga bandang November. Mag de-December. I act as if innocent pa rin ako. Ang curiosity ko ay nahulog sa mas malalim na dahilan. At ang dahilan na iyon kaya ko gustong malaman ang katotohanan. And nung nalaman ko ang totoo, nagalak ako ng todo. So naging masaya ako all thru out.


Makalipas ang ilang araw, kanina, meron akong narinig. Actually, medyo perceiving kasi ako. Kunwari talaga wala lang pero sa totoo lang, inaanalyze ko yung pinaguusapan. And ayun nga. Parang na re-open uli yung Fugitive Case kanina. I really heard it. Hindi lang directly. Hindi ko alam kung paranoid ako or talagang tama lang ang perception ko. Pero ramdam ko talaga na merong mali sa aking sinarang Fugitive's Case. Kaya ko rin naman kasi naisip isara dahil lahat ng facts, nagtugma sa mga tips. Pero ngayon there is something more different. Merong pagbabago. Hindi ko alam kung pagbabago, mali ang perception ko or talagang nagkamali ako mula pa sa simula.


Sa ngayon, naisip ko kumuha uli ng facts. Though parang wala na akong makukuha, I hope na may lalabas pa. Kasi ISA LANG ang nakuha kung clue. At yung clue ay hindi testified. PERCEPTION KO LANG. So mas maganda na malinaw. Pero sa ngayon, ni-reopen ko na at naisipang iannounce para naman di ako masyado ma-depress. As of now, FORGET.


No time to talk. Meron din ako sanang balak ipost na sulat mula kay ANDRE, pero nakikirent lang ako sa ngayon so hindi rin ako magtatagal. Hanggang dito na lang ang post ko. Bukas may mass. May quiz din.


ANG PAGBABALIK...

Ngayon alam ko na. kung bakit napakasarap mag-reminisce ng past. Katulad ng nuong panahon na libre pa ang tubig, mga panahong iniipit pa sa libro yung love letters, mga panahon ng mga knights, panahon ng swordsmen at mga medieval times. Actually, di naman ako bumalik sa medieval times. Bumalik lang ako nuong June 2007 sa blog ni Leonille Migraso...

Andun yung mga cases. Yung "Fake" ARJAES Case. (katunayan, she really existed. Pero hindi pala paghanga sa buong pagkatao nya ang naramdaman ko but iba), andun yung mga FU, Yung HADO, mga codenames na ginamit, Kapitan things, His "DETECTIVE ID", yung tampuhan dahil sa Ferocious88, pagdiscover kay TAPPAT, pagkagawa ng First Music Video namin and the likes. But merong isang bagay na nag-struck sa puso ko. It is Captain Nguso...


Who the hell nga ba si Captain Nguso???

Siguro sa mga bagong pasok ngayon, di na siya kilala. Actually, kilala pa siguro siya ng iba kong batchmates... WEll to give a short glimpse, ito ang kanyang logo.


Si Captain Nguso ay created nuong June or July nuong year 2006. Siya ay isang fictional character. Actually, nabuo ang Captain Nguso dahil sa pagsasama-sama ng mga scholars na mayroong kakaibang talento. Mayroong magaling sa pagsusulat, sa pagdedesign, paglayout, pagpapapogi etc. Ang Captain Nguso ay based on real events ika nga. But not real names of people. Siyempre, kung may mga codenames, may mga screen names din na tinatawag. Sumikat si Captain Nguso sa kanyang napakagandang satirical storyline. Lalo na sa section ng I-Unity. May mga ibang higher years din ang naguusap tungkol sa novel na ito.

Pumatok sa youtube. Pumatok ang site. Pumatok ang Season 1. Pero hindi natapos ang Season 1. It was left. Why? Because of the banning. Nilinis ang youtube, nilinis ang website, nilinis lahat. Walang history si Captain Nguso, walang pinagmulan AND HE NEVER EXISTED base sa paglilinis namin. Nawala lahat. Nag-cool off ang author. Walang nangyaring masama dahil hindi nakapaglabas ng enough proofs. Nawala ang banning issue. Pero takot pa rin ang publishing na ilabas uli ang istorya. Dahil na rin sa threat na baka mayari uli. Natapos ang taon. Hindi natapos ang Season 1 ni Captain Nguso...

It was left until the 2nd year of the publishing. Nahiwalay ang designer at graphics consultant. Ang 3 ay napunta sa Loyalty. People forgot the Captain. Actually pala nuong 1st year, tinuloy ng author yung Season 2 at sinulat sa papel. Ang Season 2 ng CN ay natapos hanggang Episode 60. Ito ay natapos bago magsimula ang ikalawang taon.

Medyo may nakaalala pa sa kanya. SO we decided na gumawa ng blog. Pero he was soon forgotten. Wala na. Kahit kanino mo itanong, kaunti na lang siguro ang sasagot na alam nila ang tungkol duon. It was so saddening, he did not even became a legend. Di siya kilala. Yung mga 1st and 2nd years, ibang 3rd years at 4th years, di siya talaga kilala.

May mga nageexist na nonsense stories. Mga stories na puro pagibig at walang mapupulot na aral. Mga istoryang maka-sarili at hindi iniisip ang kapakanan ng mambabasa. They only think na maging masaya sila but not the readers. Puro love, may gay love pa! Sh*t! It's OBVIOUSLY NOT ACCEPTED. Malamang yung iba tanggap na yun. But how about others? Most people hate gays. Okay enough of that.

NObody remembered him. Sa July 7 ang kanyang anniversary.

Wednesday, July 2, 2008

If Only...

First word: Haizzzz.....

Actually di ako katulad ni Anne Frank na puro personal masyado ang nasa diary. Kasi nga naman una, hayag to, internationally. So kapag nagsulat ako ng mga specific names, events at kung anu-ano pa basta specific. Di rin ako pwede magsulat ng direct to the point ng mga nangyari dahil nga may nagbabasa nito. DI bale sana kung mamatay ako saka nyo pa lang to makita. Kaya please understand kung hindi ako magbibigay ng mga specific things dito at puro pasaring lang...

Actually this should be written yesterday but due to some circumstances, it was not pushed thru. So here....


Disappointed lang talaga ako sa mga nangyayari sa ngayon. So disappointed. May mga bagay kasi na hindi maipaliwanag thru words. I mean halimbawa, meron kang biniling condo unit overlooking Metro Manila. Then may nagtayo ng isa pang building sa harap mo. How will you feel? Alam mo yung feeling na oks na lahat tapos bigla na lang na HAIZZZZ...

Well wag nyo pagisipan ng matindi. It's not just the seat okay? If you are Daniel, you might know kung ano talaga. But unfortunately you're not. I'm the only one. So walang makakaintindi. Actually if you look at it in an isometric way, mababaw, walang kwenta. Pero kapag tiningnan mo in the perspective point of view, meron talaga akong pinapahiwatig. Pero kung medyo di mo inabot ang aking stage, wala. Yung tingin mo eh mababaw lang talaga. But you may believe in anything you want.

So ayun nga. Oks na sana kahapon. Actually di naman sobrang oks. Pero okay na rin. Kaya lang Ngayon. I was REALLY, REALLY, REALLY GLOOMY. Npaka-lungkot ko. It feels like the world is falling down on me. Not just the world but the Solar System. Akala ko talaga, I would always see Metro Manila but I was mistaken. Alam mo yung feeling na umaasa ka tapos ayun. Akala ko kahit ilipat ako ng unit, basta same floor, at overlooking pa rin sa Metro Manila, okay na. Pero I was mistaken. Kinabukasan, nagtayo ng bagong building and Metro Manila was out of my sight.


All I can say is haizzz.... I was almost establishing everything in my condo unit then POOF. Gone.


What shall I say? None.. Ngayon alam ko na kung bakit ganun ang lei ng mundo. If you can't understand forget about this thing.