Dahil sa dami na naman ng ipopost ko, narito ang listahan. Gagamit ako ng numerical[galing ito sa natutunan kong Spanish numerals..]
Let's start with 10.
10.Rocking the Boat-Napakahirap magdala ng napakaraming parapernalya para sa lintik na sayaw na yan! Una. Sabi sa Wednesday daw. Goodthing hindi natuloy kasi wala pa naman nakapaghanda ng sayaw. Second. Ngayon. Flag Ceremony pa. And kailangan pa magmadali dahil sa inaakalang sayaw na iyan. Pero nag-move bukas.. Disadvantage:kumpleto na sa gamit. Tapos biglang magbabago??? Advantage:Hindi alam ni LEmoncito ang sayaw. May ilang oras pa siya para matutunan ito at hindi siya magkalat sa harap ng mapanghusgang mga mata.
5.Lucky 9-lucky number daw, 9. Ano nga bang meeron sa 9 at na adik ako ng todo??? Base on Arsene's research, Ang 9 ay maaring maging 6 kaya nilalagyan ng marka sa billiard. Speaking of billiards, merong competition na 9-ball championship sa pool at billiards. Lastly, ang 9 ay hindi nabibilang sa numero ng mga Espanyol. Hindi ka makapaniwala? Para lang yan alphabet pero walang G. This time, 23.49, translate it to Spanish ay 23.45!!!!
4.Captain Nguso Episodes-mayroong nagrequest sa Vintage Spy at sinabi na ilabas na ang Season III. Sa aking opinyon, wag muna.. nakakabaliw ang magtype ng 2 episodes per day no!! Saka nga pala, yung Captain Nguso, may mga inedit na ako. Kung dati puno ng pagmamahal at pagsinta ito [ang korni no?] binago ko na. Naisip ng Vintage Spy na ang pagibig, nanlalabo din.
3.Pahirap sa Estudyante-Ano nga ba ito? Yung mga sasagutan na kailangan mong habulin dahil ilang araw lang ang ibinigay. Di bale sana kung may essence ng CP yang MAKABAYAN! Wala eh! Mahirap din maghanap ng source. Marami ng madamot... Isa pa ang PEriodical. Ano ba ang silbi nito? Para sa estudyante: wala; para sa brutal na guro:pahirapan ang estudyante, para sa henyo:pampalipas oras; para sa bobo: para may ibagsak; at para sa eskwelahan, kumita ng baryang kita sa papel. [no offense!] [wPero base sa research ng VintageSpy ang periodical ay may sariling history... Noong panahon ng mga Kastila, hindi tayo nakatikim ng edukasyon. Kaya noong dumating ang mga kano, Tamad ang mga tao magaral. Ngayon actually hindi sa Pilipinas galing agn Periodical Exams kundi sa MAdrid, Spain. Sa eskwelahang pinagaaralan ni Rizal, hindi siya nahihirapan.[wala pa noong periodical] Kaya umisip ang guro nya ng isang pagsubok kung saan hindi masasagot ni Rizal. Pero dahil tunay na henyo si Rizal, nasagot nya ng walang hirap. Nag-enjoy ang guro sa kakatanong hangang naisip nya na mas maganda kung mag-survey siya ng nakakaintindi sa asignatura nya. Nung nag survey sya, lumabas na maraming mataas dahil sa pangyayari. Pinamalita nya ito sa kapwa Faculty Member at lahat ay nag-conduct ng kanya-kanyang survey. Hangang sa umabot sa buong mundo at ginawa na nilang "pahirap sa mag-aaral" imbes na survey....
2.History of PEriodicals-[nabanggit ko na ata ah!]
1.La Doctrina y Conocimiento.
Nilabas ko na ang trailer. Dec. 25 ang showing.
Monday, October 15, 2007
On Learning to be a Spanish
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 8:57 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment