Kasabay ng beatification ni Pope John Paul II at ang Labor Day, ay eto.
Monday, April 25, 2011
Season 4 Launch
After 2 years, bumabalik ang istoryang walang kwenta pero may istorya. Sa araw ng paggawa (May 1), magkakaroon na ng Season 4 ang superhero na hindi naman bida at parang extra lang. Pero bago may May 1, bakit di mo muna basahin ang season 3 at plots ng season 1 and 2? :)
www.lumangistorya.blogspot.com
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:44 PM
Monday, April 11, 2011
It's Summertime!
Ilang months din pala nagpahinga itong blog na to. Lalo na yung blogger. Months na ata.
Grabe din kasi yung pressure this past few days eh. Kelangan talaga magfocus sa mga studies kasi kung hindi, wala ako dito ngayon at nasa school ako taking up summer classes. At dahil nga matagal tagal din akong namahinga, eh napakarami kong kwento.
Una, yung grades ko. Okay naman siya. Impressive na din pero mas mababa kesa sa 1st sem. Bwisit kasi yung ibang mga external factors na nangugulo ng buhay ng iba eh. Pero at least eliminated na yung ibang bwisit sa buhay. T*ng ina mo, eto ka oh. ..l.. Andami din kasi ngayon yung mga akala mo ang bait bait, akala mo matalino pero walanghiya, demonyo pala. Kaya payo lang ha. Bago kayo magbigay ng tiwala sa kahit kanino, kilalanin nyo muna. Wag kayong papatol sa celebrity. Karamihan dyan mga showbiz din. Magaling gumawa ng kwento at magaling magkunwari. Plastik pa. Sarap tunawin sa plastic recycler (may ganun ba?). Anyways, yun lang naman ata yung nakasira ng grades ko eh. Yung external factor shit na yan eh. Pero happy na din ako sa grades ko.
Second, 3 idiots. Ito yung pinakaastig na bollywood film na napanood ko (dalawa lang naman napanood ko). It's a story about friendship, academic at kung anu-ano pang values sa buhay. Madaming kalokohan at kantahan, pero madami talagang matututunan. Good movie.
Third, andami kong gustong pagaralan this summer kasi wala talaga ko magawa. Gusto ko mag-aral ng Piano kaso naisip ko tinatamad ako. Gusto ko ng photography pero wala naman akong camera. Driving lessons, oo yata. Kasi meron na akong student's permit. Gusto ko din mag-advance study sana sa accountancy kaso tinatamad ako. Gusto ko magaral ng Sony Vegas kaso tinatamad din ako. Andami ko pang ibang gustong pagaralan na software kaso naisip ko di ko naman kakailanganin yan sa course ko.
Fourth, madami akong lakad DAPAT. Kaso siyempre karamihan sa kausap ko talkshit din. So yung iba lang yung natutuloy. Pero okay lang at least madami akong pera panggastos sa iba pang lakad.
Fifth, bakit ko ba kinukwento dito yung buhay ko? Para mabasa ng lahat and whatsoever? WTF. Well hindi naman ako showbiz na gusto ipaglantaran ang buhay ko sa WWW (world wide web). Kaso lang kasi, ito yung naisip kong matinong means para mailabas ko yung mga shit na naiisip ko at hindi siya mag sink in sa unconcious ko at baguhin o sirain ang pagkatao ko. Mahirap kasi magtiwala. So ikwento mo na lang sa lahat.
Sixth, ayoko magtwitter. Wag nyo na ako yayain kasi di talaga ako gagawa ng account dyan. Hindi naman ako celebrity eh. Parang sasabihin lang ng mga tao, SO WHAT KUNG NASA GANITO KA or ETO GINAGAWA MO. Besides, di naman ako big fan ng mga shit na Pinoy Celebrity. Di rin ako fan ng kung sino sino pang public figure. Siguro kung may twitter si Jesus Christ o si God baka magtwitter ako ng makausap ko sila. Saka dadagdag lang yan sa kakabisaduhin kong password. Saka tingnan mo, andaming artista, public figures ang nasisiraan at nagaaway-away sa twitter. Si Manny Pacquiao, napunaan siya kasi tinweet nya yung desisyon nya tungkol sa impeachment nung Guttierez something ng Ombudsman. Si Willie Revillame nagsentimento dahil sa mga tumira sa kanya sa twitter. Madami pang kung ano anong parinig ang mga celebrities dun na nagagamit ng media para may showbiz news sila.
Pati Facebook ngayon napupuno na ng scammer. Ganun ata pag dumadami ang populasyon eh. Nagkakaroon ng mga taong gustong makasira ng kapwa. Dati naman nung kakaunti pa lang ang tao sa facebook, walang spammer. Halimbawa yung Watch this video, Who see your profile, at kung ano ano pang shit. Ngayon kasi kahit sino may facebook na eh.
Seventh, napepressure ako knowing na magsesecond year na ko. Yun na kasi yung judgement day. Pero ayoko muna isipin. Kelangan ko enjoyin yung summer.
Eight, WTH! Ang saya ng SPACE SHUTTLE MAX!! Parang ang sarap ulitin kaso magko-close na yung EK eh. Pero ang saya talaga mag EK lalo kung madami at may kwenta yung mga kasama mo. Next time, I'll be back with more. :D
Hanggang 8th na lang para infinite. Parang future value ng perpetuity. Next time na lang uli ako magkukwento ng kung anu-ano. Stay nice and low so that I won't pop out of the radar. :D
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 6:44 AM