"Four hostile newspapers are more to be feared than a thousand bayonets."
-Napoleon Bonaparte
Kaya idol ko yung ideas ni Napoleon eh. Napaka-practical. Ito kasi yun, bago ko pa maibuhos yung galit ko sa keyboard ko, mas maganda na malaman nyo ng bahagya ang istorya.
Saturday, pinilit kami manood ng isang film. Nagkainipan sa film at inantok ako. Pero di ako pwede antukin. So kinausap ko yung katabi ko na hilutin ako sa kamay kasi nahihilo na ako at inaantok pa. Luckily, mabait ang katabi ko.
Yun ang nangyari.
This day, Tuesday. Around 3:30 p.m. Ininform ako ng kaibigan kong si Migraso ang tungkol sa kumakalat na issue na tungkol sa akin at di ko alam. So ito pala ang kumalat. Nagkaroon ng usap-usapan na nag-holding hands daw kami ng katabi ko, at dumating sa punto na kami na ng katabi ko.
Dagdag to sa problema ko actually. That moment kasi, I was looking towards the window tapos may mga pangyayari na ayoko irelate at nakakainis. Tapos may binalita pa si Laguatan. Tapos dumagdag to. Parang gusto kong sumigaw right at that very moment.
I-clear ko muna lahat. Bago ang lahat kasi, meron akong kaibigan na siguro ay naapektuhan dito sa issue na to. Siguro isa na yung katabi ko, at yung isang kaibigan ko. Pre, di kita tinatalo. Pangalawa, ayoko namang magisip ang iba ng masasamang bagay against sa katabi ko and against sa akin.
So tapos na tayo sa clarification. Alam ko kasi, na klinaro ko na ang mga bagay bagay kanina, bago ko kumalat ang issue. Sa kung sino man ang nagkalat nito; di ko alam kung mababasa mo to, or mababasa nyo ito. I know di to gawa ng iisang tao lang. Kakalat in a minute? At siguro, di nyo alam kung anong effect ang magagawa nito. Siguro napagtuwaan ikwento, yung nakwentuhan, nagtanong-tanong, tapos kumalat tapos nagkaroon ng iba't ibang version. Gusto magpasikat ng bawat isa. Mga P***** I** nyo, ayusin nyo muna mga P***** I**** buhay nyo bago kayo nakikialam. Unang-una, hindi nyo alam yung nangyari. Tapos ganyan kayo magsi-asta. Parang kayo yung may hawak ng buhay ko? Eh mga G*** pala kayo eh! Lalakas nyong mamuna. Eh kung isa-isahin ko kaya kayong mga G*** kayo? Yeah, I know you. Kilala ko na kayo. At identified na yung mga G***** gumawa nito. Hoy, g***, kung nababasa nyo man to, o kung hindi dahil tingin ko na estupido naman kayo pagdating sa bagay na to (sige, diskriminasyon na. Stupido naman kayo eh), mabuti pa isuko mo na sarili mo. Bago ko pa mahampas yang pagmumukha mo.
Inis na inis ako kasi yung mga ganitong bagay hindi pinapalaki. At hindi ginagawang issue. At hindi dapat pinoproblema. Pero kung kasing gagago ng mga taong to ang makakahalubilo mo, eh di ka talaga makakapagpigil. T*** I*** mo, trayduran pala gusto mo ah. Sige...
Gaya nga ng sinabi ko, maraming effects ito. At ngayon, di na siya nagtetext. Hoy ulol, ano, masaya ka na sa ginawa mo?
Yung suspects? Di ko na ilalagay dito. Baka mamura ko yung pangalan eh. Kawawa naman yung mga magulang nila na nagisip ng pangalan nila.. Basta tandaan mo, binabantayan kita.
Sa ibang usapan...
Bukas, maraming presentation. At bukas makikita ko nanaman yung mga P***** I***** traydor na nilalang na to. So wala akong magagawa. BUkas kasi, merong something sa Office Procedures at ang ilang linggong naudlot na sabayang pagbigkas, at last, matutuloy na.
Goodluck.
Tuesday, July 28, 2009
Yes, You
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:24 PM
Thursday, July 23, 2009
23rd of July
"Bobo mo Clarin.."
Paulit-ulit na umaalingaw-ngaw na sinasabi ng kalooban ko. Pano ba naman kasi, mag gogoodbye lang, di ko pa magawa. Parang gusto kong sabihin pero parang gusto kong kumuha ng buwelo tapos huli na ang lahat.
Tulad nga ng nangyayari ng mga nakaraang araw, ganun nanaman.. Sabi nga eh, "Nakakapagsalita ka lang sa text". Pero hindi talaga madaling magsalita kapag nasa harap ka na.
Sa tuwing idle time ko sa bahay, naiisip ko yung mga sasabihin ko. Tipong kaharap ko na at sasabihin ko na lang. Madali. Sobra. Napakasimple lang naman kasi. Pero once na nandun ka na, parang ang hirap gawin. Especially pag pinaglalayo kayo ng pagkakataon.
Ayun, sayang talaga. Tanong nga ni Gianan, "May next time pa ba?" Sa isip ko, "sana naman, para makabawi ako sa 2 taon kong kabobohan."
In other usapan...
Na-late kami ng paguwi today. Pero feeling ko, okay lang. Kahit punong puno ako ng pagsisi habang umuuwi ako at habang nasa jeep ako. Nagkaroon ng "real progress" ang aming ginagawang sabayang pagbigkas. Kahit kaunti, at least, may nangyari. Pero as expected, cramming. Matapos itapon ang mga naunang araw..
Isa pang good news.. Dumating sa aking kaalaman na ang PUPLHS Chorale ay published sa Press Release ng Department of Foreign Affairs ng Republika ng Pilipinas. Hindi lang yan, nandun pa ang picture namin! Ito ang site..
http://dfa.gov.ph/?p=7020
http://www.gmanews.tv/story/167434/PUP-choir-gets-award-at-Malaysian-choral-fest
Ayan.. Grabe, nakakataba ng puso. Kahit Cantamus ang nag overall. Well, buti pa GMA News, binigyan kami ng halaga. Hehehe...
Sa ibang usapan uli...
Marami na talagang nahook ngayon sa larong The Godfather. Well, since 3rd year, ito na ang kinaaadikan ko. Parang naging kapalit siya ng GTA San Andreas na sakaling may kagalit ako ay dun ko ginaganti. Pero mas astig kasi ang execution styles sa The Godfather. So available ang installer CD sa akin. Kung sinong gustong mag install, just approach me..
So aalis muna ako dahil may mga gagawin pa ako at mag seek ng help ng mga magagaling na advisers ko. So goodbye for now...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:29 PM
Sunday, July 19, 2009
Too many...
Andami talagang nasa isip ko... Marami akong gustong itype kaso napaka limited ng time, limited ang space at limited lahat ng bagay..
So gagawa na lang tayo ng mga buod...
Nung mga nakalipas na araw, galing kami ng Malaysia. Meron kaming dinaluhang choir competition. May mga pictures. Dun nyo nalang tingnan.
May mga days rin walang pasok. Mga days na walang CAT at mga days na puro laro ang ginagawa ko... DAMN!! Gusto ko na magbagong buhay!
In other news...
Yung Paranoia case, may updates pero di ko muna ikukwento.
Tapos, siyempre, umulan, bumagyo, tuloy pa rin ang ating mga imbestigasyon.
Dahil dyan, isang bagong case ang naformulate.
The Mr. X Case
Si Mr. X ay mayroong kaibigan. Si Y. Well, matalik na magkaibigan sila ni X. Ngunit dumating ang time ng paghihiwalay. Kailangan pumunta ng ibang bansa ni Y. So walang nagawa si X at kahit gaano siya kalungkot ay tinanggap siya na mawawalan siya ng kaibigan.
Lumipas ang ilang buwan. Sa mga unang araw, mababakas talaga kay X ang kalungkutan. Ngunit sa mga sumunod na araw ay makikita ang pagbabagong anyo ni X. Ang dating tahimik at masikretong X ay naging maingay at pranka. Maraming nagbago kay X. Pati ang pakikipagkaibigan nya. Napansin ito ng 2 world renowned na detectives. Si L at Arsene. May mga sources si Arsene na nagsasabi na may iba nang kaibigan si X. Nagkaruon na ng kanya kanyang kuro-kuro.
Sinabi ni L na baka dahil sa kalungkutan ni X kaya nya nagagawa na makipagkaibigan sa iba. Para icover up ang kalungkutan. Pero di alam ni Arsene kung 100% na magagree siya sa theory na to. Duda siya sa mga bagay-bagay. Kaya di nya tinapos ang kaso sa theory na iyon.
Ayun, marami pa akong gagawin.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:01 PM