Dahil ang multiply site ay bentahan na lamang, at di na siya cool para gawing blog, ay tuluyan ko nang iiwanan ang multiply site. Uso na kasi ang twitter, (time to time blog) at tumblr na mas may cool features at mas cool gawing blog kaysa sa multiply. Ang multiply ay gumagaya na lamang ngayon sa ebay. At siguro magpopost na lang ako dun pag may balak na ko ibenta.
Buti pa ang blogger, hindi naluluma. Mula noon, hanggang ngayon, blogger pa din. So back to basics tayo. Hindi ko naman ihahide din ang posts ko sa multiply, so pwede nyo pa siya balikan. www.vintagespy.multiply.com
2nd year na ko at di na pwedeng joke joke at petiks ang pagaaral. Kelangan magseryoso at heto nanaman ako, babalik sa pagkukwento ng mga kalungkutan, kaligayahan at kalituhan dito sa blog na ito. Magbabalik na din ang Vintage Spy. Di na rin siya cool pakinggan pero bakit ba, kanya kanyang trip yan.
Sa ngayon, wala naman akong balak imbestigahan. Wala naman kasing kaimbe-imbestigang bagay. Pero as soon as may maisip ako at medyo maliwanagan na ko sa accounting, back to business ako.
Dati, gusto ko gawing english itong blog ko. Napakarami ko ring audience around the world (base to sa stats ng blogger, wag nyo sabihing feelingero ako). Pero naisip ko, mag-English kapag trip ko lang. Pero siyempre, gagamitin ko ang aking nakasanayang wika.
BAKIT BLOGGER? BAKIT HINDI TWITTER O TUMBLR O FACEBOOK?
Uso na talaga ang twitter. Pero gaya nga ng sabi ko, di ako magtitwitter. Kasi nakakahiya na konti lang magfollow sayo. Tapos mga sinabihan mo pa yun ng "pa-follow" o baka naman tunay na kaibigan mo. So di ko trip mag twitter. Saka na lang yan (kung buhay pa ang twitter) kapag nailagay na ang pangalan ko sa Forbes Magazine. Bakit di tumblr? May blog din naman dun. Meron pang posting ng pictures. Eh, wala lang. Saka na pag-may DSLR na rin ako. Magyayabang na din ako sa tumblr. Pero di ko siya gagawing bling bling at papogi lang. Marami din palang ginagawang blog ang facebook. May nagsusulat sa note, sa wall, sa message, o kahit saan. Well, one thing kung bakit ayoko gawing blog ang facebook kasi una, di siya blog. Pangalawa, di ko trip.
Mas feel ko magpost dito sa blogger (dati sa multiply, cross post to blogger). Konti kasi yung readers. Yung gusto lang talaga magbasa yung makakaalam nung gusto mong sabihin. Isang reason din yun bakit ang hahaba ng posts ko.
Wala akong pakialam sa saloobin mo.
O di wag mo basahin blog ko. Di naman kita pinipilit eh. Besides, di ko nga pinopromote to para basahin nyo eh. Gusto ko lang magkaroon ng outlet.
Monday, June 27, 2011
Dahil ang multiply...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 8:07 PM
Monday, June 6, 2011
Marami ang Bawal
Unang una siyempre, Happy Birthday Daniel! :) Birthday ko kahapon. Siyempre masaya ako kasi birthday. Pero on second thought, tumanda na naman ako. And we all know na habang tumatanda ka, dumadami ang responsibilidad mo. Anyways, 18 na ko. Nice. Yung mga bagay na dating bawal, ay pwede na ngayon. Halimbawa, bawal uminom ng beer. Bawal manigarilyo (DI AKO SMOKER.), bawal pumunta sa website na may terms of use na pag below 18 ka ay di mo pwede maaccess. Bawal lumipad papuntang ibang bansa na walang DSWD clearance. Bawal magpakasal, bawal manood ng mga pelikulang rated R. Hindi lang naman bold ang may rated R eh. Minsan yung Saw, saka kung ano anong pelikula na brutal at may nudity at harsh words. Bawal maglaro ng mga games na rated R ng ESRB. Yung games na puro mura. Andaming bawal na pwede na ngayon sa akin.
Di na kasi ako bata. Pwede na ko makulong. Nawala na ang child rights ko at exemption ng tatay ko sa akin sa buwis (if you know what I mean). So kelangan mabuhay ako responsibly.
Well maraming nangyari on my 17th year. May pangit, may maganda. Pero its up to me now anong babaguhin ko for my 18th year. Happy New year sa akin!
I won't make this long. Thank you sa mga nagtext sa akin. Lalo na yung mahahabang text messages na punong puno ng birthday wishes, thank you. Effort yun. Thank you sa mga nagmessage sa facebook. I don't know kung nashashy kayo magpost sa wall o talagang mahaba lang gusto nyong sabihin. Siyempre pinakamarami, wall posts. Thank you. I know, konti lang talaga nakakaalam. Haha. Pero at least nageffort kayo iclick yung pangalan ko at mag-type/copy-paste sa wall ko.
Di ko alam kung may bumati sa friendster. Teka, ano na nga kaya nangyari dun?
Anyways, thank you uli sa lahat. Siyempre sa family. Hindi nila mababasa to, pero okay lang. Nagpapasalamat ako sa kanila ng buong buhay. Siyempre sila ang ultimate.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 5:04 AM