Monday, January 7, 2008

The job that fits them...

Parang walang koneksyon ang aking title dahil naisip ko lang ito habang ako ay naglalakad. Sino nga ba ang "them?" Sila lang naman ang mga gays (masayahin). Ano nga kayang job o trabaho na babagay sa kanila? Clue: Isa itong trabaho na ikatutuwa nila. Ang employer pa mismo ang babayaran ng employee o ang gumawa ng trabaho.

Sabi ko nga walang sense.

Naglalakad ako sa isang madilim na lugar. I realized, nasa Montgomery pala ako. Nagising ako ng isang walang kwentang alarm. Kailangan na pala pumasok. Kaya lang parang ayoko pumasok. Una dahil wala pa akong nagawa sa mga nakatakdang aralin sa akin. Pero yung mga ka-grupo ko sa Biology, wag na kayo mag-alala. Dadalhin ko ang ating ipapasa sa Wednedsday? or Thursday? pero YOU OUGHT TO PAY ME. Bukas na nation pagusapan.

Wala naman akong ginawa sa P.E. We just wasted our time. Parang nonsense ang buong araw sa akin siguro na rin kasi sa wala ako sa aking Nissan Skyline na kumpleto sa accessories at parts, or wala rin ako sa aking Remington na modded. Hindi rin ako naka-suit or naka Cop Uniform. Kaya parang nonsense. Pero kailangan ko na muli i-value ang time ko. Hindi na dapat ako magpadala sa mga ganyang bagay.

Limited na rin ang oras ko sa PC dahil ang aking ama ay nagtatrabaho na sa PC na ito (Mas maganda ang nasa opisina nya, Vista na, LCD pa! Ito Game-packed PC lang to!!). Napupuna ko sa mga sunod-sunod na araw ang pagkawala ng mga nag-oonline. Dahil dyan, magkakaroon ako ng malawakang Sona. Tatawagin ko ang aking walang kwentang proyekto na P2 USAGE. Naalala nyo pa ba ang pinabayaran sa ating directory? Mula nuong iniabot ito, hindi ko pa ito nagamit o nabasa man lamang. Kaya gagamitin ko ito para mambulabog (victor laughs*).

Mula ngayong araw na ito, Cease Play muna ako. WALANG LARUAN. Dahil na rin sa excessive na pananakit ng aking ulo. Isa pa, mayroon na akong mas maiksing oras para sa PC. Andami talagang ipinapatupad sa mga oras na ito. Buti na lang andito pa rin ang katuwang ko, si Carlo Rossi. HAbang may Carlo Rossi, tuloy an LASINGAN!!!

May mga tao ngayon na mapanlinlang. Isa na rito ang mapaglinlang na Cho Chang. Well, si Cho Chang ay ang babaeng tsino sa Harry Potter. Pero siyempre, HINDI SILA MAGKAMUKHA. Ayoko ng walang kwentang intriga HINDI SILA MAGKAMUKHA. Buhok lang ang pinagkapareho nila. Pero maliban duon wala na. Pero meron akong kaibigan na gagawa ng DVD. Wala lang.

Siyempre dahil andito uli ako sa paaralan, hindi pwedeng hindi ko makita si ****************. Dadaan at dadaan iyon dahil andito ako (victor laughs*). Well, ganyan talaga ang buhay. Kailangan nga mamili eh. Yun nga lang, nasa dulo ang resulta ng pagpili. WALA AKONG PINATATAMAAN. Alam ito ng aking kaibigan pero hindi lahat.


May mga iba din na nanamantala sa Bagong Taon. MAy bagong notebook, bagong bag, bagong cellphone, bagong salamin, bagong kasarian, bagong gago at bagong pagkatao. Pero wala pa ring bagong mukha na darating. Next school year, siyempre meron nanaman.

Mahaba haba ang aking post dahil na rin sa ilang araw na hindi pagpopost. Well, ang masasabi ko lang ay may blog na si EPHRAIM...

Thursday, January 3, 2008

Ang CJ na sabik sa camera

Wala akong pinatatamaan o tunay na taong binanggit. Proper noun man ito, siya pa rin ay isang San Andreas Character. At siya ay si Carl Johnson. Ipopost ko mamaya ang kanyang footages.

Kanina, pagkagising ko narinig ko sa aking transistor radio na MAY PASOK NA NGAYON ALL LEVELS. Ang unang sabi sa akin ay January 7 kaya na-shock ako. Base sa aking BUONG ARAW na pagiimbestiga, wala namang naganap na pasok sa PUP at TUNAY NA 7 PA ANG PASUKAN. Hindi ko alam ang naging ekspedisyon ni Migraso sa PUP. Ang MAKABAYAN ay aking naiwan kaya wala talaga akong magagawa duon. Ang Algebra, nakapagsimula na ako ng Excercise 6.1! Andami pang NATITIRA!!! Nakakatamad kasi gumawa ng mga bagay na ganyan.

Wala namang significant na pangyayari ngayon pero bukas baka hindi ako makapag-OL dahil ako ay lilisan. Kaya wala akong bagong footages.

At narito na ang aking mga nakuhanan sa loob ng 3 oras!! Katunayan, marami ito pero hindi magkakasya sa web log.


Ito ang isang kuha na kasama ni CJ ang Suicidal Photographer


Ito naman ang aking MODIFIED VEHICLE SA SAN ANDREAS.


Ang tunay na kulay ni CJ. Modified Vehicle din ito. Avispa Country Club ang background


Ang modified vehicle muli. Pangit ang handling nito. Pero ayos naman sa porma...


Ang Vintage Car sa San Andreas. Ito ay modified din...


"CJ the Racer" Ang kareristang si Carl Johnson katabi ang isa pang modified vehicle nya!


"CJ the Biker" Biker naman ang attire ni CJ. Ang mototr ay hindi modified


"Paramedic Nigga"


Isang nasagasaan ang tinutulungan ni CJ.


Ang tangang pulis


You are UNDER ARREST!

Mayroon akong mahigit kumulang sa 210 na images sa aking gallery sa San Andreas. Ilalabas ko ito kapag wala na akong maipost. Sa ngayon, ito muna ang nagkasya...

Wednesday, January 2, 2008

A cheers to a new assignment


"Free to Enter"

Aking napag-desisyonan na wag na pumunta sa 3 dahil na rin sa walang kasagutan ang aking ipinadala. Ewan ko lang kay Migraso o sa iba pang nilalang. Matagal din akong hindi nakapagsulat ng post dahil na rin sa paglalaro ng San Andreas at ang addiction ko sa lahat ng alak sa bahay. Well, as of now, 0 out of 20 assignments ang aking nagawa (Kay Capitulo lang naman ito. Kung nagtataka kayo bakit 20, bilangin nyo yung mastery tests at excercises.). Tinatamad pa akong gumawa especially napakahirap ng gawain. Well yung sa biology, nakahanap na ako ng source at ang tanging gagawin ng aking group members ay bayaran ako ng P10. (Prices may vary without prior notice)

Isang araw, nakatanggap ako ng sulat na kailangan kong puntahan. Sulat ito mula sa bangko at kailangan kong puntahan ang pera. Ito ay nasa Cavite pa, bandang Panapaan. Nagbyahe ako ng matagal, nag bus, nag shuttle, nag train, nag jeep, nag tricycle at tumawid sa ilog (Ito ay located sa LAS PINAS. Prinza ang tawag nila sa lugar na iyon. Maari ninyong tanungin si Gianan ukol dito. Ito ay isang "parang pedicab", 6 seater, tapatan at tinutulak ng isang lalaki. Ito ay tatawid sa ilog na pabagsak sa isang talon). Inabot ko rin ang nasabing bangko. Nung chineck, nasa bank account ko na pala at maari ko nang widrohin. Sayang ang pagod...

Bago mag bagong taon, kailangan dumaan sa Binondo o ang Chinatown. Dahil na rin sa Eng Bee Tin. Wala namang nagnyaring significant...

Siyempre nuong pasko, andaming nagbigay ng alak. May Red Wine, White Wine, Cognac, Champagne, kahit Vodka, may nagbigay pa. Kailangan tikman ko ito dahil nasa harap ako ng napakaraming bisita. Hindi maaring mapahiya ang host. Kaya bawat isa kailangan tikman. Na-adik ako ng todo sa red wine, besides sa mabango siya, may iba siyang after shock. Yung vodka kasi parang bumabara sa lalamunan. So ayun, buti at nasa bahay ang mga alak, araw araw akong nakakainom...


Ilang araw na lang pasukan na. Pasukan meaning Resume of Classes at ilang araw na lang rin ay exam na. Nawa'y patnubayan tayong lahat ni Anito Inn.

Marami na naman akong nakuhang photos sa San Andreas. Isa dito ang Suicidal Photographer. Iba ang mukha ng dalawang ito...



Ito naman ang aking Doom's Ride na tinatawag...


Kung may Doom's RIde syempre meron ding Haunted House sa San Andreas naroon din ang Doom's Ride




Hanggang dito na lang muna. Ang 48 ay ilalabas pagkatapos ng exam.