(Hayaan nyo na akong magdrama, kasi minsan lang to)
Ito na ang next time. Marami ang naganap, may class picture, exams, pagtatalo, pagsasalpakan, pagaaway, tawanan, pakikipagusap, pagkikita at iba pa. Sa dami, parang di ko na maalala yung iba, pero meron akong isang naaalala, at ito ang istoryang pamamagatang "DEAL"
Well, this story happened nung medieval times pa, kung saan, may nabuhay na villager na naging isang sikat na sikat na knight at heneral ng army. It all started with a simple deal.
Nuon kasing time na yun, merong 5 bihag na abducted ng mga tulisan na tinatawag na Gobilam. Well, itong samahan ng mga tulisan na ito ay naghohostage ng mga prominenteng tao at pinaparansom sa pamahalaan o sa kung sino mang mayayaman, mga lords, noblemen at mga sikat din na tao. Malaki ang kinikita ng Gobilam. Ngunit this time, nagkamali ng pagaakala ang Gobilam. Inakala nila na ang foreign missionaries ay mga mayayaman din kaya hinostage nila. Ang masama, walang pang ransom ang mga ito. Sinubukan ng hari magpadala ng hukbo ngunit lahat ay bigo. Naisip nyang i-settle ang kaso pero ayaw maniwala ng Gobilam. Malaki ang hinihingi ng Gobilam mula sa kaban ng bayan kaya di pumayag ang hari. Naisip nya na magbigay ng malaking gantimpala sa sinuman ang makakaligtas sa mga missionaries. Alam nya na imposible na itong mangyari.
Isang villager, nagngangalang Cartesius ang nagmalaki sa kanyang mga kaibigan na sina Laura at Alessandra. Sinabi nya na kaya nyang iligtas ang mga bihag. Naisip rin nila Laura at Alessandra na maari itong magawa ni Cartesius ngunit alam ni Cartesius na imposible nya matapos ang misyon ng buhay. At last, nahulog sa deal si Cartesius kahit ayaw nya. Ipinasa nya ang kanyang biodata sa punong mahistrado at nginitian siya nito at sinabing "Sigurado ka?" Di na ito sinagot ni Cartesius at naglakbay pabalik kanila Laura at Alessandra. Sinabi nya na magsisimula na siya. Napagkasunduan nila na kapag umatras si Cartesius sa laban, kinakailangan nyang sumali sa patimpalak na ginaganap taon taon na pagawit. Ngunit wala silang napagusapan kung ano ang deal kung si Cartesius ay magtagumpay. Lingid sa kaalaman ng lahat, ang nais lang ni Cartesius ay si Alessandra.
At nagsimula na ang pakikipagsapalaran ni Cartesius. Dala ang inspirasyon at paninindigan, nilusob nya magisa ang kuta ng kalaban. Hindi siya lumaban ng harapan bagkus nagkunwari siyang miyembro ng Gobilam. Kahit ilang beses siyang pinapahirapan, tuloy tuloy pa rin siya sa paguunderground para sa kanilang deal, ang kanyang inspirasyon at ang kanyang ipinangako. Inunti unti nya ang pagpatay sa mga matataas na lider ng Gobilam. Habang siya ay nasa bukid at nagpahinga pagkatapos ng pagaararo, narinig nya ang usapan ng 2 tulisan.
T1: Ikakasal na raw yung anak nung hari ah.
T2: Si Prinsipe Vlad?
T1: Oo.
T2: Swerte naman nung babae. Sino yung babae?
T1: Simpleng villager lang daw eh, Alessandra ba yun?
T2: sino naman yun? San naman sila nagkakilala?
T1: Di ko rin alam. eh teka nga pala, maiba tayo...
Sa narinig na balitang iyon, parang gumuho ang mundo ni Cartesius. Lubos nyang dinamdam ito. Ilang beses na siyang nabubulyawan ng mga big boss dahil sa kanyang mga mali. Naisip ni Cartesius na sumuko tutal wala na rin ang inspirasyon nya at tapos na rin ang patimpalak sa pagawit. Wala na ang deal. Pero naalala nya ang pangako nya kay Laura at Alessandra. Inisip nya na pangako pa rin ito at di nya dapat sirain. Isa pa, malapit na nyang makamit ang tagumpay. Kahit anong dagok ang dumating, kahit wala nang inspirasyon, tinuloy nya ang plano.
Itinakas nya ang lahat ng mga bihag at pinasabog ang buong kampo. Hindi alam kung ilan ang patay. Pero bumalik siya ng kapatagan at pumunta ng kaharian dala ang 5 bihag. Bumalik siya sa kaharian at nagulat ang hari. Sa tuwa ng hari, binigay na sa kanya ang salaping napagusapan, binigyan din siya ng posisyon bilang knight sa kaharian. Ngunit naisip ng hari na ang katalinuhan ni Cartesius ay di naangkop maging isa sa mga miyembro lamang ng hukbong sandatahan. Ginawang heneral ng hukbo si Cartesius.
Naghihintay na lang si Cartesius ng pagbibigay sa kanya ng kapangyarihan ay lumabas siya ng palasyo at binalikan si Laura. Sinabi nyang natupad nya ang deal, ngunit wala nga silang napagusapan ukol dito. Naisip ni Cartesius na bumalik na lamang ng kaharian at umiwas muna sa mga tao sa labas.
THE END
"A man in authority who oppresses poor people is like a driving rain that destroys the crops." -Proverbs 28:3
Paborito kong quote ngayon, nakita ko lang siya sa yearbook ng kapatid ko. Hehe.
Saka na ako magdadrama ng tuluyan. Saka na...
Friday, March 20, 2009
Ang Next Time
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 5:41 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment