Tuesday, October 7, 2008

Well, The Godfather...

At last... Kahapon nagkaroon na ng end ang pageant. Marami ang nagkomento. Marami ang di nasiyahan dahil sa kinalabasan. Pero ako, nasa 4th Runner Up ako ng Mr. PUP, so ayoko na magkwento...

To tell the truth, wala akong nararamdaman. Di naman sa pagmamayabang pero para lang talaga akong pinabili. Kasi mas kinakabahan pa ako kapag graded recitation or magsasalita sa harap or magrerecite ng poem or something sa harap ni Mam Tahil. Lalo na nung nagrecite ako sa harap ng buong LHS ng "That I Would be Good". Mas kinabahan pa ako sa pangyayaring iyon kaysa kagabi. Wala talaga akong naramdamang kaba. Siguro dahil di ko na rin inasahan na makakapasok pa ako. Pero ganun talaga, nakapasok pa rin. Though pansin ko wala nang halaga ang question and answer at mas may value ang beauty, pasok pa rin and ayos na yun.

Sa backstage, marami ang kaganapan. Sport naman sila at nagenjoy si Bule. Privillege nga naman makapunta sa backstage. Haha. Marami ring LHS ang nakita kong nanuod at sumuporta. Ipinaaabot ng Vintage Spy ang kanyang pasasalamat at ang appreciation nya para dito ngunit di malakin ang pera kaya walang pang kain. Hehe. Pero salamat talaga.


Dahil sa pageant, marami akong mas nakilala, siguro isama pa na isa akong COCC at nakapasok ako sa pageant na kung saan ilalaban ka sa iba't ibang colleges. Pero marami nga rin ako iniwan para gawin ito. Una ay ang studies. Marami akong na-miss na subjects. Ngayong araw na ito ay normal na araw ngunit hindi para sa akin. Andami ko palang kailangang habulin at napakarami ko palang kailangang ayusin. Ikalawa, they see me as a superstar. Well di naman ako naiinis pero kasi minsan, napapansin ko yung iba parang naiilang na lumapit. Pero sana naman wag... Anyways marami pang iba....

Maipagmamalaki ko na kahit medyo tinatamad ako ay nabigyan ako ng inspirasyon nung mga taong nagbigay sa akin ng moral support at sumuporta sa akin mula pa nung pilian sa LHS. Siyempre una ang faculty at ang buong staff ng Laboratory High School. Kung hindi dahil sa kanila, hindi ko maabot ang experience na ito. Ikalawa ay ang mga kaklase ko. Well hindi man sila lahat sumuporta, YUNG IBA naman, eh nagbigay ng kani-kanilang suporta and I greatly appreciate it. Tapos yung iba pang year na sumuporta din at nagbigay ng moral support, thanks a lot.

Special thanks pala kay Mr. Migraso, ang kintab ng sapatos ko. Di ko shinine hanggang ngayon. Thanks din sa mga tumulong sa akin on the spot. Kay Bule, sa lahat lahat talaga. Dan, swerte yung belt mo.


Parang dying message na ang iiwanan ko. Pero di naman. Nilalbas ko lang yung mga gusto kong sabihin. And tapos na. Di ko alam kung meron pang meetings or something pero bukas meron nga. Siyempre malaki ang pasasalamat ko sa aking inspirasyon, si Maria dahil kundi dahil talaga sa kanya, tatamarin na ako sumali pero dahil na rin sa moral support at sa support nya ay inabot ko ang lugar na ito.

Enough of that...


Balik CO uli ako. After 1 week ng pahinga, CO uli. Kumbaga sa San Andreas ito yung script ko habang nagbike, naka-sando at jeans. "HQ, Home, at least it was before I f*cked everything up." Andami kong kailangang habulin sa lessons, quizzes, modules, assignments etc. Grabe...

Tapos yung kagrupo pala ng III-Entrepreneurship sa Sportsfest, Sincerity. Please cooperate. Kagrupo namin si CONAN!!! WOHOOOOOO!!! Pano ba yan? May Kudo na may Conan pa. Ano pang laban nyan? Nandyan din sa si Ran. Haha, si Megure, si Hattori at si Kogoro. So Detective Conan na yung buong cheering competition.


Andami din palang test bukas!!! Grabe... Sana bigyan ako ng consideration. WAla pa talaga akong napagaaralan...

Anyways, till here na lang... Need to study pa kasi...

Saturday, October 4, 2008

The Legacy Continues

Mahabang istorya...

Nagsimula nuong Thursday ang Foundation Day ng PUP. Dapat nung Wednesday kaso merong legal holiday kaya walang pasok...

Thursday ang arrival of honors. Ang pangulo ng PUP ang nasaad. Anyways, napahawak ako ng flag ng hindi inaasahan. Walang practice, walang kahit ano. As in talagang on the spot. Mabigat pa yung flag. Parang wala muna akong pakialam sa lahat ng nangyayari sa likod. Ang LHS, ang mga ibang tao, mga officials. Nakatuon talaga ako duon sa flag na hawak ko. Anyways, medyo naligayahan ako kasi nakasama ako sa arrivals. Pero ayun. Parang nagfafatigue yung kamay ko. Tapos nag mass. Wala kami sa mass kasi siyempre inaayos yung booth.

Pagbalik, ilang minuto at nagsimula na...


Marami kaming hinuli, kaklase, kaibigan, at kung sinu-sino pa...

Sobrang sakit na talaga ng paa ko. Para siyang sinisilaban pero di dapat makita. Pero ang sakit na talaga ng talampkan ko.

Basta andaming ikukwento sa Thursday pero wala naman masyado ikukwento sa akin...


Friday...

Ito na ang araw na pwede nang hulihin ang mga CO pagdating ng takdang oras. Isang araw na akala ko ay di ko matatakasan. Ngunit ayun nga, kahit anong mangyari, kapag may dugo ng isang Arsene, mailap. Ganito kasi yun...


Todo huli pa rin kami kahapon. Pagbalik ko, sabi ni Maglinte, Tawag ka nung isang babae dun. Tapos tinanong ko kung sino. Sabi nya basta Tapos naramdaman ko na huhulihin ako. Siyempre for self defense, tumakbo na ako palayo. Tapos maya maya, pagbalik ko ng LHS para daw sa paghahanda sa red alert, napansin ko na papalapit na sila Cuadra at Martino. Tinakasan ko na sila at ginamitan ng kaunting "Disappearing Skills".

Ayos na sana ang lahat. Kung hindi lang ako bumalik. Hinuli rin ako ni Migraso at napiit. Ngunit nagamit ko uli ang iba ko pang taktika at nakatakas. At nung nagbalik ako, hinuli muli ako ni Migraso at binasa ng ibang 4th year pero dahil pa rin sa skills, nakatakas pa rin...

Maraming nangyari pero aalis na ako...

Wednesday, October 1, 2008

Ang mga Ilustrado...

Habang naghahalungkat ako ng isang lumang baul, may nakita akong isang kuha mula pa siguro nuong Spanish Occupation...


Mukha silang Pilipino ngunit ang ipinagtataka ko ay bakit wala sila sa libro ng History...


Anyways...

Para sa paghahanda sa Mr. PUP, kinailangan akong alisan ng pagiging COCC. Sa ngayon, hindi talaga ako COCC. As the order had said, "Act normally. Yung parang nung 2nd year ka." Though hindi ko masaktong ginagawa yun, I am doing it.

Sobrang tatagal na ng posts ko. Kumbaga yung interval eh napakahaba. Last post ko ay Sep. 27 pa. Dahil na rin siguro sa "hecticity" at factotum kaya nagaganap ito...

Maraming gumugulo sa akin ngayon at wala akong maikwento. Pero ito nga. Kahit papaano, meron akong updates...


The Meritorious Case

Patuloy ang pagsikat ni Merit. Tila walang katapusan. Halos lahat ng nakakausap ni Codus at ni Arsene, palaging may Merit na karugtong. Though hindi ganuon kasikat na sobra sobra si Merit, kilala siya sa mukha nung ibang taong nakakusap ni Arsene. Meron ding iba na tila nahuhumaling na kay Merit. Isa na nga kaya dito si Rose? Hindi ko alam. Pero may nabanggit ang kaibigan ni Rose kay Codus. Ito ay regarding kay Merit. Ang kaibigan ni Rose ay walang konek kay Merit o humahanga kay Merit. Ngunit bakit nya ito mababanggit. Maaring galing ito kay Rose. Well, haizzz... DI pa siya maisara. Ang hina ng pruweba sa parehong sides...


The Unknown Tipper Case

Sa tagal ng panahon, si Unknown Tipper ay hindi pa rin napagalaman. Sinasabi nga nila na iisa na lang ang Unknown Tipper di tulad nung na-case closed ni Codus. Tuloy pa rin ang batikos kay Unknown Tipper ngunit wala pa rin siyang pagkakakilanlan. Lumiliit ang chances na si Asero.



Anyways, parami talaga ng parami sa mundo ang nagiging feeler at gustong batikusin kung ano man ang nakita. Well ganyan talaga ang mga paepal sa mundo. Malamang mula nung 1st year na nakita ko ang taong ito, epal na talaga. Paano pa natin siya mababago? Malamang ngayon marami siyang friends at marami siyang masasama at mahahawaan ng kaepalan nya ngunit di magtatagal malilinawan din ang buong mundo at malalaman na NAPAKALAKI nyang epal.


Wala na akong maidagdag. Kahapon inayos yung marriage booth. Ngayon, bumagyo. What may be the possible result?