Tuesday, January 12, 2010

Overpricing na Bentahan

Nauuso ngayong mga panahong ito ang business. Maraming mga innovators ang gumagawa ng iba't ibang goods o service na ititinda. Pero di ko akalain na nagkakabentahan din pala ng mga tao.

Hindi lingid sa aking kaalaman na nagkakaroon ng bentahan ng tao. Meron din kasing bentahan ng laro, bentahan ng kung ano ano pa. Pero yung ibebenta ka na, overpriced pa, eh isang ka****han na.

Ang tsismis kasi, pag kumalat, parang virus. Ang masakit pa, galing pa mismo sa loob ng organisasyon ang nagpakalat ng "overpriced" na tsismis. Bakit overpriced? Kasi ang daming dagdag. Andaming kasinungalingan at ginagawang fairytale ang istorya para gumanda. Nagparang telenobela ang tsismis. Nakakaasar lang kasi nagrelay na nga lang ng kasinungalingan, dinadagdagan pa. Hindi ko masisisi na napakadaming ****ng tsismoso sa paligid. Tila mga pwet ng manok na walang tigil sa pagbuka ng bibig.

Kung pwede lang di ba, tigilan nyo na ako. Kasi wala kayong mapupulot sa akin kahit konti. Besides, bakit ba kasi puro ako pinapansin at ginagawan nyo ng kwento? Mga **********


Nakakaasar na kasi nauuso ang bentahan.


Sa ibang usapan naman,

Luckily, nakapasa ako sa La Salle. Ang problema, di namin kaya yung tuition. Kaya kung sinoman ang may mabuting loob na gagawin akong iskolar, maraming salamat po. :)

Madami talaga ako naisip isulat kanina eh, tapos na mental block ako. Saka na nga lang, pagkauwi ko galing Baguio.

Sunday, January 3, 2010

New Year


New Year na at 2010 na.

Tapos na ang 2009. Ang year kung saan naexposed ako sa napakaraming mga bagay. Mga first time, mga unang subok at mga experience. This time, 2010 na. Bagong taon at ang goal ko, dagdagan pa ang "firsts" at ipagpatuloy ang mga magagandang nasimulan.

Taon taon, gusto ko magbago. Gusto ko iwanan yung mga masasamang attitude pero as I can see, hindi tuwing new year mababago yun. Mababago yun as process. Basta lagi mo lang isipin na gusto mo magbago for the good.

At kasama sa pagbabagong yun for the good, ay ang pagiiwan sa ilang mga bagay na hindi mo na dapat asahan.

Over the years, marami akong mga bagay na ineexpect, na ilang years na ang nagdaan, ilang days, ay di pa dumadating. I think, now's the time for greater innovation. Kung mananahan pa ako sa nakaraan at ieexpect pa rin ito, baka di na ako makausad. Kailangan nang iwanan.

Gets? Guess no. :)

And dahil 2010 na, I expect na hindi lang ako magbabago.

Unahin na natin sa mga detractors. Yung gusto lang magdulot ng ikasasama mo. Yung gagawin lahat para masira ka, yung mga nakasamaan ko ng loob. Yung mga naspecial mention ko sa blog ko this 2009, well, magbago na kayo. Kasi kahit 2010 na, kung patuloy kayo sa ginagawa nyong kabuktutan, nandito lang ang blog ko para magkaroon pa kayo ng Part 2.

Sa mga characters nung aking mga short stories, kung sa tingin nyo kayo yon, eh magbago bago na rin kayo. Remember, wala man ako, maraming spies na nakapaligid na nakakaalam ng mga kilos nyo. Andyan din si Arsene na pwedeng magkunwaring kapamilya nyo, kabarkada nyo, kabro, o kahit kasindikato nyo.

Yung mga maiisue na tao, maghanap naman kayo ng ibang iisyuhin. Laos na ako. HIndi na bebenta yung mga binebenta nyong tsismis. Maraming mas bago ngayon, mas sikat. Tigilan nyo na ako, wala rin naman kasi akong aaminin eh, totoo man o hindi, okay?

Sa mga kulang sa pansin naman, marami pang papansin sa inyo. Wag na kayo sa akin magpapansin kasi naiinis lang ako sa inyo.

Anyways, too long na at nangaaway nanaman ako. January 4 na bukas mga people! Kita-kits na lang! 4 months na lang ang itatagal ko sa high school at hindi ito nakakasaya.. :(