Currently under ng influence ng Age of Empires. Pinaglalaban ko ngayon ang Britons (ako ang nagpapagalaw) at ang Byzantines. Well it was almost 3 days. 4th day na ng digmaan ngayon. Di pa rin tapos. Lamang ako ng malaki sa economy at sa ibang bagay. Sa total points lamang din ako. Nauubos lang ang lamang ko dahil malakas yung military nya at yung strategy sa pagpapatayo ng mga barracks. Kalat kalat ang barracks at madami siyang monk kaya nacoconvert yung army ko. Badtrip talaga. Sa laban kahapon, 3 trebuchets, at ilang sundalo ang naconvert ng kalaban at naging kanila. May mga siege weapons din ang naconvert. So mahirap ang laban. Currently, lamang pa ako.
Okay, into the main topic.
Wala naman talaga akong main topic for this time. Siguro ilang mga kuro-kuro at kwento lang naman.
Kanina...
Nagkaroon ng "palarong Entre" na ginanap sa Rm. 102. Sadly, nasa music room kami, nagpapractice para sa baccalureate mass. Tapos nung natapos yung practice, sakto rin natapos yung palaro. Di ko rin alam yung palaro pero sabi nila Love and Personality Test daw. I don't know how it goes. Sana meron pa sa lunes uli para malaman ko paano mangyari yun at di ko naman ma miss ang ilan sa mga nalalabi pang 3rd year days ko.
Speaking of nalalabing 3rd year days, ang bilis ng panahon. Patapos na ang taon, "speechless" pa rin ako. Di ko alam. Alam ko kasi, kahit sabihin ng mga tao sa paligid ko na I stand a chance, feel ko wala na. Kumbaga di naman sa sobrang imposible, pero it may require hardwork talaga saka baka matagal tagal na labanan pa, kumbaga, nakapagestablish na ng empire, mahirap na paalisin. Pero ayun nga. Di pwedeng ganun ganun na lang. Alam ko huli na ang lahat. Di ko alam paano sisimulan ang laban. Next year o kailan pa. This year, malabo na unless a miracle may happen.
P.S. Ang tinutukoy ko doon ay ang pagpasok ko sa Top 10 at Merit Card.
Di ko alam kung naconquer na ba talaga ang utak ko o blangko lang talaga, kasi kanina marami ako naiisip i-type pero ngayon wala na. Parang gusto ko nalang gumawa ng istorya pero baka naman maging story book ang blog ko.
Ayaw ko rin muna mambatikos.
So in short, tapos na ang post ko.
Friday, March 27, 2009
The War's not Ended
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 2:31 PM
Monday, March 23, 2009
230309
It's a number combination. But not just a simple number combination.
The day of the end finally came. Nuong mga passed days, I had waited for it, pero as time goes by, I let the days passed na parang wala lang, and now here comes this day. Sunday pa lang, di ko alam kung anong nararamdaman ko, masaya, malungkot, di ko alam.
Parang kailan lang...
Nang ipasa ko ang aking form following the footsteps of Migraso, na that time is almost one week nang CO and Gianan na 24 hours nang naging CO. Nagtanong tanong muna ako, (obviously, blog posts ko yung mga pagtatanong tanong ko) at kung titingnan nyo rin ang mga blog posts kong nauna, makukuha nyo yung sequence nang aking pagtatanong tanong hanggang sa aking pagdedesisyon. Siyempre kung bakit ako nagcome up sa aking desisyon ay nagmula sa napakaraming elemento. Pero di pumasok sa isip ko ang mga nalaman ko.
Nang ipasa ko ang aking form, i only think of one thing. SIGN. Pumasok ako because of sign which I believe na effective. And that sign shows me a "yes". Una, di ako makapaniwala na ang sign na iyon ay sasagot ng yes dahil noon ay no ang sagot nito. Ngunit nung dumating ang araw na hiningi ko ang sign, it showed yes. (Naalala ko pa nagaayos ako ng gamit ko nun sa PE dahil katatapos lang mag PE).
It was July 10. Naglalakad ako sa freedom park ng napakabagal. Mga 10 cm/second. Sobrang bagal talaga. Blanko ang utak ko. I made a deal. I waited for the sign. It both showed YES. Inisip ko, na ito na ang last day ng buhok ko, last day na ganito ako kabagal maglakad dito sa freedom park at last day ko mararamdaman yung freedom na naranasan ko nuong mga huling araw. Nakalabas ako ng PUP na blanko ang utak.
July 11 came. Sabay kami ni Migraso, bumaba ng sasakyan. Pinakamaaga sa buong LHS. Walang tao. Tahimik. Naalala ko nakarelo pa ako nun. Saka lang ako sinabihan ni Migraso na bawal accessories. Walang tao sa headquarters. As in wala. Parang inallot talaga yung oras para iorient ako ni Migraso sa mga basic rules ng COCC. Starting from the salute, side step, mga attention at etc. Di pa nya isinawalat yung iba, basics lang. Siyempre di pa sila nagtraining kaya ano namang ikukwento nya sa marchings? Anyways, di natapos ang aming paguusap, dumating ang isang officer na babae. Si Bb. Baldo. Una nyang inakala ako si Gianan. Akala ko, ako lang pumasok ng July 11. Marami pala akong kasabay. Umabot ata kami ng 16 nung July 11. Gulat din ako. Kinabukasan, sabado, July 12, nalagasan na. Medyo nadadagdagan ang kaalalaman ko as time passes by. Ilang araw ang nakalipas, maraming nagbalak magCO, marami din nagquit after the first saturday. And Migraso was elected president of the COCC. Sabi ko sa sarili ko, hindi madali. I wanted to quit habang maaga. Pero unang pumasok sa isip ko, "sayang". Una kasi nakapagsimula na ako. Pero deep inside in me, gusto ko na umalis.
As I had said, marami pang nadagdag. Yung iba, expected ko na parang dadaan lang sa headquarters. Sa mga inexpect ko, ang iba duon, ay nagkatotoo at ang iba ay naretain. Ilang araw pa ang lumipas, sinabi ko sa sarili ko na "bakit di na lang ako umalis?" Pero iba nanaman ang pumasok sa utak ko, haircut. Sabi ko sayang naman. Pahabain ko buhok ko tapos alis na ako. Ayoko na. Matagal pang panahon ang hihintayin ko. Weeks passed, gusto ko pa rin umalis. But then, haircut pa rin ang dahilan ko. Hanggang isang araw, pumunta kami ng Recto para bumili ng uniform. It changed my plans. Kung noon gusto ko magquit, nang nahawakan ko na ang aking type a uniform (kaya kung mapapansin, mahal na mahal ko yung type a ko) sinabi ko sa sarili ko na itutuloy ko na ito hanggang katapusan, ano man ang kalabasan. I was determined now to finish the course. Inisip ko na ikakasal na ako sa organisasyon with this uniform.
Ang oras ay naging araw, ang araw ay naging linggo at ang linggo ay naging buwan. May mga nagquit at bumalik at isa ang presidente sa COCC na nagdahilan para ako ang pumalit. Kahit ayoko, I have to take the post. There, I was pressured. Hindi ako napressure dahil sa sarili ko pero dahil sa mga kasamahan ko. They pressured me a lot. To tell the truth, minsan, naaasar na ako sa kanila for their insensitivity. Kasi di ko alam, parang inakala nilang ako si Superman. At first, okay, sige, sunod lang ako. As time passed by, at napuno na ang aking pasensya, naging magagalitin ako. Tinigil ko na. Naisip ko na sa tuwing manunumbat sila, isa silang radyo. Pwede kong pakinggan, pwedeng hindi. Basta tuloy tuloy lang sila sa pagpuputak. Ang masakit lang ay minsan kahit sa harap ng maraming tao, lumalabas na incompetent akong tao. Siguro dahil na rin sa mga salitang ito, dahil na rin sa pangdudusta, pangaalipusta ng aking leadership kaya naisip kong patunayan. Pero sa ibang paraan. Hindi ko pinatunayang tama sila, naisip ko na kahit ipaglaban ko rin naman kung ano ang aking sarili, wala ring mangyayari. Naisip ko na hayaan sila sa sasabihin nila. Inisip nila na wala na akong pakialam sa kanila. But really, I am after their welfare. I am just not showing it. Wala rin namang sense na kasi eh. Siguro mawawala rin ang di pagkakaintindihang ito.
Then habang nasa organization ako, maraming nabago. Pero kung ano ang mga iyon, di ko na sasabihin ang lahat. Basta, medyo naging maiinitin ang ulo ko. Tipong konting epal lang naiinis na ako. Pero I tend to manage self control. Di ko agad naibubulalas yung galit ko unless sukdulan na talaga. At ang iba, siguro, di ko pa nakikita.
During my stay in the organization, marami akong nakilalang tao. Marami akong naging acquaintances. I became a public figure kumbaga. Pwedeng puriin, pwedeng dustahin, pwedeng sambahin at pwedeng sirain. Ang ibang lower years, medyo takot. Well, di naman ako tagahanga ni Ironman, kaya di ko na kailangan ng fear nila. Respect lang ay okay na. As I can see, kahit sabihin ng iba, na di naman ako nirerespeto, based on my own experiences, I feel na nirerespeto nila ako, kahit ng mga 4th years. Yung iba lang sa kasamahan ko ang hindi.
Sa huli, aking napansin na iba-iba ang dinulot sa akin ng organisasyon. Nagkaroon ako ng tiwala sa sarili ko. Nasusunod ko na ang ilang mga school rules na kung dati ay lumalabag ako, pero sa ibang banda, marami ang nawala sa akin. Tama nga ang isang girl na tinanong ko kung magCO ako at sinabi nyang hindi. She told me kasi, na mawawala ang social life ko. Sa katunayan, ngayon, bumabalik ako pero kumbaga, ang nabasag na, merong maliliit na detalye ng isang basag na bagay ang hindi mo na maikakabit pa. Isa pa, merong ilang elemento na gustong pigilin ako sa pagbabalik sa aking tunay na pagkatao, yung tunay na ako. Kahit sabihin nating maraming sumalubong na mayroong masayang mukha at pakitang giliw, alam ko namang pagkukunwari ito, anong ipagmamalaki ko dito? One more thing, kahit sabihin nating di siya lubusang nakaapekto, pero nakaapekto ito sa akademiks ko. Nawala ang focus ko sa pagaaral. Yun ang totoo. Kasi napapansin ko talaga na nawalan ako ng oras sa pagaaral. Di tulad noon, hawak ko ang oras ko, nakakapagaral ako during my free time. Yung mga exams kong matataas, mababa, at pasado, ay mga stock knowledge ko na lamang. Lagi rin akong pressured sa lahat ng bagay kahit di naman ako pressured. Nawalan ako ng time management.
And on the 23rd day ng March, nakatayo ako habang binibigkas ang oath, at sa huli ay pinirmahan ito, nagflash back lahat ng mga alaala ko. Alaala na nais kong maging alaala na lamang at wag nang mangyari uli. Nais ko siyang mailagay sa aking history kung saan, naging malaking parte ito ng buhay ko. Naisip kung maging sentimental. Pero at the other side, naisip ko na I have to stay focused, I have to stay what I am, nanonood sila. Nuong gabing natutulog ako bago ako tumayo kung nasaan ako, hindi ko maisip kung tama ba ang aking naging desisyon. Di ko alam kung nagkamali ba ako. Pero nung nakatayo ako, tumingin ako ng diretso at nakita ko ang mga kawayan, I said to myself, "Though I had lost the thing that I valued the most, I made the right decision for that thing." At kung ano ang thing na yun, that's too confidential.
Natapos ang graduation. Natapos na ang lahat. Bagong simula.
Tapos ayun, nanlibre ng kaunti sa tindahan ni Beb's at di rin nagtagal, umuwi at nagpahinga.
Sa kaharian ng Britons, si Prinsipe William ay mayroong alagang ibon. Mahal na mahal ni Prinsipe William ang ibon. Ito na kasi ang pinakamagandang ibon sa buong Briton. Inaalagaan ng maigi ang ibon at ang prinsipe mismo ang gumagawa nito. Ngunit isang araw, ang prinsipe ay ipinadala sa kaharian ng mga Spaniards upang makipagusap sa hari nito. Lingid sa kaalaman ng mga Britons, kaya pinatawag ng hari ang prinsipe sa kanilang kaharian ay upang salakayin ang mga Britons. Sa pangunguna ni Prinsipe Lem, nilusob nila ang kaharian ng Britons. Ngunit sadyang tanga ang mga Spaniards kung saan nagpakaligaya na sila dahil inakala nilang walang mga kawal sa kaharian. Di nila alam, sila'y napalibutan na at inubos sila ng madalian. Nakatakas si Prinsipe Lem dala ang ibon at ilang kawal. Marami ang napaslang sa mga Spaniards. Pagbalik ni Prinsipe William, ibinalita sa kanya ang nangyari, sinabi naman na walang masamang nangyari sa mga kawal o sa hari kaya tumakbo agad siya papunta sa kanyang asotea kung saan iniwan nya ang ibon. Wala na ang ibon. Naisip ni Prinsipe William na lusubin ang mga Spaniards, ngunit dahil nga galing siya dito nakita nya na matibay ang pundasyon at mahirap pasukin ng outsiders. Mahal nya ang ibon, pero duda siya kung makukuha pa nya ito.
KINABUKASAN
Di ko alam kung natamo ko na ba ang total freedom. Kasi naman, merong iba na ayaw pa rin ako palayain. Tipong ewan. Di ko maintindihan.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:42 PM
Friday, March 20, 2009
Ang Next Time
(Hayaan nyo na akong magdrama, kasi minsan lang to)
Ito na ang next time. Marami ang naganap, may class picture, exams, pagtatalo, pagsasalpakan, pagaaway, tawanan, pakikipagusap, pagkikita at iba pa. Sa dami, parang di ko na maalala yung iba, pero meron akong isang naaalala, at ito ang istoryang pamamagatang "DEAL"
Well, this story happened nung medieval times pa, kung saan, may nabuhay na villager na naging isang sikat na sikat na knight at heneral ng army. It all started with a simple deal.
Nuon kasing time na yun, merong 5 bihag na abducted ng mga tulisan na tinatawag na Gobilam. Well, itong samahan ng mga tulisan na ito ay naghohostage ng mga prominenteng tao at pinaparansom sa pamahalaan o sa kung sino mang mayayaman, mga lords, noblemen at mga sikat din na tao. Malaki ang kinikita ng Gobilam. Ngunit this time, nagkamali ng pagaakala ang Gobilam. Inakala nila na ang foreign missionaries ay mga mayayaman din kaya hinostage nila. Ang masama, walang pang ransom ang mga ito. Sinubukan ng hari magpadala ng hukbo ngunit lahat ay bigo. Naisip nyang i-settle ang kaso pero ayaw maniwala ng Gobilam. Malaki ang hinihingi ng Gobilam mula sa kaban ng bayan kaya di pumayag ang hari. Naisip nya na magbigay ng malaking gantimpala sa sinuman ang makakaligtas sa mga missionaries. Alam nya na imposible na itong mangyari.
Isang villager, nagngangalang Cartesius ang nagmalaki sa kanyang mga kaibigan na sina Laura at Alessandra. Sinabi nya na kaya nyang iligtas ang mga bihag. Naisip rin nila Laura at Alessandra na maari itong magawa ni Cartesius ngunit alam ni Cartesius na imposible nya matapos ang misyon ng buhay. At last, nahulog sa deal si Cartesius kahit ayaw nya. Ipinasa nya ang kanyang biodata sa punong mahistrado at nginitian siya nito at sinabing "Sigurado ka?" Di na ito sinagot ni Cartesius at naglakbay pabalik kanila Laura at Alessandra. Sinabi nya na magsisimula na siya. Napagkasunduan nila na kapag umatras si Cartesius sa laban, kinakailangan nyang sumali sa patimpalak na ginaganap taon taon na pagawit. Ngunit wala silang napagusapan kung ano ang deal kung si Cartesius ay magtagumpay. Lingid sa kaalaman ng lahat, ang nais lang ni Cartesius ay si Alessandra.
At nagsimula na ang pakikipagsapalaran ni Cartesius. Dala ang inspirasyon at paninindigan, nilusob nya magisa ang kuta ng kalaban. Hindi siya lumaban ng harapan bagkus nagkunwari siyang miyembro ng Gobilam. Kahit ilang beses siyang pinapahirapan, tuloy tuloy pa rin siya sa paguunderground para sa kanilang deal, ang kanyang inspirasyon at ang kanyang ipinangako. Inunti unti nya ang pagpatay sa mga matataas na lider ng Gobilam. Habang siya ay nasa bukid at nagpahinga pagkatapos ng pagaararo, narinig nya ang usapan ng 2 tulisan.
T1: Ikakasal na raw yung anak nung hari ah.
T2: Si Prinsipe Vlad?
T1: Oo.
T2: Swerte naman nung babae. Sino yung babae?
T1: Simpleng villager lang daw eh, Alessandra ba yun?
T2: sino naman yun? San naman sila nagkakilala?
T1: Di ko rin alam. eh teka nga pala, maiba tayo...
Sa narinig na balitang iyon, parang gumuho ang mundo ni Cartesius. Lubos nyang dinamdam ito. Ilang beses na siyang nabubulyawan ng mga big boss dahil sa kanyang mga mali. Naisip ni Cartesius na sumuko tutal wala na rin ang inspirasyon nya at tapos na rin ang patimpalak sa pagawit. Wala na ang deal. Pero naalala nya ang pangako nya kay Laura at Alessandra. Inisip nya na pangako pa rin ito at di nya dapat sirain. Isa pa, malapit na nyang makamit ang tagumpay. Kahit anong dagok ang dumating, kahit wala nang inspirasyon, tinuloy nya ang plano.
Itinakas nya ang lahat ng mga bihag at pinasabog ang buong kampo. Hindi alam kung ilan ang patay. Pero bumalik siya ng kapatagan at pumunta ng kaharian dala ang 5 bihag. Bumalik siya sa kaharian at nagulat ang hari. Sa tuwa ng hari, binigay na sa kanya ang salaping napagusapan, binigyan din siya ng posisyon bilang knight sa kaharian. Ngunit naisip ng hari na ang katalinuhan ni Cartesius ay di naangkop maging isa sa mga miyembro lamang ng hukbong sandatahan. Ginawang heneral ng hukbo si Cartesius.
Naghihintay na lang si Cartesius ng pagbibigay sa kanya ng kapangyarihan ay lumabas siya ng palasyo at binalikan si Laura. Sinabi nyang natupad nya ang deal, ngunit wala nga silang napagusapan ukol dito. Naisip ni Cartesius na bumalik na lamang ng kaharian at umiwas muna sa mga tao sa labas.
THE END
"A man in authority who oppresses poor people is like a driving rain that destroys the crops." -Proverbs 28:3
Paborito kong quote ngayon, nakita ko lang siya sa yearbook ng kapatid ko. Hehe.
Saka na ako magdadrama ng tuluyan. Saka na...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 5:41 PM
Monday, March 16, 2009
The Man with Nothing to Lose
Di nagtagal, natapos ko ang Max Payne. To tell you the truth, siguro kung 1 araw na nonstop na laro, tipong buong 24 hours igugugol mo sa Max Payne, matatapos mo ang laro. Di siya mahirap lalo na kapag ginamitan mo ng cheats. Pero mahihirapan ka siguro kung wala. Nakakaenjoy din naman ang storyline pero yun nga lang, tapos na agad. Maganda yung sounds nya, yung musical score, tapos yung mga cut scenes at siyempre bullet time. Ang trademark ng Max Payne. Iba nga lang yung mukha nung iba at yung characteristics nung iba sa pelikula. Sa film kasi si Lt. Bravura ay negro na parang hiphop samantalang sa Max Payne 2, matanda siya na maputi. Sa film, corrupt siya samantalang sa game ay hindi.
Anyways, nagabsent ako today kasi para sa passport na akala ko ay tatagal ng 3 oras. 1 oras lang ang hinintay ko kasi mga 7 na rin ako nakarating at tapos na. Di na rin ako pumasok kasi may kailangan pa akong tapusin at naisip ko na kung papasok ako ay magkakalat lang ako sa school. So I decided not to nalang. Marami siguro akong na-miss (probably) pero di ko naman mapagsisihan na yun.
About the chemistry naman, wala na talaga. Lintik talaga kumuha nun.
Marami pa akong sasabihin pero itutuloy ko nalang siguro next time.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 5:20 PM
Sunday, March 8, 2009
Chemistry
First problem ko ang chemistry ngayon. Hindi dahil sa babagsak ako kundi nawawala ang Chemistry notebook ko. Actually, meron akong 3 possible locations na mapagiwanan nun. 1st ay school. Kasama sa school ang classroom at locker. Parehong wala sa mga lugar na nabanggit. Next location ay headquarters. Though di ko pa nahanap ng maigi sa headquarters, within visibility ay wala. Last ay ang bahay. Habang nasa school ako nung Friday, inisip ko na baka naiwan ko lang sa bahay, but I was mistaken. Wala sa bahay. So kung wala sa mga target locations na ito, merong posibleng 2 bagay na nangyari. Una ay naitapon na iyon at mawawalan ako ng grade sa notebook, seatwork at assignment at ikalawa may nakakuha, nakapagtago o kumuha.
Kung sino man po ang nakakita nito, pakibalik agad. Mahalaga kasi yun. Malaki siyang notebook na kulay pink na may pangalan at section ko sa harap. Kung wala na duon, meron pang ibang parts sa notebook na may pangalan ko. Pakibalik naman po. Salamat.
Problem Question # 1
Is it the truth?
Kamakailan lamang, na-interrogate ng grupo ng Vintage Spy ang dalagang nagngangalang Luisita habang siya ay nagpapahinga. Dahil na rin sa di na siya makalusot, naisip na nya sagutin ang mga tanong ng Vintage Spy. Dahil sa mga sagot nya, nagkaroon ng ilang kalinawan ang mga bagay. Ngunit nais naming kuhanin ang isa pang panig, tinanong namin si Benjamin kung ano talaga ang nangyari at nagtugma ang kanilang mga pahayag. NGUNIT, isang text message mula kay Luisita ang lumusot at nakuha ng Vintage Spy na nagsasabi na, "Hindi na daw ngayon." Kumbaga, kung galit siya kay Benjamin dati, hindi na raw ngayon. Parang natauhan siya at naisip nya na paunang pakiramdam lang nya yun. Napagalaman din ng Vintage Spy na meron ding intensyon ang isang tao na nagngangalang Christopher kay Luisita. Does Christopher stand a chance? We don't know.
Problem Question # 2
Can't you?
Si Warren ay isang binata na nagalit sa dalagang nagngangalang Martha. Ngunit si Martha ay galit kay Adolf at hindi kay Warren. Hindi pa rin maalis sa isip ni Warren ang pagkagalit kay Martha kahit 1 buwan na halos ang nakakalipas bago nya nalaman na galit si Martha kay Adolf. Kahit alam ni Warren na malaki ang tsansa nya para magkaroon ng mas maraming kagalit, di pa rin maalis ang galit nya kay Martha. Nakakilala si Warren ng isang dalagang nagngangalang Esther. Naisip ni Warren na bakit di nya ibuhos lahat ng galit nya kay Esther at kalimutan nya. Ngunit naninimbang din si Warren kung may kagalit na ibang tao si Esther.
Ang lahat ng mga impormasyong ito ay nakalap ng Vintage Spy kaya kinakailangan itago lahat ng tunay na naganap. Ang pagsasalaysay ay mga representasyon na kung meron kayong logical at critical thinking ay masosolve nyo agad pero malaki ang posibilidad na di nyo na malaman ang mga tao.
Mission : Sentry Security Agency
Bukas na magsisimula ang misyon ni Arsene sa Sentry Security Agency. Bukas din, isang opera ang magaganap malapit sa Sentry Security Agency na nagngangalang Rembrandt Opera House. Well, maraming high officials ng SSA ang dadalo.
Gagawa muna ako ng mga proyekto.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:06 AM
Friday, March 6, 2009
Arsene Strikes Back
Cool off sa cases si Arsene. Wala na siyang isosolve. Lahat sarado na. But this time, Arsene has another mission. But it is not to gather information. Hindi ito simpleng mission. This requires great undercover.
Mission: Sentry Security Agency
BACKGROUND:
Ang mission na ito ay isang sensitive mission ngunit dahil sa walang connection ang SSA (Sentry Security Agency) dito, naisip ko na ibroadcast ito. Kung titingnan sa panlabas na anyo, ang SSA ay isang simpleng opisina ng security agency. Ngunit napagaralan ng Vintage Spy na meron itong underground o tinatawag na "BASEMENT" sa opisina kung saan nagtrain sila ng mga assassins, killers, thieves at kung ano ano pa. Mga high profile guards ang tawag sa mga ito. Mas kilala ang mga ito bilang Elite Sentry. Meron silang mga special skills at special talents at nag hire minsan ang mga illegal na mga sindikato worldwide mula dito. Minsan naman, merong assassination jobs ang SSA para sa mga ito. Mailap ang Elite Sentry. Minsan lang sila makita. Isa sa mga teachers sa Elite Sentry School ay si Micheal Jacksman. Si Jacksman ay isa sa mga guro din ni Arsene sa pinanggalingang school ni Arsene ngunit mas malaki ang inoffer ng SSA na sweldo kaya agad siyang lumipat.
MISSION:
Hindi ito simpleng misyon. Kinakailangan ni Arsene mag undercover at magkunwari bilang isa sa mga estudyante ng Elite Sentry School. Kinakailangan nyang mag stay for almost 2 weeks para sa schooling. Advanced na kasi ang pagaaralan nya dahil alam na nya ang basic. Kailangan nya muna tiisin lahat ng mga nangyayari para makuha ang main goal. Mainfiltrate ang system ng SSA at masira ito. Well, within that 2 weeks kinakailangan makagawa ng something si Arsene at matapos ang mission nya na masira ang SSA. Kung matapos nya ang schooling at di nya natapos ang misyon, maaring isabak agad siya sa 1st mission ng SSA para sa "OJT".
Corruption
Starting from simpleng paghingi ng candy hanggang pagnanakaw at pandaraya sa pera.
Isa sa mga pangunahing kalaban ng ating pamahalaan ngayon ang korupsyon. Pero san nga ba ito nagsisimula? Minsan sa simpleng pananakot mo sa isang tao ay isang uri na ng korupsyon. Kadalasan, nagaganap ang korupsyon kung
1. ang isang tao ay nasa kapangyarihan at ang isa o ang iba ay wala
2. ang isang tao ay mahina
Marami ang nagrereklamo ng pagiging corrupt ng ilan sa ating government officials. Pero bakit di natin tingnan ang ating mga sarili? Malay natin, nakagawa na pala tayo ng korupsyon ng hindi natin nalalaman.
Hindi lang pera ang kinasasangkutan ng korupsyon. Maging sa mga bagay bagay, materyal man o hindi. Halimbawa, ang pangbubully ng isang tao to the extent na hingian mo siya ng pera, materyal na bagay o ano pa man ay isa nang uri ng korupsyon. Kung titingnan, parang wala namang masama pero ayun nga, simula pagkabata, namulat na sila sa korupsyon. Darating ang panahon na medyo lalaki sila at kahit pera ay pagiinteresan na nila. Hindi nila iisipin na mali ito dahil nakasanayan na.
So di na tayo magtataka bakit parang wala lang sa mga ibang governement officials ang maging corrupt. Minsan kasi kala nila tama na ito dahil nakasanayan na. Masita man sila, nakikinabang pa rin sila. Pero palagi namang nagaganap ang korupsyon kung may isang mahina at ang isa ay malakas o mapangapi.
Well tama na, andami ko nang gagawin pa...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 5:25 PM
Monday, March 2, 2009
Guilty beyond reasonable doubt
This past few days sa di ko maintindihang dahilan, tila parami ng parami ang nagsasabi na "Oi, next year wag mo ako pahirapan ah" or "patay next year" or kung ano ano pa. Tila mga guilty na di ko maintindihan.
Well, bakit nga ba guilty ang isang tao o masyadong defensive especially in this kind of treatment? (kung saan alam nila na next year may rank ka na at under mo na sila). First siguro is kung may atraso sila sayo. Yung tipong binackstab ka, trinaydor ka na di mo alam, nagsasalita sa likod mo o walang kakayahan magsalita sa harap mo at sa ibang tao dinadaan. O yung tipong habang naghihirap ka eh nilalaglag ka pa. Tingin ko yun lang talaga yung dahilan bakit sila guilty. Kasi kung wala ka namang ginawang masama, bakit ka matatakot???
Meron kasing iba (probably di nya nababasa to), na sobrang kabado to the extent na hinanda na nya ang kanyang "back up" sakaling may mangyari. Siguro masyado lang siyang nainsecure o kinakabahan, hindi ko alam.
They never know me.
Meron akong dapat itype pero naisip ko na wag n lang.
Anyways, natatawa ako dito sa isang line na ito mula sa isang pelikula (para kasing ewan yung istorya nito. Tipong alam na nung babae pero kunwari di pa nya alam na may gusto yung lalaki sa kanya.)
Girl: Tanungin nga kita, mahal mo ba talaga siya?
Boy: Hindi
Girl: Eh ano yung nararamdaman mo para sa kanya?
Boy: Mahal na mahal na mahal.
Corny. Grabe.
Ayoko na magsalita. No comment.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:18 PM