Marami nanamang kikitang mananahi na gumagawa ng Filipiniana dress. Ganyan kasi ginagawa ng ibang mga schools eh. Especially yung primary schools at kahit yung intermediate. Pabonggahan ng damit ang buwan ng wika. Minsan may mga programa at kung ano anong pakulo pa. Pero yun nga LANG ba ang dahilan bakit tayo nagdiriwang ng buwan ng wika?
Hindi ko na balak ipaliwanag kung bakit wikang Filipino ang wika natin, bakit si Manuel Quezon ang ama ng wikang pambansa, bakit "F", hindi "P", bakit Agosto, bakit Tagalog at kung bakit naisip ni Quezon magtatag ng pambansang wika.
Pero ito ang ipinupunto ko, agosto nga lang ba natin dapat maalala na Filipino ang ating wikang pambansa? Yung iba nga, di alam eh. Ang mahirap kasi sa ibang mga Pilipino, hindi nila kayang mahalin kung ano sila. Masyado silang mapagkunwari. Magaling ang mga puti, gwapo't maganda ang mga mestizo/a, maganda ang wika ng mga taga kanluran, napakasayang tumira sa Amerika, ang ganda ng kanta ni Justin Bieber, ang saya maginarte ng pagsasalita 'pereng genitow ow'. YAN ANG MAHIRAP. Pag nagsalita ka sa sarili mong wika sa KAPWA FILIPINO, ang baduy. Pag nanligaw ka at Ingles ang ginamit mo, ang sosyal. Pag nag-ingles ka ng mali mali, nakakatawa. Mga P*t*** i**** yan, Pilipino tayo. Sa bansang Hapon, Tsina o kahit sa Malaysia, hindi kailanman nakakatawa magkamali mali ng ingles. Dahil naiintindihan nila na hindi ito ang kanilang pangunahing wika. Meron silang sariling wika na kailangang paunlarin at gamitin. Hindi natin isinasantabi ang paggamit at tamang kaalaman sa wikang Ingles, dahil ito ang wikang MAARING MAINTINDIHAN ng mga taga ibang bansa. Ngunit wag din natin kalimutan na habang nasa Pilipinas tayo, di ba't mas mainam na gamitin natin ang ating wika? Bakit tayo magpapakahirap magkunwari.
Oo nga't may ilang teknikal na salitang hindi mo maaring isalin sa wika natin. Katulad ng siyentipiko at mga pang-agham na salita. Ngunit nasisiguro ko, hindi naman natin araw araw ginagamit ang LAHAT ng iyon di ba?
Wednesday, August 17, 2011
Buwan ng wika
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 8:28 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment