ENTRY 1: Napansin ng Isa, napapansin ng lahat...
Let's get to the point.
Ganito kasi yung napansin ko. There is this one girl. Actually, noon pa naman ako may "something" sa kanya. And before naman, in short, last year, eh, wala namang napakaraming "umaali-aligid" sa kanya. Until dumating yung time na nabunyag ang lihim.
Okay, pinagbigyan ko na intrigahin nila si girl. Pinagbigyan ko lang noon. Pero dumating yung time na to, na ang daming umaali-aligid sa kanya. And as far as I am concerned, it's more than friendship and it's so annoying. Tipong, sa harap mo pa ginagawa. Parang pinapamukha pa sayo. Di bale sana kung di nila alam. Ang kaso, alam nila yung katotohanan, alam nila ang nangyayari, at alam nila ang ginagawa nila. Hindi ako bulag. Alam kong maraming pumoporma porma sa girl mula nung umugong yung pangalan nya dahil sa "pagkabunyag". Tapos, kilala ko rin naman yung pumoporma-porma na may simpleng akbay, simpleng hawak.
Hindi naman sa nagiging selfish ako. Pero sana naman kasi, know your limitations. Wag nyong ipamukha sa akin yung mali ko, o yung mga bagay na hindi ko magawa. Wag naman kasi sobra rin pumorma. Di masamang pumorma. Pero wag mo naman i-take advantage yung girl.
ENTRY 2: Tsismis, Kasiraan, Atbp.
Kung mapapansin sa picture na ito, buhay talaga ang nagiging kapalit ng rumors, o tsismis.
Let us again, get straight to the point.
Hindi na maiaalis sa akin ang tsismis, ang issue. Kumbaga, alam ko na, isang galaw ko, isang balita ang lalabas. Naiinis na rin ako minsan, kasi, nakikipagkaibigan ka lang, binibigyang kulay na. Ang masakit, yung mga kaibigan mo na dapat nagtatanggol sayo, sila pa yung nagbabagsak sayo.
There is this one girl kasi, di ko alam kung siya lang ba o may isa pa, pero more on this girl. She is just a good friend. Katext, kakulitan, kausap. Minsan nakakasabay ko paguwi at papasok. Minsan naman, sinasabayan ko na talaga para di ako mabagot papasok. Ito lang ang masakit. Walang namamagitan sa amin ng girl na ito. Ang masakit, lumalabas na nilalandi ako nitong si girl, tapos parang may something sa aming dalawa na wala naman talaga. Alam mo yung kahit anong explain mo, feeling mo wala nang maniniwala kasi ang bilis kumalat ng MALING BALITA. Tapos, ang masaklap pa, nadamay pa yung girl na ito na wala namang ginawang masama. Pinagbibigyan lang nya ako sa iba kong kapritso na hindi ko alam eh iniisue na pala kami. Isa pa, sinabi mo na na WALA, pinipilit pang MERON. Sana kasi, di na lang nagtanong. Tapos pilit pang inaalam at gustong gusto pang kuhanan ng impormasyon kahit gamitan ng kapangyarihan. Ang ayoko talaga sa lahat, yung ginagamit yung kakarampot na kapangyarihan para mangextort, mangapi at mangharrass ng mga tao. Eh kahit anong piga nyo sa tao, wala ng mapipiga dyan dahil nasabi na nya lahat.
Ito pa ang pinakamasakit sa lahat. Okay, sige, pagbigyan natin yung mga naninira. Posibleng may inggit sila. Pati yung mga "kinakapatid" mo, at mga "kaibigan" mo, lalo ka pang dinidiin. Kung kailan, kailangang kailangan ko ng karamay, kailangan ko ng sandigan, kailangan ko ng magpapatunay na hindi totoo yung mga paratang, sila pa yung mga nakikisama at lalo pang nagpapalalim sa issue. Siyempre, anong tingin ng tao? E di totoo. Kasi mismong kaibigan at mga KINAKAPATID mo ang nagsalita. Hindi masamang macurious. Pero gaya nga ng unang entry, know your limitations. Sana naman alam nyo na nadidiin na yung kaibigan nyo. Alam nyo na nahihirapan na yung kapatid nyo. Wag lang basta issue, bato ng joke. Personalan kasi yung joke eh. You know what, tell you honestly, kaya di ako nagsasalita sa inyo it's because na hindi ako sigurado kung kailan nyo ako ilalaglag. Feeling ko kasi, wala akong sasabihin sa inyo na magiging safe. Feeling ko magkakaroon at magkakaroon ng leak. Which, nagkakatoo naman in the past 3 years tayong magkakasama. Mga pare, mga kapatid, sorry. Pero talagang napupuno na rin ako sa mga issue na binabato nyo sa akin.
ENTRY 3: 3rd Sex
Pinagbibigyan ko na talaga.. Alam mo yun, pero sorry talaga sa tamaan. I don't mean to do harm. Gusto ko lang ilabas yung point of view ko sa issue na ito.
Let's get to the point.
Hindi ako nangdidiscriminate ng tao, or nanunuri ng tao. I respect people kung karapat dapat ba silang respetuhin. Pero ganito kasi yung napapansin ko. May mga bakla na humihingi ng gay rights. Included yung pagpapakasal nila sa lalaki. Di ko pa alam yung iba. As we can see, ang batas ay para sa lahat. Ano pa bang rights ang hihingiin nila? Sabihin nila nadidiscriminate sila? Actually, nadidiscriminate sila kasi minsan sila rin ang may gawa. Or, siyempre, kung may nakitang abnormal yung tao or kakaiba, siyempre, parang ikagugulat nila ito or ayun nga, iba kasi sa mga normal. Sabihin nating hindi lahat ng bakla ay dala ng kanilang kalandian. Pwede kasing sa genes yan. Pero sana naman, galangin din naman nila ang sarili nila. Respetuhin nila ang mga tao. Hindi dahil pogi, Sasabihan mo na "HI (insert name)". To tell the truth, natatakot ako sa bakla. Pero kung makita ko naman yung bakla na matino naman, nirerespeto ko siya as isang lalaki. Nirerespeto ko siya as tao. Pero kung bastos, walang modo, at yung "nangpapana" ng lalaki, naiinis talaga ako.
On the other hand, meron ding mga lesbians. Okay, pagbigyan din natin. Pwede kasing sa genes lang eh. Pero napapansin ko nagiging rampant na. Tapos karamihan pa, mas maraming syota yung mga lesbians kaysa sa mga tunay na lalaki. In short, mas babaero pa sila at mas maraming pinaiiyak na babae. Minsan din, naiinis din ako kung makakita ako ng lesbians na pasimpleng hipo sa babae, pasimpleng mga bagay bagay. Kung ako lalaki, kahit hindi ko naman gusto yung babae, maiinis ako dun sa lesbian na gumagawa nun. Una, di na nya nirespeto yung babae. Sige, pagbigyan natin kung may relasyon sila. Pero kasi kung wala naman, wala naman sanang ganunan. Okay, sabihin nating babae pa rin yung katawan nila, pero hindi lingid sa ating kaisipan na lalaki ang pagiisip nila. Kumbaga, yung mga hawak na yun, kahit sabihin nilang hawak kaibigan, means something. Dun ako naiinis. Pero tulad nga ng ibang baklang dapat galangin, kung may mga tomboy naman na di kabastos bastos, ginagalang ko sila as babae.
Sa huli, hindi ako in favor sa isang environment na may kasamang bakla at tomboy. Hindi sa dinidiscriminate ko sila, pero ayoko lang talaga ng ganun. I believe na ginawa tayo ng diyos bilang lalaki at babae. Kung ano tayo, yun na tayo. Kung puso natin babae pero ginawa tayong lalaki, pilitin nating magpakalalaki. Iyon na kasi yung binigay ng diyos. I believe na sa ginawa nila sa sarili nila, it's a sin. Kumbaga, they contest God. Parang sinabi pa nila na "Mas alam ko kung ano ako". Parang ganun yung pinamukha nila sa Diyos. Well, to tell you frankly, mas masaya ako kung ang tao ay lalaki at babae lang. Walang tomboy, walang bakla.
We all have our own opinions. And this is my opinion. RESPECT IT.
Hanggang dito na lang ang triple entry ko na puro patama.
Friday, September 18, 2009
TRIPLE ENTRY
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 3:50 PM
Monday, September 14, 2009
Hitlist
Umiral nanaman ang pagpapapansin ng Organizacion kay El Capitan. Pero this time, hindi ng kanilang pinuno.
Matapos mapaslang ang kapatid ni Eduardo, nanahimik ito at nagbakasyon muna sa Bahamas. Iniwan nya ang pamamahala sa kanyang madaldal, epal, kulang sa pansin at mukhang pwet ng kabayo na nagkabuhok at nagkabigote na tauhan, si Gerardo. Nagkalat ng maling tsismis nanaman itong si Gerardo. This time, pinaparatangan nya si El Capitan bilang corrupt na opisyal sa pamahalaan.
Tuluyang ikinagalit ni El Capitan ang paratang. Hindi pa rin pala tumigil itong si Gerardo, na kahit namatayan ng kapatid ay nagdadadaldal pa. Dumagdag pa ang isa sa mga tauhan ni Gerardo, si Adolfo Carlo. Itong si Adolfo, bobo, tanga, estupido. Literally. Binagsak nya ang kanyang grade 2 ng paulit-ulit. Nagkataon lang na malakas ang kanyang mga magulang sa paaralan kaya naka graduate siya ng elementary. Pag tungtong nya ng high school, dapat ay tatanggalin na siya sa unang taon pero napagbigyan hanggang 4th year. Pagdating ng 4th year, natanggal din dahil sukdulan na ang kabobohan at puro kagaguhan na lang ang ginagawa sa paaralan. Well, nakikisama si Adolfo sa kagaguhan ni Gerardo dahil nauto siya nito dahil nga sa katangahan nya.
Dahil nga sa nagsanib na ang pwersa ni Arsene at ni El Capitan, may pinaplano nanaman si El Capitan na opensiba para sa mga epal na nabanggit.
"Bumagsak na ang isa... Susunod ka na..."
Maiba tayo, baka mawasak ko yung keyboard sa tindi ng pagtype ko.
Maganda pala talaga yung story nung pelikulang 21. Palabas pa ata sa HBO. Alamin nyo nalang. Tinatamad na ako magkwento.
Marami talaga akong nalalaman these days. Pero yoko na ikwento. Baka mabasa ng mga epal eh, maissue nanaman ako...
Thought of the Day:
Wag mong subukan languyin ang ilog na tahimik. Hindi mo alam, na lulunurin ka lang nyan hanggang sa ika'y mabura.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 6:14 PM
Wednesday, September 9, 2009
One Down
Isa itong achievement sa Mafia Wars sa Facebook, pero this time, it's not about facebook. It's about history..
(Kung may assignments kayo, or researches na gagawin, wag po ninyo gamitin ang aking site as reference dahil ang ibang scenario dito ay more on representation lang naman. Hehe.)
May isang nananahimik na tribe na ang pangalan ay Mongol. Itong mga Mongols ay namumuhay ng tahimik, at payapa. May sarili silang sibilisasyon, may sariling kultura at may sariling pagkatao. Pinamumunuan ito ni Genghis Khan.
Isang araw, sa kanilang pananahimik, mayroong dumating na dambuhalang beast. Inakala ng mga tao na ito ang kanilang diyos na bumamaba sa lupa para parusahan sila. Ngunit ang kanilang ipinagtataka, ang dambuhalang beast ay mayroong mga sakay na tao. (Ang dambuhalang beast po ay isang barko.) Bumaba ang isa sa mga tao na nakasakay sa dambuhalang halimaw at nagsalita. "Ako si Wandajajardo. Ako ay mula sa kaharian ng Jardo. Inuutusan kayo ng hari na magbigay sa kanya ng tributo."
"Nauulol ka na ba??" Pagalit na tanong ni Genghis Khan.
"Kung di kayo magbibigay ng tributo, gegerahin namin kayo. Kung di rin naman kayo magbibigay ng tributo sa amin, di kami papayag na magkaroon kayo ng kalayaan."
"E di gerahin nyo kami." Sabi ni Genghis Khan.
Nagsimula ang digmaan at nagwakas makalipas ang 3 taon. Siyempre, hindi naman malakas si Wandajajardo. Nagkukunwari lang siyang malakas para matakot sa kanya ang mga sinisingil nya ng tributo. Napatay si Wandajajardo sa digmaan. Dahil sa ginawa ng Kaharian ng Jardo sa kanilang tribo, nagalit si Genghis Khan at naisip nya lusubin ang buong Jardo. At duon nagsimula ang mga conquest ni Genghis Khan at ng mga Mongols.
Sa ibang usapan naman...
Saka na, kasi di ko naman pc tong ginagamit ko.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 3:04 AM
Friday, September 4, 2009
Arsene Returns Home
Ilang buwan din ang lumipas mula ng umalis si Arsene sa Vintage Spy Office para magbakasyon. Subalit, ito ang mga kaganapan habang siya ay nasa bakasyon nya.
Merong nakilalang isang army commander si Arsene habang siya ay nasa Cuba. Ito ay si Capt. Rodriguez. Sikat si Capt. Rodriguez. Maugong ang kanyang pangalan sa buong Cuba. Una kasi, si Capt. Rodriguez o mas kilala bilang El Capitan ay maraming kakilalang sikat na tao. Isa pa, siya ay may malaking reputasyon sa buong Cuba. Isa siya sa mga respetado, kinatatakutan ng mga ilegal at kinhuhumalingan ng kababaihan. Naging kaibigan ni Arsene si El Capitan.
Ngunit, di pa man nagtatagal si Arsene sa kanyang pananatili sa Cuba, nalaman nyang may suliraning kinakaharap si El Capitan. Bukod pala sa magagandang naririnig ni Arsene tungkol kay El Capitan, marami ring nagkalat na masasamang balita ukol kay El Capitan. Ilan na dito na sinasabing nambabae siya. Yun ang pinakamaugong sa lahat. Sinubukang bantayan ni Arsene si El Capitan at mayroon siyang napansin. Dahil nga sa lubos na katanyagan ni El Capitan, marami ang nakikipagusap sa kanya. Napansin ni Arsene, na sa tuwing may kausap na babae si El Capitan, kinabukasan o makalawa, maugong na ang balita sa bagong babae ni El Capitan. Naisip ni Arsene na sobra na ang paninira nila kay El Capitan.
Inalam ni Arsene ang pinangagalingan ng isyu. At napunta ito sa isang grupo. Isa itong grupo na nagkakalakal ng droga, mga taniman ng marijuana at mga ilegal na pasugalan sa Cuba. Ang pangalan ng grupo ay Organizacion de Cuba. Pinamumunuan ito ng isang tinatawag nilang Big Boss. Nakilala ni Arsene ang "Big Boss" na si Eduardo Domingo, isang Mexicano. Meron siyang kanang kamay na siya ring namamahala sa mga ilegal na gay bar sa Cuba. Ito ay si Gerardo Ponciano. Marami pang tauhan si Eduardo. Nakatanggap din si Arsene na lahat ng babae na naiisyu kay El Capitan ay binibigyan ng threat ng Organizacion. Sinasabi na ipapapatay ang pamilya at iba pa. Marami ang natatakot at naiilang na lumapit kay El Capitan dahil sa bantang ito. Inalam ni Arsene bakit ito ginagawa ni Eduardo. Nalaman nyang matagal na palang nais ni Eduardo na masama sa Organizacion si El Capitan. Pero dahil nga sa nasa tamang pagiisip pa si El Capitan, di siya sumama. Binigyan din siya ng mga lagay pero di nya tinatanggap. Dahil dito, napapahiya ng lubusan si Eduardo. At naisip nyang kung di rin naman mapupunta sa Organizacion si El Capitan, walang ibang taong pwedeng umangkin dito.
Naging epal sa buhay ni El Capitan si Eduardo mula noong tanggihan nya ang alok ni Eduardo. Nang napuno si El Capitan, naisip nyang ipahuli ang mga nalalaman nyang ilegal na pasugalan ng Organizacion. Nalugi si Eduardo ng malaki. Ngunit mas tumindi ang galit ni Eduardo ng mayroong tatlong dalagang humingi ng tulong kay El Capitan dahil sa pangaabuso ng ilang tauhan ng Organizacion. Nagpakalat nanaman ng isyu si Eduardo na pinaglalaruan ni El Capitan ang 3 babae at pinapaikot ikot sa mga palad nito. Nakikisang-ayon pa ang mala-demonyong kanang kamay nito na si Gerardo. Kumalat ang isyu. Sobrang threat pa lalo ang natatanggap ng 3 dalaga at kailangan ito pigilan ni El Capitan. Magkagayunman, hindi nya maipahuli si Eduardo pagka't pamangkin ito ng pangulo ng Cuba.
Ilang araw ang lumipas at nalaman ni Arsene ang tungkol sa pagkasunog ng bahay ni Gerardo kung saan, nasugatan ng malubha ang kanyang kapatid. Makalipas muli ang ilang araw, nakita ang bangkay ng kapatid ni Eduardo na duguan sa gitna ng kalsada at binunutan ng mata. Napagalaman din ni Arsene na nakatanggap si Eduardo ng package na laman ang mata at dila ng kanyang kapatid. Brutal ang pagkamatay nito.
Bumalik si Arsene sa Maynila upang magdala pa ng ibang tools. Nais nyang tulungan si El Capitan na sugpuin ang numero unong gumagawa ng krimen sa Cuba. Sisimulan nila ito sa mga lider. At siyempre, mas maganda ang paghihiganti kung paunti-unti...
"Patikim pa lang yan, bagsak ka na, paano pa kung bagsakan ka na ng galit ni El Capitan?"
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:48 PM