Time of giving daw. E puta mga mall lang masaya ngayon e. Namimiss ko yung pasko nung bata ako.
Namimiss ko yung Santa Clause. Namimiss ko yung Christmas tree, buo na pamilya, Christmas songs sa radyo, Parol sa mga lamp post, Christmas lights kahit saan at mga nangangaroling na masayang kumakanta. Ngayon kasi parang ang pasko para na lang sa pera lahat. Wala na yung spirit.
Sa totoo lang, di naman totally tungkol sa pagtuligsa ng pasko ngayong taon yung post ko. Halo halo to at nagkataon lang na December 25 ako nagstart magpost at December 26 na ko natapos. Sisimulan ko siguro sa mga bumabati sa akin ng Merry Christmas. Nung elementary and High School kasi ako, di sa pagmamayabang, medyo kilala ako sa school namin. Makakapagattest ang mga kaklase at school mates ko nyan. Lalo nung high school. Kahit lower o higher batches samin, kilala ako. Because of that, NAPAKARAMI kong natatanggap na Christmas greetings. Tang ina sobrang saya. Bukod pa yun sa madaming regalo kong natatanggap. As in flood yung phone ko (naglalag pa nun phone ko) tapos daming message sa facebook or YM. Ang saya. Ngayon wala. Salamat sa iilan na nagmessage sakin sa fb at iilang nagreply sa texts ko. Kung di pa ko nagtext, di pa ko maaalala. Yung iba, ni hindi nga nagreply. Haizzzzz.
Eto pa isa kong issue. Super iba na talaga ng Christmas for me. As in ni wala kaming Christmas tree, walang noche buena at eto pa, di ako nag simbang gabi. Pinilit ko na nga lang magkaroon ng Christmas light sa labas ng bahay. Anyway, ako kasi yung tao na palaging masaya pag pasko. Dati pag usapang pasko, ako pinakaexcited. Putang ina pag pumasok ang December, super excited na ko. December 23 pa lang di na ko makatulog. Ganun ko kagusto tong season na to. Kaya nga di ko nagets na parang waley lang ngayong taon. Ewan kung dahil ba sa depression ko o dahil talagang ayaw iparamdam sakin ng paligid na Christmas season na. Pinangako ko sa sarili ko kahapon (Dec. 24) na kapag nagkabahay ako or sariling pamilya, kahit mahirap kami, icecelebrate pa din namin ang pasko. Magbubukas pa din ako regalo kahit mumurahin lang. Mafeel ko lang uli yung pasko. Kasabay sa pangakong to e yung babaeng pinagcommitan ko. In short girlfriend. Pero isang pagkakamali lang (namali ako na nabigay ng oras so di kami nagkita ng Dec 25), wala na. Malungkot na agad pasko nya. I mean wtf di mo man lang nafeel effort ko pasayahin pasko mo. Na kahit broke ako gusto kita bilhan ng regalo. Na kahit super traffic at claustrophobic ako, nakikipagsiksikan ako sa mall makipagkita lang sayo. Na kahit magsinungaling ako sa parents ko kasi ayaw ako paalisin matapos akong manakawan ng Iphone 6+ e wala pa din pala. Di pa din siya masaya. Yun yung pinakamasakit e. Kasi alam ko, sa sarili ko, na maging masaya lang siya, kahit papaano magiging masaya na din ako this Christmas, pero wala e. Ewan ko kung pang commitment ba talaga akong tao.
Masakit kasi di man lang ba akong magiging masaya na ako lang? I pray na sana bumalik yung dating ako. Yung di ko kelangan ng iba para maging masaya. Pero siguro kaya ako masaya dati kahit ganun kasi nafeel ko madaming taong may pakialam sa akin. Ngayon kasi parang wala na talaga.
Ayun. Alam ko namang walang magbabasa nito and shit pero malay natin pag namatay ako tapos sumikat yung pagkamatay ko, ma-trace tong blog na to.
Update lang sa job ko: May trabaho na ko! And good paying. Parang BPO pero wala na kong pake. Di naman call center. Pero offshore processing shit pa din. Same day na tinanggap ko offer e nadukutan ako ng Iphone 6+. Gayon na lang takot ko till now, di ako nagcocommute. Nagkokotse lang ako kasi putang ina. Di ko alam kung willing ako i-give up buhay ko para patayin lahat ng mandurukot na makikita ko pero sa ngayon yun gusto ko gawin.
Final word: Probably, this is the saddest Christmas na naranasan ko. Pero di ko naman kino-conclude na malungkot na ang pasko. Sa ngayon, tuloy pa din ang aking promise sa sarili na gagawin kong masaya ang Pasko, andun man "siya" o wala. Sana andun. Pero kung di nya ko maappreciate, what's the point.
Saturday, December 26, 2015
Merry Fucking Christmas
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 12:47 AM
Subscribe to:
Posts (Atom)