Lumipas na ang halos 1 linggo ng pagpapaka-dalubhasa sa pc at San Andreas. Malapit na naman dumating ang pasukan[wag mag-isip ng masama]. To be specific, end of semestral break. Kung bibilangin meron pang 5 araw, 8 oras, 35 minuto at 36 segundo para sa katapusan ng bakasyon at 57 araw bago dumating ang kapaskuhan..
Speaking of "Christmas". Alam nyo ba na ang simbahan lang ang nag-declare na Dec. 25 ang pasko? Ginawa ito upang ang mga Roman pagans ay magcelebrate ng pasko na hindi mawawala ang kanilang tradisyon na winter festival. In short, ginawa ito KASABAY ng winter festival. At ang nagdesignate ng date na ito ay si SEXTUS JULIUS AFRICANUS na isang christian traveler at historian. May mga nag-claim na ang tunay na kapanganakan ni Jesus ay April or March. But whatever it is, ang importante ay agsaya tayo at magdiwang..
Naguguluhan talaga ako kung gusto ko na pumasok ng school or i-extend ang bakasyon. Walang katapusang panonood ang ginwa ko mula pa kahapon kaya tinamad akong mag-internet. Bahala na. Basta ang importante ay tao pa ako.
Kaunting kaalaman:Si Thomas Edison ang nagimbento ng salitang Hello bilang greeting sa Telepono. Si Alexander Graham Bell naman ang nag-isip na ahoy-hoy! Ang greeting...
Monday, October 29, 2007
Coming of the End
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 3:19 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment