Sa nauna kong post, binanggit ko na nakapagsimula na kami sa aming OJT. Sadly, tinapos namin with 8 hours.
Nagkaroon kasi ng kaunting trouble regarding sa pagiging CONSIDERATE ng isang manager.
Itago natin sa pangalang "E". Actually, first day went well. Umuwi kami sa tamang oras at matino ang naganap. Kinabukasan, late daw kami. Anak ng teteng, WALA KAMING PROPER SCHEDULE. Ni hindi kami binigyan ng schedule ng pasok para sabihing late kami. Pero dahil nagtatrabaho ka dun, tiis lang. Naextend ang aming work ng 30 mins. No big deal naman. Kaya lang gusto pa nya kami magextend kasi wala naman daw pasok bukas. Okay, understandable. Mas maganda na rin yun sana para mas madaling matapos ang OJT. Ang kaso, underage kami. We rely on parents at hindi kami nakapagpaalam sa parents namin. Nung paalis na kami, nagpaparinig tong si Ms. E. Pagod na raw siya, kanina pa raw siya di kumakain.. Eh EFFING INA pala nya, tatayo tayo lang siya at puro utos eh. Okay, no big deal ang utusan. Sanay ako diyan. Ang masakit kasi, yung mga facial expressions nya pati yung tono ng pananalita na. Ayoko na magsalita kasi baka masigawan ko to.
Sunday, naisip naming gawing rest day namin. Tumawag ang kasamahan ko sa kanila para sabihin iyon. Ang masakit, parang galit pa raw tong E na to. Epal kasi talaga eh. Anyways, nagbigay din siya ng schedule ng pagalit na Mon-Sat, 6p.m.-11 p.m. Di ko alam kung anong plano nya sa buhay o ayaw na nya kami paaralin pero of course, di ako papayag dito.
Dumating sa time na naisip naming iwanan ang 8 hours namin. Lamunin na ng E na yun kung gusto nya.
Sa ngayon, medyo nadodown nanaman ako. merong puno na, may di sigurado. Di ko alam. Kailangan ko ng CONSIDERATE na mapagojthan. Yung isasaaalang alang pa rin yung pagkaestudyante namin.
Monday, November 23, 2009
Pangit ng Ending
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 3:32 PM
Wednesday, November 18, 2009
Hindi Dapat Ganito
Isa sa mga laging inaabangan sa foundation day ng PUP ay ang nagaganap na marriage booth sa laboratory high school. Maraming gustong magpakasal, mga napagtitripan at kunwari ayaw pa. May hatakan, habulan, meron namang mabait at merong pakipot pa. During the first 2 years ko, palagi kong tinatakasan ang marriage booth. At isa sa maipagmamalaki ko, di ako nakasal kahit isang beses sa 2 taon na yun. Unang taon, nagtago ako sa chapel at pati sa barracks ng tatay ni Raymund. All day, safe ako at hindi nakasal. Marami akong nalaman na dapat pala ikakasal sa akin at nagbail na lang. 2nd year, alam ko, tumakas lang ako. Di naman ako nakigulo sa foundation nun eh. Nag gateway ata kami nun nila Migraso. 3rd year, dahil CO ako, wala akong magagawa kundi magpahuli. Pero tumakas uli ako habang nasa loob ng kulungan. Kaya nabawasan yung ikakasal sa akin at naging 2 lang. Ngayong year na to, inexpect ko na dapat makasal na ako ngayon. Pero walang foundation ng PUP.
Nilagay sa foundation ng LHS. Limited ang time. Kaya wala rin...
Overall, okay lang naman.
THE MERITORIOUS CASE
Updates tayo...
Hindi pa rin tumitigil sa Merit sa kanyang ginagawa. Dumating sa kaalaman ng Vintage Spy na isa sa mga employees nito ay nag warn kay Merit na itigil na ang ginagawa dahil binabantayan siya. Kaso di siya tumigil. Lalo siyang lumalala. Gaya nga ng una kong sinabi, hindi lang kay Rose nya ito ginagawa kundi sa marami rin. Nandyan si Lhar, si Mhar, si Aida, si Lorna, si Fe, etc.. Meron ding nagkaroon ng intimate na si Andie. Pero dahil lubos na naapektuhan si Arsene between kay Merit at Rose, dun tayo magtutuon ng pansin.
This past few days, napansin ni Arsene na kapag nagbabalak muli gumawa ng "physical contact" si Merit kay Rose, medyo umiiwas na si Rose. Nakikipagkwentuhan pa si Rose pero iwas na sya sa physical contact. Pero mapilit si Merit. Ginagawa pa nya ito minsan sa harap pa ni Arsene. Take note, may idea siya na si Arsene ay spy pero di siya tumitigil.
Hindi dapat ganito ang mangyari. Kaibigan ng Vintage Spy ang pamilya ni Merit. Pero kung hindi nya to titigilan, hindi to matatapos at magpapatuloy ito hangga't may Merit at may Rose.
Sa ibang usapan...
Tapos na ang foundation day at awarding na bukas. We did well pero life's like that, may nananalo at may natatalo. Ang maganda lang, HANDA KAMING TUMANGGAP NG PAGKATALO.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 2:42 PM
Saturday, November 14, 2009
The Final Destination
Lahat ng pangyayaring ito ay naganap kahapon, November 13, Friday...
Around 10:30 na kami nakaalis ng school. Hintayan din kasi. Madaming iniisip si Leo at sumabay si Bule sa paglabas.
Nagbyahe kami via G-Liner. Puro kwentuhan, tawanan. Ang usapan, puro tungkol kay T.I. (initials nya). Sobrang traffic sa San Juan at hindi talaga umuusad. Umabot ng almost 1 hour na hindi kami nakakaalis malapit sa may SM. Pero finally, nakaandar din. Natulog muna ako at nagising pagdating ng Barangay Greenhills.
Pagdating sa Greenhills, unang destination, Shakey's Greenhills. Actually, pakay na namin to noon pa. Nagkataon lang na may mga nakapagpasa na ng resume the other day. Medyo na hopeless ako pero sabi nila, sige itry ko. Pagdating dun, kinausap ko na yung manager at hinanapan kami ng recommendation letter na may pirma. Actually, naisip ko na papirmahan yung recommendation letter. Sabi naman ni Leo, wag muna. Pag natanggap na raw, saka papirmahan yung recommendation letter. Nung time na hinanap, nabadtrip ako kasi talagang sinabi ko na papirmahan na. So lumabas kami ng Shakey's at wala talaga ako sa sarili. Ayoko na magsalita kasi naiinis na rin ako. Nanghihinayang ako na chance na pinalagpas pa. Marami kaming ibang iba pang establishments na pinasok at nakapasok kami sa Krispy Kreme.
Nakausap namin si "A-Jhay". Inentertain naman kami at triny tawagan yung HR nila. Binigyan din kami nung doughnut nila worth P31. Okay yung doughnut (siyempre libre!). Unfortunately, lunch break ng HR. Binigyan nya na lang kami ng calling card kung saan isesend yung recommendation letter. Sabi nila, di pa sila nagkaroon ng OJT. Natuwa naman kami sa kanyang warm welcome. Umabot pa kami kung saan saan sa greenhills hanggang naisip na pumunta muna ng Robinson's Galleria.
Nilakad namin mula Greenhills papuntang Galleria. Kung ano anong uri ng tao na ang nakita namin. Pagdating ng Galleria, dun kami kumain, naghanap uli ng trabaho at nagpaprint ng mahal. May bakla pang epal. Nakita pa namin yung mga candidates ng Miss Earth sa Burgoo kaya di kami pinapasok. Epal yung babaeng server. Anyways, dapat pupunta pa kami sa Ortigas Center mismo. Kaso nagkatamaran na at nakakuha din kami ng referral sa Don Henrico's sa Greenhills. Naisip namin isabay ang recommendation letter.
Nilakad muli namin pabalik ng greenhills. Nakita namin yung mga la Sallian na naka slacks at rubber shoes (public style). Mas maganda pa manamit yung taga Maceda. Anyways, tutal naunang dinaanan ang Shakey's sa Greenhills, dinaanan na namin. Pagpasa namin nung letter, nagulat kami kasi kinausap na kami ng manager. Marami na siyang sinabing mga bagay. Mga Standard Operating Procedures nila, mga gawain nila, at kung ano ano pa. Pinakausap na rin kami sa Captain at tinuruan na rin kami. Finally, shinake hands kami at babalik kami ng November 20.
Siyempre, mixed emotions naramdaman ko. Masaya kasi after a hard day's work, ang final destination namin ang Shakey's na siyang tumanggap sa amin. Medyo nasaddened ako kasi may mga kaklase ako na nagpasa din ng resume dun pero kami lang yung kinausap. Pero after all, at least tapos na ang paghahanap. Sumakay na kami ng bus pauwi. Medyo nangangamba pa si Gianan at Leo pero ako, sure na talaga dun ako.
Naguwian na. Kinagabihan, nagmessage si Leo na magbaback-out siya sa Shakey's. Malayo daw sabi ng tatay nya. May iba akong naisip. May nabanggit kasi siya at tinanong ko. Tama nga ang hinala ko. "Dun" na siya magtatrabaho. I understand. Siguro siyempre, mas masarap magtrabaho kasama ang taong mahal mo. Sa ngayon, triumvirate kaming magtatrabaho sa Shakey's.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:19 AM
Wednesday, November 11, 2009
On-the-Job Training
Unang araw ng paghahanap ng pag-OJT.. Nagsimula kami around 10.. Nilibot ang SM, paligid ng SM maging ang gateway, pati ang Araneta, pero walang matino...
Willing na kami magtrabaho anywhere. Motel, Fastfood, Restaurant, atbp. Mula sa pinakamaliit na establishment hanggang pinakasosyal, vain.. May mga nanghingi ng bayad, naghanap ng college, di raw nila kailangan, pumunta ng head office, at kung ano ano pa..
In short, wala pa..
Pauwi kami, naiwan na si Leo, naisip naming dumaan sa Gilmore. At doon namin naisip pumara.. Sana merong chance...
Anyways, yoko na pagusapan yung pagoojthan, namomroblema ako.. Matagal tagal na rin akong hindi nakakabanat eh.. Mukhang masarap bumanat ngayon..
Paglilinaw muna... Hindi ko nilalahat ng tropa dito.. Yung iba lang kasing mga tropa-tropahan, mga thugs ng lipunan..
Ganito kasi yan..
Siyempre, di tayo pwede magbigay ng proper nouns.. So sisimulan ko na...
So meron kasing isang tropa, o grupo na may mga sinasabing forever-forever pa ang nagfefeeling malakas ngayon sa "communtiy".. Di ko alam bakit feeling nila malakas sila. Yun ba dahil marami sila? Dominating sila? Meron silang mga "kapit"? O talagang mayayabang lang tong mga hinayupak na to. Di naman buong tropa epal. Uhm, meron lang iba. Pero dahil basura ng isa ay basura ng lahat, ayun, damay kayo. Pasensya na.
Ganito kasi yan... Maraming nagrereklamo sa tropang to na pinangangalandakan nila na malakas sila, at dominating. Kumbaga, wag mong tirahin ang katropa ko kung ayaw mo makitang nakahandusay. Parang ganun. Pero alam ko namang wala silang kakayahan na ganun.. Siyempre, yung mga tao naman sa neighborhood, kinakabahan.. Eh magaling magsalita yung iba eh. Salita lang. Puro salita.. So dahil nga dun sa pagmamayabang nung iba, walang gumagalaw sa tropang to. Di naman epal yung tropa. Pero siyempre, sa community, hindi mo maiwasan na matapon yung baldeng tubig sa kapitbahay.. So yun ang kinagagalit nila. So sa kanila kasi, dahil meron silang mga quotes na forever, eh nagkakaroon ng proteksyunan.
Okay naman yun. Siyempre, damayan yan dahil magkakaibigan. Pero wag naman to the extent, gagamitan mo ng armas at sandata.. Eh siyempre, dahil meron ngang mga butterfly knife at pistol tong mga to, kabado naman ang neighborhood at ang nagagawa nila, magreklamo nalang.
Well, 2 sa tropang ito ang namumuro. Di pwede pangalanan eh. Pero isa si G1 at si G2. Meaning, "gago 1", "gago 2"
Itong si Gago 1, matagal nang nambabara tong gagong to. kaya nga gago eh. Butterfly knife lang naman hawak nya, pero mayabang talaga. Siguro kasi alam nya, meron siyang sasandalang "tropa". Ganun naman pag weak eh, puro sandal ginagawa. Well ayun nga. Mahilig mambara to. Puro daw reklamo sa gobyerno ginagawa. Puro pamumuna. Pero siya... Higit pa.. Bakit? Alamin mo nalang G1 kung mabasa mo. Alalahanin mo ha? Isa pa, ito ring si G1, sensitive. Pero para lang sa sarili nya. Di siya sensitive sa nararamdaman ng iba, sa masasaktan nya. Pero pag siya nasaktan, ah, grabe magreak. Bugbugan na kumbaga. Siguro naman may pakisama to kasi maraming kaibigan eh. Pero di rin magtatagal yan sa ganyang ugali.
Ito matindi, si Gago 2. Ito kasi, nambabara na, namamahiya na, namimintas na, lahat ng kademonyohan isinaksak ata sa taong to eh. Grabe talaga to eh. Kala mo diyos eh. Wala atang taong nakalusot sa pangaalipusta nito. Medyo sosyal naman hawak nya kasing weapon. Bolo. Pero bolo pa rin. Pag tinira mo ng m-16 o Chain Gun, tingnan lang natin kung makilala mo pa. Isa pa to. Sensitive din. Savior din to ng so called tropa. Siya rin kasi yung hitman nila eh. Kapag may umapi, siya na ang magliligpit. Sabay sila ni G1. G-Force nga kumbaga. Epal to. Wala ring feeling to para sa iba eh. Mahilig mamuna ng selfish at self centered na tao. Paano, self centered siya eh. Haha... Kaya puro puna kasi gusto nya lahat ng bagay umaayon sa kanya. Medyo traydor din. backstabber. mabait sa harap mo, pagtalikod, yun na. Pag meron kang nagawang hindi nya gusto, magagalit na at pagbabantaan ng bolo nya. Maangas din to. Tapos ito, mahilig to mamahiya ng tao sa neighborhood. May mga ilang tao na ngang nagreklamo sa kanya eh. Pero siyempre, magaling makisama, plastik nga eh, maraming kaibigan.
Meron pa pala, si G3. Pero epal lang to.
So ito yung G-Force na tinatawag. Magaling mamuna, bobo naman.
Sensya na sa mga katropa ng G-Force na to, nadamay pa kayo. Eh kasi, kayo lagi pinapang sanggalang ng mga to eh.
Disclaimer: Ang tamaan, tsk, alam na! Naisip ko lang to habang nasa jeep at kathang isip ko lang. Pag tinamaan ka, uhm, magisip ka na. Baka isa ka sa mga yan. :)
Ito yung natutunan ko eh. Pagkaclassify. Types of "G"
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 3:19 PM
Sunday, November 8, 2009
3K
Speechless...
Wala talaga akong masabi.. Hehe.. Actually, nawala ako ng 1 week sa net. Sobrang nanghihinayang ako sa napalevel up na mafia, mga kita sa rakets. Bwisit na smart bro yan, hanggang ngayon, nakikigamit pa ako ng net dahil walang net sa bahay.
Anyways, tama na yung ganyang mga bagay. Kukwento ko nalang yung nangyari the day before and the day ng race.
MWF kami nagpapraktis sa pagtakbo sa 42Km Relay Race. Meron kasing 20 members. So dahil nga relay, pasa-pasahan. Ang bawat tao ay tatakbo ng 2 kms. Ang pinakalast ay tatakbo ng 4 km.
Bilang practice, tumatakbo kami sa oval ng PUP, 10 times. Siyempre, paguwi, tulog agad. O pagod.
Actually sa mga practices, di ako nababagot, naiinis o whatsoever kahit pawis na pawis na ako at pagod pa.
Dumating ang saturday. Kinailangan ko magbakot bakot ng ilang gamit para mag overnight kanila Leo. Sabay sabay kasi kaming pupunta sa Quirino Grandstand.
Nakarating naman kami ng matiwasay sa Quirino Grandstand. 3:30 kasi ang calltime. Puro paepal sa camera, picture at kung ano ano nalang ginawa namin.
Bago magsimula ang race, nagkaroon ng ilang discrepancies. Ang registered kasi sa amin ay 42K Relay Race. Ang kaso, sinabi ng aming coordinator na baka mahirapan kami dito dahil hindi kami na-brief. So, pinatakbo nya kami sa 3K. Ang problema, ayaw kami tanggapin sa 3K dahil nga iba ang pagkakaregister sa amin. Pumunta kami sa kanilang "Help Desk". Medyo napahintay kami ng matagal. Kala namin, wala nang mangyayari sa lahat ng mga practices namin. Luckily, meron nagassist.
Nakapasok naman kami. Siyempre, nung nagsimula ang race, medyo mabagal muna at bumilis ng bumilis. Para sa akin, achievement na natapos ko ang race. Di ako nakaramdam ng pagod at feeling ko ay full of energy pa ako. :)
Ahm, nais ko palang magpasalamat unang una siyempre sa diyos, sa mga magulang ko, uhm, sa mga sumuporta, nagbigay ng moral support, kay sir nero (kahit di kami sinama sa kanyang status message :)), at sa lahat ng tumulong.
Feeling ko, next time, "Takbo para sa Quirino Grandstand" na ang gagawin. Ang kalat kasi eh,
Anyways, part nanaman to ng history ng buhay ko. Ang first time na pagsali sa International Marathon na ginanap ngayong November 8.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:06 AM