Saturday, August 29, 2009

Para sa Masusing Pagbabasa...

Balik nanaman tayo sa mala-nobelang pagsusulat ng blog post. Simulan natin nung happenings ng Thursday...

Siyempre, nagmadali ako para makapasok ng maaga. Kasi, may exhibit daw. Pagdating ko, wala pang 1/4 ng klase ang naroon.

Well, nung exhibit naman, medyo tinatamad tamad ako magtingin tingin sa ibang bagay. So pakain kain lang ako, patayo tayo. Bigla kong nakita si Leo, kasama si Gienela. So di ko rin alam paano kami napunta sa Booth ata ng HRM yun. Nagkataon na naaliw kami sa pagmimix nila ng mga liquids. Paghirap ng isang matangkad na lalaki, namukhaan ko agad at nakilala ni Migraso. Isa siya sa mga nanalo nung Mr. PUP 2008. Well pano siya di makikilala ni Migraso, eh....... (MS daw eh). So inalok nya kami ng iba't ibang liquor. Kala ko naman mild lang. Kasi, seeing na high school students kami. So ayun, tig-iisa pa kami nila Leo. Iba't ibang flavors din. Di rin kami nagiisa sa pagtikim. Pasa pasa kami ng inumin hanggang maubos. Nakishare pa ako ng kaunti kay Ira at Gerby. Tinetesting ko rin yung flavored beer daw pero sobrang konti nun. Wala akong nararamdaman that time. Nang bumaba kami ni Leo para mananghalian papuntang HQ, naginit yung pakiramdam ko. Pero maaraw.

Pagdating ko ng HQ, duon nagbago ang lahat. Umiikot na ang paningin ko at nagiinit na ako. Napansin na rin ng mga tao ang pamumula ko at marami ang nakapansin ng pamumula ng mata ko. There is something wrong na nga raw. Ako naman, paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko, "nasa state of mind pa ako. Di pa ako lasing. Alam ko pa kung nasaan ako at matino pa ang utak ko." Oo nga matino, pero wala na akong balance. Nahihilo na ako at bumibigat ang ulo ko. Tuloy tuloy pa ang paumula at pagkakaroon ng rushes sa mukha ko. Sabi rin ng iba, malakas yung amoy nung alak. Pinilit kong matulog pero di ako matulog. I don't feel good talaga.

So to cut it short, hanggang paguwi, masakit ulo ko. Ang maganda lang, wala na yung amoy alak. Open din naman ako sa magulang ko dahil alam ko na wala naman akong kasalanan. So kwinento ko. I have learned my lesson na talaga. Alamin muna ang iniinom at ang proof number nito.


FRIDAY


Araw ng Wika..

Mukha daw Mayor, mukha daw Congressman. Pero, host ako. Well, nagpapasalamat pala ako kay Juryl at sa SCO dahil na rin sa pagkakahirang sa akin bilang host ng palatuntunan. Kahit marami ang lumabas para mag-dota at mamasyal, okay lang din naman. Nagkasiyahan naman kahit hindi nanalo ang iba. Proud din kami sa lakan at lakambini namin dahil pareho pa silang nanalo. DI man champion ang lakambini, at least, pangalawa.

So, may continuation pa to...

Thursday, August 20, 2009

Mga Teorya, atbp...

As stated sa aking previous post, gusto ko na magquit. Pero ayun, I can' t talk nanaman. Umuurong dila ko. Gusto ko na umalis. Pero langhiya namang dila to, di nanaman ako makapagsalita.

Anyways...

Tapos na ang exam at nagmamafia wars na lang ako ngayon. Ayoko pagusapan yung tungkol sa exam kasi naman ayoko mag-assure sa sarili ko na madali at ayoko ring idown ang sarili ko. So, kalma muna.

Isa pa, isang katanungan ang naglalaro sa isip ko kasi ngayon...

Meron kasi akong story noon, pero I forgot the title na kasi.. WEll anyways, meron lang kasi akong napapansin, tapos siyempre para maitago ang kanilang pagkatao, gagamit tayo ng mga bansa sa Fertile Crescent.

So, itong Sumer ay nasa pagmamayari ni Sargon the Great ng Akkads. That time, mayroong trade relations ang Assyria at ang Sumeria. Nung sinakop ng Akkadian ang Sumer, hinahayaan lang ng Akkadia ang trade between Sumer at Assyria. Alam kasi ni Sargon na walang balak sakupin ni Assurnasirpal ng Assyria ang Sumer dahil trade lang naman talaga ang tukoy nito. Tumutulong pa si Assurnasirpal noon kay Sargon sa pagpapatakbo ng Sumer at pagtalo sa mga gustong sumakop sa Sumer. Subalit habang tumatagal, dumarami ang nasasakop ni Assyria. Nasakop nya ang Babylonia, Ankara atbp. Napapansin nya na napapadalas ang pagdating ni Assurnasirpal sa Sumer. Wala naman siyang business dito ngunit lagi siyang nandito. Naglagay na rin ng mga espiya sa paligid ng Sumer ang mga Assyrians. Nangangamba si Sargon. Kasi posibleng maisama sa mga sasakuping bansa ni Assurnasirpal ang Sumer. Maaring ginagamit na lang nya ang pagiging traders nila para itago ang kanyang tunay na plano...


Ano man ang plano, di ka makakalusot kay Sargon.


Maraming magaganap na programs ang LHS. Abangan...

Tuesday, August 11, 2009

Anak ng Pasig

Kanina...

Na-cut yung klase para sa meeting. Pero bago pa man na-cut ang klase, meron akong isang bagay na kinakailangan ng malalim na decision making. Ito kasi ang scenario...

There is this organization na member ako for 3 years in a row. 4th year ko na ngayon. Pero feeling ko pressured ako. Pag-uwi ko, gabi na, pagagalitan ako. Tapos, pagod, di makagawa ng assignment, diretso tulog. Kinabukasan gigising tapos saka lang gagawa ng assignment. Di na nakapagaral. Ang mahirap, kahit sabihing excused sa klase, mahirap humabol. Walang special quizzes na ibibigay, yung iba, magagalit pa sayo. SO mahirap talaga. Una, sabi nga ng parents ko, gabi na ako umuuwi. DI na ako nakakapagaral. Second, hindi ito yung career path na pupuntahan ko, Lastly, di ako nakakapagfocus sa academics ko.

So dalawang choices ang naglalaro sa isip ko. I'll quit or I'll continue. Kapag tumuloy ako, okay. Kapag pinutol ko, makakapagfocus ako sa pagaaral ko, sayang nga lang extra co. But, I have decided, I'll quit. I'm just finding the right time.

Anyways, so naguwian na at naisipang makikain kanila Migraso...

Pagkakain, umakyat at pinanood ang Crank 2. Pero di natapos. Sayang.


Marami akong kwento pero next time na.. Hehe..

Monday, August 3, 2009

Basagan gamit ang Kapangyarihan

Who's Who...

So itong post natin ngayon ay isang blind item. Tamaan, wag magalit.

Ang ating blind item sa ngayon ay isang tao na ayaw sa musika o talagang may galit sa musika. Sa hindi ko maintindihang paraan, bakit ang init ng dugo nya sa mga taong mahilig sa musika. Ganito kasi yan.. Meron nang history ang taong ito na talagang mahilig mamersonal, yung tipong mahilig siyang magparinig, mamersonal sa harap ng maraming tao at mangursunada. Mangursunada in the sense na ginagamitan nya ng kapangyarihan nya. At siyempre, yung taong kinukursanada nya ay walang laban dahil mas mataas siya. So itong taong ito, kapag nakursundahan ka, buong taon, ikaw lang babantayan. Andyan yung babarahin ka at ipapahiya sa harap ng klase, di ka bibigyan ng karampatang grade atbp. Marami umalis na may galit sa kanya. Masyado siyang deceiving. Akala ko dati, nagagalit lang siya kasi may rason, and I found out na unreasonable lang talaga siya. Sinasabi din na kulang siya sa atensyon at gustong gusto na laging center of attention, siya yung inuuna. Kulang sa pansin kumbaga. So ganito kasi nangyari...

Meron kasing isang grupo ng mga mangaawit ang umalis ng mga 10 am. Darating siya sa lugar ng mga after lunch. So may mga nauna nang taong nasabihan na mawawala ang mga mangaawit. Pero dumating sa kaalaman ng mga mangaawit, kasama ako, na galit pala itong taong ito. Nagalit ata dahil di siya nasabihan at sinabi pa na naglalakwatsa lang daw ang mga mangaawit. Wala siyang ideya na pinapraktis ng mga mangaawit ang kanilang boses sa iba't ibang lugar. Dun namin nalaman na unreasonable siya. Una nabigyan ng kaalaman ang lahat na aalis ang mga mangaawit, so unreasonable siya, kasi gusto nya ng sobra sobrang atensyon, at kung magalit siya, akala mo wala siyang nalalaman..

So dumating tong araw na to. At ayun, napapansin ko na isa ako sa mga pinagiinitan. Tipong naubusan ako ng grade na ginawa ko mula June hanggang bago kami umalis, tapos pagbalik ko wala na akong grade.

Ayun... Kung nababasa mo man to, na sa tingin ko hindi nanaman, hindi ako magmumura ngayon. Kahit kanina pa ako naiinis kasi ramdam mong pinagiinitan ka at ayoko sa lahat ang binabackstab ako. Kung may sama ka ng loob, sabihin ko kasi makapangyarihan ka naman. Nakakaasar lang talaga, na paginitan ka.

Isang paalala lang po. Tatanda kami, lalaki at magkakaroon ng sariling buhay. Ayoko namang one day nagkasalubong tayo, matanda ka na at ako, mayaman na, tapos sasabihin ko, "Alam mo yan, dati, pinagiinitan ako nyan eh." sana naman wag mangyari yun.

I believe in diplomacy, pero kung may mga tao na ayaw ng diplomacy, ginagawang meat pies yung katawan ng mga yun...