Thursday, February 28, 2008

Wala na ngang bus, wala pang program...

Ngayon ang dapat na kaganapan ng PAMPALUBAG LOOB na inihanda para sa amin. Sad thing is, excercise lang ang nagawa. Nakakatawa nga dahil wala rin naman akong ginawa. Nag-SYMBO at kung ano pa man, hindi rin naman kami nakasali. Tapos nanuod kami ng pelikulang kami pa ang naglalagay ng script. Then a thing made almost to a great stampede.

Hindi ko sisimulan sa suspense. Simula tayo sa simula. Call Time ay 6 a.m. Sinadya kong dumating ng 7:15 para tapos na ang Morning Excercise. Sad thing is simula pa lang. Actually hindi pa nagsisimula. Hindi na nga ako ng PE Uniform eh (unifrome). Ayun nga. Di ako sumunod masyado. Then nagpatuloy kami sa kung ano anong ginawa until kinailangan bumalik ng LHS para manood.

Paglabas namin ng AVR, narinig namin na kailangan ng umuwi. Nang tanungin kung bakit ang sabi ay may BOMB THREAT daw. It's the thing I like most. Suspense. Nasa gitna ka ng aksyon (yun ang ganda kapag nagaaral ka sa paaralang against the government). Naisip ni Leo na hanapin ang bomba but of course paano mo mahahanap iyon, threat pa lang siya. So we decided to follow rules. Tumayo muna kami sa Obelisk para naman maenjoy namin ang mga pangyayari. Nakakuha kami ng videos pero saka ko na ilalabas. Hindi lang pala Bomb Threat. Darating pala si Lozada. Sad thing is hindi ka makalabas dahil andaming tao sa labas. Aktibista. Kaya pinabalik ang mga estudyante. Dahil sa ganda ng posisyon ko sa Obelisk, nakuhanan ko ang pagbalik ng Red People. Narito ang ibang footages. (Click the images to enlarge.)


Pabalik sila nyan.


Ito naman ang scene na tila bagang namomroblema sila kung ano ang dapat gawin. Sa pangyayaring ito, meron kaming video

Pinabalik na sa LHS Grounds pero siyempre ang Vintage Spy at ang iba pang Investigative Team ay naghanap pa ng footages. Nakita namin ang tunay na mga pangyayari.


Makikita ang mga nakaakyat sa gate. Ito ang mga photographers din na buhay naman ang itinataya. Sa labas meron din mga raliyista. May mga videos din kami nyan pero hindi ko ilalabas muna ito. Salamat pala kanila Leo at Dan.

Then we have to use disguise. Kaya nagamit ko ang coat na bigay ni Ephraim. Nakalusot kami. Malinis ang trabaho. Pagbalik namin, nakita namin na wala pa si Lozada.


As you can see, hindi pa ganoon kadami ang mga tao. Pero makikita ang malaking hole na maaring daanan ng sasakyan ni Lozada. Makikita rin na marami nang tao sa itaas ng building na naghihintay kay Lozada. Nakapasok na rin ang mga raliyista sa oras na iyan kaya marami na sila.

Then nakita kami ni Gng. Lai but still MR. ******* did not see us. Malinis pa rin ang trabaho. Sa photo na iyan, meron din kaming video. Tumulak na kami pabalik ng LHS at nagpahinga ng sandali. Narinig namin ang malakas na hiyawan at naisip namin ni Dan na tingnan at doon nakita na namin si Lozada. Mas marami kaming video kaysa sa photos sa mga pangyayaring ito.


Ang nakabilog na kulay green ay si Lozada. Napakalakas ng hiyawan sa mga pangyayaring ito at kailangan talaga naming makipagbunuan para makuha ito. Ang videos ay ilalabas siguro bukas.


Hindi lang si Lozada o mga raliyista ang nakuhanan ngunit pati na rin ang mga agaw eksena habang may rally.



Ang kasama ng Vintage Spy na photographer.


Poging nilalang na hindi ko kilala pero nakuhanan ng camera.


Hanggang dito na lang muna ang post ko. Tatrabahuhin ko pa ang aking TRAVELOGUE Video today sa Youtube! Vintage Spy Pictures at ang investigative team lang ang nakakakuha!!!

No comments: