Bakasyon. Walang productive na magawa. Dahil dyan, magsisimula nanaman ako mamuna ng mga bagay bagay na nakikita kong nakakainis. Kahit di nakakainis basta maisip kong punain. Sisimulan ko sa mga bagay na kadalasang kinaiinisan ko sa facebook.
Okay. Unang una, lilinawin ko muna. Wala akong specific na taong pinatatamaan. Kung tinamaan ka, aray. At ito naman ay yung kadalasan ko lang nakikita. Pero madami pa talaga akong reklamo.
Unang reklamo!
(maglalag ang PC ko. Tutunog ang speaker at ito lang makikita ko? F)
Napakarami na talagang spammer ngayon. Ewan ko kung sa virus ba sa computer shops yan, yung mga isinasaksak na flash drives, o yung mga virus sa pinupuntahang site. Alam ko di naman alam nung nag-PM sakin na ginawa nya to. Tipong magugulat pa siya pag kinusap mo at minura. Di nya alam na ginagawa to magisa ng facebook account nya. Kaya pagingatan ang facebook account. Ingatan din ang PC na wag ma-virusan para di maapektuhan ang facebook. Wag ding pumunta sa di katiwa-tiwalang website. Magisip ka naman.
Well, di pa tapos. Ito kasing unang reklamo ko talaga ay tungkol sa spam. Oo masarap yung Spam luncheon meat. Pero yung spam sa computer, hindi mo na makain, bwisit pa. Kadalasang gumagawa ng spam ang mga viruses. Sa email, sa kung saan saan. Sa email uso yung mga magpapadala ng email sayo saying na meron silang ibibigay sayo na milyon milyon pero magbibigay ka ng information. Sa facebook, iba naman.
(oh talaga? t*ng ina mo.)
Ito yung nauusong spam. Sa sobraaaanggg gusto ng mga tao na matulad sa friendster ang facebook na merong who's viewed your profile, eh merong mga spammer na nagtake advantage nito. Napakaraming facebook applications na nagsasabi na makikita mo yung tumingin sa profile mo. Pero walang accurate. Wag kang tanga. Napaka-usisero kasi. Ito yung rampant talaga ngayon. Malas mo kung marami sa friends list mo eh medyo mangmang pagdating sa usapang internet. Click ng click ng hindi inaalam ang kini-click. At ayun nga. May lalabas nga sa wall mo na nagview sayo. Obvious naman na yun yung mga nasa unahan ng friends list mo. Usually, A's B's yung initial nung lalabas. Kung konti friends mo, baka A, B, C, D,E. Pero yun lang. Yung mga nauna lang na nasa friends list mo. Tapos napakaraming views. Libo-libong beses. Parang araw-araw nya tinitingnan profile mo. Wow. Astig. Tapos di lang yan. Pagtapos magwallpost eh guguluhin nya lahat ng friends mo. It's either magsend ng PM or magsend ng message or maginvite para sa isang event na "Who's viewed your profile". T*NG INA NYO. Yun lang. Pag may nagsend uli sakin ng ganitong PM o message o kahit ano basta related dito, eto kayo. ..l..
Well marami pang uri ng spam. Meron pa dati yung pillow fight. Bwiset na pillow fight. Tapos yung napakaraming shitty fb applications na nangiispam sa wall mo.
Anyways, enough of spam, second complaint tayo.
(FDA approved ba yan?)
Andaming naglipanang entrepreneurs ngayon sa facebook. Oo nga. Mas effective nga naman ito kumpara sa multiply (sorry. hehe) at olx (kung alam nyo yun). Siguro mas effective din to kesa sa ebay. Yung ebay kasi buong mundo makakakita, ito friends mo lang. Saka pwede ka idemanda ng ebay kung tarantado kang seller eh. Sa facebook, hindi naman. Anyways, as I was saying, walang masama magbenta. Kanya-kanyang paraan yan. Pero para ka kasing spammer. Alam mo yun. Ginawa ng creators ng facebook ang tag kasi ibig sabihin, NANDUN KA SA PHOTO. EH NASAAN AKO SA GAMOT NA YAN?! NASAAN AKO SA MGA GADGETS NA TINITINDA MO?! NASAAN AKO SA MGA BAG? SA ACCESSORIES? SA CONDOM at kung ano anong tinitinda mo. Officially, naging marketplace na nga ang facebook. Ewan ko kung pati sa ibang bansa ginagawa to, pero kasi dito sa Pilipinas, hindi na lang sa multiply umaasa ang mga online entrepreneurs kundi sa lahat siguro ng social networking sites.
Nakakainis lang kasi spam talaga. Epal. Yun. Sorry kung KJ pero epal talaga. Yung sa mga photos na wala ako kasi di ako nakasama, pwede pa. Kasi pwedeng nangiingit. Pero nakakainis pa din. Pero yung ganito, f*ck. Saka sana ayusin naman nung ibang nagtatag. Minsan gagawa sila ng sentimyento nila tapos itatag ka. CLOSE TAYO? Usually yung mga questions questions about me, yan nangtatag din. Tanging magagawa, i-untag ang sarili sa mga ito kung ayaw.
Okay, third,
(kaya ayoko magupload ng pics sa fb eh. Mahirap na. (ang kapal ko.))
Friend ko yung tunay na tao nyan. I mean yung tunay na may-ari nung pics nyan. Oo, close kami. Hahaha. Hindi, facebook friend lang. Di nga ako kilala nun eh. Well, since maganda siya, ayan, marami siyang posers!
Maraming gumagamit ng pictures nya (kahit di yung pangalan nya) para magkunwari. Ay nako. Effective yan sa pakikipagtextmate. Gaganahan yung textmate mo pero di nila alam, bakla ka. Tipong kinikilig pa yung textmate mo kasi ang ganda ganda nung pinakita mong profile. Well, hindi ako naiinis dahil ginaya nya yung fb friend ko. Wala akong pakialam dun. Ang nakakainis is yung ibang posers, fakers o bakla siguro ay nagaadd sakin. Halata naman eh. Iilan lang yung pics tapos hindi masyado active, ah shit, fake profile yan. Meron pa dati nagadd, bakla siguro, mga kap*tahan yung sinasabi. So siyempre, block agad. Pero bahala kayo mga posers. Wag nyo lang ako gayahin, hahanapin ko bahay nyo.
Fourth na reklamo,
(wag ka nang bumalik.)
Yung mga nagdedeactivate ng account tapos kinabukasan, active uli. Tapos next week, deactivate, tapos bukas active uli.
Hindi ako against sa trip mo. Well, nagtataka lang kasi ako minsan, biglang nababawasan yung number of friends ko. Tapos bukas iba nanaman. Then, through observation, napansin ko na may nagdedeactivate pala.
Educate kita bakit nagdedeactivate ha? Hindi naman to isinabatas ni Mark Zuckerberg pero para na rin masabi nila na educated ka kahit papaano. Ginawa kasi yang "deactivate" button kung tinatamad ka na sa facebook, may dapat kang asikasuhin or basta di mo na maasikaso ang facebook mo. Hindi yan ginawa para makita mo kung ilan yung nakamiss sayo. At hindi ka nagdeactivate para bukas eh magsign in ka uli. Bakit di mo kayang panindigan? Okay lang yung triny, one time, second time pwede pa. Pero paulit ulit? Hmm.
Eto naman, ikalima.
(T*NG INA ANG INGAY!)
Ilaw ng ilaw ang notifications. Only to find out na nagkukwentuhan pala sila sa wallpost mo o sa kahit anong post mo. Di bale sana kung related. Eh hindi eh. Kwentuhan ng mga di nagkita, sex talk, at kung ano anong usapan na wala talagang koneksyon sa pinost mo. Sana nag-PM ka nalang di ba?
Walang problema sa pagdami ng comments. Yung mga artista nga, pag nag-post ng picture sa fb, andami ding comments. Pero yung magkwentuhan kayo sa comments hanggang matapos sa good night, eh isang malaking katarantaduhan.
Ethics naman. Maawa kayo sa mga naglike nun, sa mga nagcomment na related naman. Kasi nabubwisit na din sila.
Sixth and final.
Yung like button ay ginawa para i-like mo ang isang bagay. Like. Ibig sabihin, gusto mo. Hindi yung sasabihin sayo na "paki-like" o sasabihin sayo, "contest ng paramihan ng likes". Bobo naman nung nagpapacontest nun. Kung sa ganoong paraan nila ibabase yung contest nila, T*ng ina nyo, magsara na kayo. Tapos yung mga pages ng mga pageant na paramihan din ng likes o talagang para lang mapakita na sikat yung candidate eh i-PM mo lahat na ilike yung pic mo, eh t*ng ina mo rin.
Buti nga ngayon wala na masyadong ganyan. Nasa tao yan kung gusto nila yung post mo, yung gawa mo o yung picture mo. Wag mo sila pilitin. Eto yung malala. Paglalalike sa status. Gusto nila palabasin na sikat sila. Ipapalike nila yung status nila. Parang tanga. Eh kung kagaguhan yung status mo ha? Eh kung wala namang naniniwala sayong sira ulo ka? Bakit mo ipapalike. Asshole. I-like nila yan kung gusto nila. Hindi dahil sinabi mo.
Pero eto malupet. Hindi ako naiinis dito. Natatawa. Ilike ang sariling status. HAHAHA. Okay.. Inistatus mo yan kasi gusto mo. Wag mo na ulit-ulitin na gusto mo. Wag mo na ilike uli. Please lang, wag kang magpatawa. Pero okay lang. Kung yan ang gusto mo.
Enough said.
Monday, May 2, 2011
Facebook Sh*ts
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 6:02 PM
Subscribe to:
Posts (Atom)