It's been a long time since I posted something on this blog. Sobrang busy kasi sa life and studies (mostly) and siguro di ko na kinailangan mag-post since akala ko okay na ko. Mabubuhay na ko without this online diary I created. But I was wrong.
Itong post na gagawin ko is written in Taglish since di ko nga alam kung may audience tong blog na to. Pero if ever ikaw, napadaan ka dito, baka mas maintindihan mo kung ganito ko isusulat. Anyway, pag sumikat naman tong post na to eh automatic na to itatranslate ng mga news websites. HAHA. This post is not just about me. About din to sayo. Baka kasi nakakarelate ka. Tungkol kasi to sa life choices.
Ganito kasi yun, CPA na ako. Graduate ako ng BS Accountancy sa University of Santo Tomas. Isa to sa mga top performing schools pagdating sa Accountancy. Sa listahan nga ng CHED ng top performing accounting schools, lagi kaming pangalawa. This year lang, nakapagtala yung batch namin na grumaduate ng 97% passing rate. WTF di ba? I consider mo na almost 400 students from UST ang nag take ng boards. Enough about UST, balik na sa akin. Ayun nga, maliban sa graduate ako ng prestigious na school, wala din akong bagsak. I graduated on time at mataas ang General Weighted Average ko. Di sa pagmamayabang, medyo angat ako ng konti sa mga average students ng UST. That's why naging madali para sa akin ang maipasa ang board exam at makakuha ng job offers. Pero eto ang issue...
Sabihin nyo nang maarte, sabihin nyo nang feeling entitled pero mahirap pala na di mo gusto yung course na tinapos mo. Madami akong job offers from accounting firms, private companies and such pero karamihan dun dineadma ko. Yung ibang pinansin ko, di ko pinursue nung contract signing na. Hindi masama yung sweldo (kasi normal talaga sa accountants maliit starting salary), hindi pangit yung kumpanya pero talagang wala sa puso ko. Pumupunta ako ng interview na tinatamad at nagpapainterview ako na walang alam about their company. Tagalog sinasagot ko sa interview at kung minsan nagjojoke pa ko. Kumbaga, di ako seryoso. May mga nagdecline na din sakin dahil sa behavior ko na to pero yung iba, okay lang sa kanila. Eh kaso, di nga okay sakin.
E bakit nga ba kasi ako nagiinarte? Ganito kasi. Ayoko maging accountant. 4th year high school ako naisip ko na gusto ko mag seaman. Tapos nung pagkagraduate gusto ko na maging ambassador. May common denominator di ba? Yun e yung makapunta ng madaming bansa because of my job. Yep. Gusto ko magtravel. Mahilig ako sa history at mahilig din ako makipagsocialize sa mga ibang beings. That being said, natuwa ako na may course pala na inooffer for such passion. International studies ang pangalan. Siyempre yun ang pinili kong course. Pero bilang isang mahirap at bilang mga magulang mo e accounting graduate, tingin nyo, natupad ba gusto ko? MALAMANG HINDI. Sabi nila, "walang trabaho dyan", "walang pag-unlad" and the likes. Common baby boomer mentality. Kelangan white collar job, kelangan office/desk jobs. Pero kasi itong generation natin, ayaw natin nun e. We are born curious. Gusto natin na may adventure. Gusto natin ginagawa yung bagay na makakapagpasaya sa atin. Pero ang problema, yung iba sa atin, sobrang masunurin. Just like me. So siyempre kinuha ko yung BS Accountancy.
Soooooooooooooooooooooooooooooobrang hirap ng accountancy sa UST. Lahat ng mga taga-UST masasabi yan. Sabi ko "Tangina pag bumagsak ako dito shift na. At least napakita ko sa parents ko na triny ko pero di ko kaya" (legit na kasama mura). PERO DI AKO BUMAGSAK! Naexempt pa ko sa retention exam (exam para maretain sa accountancy program). Pinakamahirap dito sa situation ko, di ko pwede sabihin sa mga kaibigan ko na di ko gusto ang accounting. Di sila maniniwala. Mukha akong pa-cool na mayabang na kid. Or yung iba, masasaktan kasi sila nga natanggal e. Bawal din sabihin sa parents kasi sila nagpapaaral sayo e. Technically, I just kept it to myself. Until may nakilala akong isang friend na pinagsasabihan ko lahat ng hirap pero ibang kwento yun. Anyway, siyempre since andito na ko, ginalingan ko na. Gusto ko lang grumaduate. Gusto ko lang masabi na "Ma, Pa, eto na, graduate na ko ha". Grumaduate ako. On time. Walang bagsak. Walang repeat. Wala din akong org nung college (ang hirap isabay).
Nung grumaduate ako, super saya ng parents ko. As in. Yun lang dahilan na sumaya ako. Pero ako, kung ako lang, masaya ba ko? Sakto lang. Kupal pakinggan di ba? Pero kasi ano mang bagay na di mo gusto, tapos nakuha mo, parang di ka pa din masaya. Kahit madami naiinggit sayo. Iba feeling e. Parang okay success, tapos na, pero di ka pa din masaya. Ganun. Well sumaya lang ako dahil nga masaya parents ko saka batchmates ko. So board exam na. Pumasa ako. Kahit puchu aral lang ako. Sobrang saya nanaman ng mga magulang ko. Walang katapusang buffet, congrats, celebration. Ako? Sakto lang. TANGINA MO VINTAGESPY! TANGINA ANG YABANG MO! Feeling ko ganun sinasabi nyo sakin ngayon kasi puta CPA Boards? Sakto lang nararamdaman mo? King inang yabang mo hayop ka. Andaming taong di pumapasa dyan. Isa sa mga pinakamahihirap yan tapos sakto lang? Itong mga words na to ang dahilan bakit wala akong masabihan. Na sakto lang nafeel ko. Kasi masasaktan ang mga bumagsak at maiinis ang ibang pumasa. Mayayabangan sila sa akin, wherein fact, ayoko lang talaga nung ginagawa ko kaya di ako masaya.
E di eto na, porket UST tapos CPA andaming job offers (sinungaling mga kumpanya na nagsasabi na di sila nagbabase sa school). Pero sobrang picky ko. Tapos yun nga nakwento ko na sa taas yung nangyayari eventually.
Eto dilemma ko ngayon. Deep down in my heart, gusto ko pa din magwork while exploring the world. Pero it seems di yun yung nakalaan para sa akin. CPA ka e, tapos kukuha ka ng ibang job? Medyo off yun. Di talaga pinapansin applications ko. Right now, meron akong hinihintay na company. Di ko talaga gusto. Pero I've got no choice. Pressured ako sa bahay to work. Pressured ako by my peers. I tried staying off facebook and twitter pero sa bahay naman di ako tinitigilan. So now, I am forced (strong word pero wala na kong ibang maggamit to describe what I'm feeling) to take any accounting job na good sweldo. Heaven knows ano nakalaan para sa akin.
E ano pinaglalaban ko at ano matututunan mo sa sinulat ko? First, choose your career path. Okay lang maging "suwail" sa magulang basta tama ginagawa mo. Minsan kasi, ang old ng thinking nila e. Nageevolve na ang times e. Iba na yung uso. Iba na yung kelangan. Dapat sumabay tayo dun. Wag mahiya na mag reason out sa parents. Sabihin mo sa kanila yung saloobin mo. BAKA maintindihan ka nila. E pano po kung scholar ako at walang choice? Di para sayo ang post na ito. I could've insisted on my choice pero I didn't. So magkaiba tayo ng sitwasyon. PM mo ko pagusapan natin. Second, di totoo malaki sweldo sa private companies. Sabi nila pinakamaliit magpasweldo ang gobyerno at accounting firms. Pero di totoo. May mga private companies na mas maliit ang bibigay sayong sahod. So choose wisely. Follow your heart and mind. Lastly, wag ka magapply ng hindi seryoso. Sayang oras.
Sa ngayon, magsisimula na ko ng bagong chapter ng buhay ko. Buhay may trabaho. Yung dream ko na dalhin ako sa iba ibang bansa ng work ko is on hold muna. Dinelete ko muna mga iba kong dreams para magfocus sa job ko. Kelangan matutunan kong magustuhan ang profession na kinasadlakan ko. Sooner or later, pag nagkapera na ko and shit, BAKA ma-pursue ko na yung gusto ko.
Saturday, November 21, 2015
A New Beginning
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 1:28 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment