Tuesday, January 12, 2010

Overpricing na Bentahan

Nauuso ngayong mga panahong ito ang business. Maraming mga innovators ang gumagawa ng iba't ibang goods o service na ititinda. Pero di ko akalain na nagkakabentahan din pala ng mga tao.

Hindi lingid sa aking kaalaman na nagkakaroon ng bentahan ng tao. Meron din kasing bentahan ng laro, bentahan ng kung ano ano pa. Pero yung ibebenta ka na, overpriced pa, eh isang ka****han na.

Ang tsismis kasi, pag kumalat, parang virus. Ang masakit pa, galing pa mismo sa loob ng organisasyon ang nagpakalat ng "overpriced" na tsismis. Bakit overpriced? Kasi ang daming dagdag. Andaming kasinungalingan at ginagawang fairytale ang istorya para gumanda. Nagparang telenobela ang tsismis. Nakakaasar lang kasi nagrelay na nga lang ng kasinungalingan, dinadagdagan pa. Hindi ko masisisi na napakadaming ****ng tsismoso sa paligid. Tila mga pwet ng manok na walang tigil sa pagbuka ng bibig.

Kung pwede lang di ba, tigilan nyo na ako. Kasi wala kayong mapupulot sa akin kahit konti. Besides, bakit ba kasi puro ako pinapansin at ginagawan nyo ng kwento? Mga **********


Nakakaasar na kasi nauuso ang bentahan.


Sa ibang usapan naman,

Luckily, nakapasa ako sa La Salle. Ang problema, di namin kaya yung tuition. Kaya kung sinoman ang may mabuting loob na gagawin akong iskolar, maraming salamat po. :)

Madami talaga ako naisip isulat kanina eh, tapos na mental block ako. Saka na nga lang, pagkauwi ko galing Baguio.

No comments: