Friday, November 30, 2007

Smart is Stupid

Bakit kaya sa tuwing nanunuod ako ng Harry Potter, parang nai-rerelate ko ang aking sarili? Iba talaga eh, para bang- iba. Well unexplainable. Para bang jinxed sya. hahaha. By the way, inoff ng smart ang internet kahapon kaya hindi ako nakapag-internet. akala ko nag-lag na ang PC namin. That was the least of it. Well yung naikwento ko dati na Two Conquerors? Hindi pa siya tapos. Akala ko tapos na. ewan. Buti nalang may San Andreas sa bahay kaya hindi nakakatamad. Well, well.. Wala akong masabi. Ang masasabi ko lang, IMPROVED na ang MOTHERVICTOR CITY THE GAME website!

Wednesday, November 28, 2007

The Sandwich Day

Bukas. Pasukan na naman. Tanga talaga[dahil walang taong bobo] ang organizers nang mga program dito. Bukas na ang huling araw nang aming pagpasok and yet, parang tinatamad na ako tapusin ang Algebra dahil sa 2 dahilan. Una, dahil nakakapikon ang mga equation, pangalawa, i-square mo yung unang dahilan. Bakit sandwich day ay dahil pagkatapos nang bukas ay isang holiday. Pero wala tayo magagawa. Excited si Guevarra maproclaim na pangulo. Anyway, wala talaga akong sasabihin. Ang sasabihin ko lang ay may bago kaming mission nang aking sidekick na hindi ko pangangalanan. Ito ay ang Glorietta Case. ayon sa unang pahayag, bomba ang sumabog pero sa dulo LPG pala. Haizzz. Mahirap intindihin. Sabi nga ni Napoleon Bonaparte, "I saw, I came, I conquer" Nasa saw palang ako. Bukas na ang "came"

Hindi na ako maglalagay masyado dito nang news about the game MotherVictor City dahil may website na ito. Nandun na ang characters at maps. Hintayin ang pagdating nang history, story, at ang missions. Malapit na rin ako maglagay nang downloadable game kaya umantabay lang sa website

Sabi nga, sa isang komposisyon daw, may simula, katawan at wakas. Dumating na tayo sa wakas. Ang aking wakas ay WAKAS.

Tuesday, November 27, 2007

Newest Official Website

Dahil nga nalalapit na ang paglalabas nang GTA V MOTHERVICTOR CITY, naisip ko na magkaroon nang official website. Meron siyang links dito sa blog na ito and I hope you enjoy knowing the truth behinnd the game! Salamat!

La Homme' Sans Identite'

Ito ay isang French Word. Bahala na kayo kung paano nyo alamin ang title. Ito ay isang short story na naglalaman lamang nang 5 epsiodes. Every week we shall post 1 episode. This may be satiric? Kung sa tingin nyo. Ito ay ginawa upang hindi lahat nang sikreto ay mabunyag o mabunyag lamang sa wise.

EPISODE I

In the heart of the city, merong isang grupo kung saan sila halos ang nagmamanipulate nang illegal actions sa lugar. Hindi sila mahuli nang pulis una na rin dahil maimpluwensya at makapangyarihan. Isa sa mga VP dito si Ricardo. Mayaman siya pero hindi matalino. Nag-rerely siya sa mga kasama nya. Nang mamatay si Ricardo, nanghina ang grupo at tila ba hindi na nila kaya. Hanggang sa nahuli sila nang mga pulis. Na-raid lahat nang pagawaan nila nang shabu, Nakulong ang dapat makulong, Nakuha lahat nang smuggled goods, nagkaroon din nang patayan. Pero meron pang ibang natira. Kaya gumawa nang fact-finding team ang pulisya na sina Louie Villanueva, Manuel Quirino III, Norman Legaspi, Kenneth Guzman at si Henry Garcia. Si Louie ay isang tao na hindi nagsasalita. Tinatawag siyang Silent Police dahil na rin sa dami nang nahuli nya na walang kaalam-alam. Nahuhuli nya ang mga ito na hindi nararamdaman nang kalaban. Si Manuel, isang dating sakristan ay minsan lang sumama sa ibang pulis. Palagi syang may sariling pinagkakaabalahan. Si Norman naman ay isang pulis na hindi na nagpapakulong nang preso. Pinapatay na nya ang suspect on the spot at kung nakatakas ay papatayin nya. Tinatawag siyang Vigilante pero hindi makulong-kulong dahil walang ebidensya. Si Kenneth Guzman, iang pamilyadong tao at ginagawa ang lahat wag lang mapahamak ang kanyang asawa at anak. Si Ken, gaya nang tawag nang nakararami ay isang pulis na katamtaman lang. Pero sometimes, nakakalimutan na nya ang kanyang pamilya lalo na pag pumunta na sil asa Night Club. At ang pinakahuli si Henry. Si Henry ay ang taong hindi masalita pero computer-genius. Kaya nyang i-hack lahat nang systems kahit pa nang White House.

Hindi nagtagal nakatanggap sila nang report. Ito ay tungkol sa isang namataan na Safe House nila. Lumusob agad ang team at narinig ni Ken ang paguusap
"Nasaan ba?"
"Naitago na po."
"Buti naman at nang may matira pa sa atin."
"teka san nyo ba tinago?"
"Hindi mo alam?"
"Dito!"
[pabulong na nagusap sila Ken at Louie]
"Tumuro sila sa mapa!"
"PAgalis nila, saka natin lusubin para tingnan kung saang parte nang mapa ang tinuro nila."
"Paano naman yun? Hindi naman maiiwan ang daliri nila!"
"Daliri hidni pero ang print nang daliri, oo."
Dumating si Manuel.
"Lumabas na sila. Area Clear."

Monday, November 26, 2007

Map of the New City

Kung ayaw nyo pa rin maniwala na mayroon talagang larong GTA V in spite of all proof na inilabas ng Vintage Spy Pictures at iniisip na kathang-isip lang nang 3rd Avenue ang lahat nang ito, well nagkakamali kayo. Ilalabas ko na dito ang tunay na mapa nang nasabing laro.. It consists of 4 sub-cities or district. Ang Gaspar Town ang original residence ni MotherVictor, ang Las Palmas na may northern, central at southern, ang Chateau de Levougue Island, at ang Xiu Fah na parang Chinatown at sisimulan nang pinakaunang mission. Meron ding mga subislands katulad nang Jasper Island, Baclaran Island at ang Exclusive Island Subdivision na Black Heights. Tama na ang explanation. Mas maganda kung makita nyo na ang tunay na mapa ng laro!



Ilalabas na iyan sa January 1. Pero naglabas na ang 3rd Avenue nang Trial Version. Maari nyong panoorin kung saan mabibili ang laro pag-click mo DITO

A Hundred Peso Bill

Ang Mystery ni Tycoon ay solved na. Hindi ko na sasabihin ang paraan na aking ginamit para mapaamin siya. Pero ang importante, umamin siya. Si Ayala ay malinis na sa mission na ito. Walang pahayag si Tycoon na umaayon sa mga naunang imbestigasyon at inference. Ibig sabihin, ang hinala nang lahat ay walang katotohanan. Meron man siyang mga panahaon napinipili si Ayala ay dahil na rin siguro sa ito ay iniutos namin[my accomplice is confidential]. Wala na dapat itanong pa. Natatandaan ko pa ang kwinento ni Arsene sa akin nuong Setyembre 22. Sabi duon ay may sinisinta daw si Tycoon. [name confidential]. Pero it happened this way, mayroon siyang sinira na CD noong Foundation Day. Sinabi nya na ito ay naglalaman nang HS Musical na kanta. It was "Alemap" na pagbibiyan nya nang nasabing CD. Pero base sa imbestigasyon, lumalabas na si Alemap ay pangalawa lamang at meron kaming nasabing pangalan. IYon ang inuna nya. Itatago natin ang maswerteng babae sa code name na "100" Noon pa ako nakakita nang pruweba sa kanyang celfone. Alam ko na iniisip nyo kung sino si "100"... Si 100 ay isang babae na inibig nang isang sundalo...


Well enough of Tycoon. Meron nanaman na itatago ko bilang si Nucleus. Si Nucleus ay isang tao na ayoko na sabihin dahil ito ay TOP SECRET. Change Topic. MAy kinalolokohan ngayon ang mga kadalgahan sa likod. Ito ay ang paggawa nang istorya. Parang satiric ang dating nang istorya yun nga lang, yun na nga...

Saturday, November 24, 2007

Into some Life, Some rain must fall

Ito ay nasaad sa isang tula ni Henry Wadsworth Longfellow. Siya ay isang dalubhasa sa Children's Literature. Well medyo may koneksyon ang title sa post ngayon...

Firstly ay ang sandamakmak nanaman na gawain. Kailangan ipasa ang Algebra, exam sa Algebra, Biology, Statistics at Filipino. Bakit ba isang linggo hindi magkaroon nang walang exam? Heinakuh. Dahil na rin sa dami nang gawain, maari nitong masira ang aking lifestyle at mga SCHEDULED na gagawin.

Bakit ba may mga bagay na hindi ko talaga makalimutan? Pinilit ko na but still it runs in my mind... Though ginawa ko na lahat, ganun pa rin. alam ko this cannot ba easily understood pero dahil wala na rin akong maisulat dahil wala pang pagiimbestiga kay Tycoon, eto na muna isususlat ko...

Lastly, alam nyo ba na ang pangalang James Bond ay hango sa ibon? Galing ito sa American Ornithologist[A man who studies birds], Sa isang Carribean Bird Expert at sa isang libro na ginawa nang isang bird expert. Si Ian Fleming, ang creator nang James Bond ay sadyang mahilig sa ibon. Sabi rin na ang "modern James Bond" daw ay hango sa isang estudyante na 2nd year, nakaupo sa 4th row, 2nd column. Name undefined.


Parami na nang parami ang naghahanap nang GTA V MotherVictor City pero san nga ba makakabili nang Trial Version? Panoorin ang video na ito...


For more info search it on youtube... Just click the Link entitled Vintage Spy Videos to view all it's videos....

Friday, November 23, 2007

A Six Peso Change

"Ma, bayad po. 3 estudyante.."
"Pare oh."
"Eto na po Kuya Tycoon"
"Hindi na. Okay na."
"O kuya oh! bababa na ako"
Ito ay ang pangyayari na makakapag patunay na si Tycoon ay may minamahal. Isa pa ay ang Kape. A tycoon never drinks coffee. But why is he treatting someone for a coffee??? Today is the fall of the Tycoon. Napakalungkot nya at parang frustrated. Ang maganda, he gave something to Ayala. It is the P6 na binalik ni Ayala sa kanya nung pababa na ito. [nakakakilig] Well, as for Ayala, sabi nang isang asset na umibig din sya kay Tycoon. Pero hanggang ngayon din ba? Hindi na namin inusisa pa kung sino ang sinisinta ni Ayala ngayon. Pero maghahanap pa kami nang clues para kay Tycoon... Hindi ko alam ang gagamitin kung technic kay Tycoon. Kung torture o Black mail. Pero kahit wala ako sa pangyayari, maraming tauhan ang Vintage Spy katulad ni Arsene.

Gaya nang aking naipangako, ilalabas ko na ang mga pinakaimportanteng characters sa La Doctrina y Conocimiento. Hindi ko pa mailalabas ang iba. Narito na:

JAMES WILSON-anak ni PEter Wilson. Considered siya as introvert dahil hindi sya nakikipagkaibigan sa mga kaklase nya. Masyado rin sya malihim at mailap sa tao. Kaya marami ang nagiisip kung ano talaga ang estudyanteng ito.

PETER WILSON-ama ni James. siya ang chairman nang ITS o ang International Triad Syndicate. Namatay siya dahil nagtraydor sa kanya ang isa niyang tauhan.

COL. LEO HUGHES-pulis na gustong gustong hulihin ang ITS. PEro hindi nya aasahan na ang ipinakilala nang kanyang anak na si Christine ay siyang tunay na lider nito.

GERARDO LOPEZ-Siya ang nagtarydor kay Peter para makuha ang chairmanship. Siya ang kanang kamay ni Peter.

JAIME FAUSTINO-naging chairman ng ITS. Sinet-up nya si James na dapat manunumpa bilang chairman na nagpa-exile kay James sa Pilipinas. Siya ang namamahala sa lahat nang sindikato sa South America at mga kolonya nang Espanya. Siya ang in-charge sa smuggling.

MONSIEUR LANCE WATERS-in-charge sa gambling. Siya rin ang namamahala sa West katulad ng Europe at America.

LEE ZHUI PAU-Intsik na duda sa bagong chairman at sa ibang kasamahan. In charge sa Asia at sa piracy.

KEN HOMER-Foreigner na pilipino. Siya ay kaklase ni James na may gang na pilit ginugulo ang buhay ni James. Siya ay anak ni Waters na nagiispiya sa mga mangyayari.
[ang tropa]

1. RAMON VALDEZ-kanang kamay ni Ken. Siga nang lugar nila at notorius.
2. MARCO HERNANDEZ-Napasama lang sa tropa. ayaw nya nang gulo. Gusto nya lahat areglo.
3. ALVIN GARCIA-Nagmamaapang na duwag kapag nagiisa.

ANDRE VALENZUELA- Siya ang pilit na nakikipagkaibigan kay James. NA naging sidekick ni James sa kanyang paghihiganti.

CARL MONTANES-Pinakamatalino pero insecure kay James.

JANE SALVADOR-Gusto malaman ang tunay na pagkatao ni James.

PROF. JEFFERSON ANGELES-Guro na kasabwat ni Faustino sa pagaalam nang tunay na kinaroroonan nang anak ni Peter Wilson.

GASPAR MAMARIL-tauhan ni James. Isang tangang alipin

RAYMOND LAURENTE-kanang kamay ni James. Pinlitan ang pangalan ni James sa school bilang si James Velasquez.




Ayan na naipost ko na ang characters nang LDyC. Hintayin ang sa GTA V!!!!

Thursday, November 22, 2007

Ang GTA V

Hindi ko na tinangka pa ilagay sa Wikipedia ang GTA V. Dahil sa mga napakahigpit na alituntunin. Saka hindi pa naman siya developed na laro eh. hehe. PEro as you can see, kahit January 1, 2008 pa siya lalabas eh andami nang bumili nang TRIAL COPY. May Billboard na rin sya sa Araneta Center-Cubao.

Isang "bakla" ang nakasakay namin ni Dan at ni Ayla kanina. Isa siyang nursing student. Siyempre nakaputi yun, pero dahil nga napakalaki nang sapatos ko, tumama ito sa kanyang puting pantalon. Hindi naman madumi ang pantalon. Ang masaklap, dahil nga bakla akala nya naging Black ang kanyang pantalon. Bakit kasi ang aarte nang mga tao? Mabuti pa linisin muna niya ang pagmumukha nya bago nya linisin ang kanyang napakalinis na pantalon...

Nakasalubong namin si Kuya Vincent kanina bago kami umuwi. At dahil na rin sa mga nasaad ni Ayla na ang "M" nya ay talagang Migraso at naipaliwanag nya ang kanilang relasyon ni Leo ay naniniwala na ang Vintage Spy. Dahil nga sa nabanggit ni Leo na mabait na bata si Ayla, ayoko siya madamay sa "Tycoon" case. Well ang case na ito ay pag-iimbestiga sa tunay na puso ni Tycoon. Meron talgang mga abagay na hindi pa sinasabi si Tycoon...

Ang La Doctrina y Conocimiento ay nasa Chapter 3 na. At maaring bukas ay ipost ko na ang orihinal na characters dito. Walang blog ang LDyC dahil ito ay napaka-"classical" kapantay nang Noli at Fili. I mean Filipino.

Bit-nam

Back to the Tycoon Mystery. Napansin na rin nang aking kaibigang si "Kazuma" ang ibang kinikilos ni Tycoon. Pero bakit nga ba nangyayari ito? Marami pa rin akong nakuha na facts muli ngayon. Pero magiging obvious na kung sino si TYCOON.

Ano nga ba ang "Bit-Nam"? Mabuti pa ay alamin natin ito mula kay Mr. Escano. Sabi nya kasi, "Ang BITNAM ay isang mhirap na bansa piru sila ay matatalinu." Well andami ko nanamang natutunang life lessons mula kay Mr. Escano. Naalala ko nanaman ang pinakamabait na section at yung malakas na bagyo sa Cavite. Ang maganda pa nyan, nakakuha kami ng bagong proof na ang CN LAB really exists...
"Kayu talaga ang pinakamabait na istudyanti ku. Yung mga ngayun? Mga pliful yung mga yun ih. Dati akung frustrited military. Yung mga ka-batch ku dati sa hi-skul? wala na."
"Patay na sila?"
"Uu. May 2 kasing klasi nang draffffting. Ang Utucad[AutoCad] at tiknikal druwing. Yung natututunan nyu sa skul, 30% lang iyun. Yung natitirang 70% ay basi sa siminars, practice at ixpiriens. Saka dapat talaga ang inggit hindi pairalin."
Napakagandang usapan. Marami pang iba pero wala na akong oras eh.. Siyanga pala, ito ang lagi ninyong tatandaan...
"Magdasal kayu kasi baka malakas ang bagyu"

Masaya dahil nag-uwian nang maaga. Pero ano nga ba ang mga tinitinda sa tiangge? Actually hindi ako masyado nag-enjoy. Dahil kaunti lang ang may kwenta... Haizzz...

Ano pa ba dapat kong sabihin? Actually wala na. So paano ba yan, goodbye for now, wala din akong trivia ngayon eh...

Wednesday, November 21, 2007

GTA V's RISE

Talagang Sikat na ang GTA V MotherVictor City. Kung ayaw nyo pa rin maniwala, narito ang isang camera footage. Nakuhanan ito sa Araneta Center-Cubao.



[Ang hindi nakazoom na image na ito ay hindi mailabas dahil ito ay isang bitmap image. Hintayin ang paglabas sa video!
*Note:Ito ay TOTOO talaga...]

"Computer" na parang Calculator...

After a century, nagkaroon din kami nang Statistics. Saka may bagong vocbulary na naidagdag sa akin dahil sa subject. Ito ang:
Computer-is a thing never invented a long time ago. It is used for obtaining a square root of a number... Bakit ba kasi kailangan pang i-alter nang i-alter ang alpabeto at numerals. Sana kasi wag na ito i translate sa "Espanyol" na salita...

Si Mr. Ben T. Mendiola ay isang guro at isa ring doktor. Siya ay isang psychologist. Hindi mo talaga akalain.. Siguro napakayaman nyang tao na hindi siya nagtatrabaho.. Dahil dyan ayoko na maging doktor at guro.. hehe..

Sabi sa unang pahayag, puputulin daw ang klase to give way sa "tiangge". Pero wala itong katotohanan. Sabi ni Ms. Rivera, BREAKTIME lang daw ang pagkakataon pumunta sa tiangge. unknown pa rin ang status...


TYCOON'S CHOICE OF JEEP
Mystery Defined na ang misteryo nang "Drug Dealer" Ang Vintage Spy ay hindi na magaatubili pang imbestigahan ito.. Ang maganda, meron nanamang bagong iimbestigahan. Itatago ko naman siya sa pangalang, TYCOON. Si tycoon ay pinapapili ko nang jeepney kung saan siya lagi sasakay. Pinipili nya maghintay sa dulo kaysa sa magabang sa loob nang jeep at hintayin ito mapuno. Ang nakakapagtaka ngayong araw na ito ay may iba.. Nakita ko si "Ayala"[hindi nya tunay na pangalan] na papasakay sa jeep. [ayoko gumawa nang intriga pero talagang imbestigador lang talaga ako. Saka sa imbestigasyong ito ay hindi ko idadamay si Ayala.] Nakakapagtaka na pinili ni Tycoon ang jeep na pupunuin pa na HINDI pa nya ginawa! So medyo nagduda ako... Well, there's something different kay Tycoon na napansin ko. Iba ang kilos nya. At nararamdaman ko ang kilos na ito tuwing siya ay umiibig. Umiibig nga kaya si Tycoon? Meron kaya siyang inililihim? Iyan ang aalamin nang Vintage Spy with the help of some accomplices. We will do it stealthily... Sino si Tycoon? Siya ay isang lalaki na matapat.

Monday, November 19, 2007

Clues Leading to another clue

Dahil nga ako si Vintage Spy, meron nanaman akong mga trabaho na dapat pagtuonan ng pansin.. Well kanina, wala akong balak mag-imbestiga. Until such time I heard of something. Well may mga bagay that should be kept as secret so bibigyan ko lang kayo nang pahapyaw..
"Meron isang Drug Dealer. Syempre meron siyang pamilya at meron siyang mga kaibigan. Alam nang mga kaibigan nya na drug dealer siya ngunit hindi ito alam nang pamilya nya. Pero 2 sa kanyang anak ay nakakuha nang mga clues na magdadala sa susunod pang mga clues. Umaasa pa rin ang 2 anak na makakuha nang clues using some technics.."
Sabi nga nila "Think and talk like Lupin.." So ayan nakuha ko rin ang access sa mga sikreto ni Hepe.. MEron pa siyang "panakip-butas!" O ayan tama na muna sa sikreto...

Speaking of Sikreto.. Meron ibang mga taong nagtataglay nang "Hindi Maitagong Sikreto" ISa na dito si Victor. To explain it thoroughly, ito ay mga dumi sa katawan na kung saan hindi mo maitago or akala mo naitago mo na pero hindi pala. Kalimitin itong nasa likod o nasa nilalagyan nang kwintas.. Mga 1540 hours, naglalakad na kami sa "Sinirang Catwalk" ay may nakita kami sa harap na NAKASUSUKA, NAKASUSUKLAM at NAKADIDIRI na malaking baklang madumi ang batok. Tama ang nabasa nyo! Nakasusuka! Mas maitim pa sa batok ni MotherVictor pero mas kadiri pa. Sobra talagang itim. Para talaga siyang hindi naliligo.. Hay naku, kung yung baklang iyon may hiya pa, wag na siya pumasok.. Kadiri talaga...

"Oh Yeah! Oh Girl!"
Ito lang naman ang kataga nang baklang singer na si S.C. hindi ko na sasabihin kung sino basta mukha siyang "Nasikatan nang Araw"

Extra lamang iyon.. Syanga pala.. Kanina ay nag survey kung sinong "pinaka-gwapo o pinakamaganda" Ano nga ba ang essence nang paggawa nang ganitong klaseng survey? Para yumabang nanaman ang "ibang" feeling gwapo? Para nanaman mag aarte ang akala magaganda? No essence talaga. PEro para samantalahin ang pagkakataon na pasikatin si Victor U. Gaspar III, siya ang naging inspirasyon namin sa pagsulat. WAla talaga akong balak ilagay ang pangalan nang "ibang" kina-career ang pagiging "Gwapong-Gago". Basta ang masasabi ko lang walang kwenta yan...

Dahil gusto talaga namin pasikatin ang bagong larong GTA V, HINTAYIN ANG KANYANG PAGE SA WIKIPEDIA!!!!!! PAG SINEARCHN NYO ANG LARO AY LALABAS ITO.. MAGHINTAY LAMANG AT I-AANOUNCE KO KUNG KAILAN ITO LALALABAS.....

Sunday, November 18, 2007

Mga Patunay

Akala nyo kathang-isip lang ang GTA V MotherVictor City na pinag-uusapan namin? Dyan kayo nagkamali. Dahil ito ang ilang pang patunay na meron talagang GTA V.
Isang lalaki na nagbayad ng P800 para sa original copy nang laro!



Kung hindi pa kayo kuntento sa lahat nang inilabas ko, narito ang ORIGINAL intro nang laro!

Friday, November 16, 2007

To Face the Final Curtain...

"And now, the end is near,
And so I face the final curtain,
my friend, I see it clear..."
-Frank Sinatra

Tapos na ang Foundation Day pero katapusan na nga ba nang kasayahan??? Sa iba, oo. Bukas na rin kasi ang kuhanan ng Card kung saan makikita ang mga naging performance mo for the quarter. Ang masaklap pa nyan, ayoko na magsalita.. Basta talagang frustrated ako...

Speaking of frustrated, may nakatabi akong magandang babae kanina.

Ito na. Alam kong hindi lingid sa kaalaman ninyo na ang bida sa napakaraming sikat na pelikula sa youtube at main character sa GTA V, ay umiyak. Hindi lang basta umiyak kundi humagulgol. Hindi lamang nakuhanan ni Arsene, dahil na-late na nang info. Nasapak ito na itatago natin sa pangalan Leo. BAse sa isang impormante at nagtawag kay Arsene para masaksihan ang pangyayari, na itatago natin sa pangalang Kier, ay nang-aasar daw si Leo. Nanahimik sila at biglang sumunggab ang baklang gorilla. Sinakal sia nito at duon naganap ang away. Sinasabi na hindi pa raw nagsisimula ang sapakan, umiyak na si MothrVictor. Ayon din sa isang impormante na si Rojan, tulo sipon at kulangot daw[iwwww]. Pasensya na. Ngayong araw na ito nangangalap sya nang makakaramay at isa sa mga ni-recruit nya si VIncent. Ang may ari ng Fig's Photography...

Thursday, November 15, 2007

The Proof

Mga bagay na "strange but true! " Hindi mo mapapaniwalaan. Pero dahil may proof, maniwala ka!!! SIKAT NA ANG GTA V MOTHERVICTOR CITY!
MAS MALUPIT KAY ZAIDO! MAS MATINIK KAYSA KAY LUPIN! MAS ASTIG PA KAY JACKSON! MAS MAPORMA PA KAY RICKY REYES! MAS PANGIT PA KAY DIEGO! MAS BAKLA PA KAY ALLAN K! PERO MAS SIKAT SA IBANG GTA!!!! Isang malupit na ptunay na walang katapusan ang pagsikat ng GTA V MotherVictor City!!!!
A Yakuza who refuses to show his face referring about the Newest GTA!!!

A Chinese Mafia who just bought a GTA V!!!

A Nerdy Weird Guy who leave his studies just for this Game!

Isang patunay na ang larong GTA V MOTHERVICTOR CITY ay Rich People's Choice! Dito makikita na isang Chinese Mafia ang may hawak nang larrong nasaad.

"Let There be Light"

Isa nanamang excerpt mula kay Arsene Lupin. Bakit nga ba ako na-adik nanaman kay Arsene Lupin? Well siguro mas maganda na ito kaysa sa Harry Potter based sa nabasa ko.[walang personalan]. Kasi una mas maporma gumalaw si Lupin. Napaka-refined. Saka pwedeng mangyari sa tunay na buhay. Besides, you don't just read, you think. Mapapaisip ka talaga sa mga misteryo. MAy pelikula na pala si Arsene Lupin. Ang masama wala sa Pilipinas. Saka lumalabas na si Sherlock Holmes ay matalinong detective pero nauutakan pa rin ni Lupin. Nagsimula lang ang Lupin sa isang magazine created by Maurice Leblanc. First story nya ang pagkahhuli kay Lupin kaya hindi na niya maisip ang susunod. Pero dahil "utak-lupin" siya, naipagpatuloy nya ang Lupin na naicompile lahat ng Penguin Classics. Syanga pala, kung may makita kayo na pelikula na ARSENE LUPIN, sabihin nyo sa akin, may REWARD kayo. Name your Price. Gusto ko lang talaga mapanood ang Live Action ng magandang istoryang ito..

Speaking of maganda, may maganda akong nakatabi kanina.

Extra lang yun. Gusto ko lang isa-isahin ang masalimuot na Foundation Day.
1. Ang makakamandag na pagkatalo- Alam ko ginawa natin ang lahat para manalo. Ito lang ang LAgi nyong tatandaan. Sa ating mundo 2 lang ang pwedeng kalabasan ng bawat laban... Kung sinong magaling sya ang nanalo at kung sinong mas magaling ay mas nananalo[anlayo ata ah.]
2. Sleeping Time-Nuong nagkaroon ng Cheering Competition, inantok ba kayo? Ako hindi eh. Pero meron akong nakita na inantok[abangan ang video]. Name UNDEFINED...
3. Pop-Idol-Nakita ko nanamnan sya. Kung bakit kasi sa dinami-dami ng host, siya pa ang kinuha?!?! Nananadya ba? Parang naulit ang lahat ng pangyayari. Ang kinapupwestuhan nang kanyang sinisinta, ang ginagawa nya, ang upuan sa sahig, ang sigawan kay Bracia, yun nga lang si corps ay malayo na pero kumakanta pa rin... Natalo man si Joanah, she still did everything. Nakapasok siya sa Top 6 and that's a big deal. Ang ipinagtaka ko, hindi siya masyado nagkaroon ng Energy habang kinakanta nya ang "First Love" bakit kaya? Well si Micah Andrew ay emotic pa rin at parang boyband ang style...
4. Nervous Breakdown- Ang kape. Ang kape ay mainit at minsan ay maaring tumapon sa damit mo.
5. Feeding Program-Salu-salo. Pero bakit tubig na may lasa ang ibinigay sa akin imbes na pepsi??? Bias talaga ang mundo.

"Sometimes, you have to be in others position inorder for the epidemic not to spread..."
[Masyadong malalim pero kung katulad kayo ni Lupin, makukuha nyo yan...]

Tuesday, November 13, 2007

Victor? Dead?

Oh my God! Merong Tribute kay Victor! Is he dead? Ito ang proof.....

The Two Conquerors

Wala talaga ako maipost kaya ito ang naisip ko. Hindi ito nangyari sa history! Gawa ko lang ito..

Long ago, merong naglalabang 2 kaharian. It was the Rome and China. Samantalang merong isang maliit na kingdom na civilized na pagmamayari ng China. Until such time na naghirap ang Japan[civilized kingdom] halos nalugi ang China sa pagsuporta sa Japan. Naisip ng China na iwanan sa ere ang Japan. Tuluyang naghirap ang Japan at lalo pa ito nalugmok sa pagkatalo at pagdurusa. Nagkataong may interes na ang Rome sa Japan kaya humingi ng tulong ang Japan sa Rome na agad namang tinugunan ng Rome. Subalit hindi ginawang kolonya ng Rome ang Japan dahil siya ay nahihiya na sakupin ang Japan dahil nagkakainteres din dito ang America, Australia at Germany. Ayaw na nang Rome nanag digmaan kaya sinoportahan na lang nya ang Japan. Until such time na umunlad mula at lumakas ang Japan. At balak na nang Rome na gawing kolonya ang Japan. Ang masakit, nang papunta na ang embahador ng Rome, ay nalaman nyang sakop na pala nang China muli ang Japan at hindi naman nag-atubili sumama ang Japan. Nagkaroon lang ng friendship between Rome and Japan pero sometimes, hindi na tumutulong ang Japan tuwing lugmok ang ekonomiya ng Rome dahil sa pagbabawal ng China[di ko sure]. Hanggang tuluyang nalugmok ang Rome. Makalipas ang ilang buwan, nakabangon muli ang Rome at kinalimutan ang lahat ng mga nakaraang pangyayari....

Monday, November 12, 2007

Ang Araw na hindi Shortened

Sa English, The Dick that isn't chopped. Well masyadong malalim talaga kaya wag nyo na isipin pang tarukin. Salamat naman at hindi shrtened ngayon. Kasi pag-shortes, parang wala rin. Lugi ka pa sa uwian!
Up, Up and Away!
Katunayan, hindi pa rin ako tapos sa San Andreas. Well Yung title ay ang katatapos ko lang na mission. Pero sabi nga ni CJ, [hindi yung bakla][translated na to siyempre!] Magtiyaga lang. PEro okay lang. halos akin na ang San Andreas dahil lahat halos ng property akin na. Nakipaghati pa sa akin ng shares si Wu Zi Mu or Woozie. Mula pa 1st year, ito na ang aking "crying shoulder" Intindihin nyo nalang.
Sustaining...
Nakalimutan ko ang buong tema ng aming 53d Founding Anniversary. Gusto ko sana sumali sa contest sa Movie Making pero nakakatamad ang title. Walang thrill kumbaga. Sana pinagawa na lang ng commercial o nang trailer o kahit indie film. Siguro nga hindi ako angkop sa Unibersidad na labanan lang kundi sa BUONG MUNDO talaga.
Speaking of "Videos" pinasikat ako ni Victor sa Laban Natin Ito Music Video! Sana pwede isali yan sa SOP MUsic Awards at ipantapat sa "All Out of Love" ni Dennis Trillo. Wala nga akong kagana-gana nung ginawa ko yun?!?! Tapos almost 205 na ang nanuod. Special thanks nga pala sa mga gumanap, ako, saka si Leo saka siyempre ang artista, Si VICTOR!!!! ITo nalang kaya i-submit ko na entry?!?!?
Sinong Nagmamayaman?!?!
Itong post na ito ay hindi ko ginawa para manakit ng tao o may patamaan. Well naglalabas lang ako ng saloobin at hindi sama ng loob. Well first isang paglilinaw muna, lahat nang fees sa school kaya kong bayaran pero I SHOULD see to it na karapat-dapat akong magbayad. Wala nanag arte pa. Heto na. Friday. On the spot nag-announce na kailangan magbayad ng P255. [Regards to Ms. Songsong] Siyempre hindi ako magdadala nang ganong kalaking pera! KAya dumating ang Lunes. At ako'y na-shock nang sinabing nagdagdag pa ng P130!!! PAra daw sa costume ng Dancers. Well, firstly, bakit ganon kalaki? Sa buo atang school, II-Loyalty ang pinakamalaking budget na sinisingil. Kaya kong magbayad nang P130. Pero for what? Shall I benefit? [wala lang. mali yun]. Ang pinupunto ko dito, eh, hindi makatarungan at makatao. Pero wala akong magagawa. HIndi ko naman pwede sabihin sa adviser dahil hindi naman ako Officer.

Isang paglilinaw. Si Bill Gates ay HINDI nag SIPAG at TIYAGA para umunlad. Mayaman na siya mula pa pagkabata. Yuin nga lang, out-of-school siya. Ginamit nya ang talino para makabuo nang isang program na magpapayaman sa kanya. So Hindi lang purely SIPAG at TIYAGA kundi TALINO at PERA.

At dahil na rin sa tuluyang pagsikat ni Victor, nais ko sana kayong imbitahang panoorin ang pangalawa sa pinakamarami kong Views na NOnsense Video...

Thursday, November 8, 2007

1 Year of Deciphering

Isa na siguro sa mga bagay na ginagawa ng mga agents, archaeologists [like victor] at mga spy ay ang Deciphering. Well, panahon pa ng mga "civilizations" nuong nagawa ang cipher. Siguro mga panahon pa ni Haring Linceo. Ginagawa ito ng mga Egyptians para ipadala ang sulat nila. Ang essence nila sa paggawa nuon ay para kahit ma-intercept ay hindi mabasa.

Pero iba ang tinutukoy ko. Ang "Shorthand" o commonly known as Stenography or Steno ay cipher sa akin nuong 1st year pa. Bakit? First, hindi ko mabasa at maintindihan yun. Second, refer to the first. Mayroong isang napakagandang "binibini" [hindi ko na sasabihin ang pangalan] na kung saan ay nagsulat ng isang steno note sa blackboard namin. Dahil nga nahihiya ako lumapit dahil para siyang si "Laura" eh kinuhanan ko ito ng picture. Good thing ay kinabukasan hindi nabura ito at inisip na ipabasa sa mga marunong ng kaunti ng steno. Pero lahat ng sinasabi nila ay daniel [may puso] *********. Ang ipinagtaka ko, sa 2 kong pinabasa, mayroong certain words na magkaiba. Katulad ng ate at ang apelyido ko sa medyo nag-doubt ako. Umabot ng 6 months at nasa cellphone ko pa rin ang sulat na iyon. Umaasa na mabasa na ang sinulat ng "Laura" ko. Pero nauna ituro ang Bookkeeping. Umabot na nang isang taon. Masasabing vintage na ang kuha na iyon dahil iyon ang pinakamatagal na photo na tumagal sa cel ko. Kahit itinuro na ang steno, nawalan na ako ng pag-asa na ma-decipher ito at mabasa pa. Until such time, hinram ko ang libro ni Dan Vincent Figueroa[salamat pare...] para pag-aralan ang Lesson 4 at 5. Actually kahapon lang nangyari ito. Hindi ako umasa sa mga pinabasa ko dahil baka pinapaasa lang ako. Nuong nalaman ko ang letter D, nagtaka ako dahil wala namang "D" duon sa sulat. Kaya naghanap ako ng mga katulad na steno leters at na-decipher ko na after 30 minutes. Well, For once walang DANIEL duon. Ang isinulat nya ay ang buo nyang PANGALAN. Ang puso ay maaring na-extra lang. Son ngayon malinaw na sa akin ang lahat at na-decipher ko na ang sikretong nakabaon sa cellphone ko for 1 year...

Tuesday, November 6, 2007

Hindi lahat ng inaasahan mo...

1305 hours, Same Day, Actually alam ko na na ganoon ang mangyayari pero hindi ko talaga inasahan ito. Sa unang pagkakataon sa yugto ng buhay ko, hindi pa nangyari ang ganitong kahihiyan. Actually, na shock talaga ako. Kung pwede lang nakawin ko ngayon at baguhin ko dahil siguradong "NO Way Out" na ako sa pangyayaring ito. Shit talaga. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa Sabado. Pero siguro sasabihin ko na sa kanila ngayon. KAsi talagang katapusan na ng mundo ko. Para akong estudyante na hindi pumapasok sa eskwela sa pangyayaring ito....

Well alam ko hindi nyo masyado maiintindihan ang post na ito pero i-consider nyo yung time. Ayoko na mapahiya after what happened. Para akong GAGO. Wala akong gana na mag-post. Gusto ko lang ilabas ito. Well asahn nyo ang pagkawala ko for the following days kahit sa CAptain Nguso siguro. Alam ko kagagawan ko to. Kaya hindi ko dapat talikuran to.

Friday, November 2, 2007

OverLoad

Time has passed out so fast. Ilang araw lang sinabi ko na nakakatamad ang bakasyon[wala akong sinabi gusto ko nanag pumasok!] Ngayon, tinatamad ako pumunta ng barbero. Every Time na pumupunta ako sa barbero parang kinukuha ang aking dignidad at dangal. Well ang masama sa barbers ngayon hindi nila sinusunod ang sinasabi ko. NAkalagay sa labas GUPIT 50. Eh 30 lang dala ko. Sabi ko 3x5. Eh kulang pambayad ko kaya ginawang 2x3. Minsan naman sabi ko haircut nga. Tinanong ako, "Anong haircut?" Sabi ko "Yung free." Pumunta siya sa casheir. Kumuha ng spray. At sinabi sa akin "TApos na po." "Wala ka halos ginawa!" Sabi nya "Libre ho yan." Well, hindi ko siya masisi.

TAma na ang palusot. 2 araw na lang pasukan na. Wala pa ako nagawa sa assignment dahil tinamaan ako ng Sinocloriostic Mehasufide Syndrome. In short katamaran. Bukas ko nalang siguro gagawin. Actually para akong nasa probinsya na may wifi internet. Putol lahat ng koneksyon sa friends. May nag OL nga minsan tinatamad naman akong kausapin kasi wala namang topic. Haizz. Buhay nga naman. Siyanga pala, I hear Christmas Bells Ringing! 53 days to go, pasko na!

Enough of that. Actually wala kasi ako maisip sabihin na kaalaman. Itong sasabihin ko ngayon ay quite R-14 No Children below 14 are allowed to read this post. actually, totoo itong history na ito pero hindi nyo mahahanap sa web dahil ito ay aking nabasa at naging stock knowledge.. San nga ba nagmula ang French Kiss? Well marami tayong French na products like French Fries, French Toast, French Baker[tao yun!], French Lugaw etc. French kiss ay defined as a passionate and romantic kiss. Hindi ito basta ginagawa ng hindi kayo magkakilala o magkamag-anak. Ginagawa ito ng mga taong may karapatan gumawa nito! Isa ang mag-asawa, mag-syota, magka-ibigan, nagka-ibigan, may pagnanasa, pag nanggagahasa etc. [Sabi ko sa inyo eh! R-14!] Well hindi ni-rerequre na manggahasa ka. Ginagawa ito to show LOVE and AFFECTION. Now, bakit French Kiss kung pwede namang Passionate Kiss? NAgsimula kasi ito within 17th at 18th Century sa France. Actually, practiced din ito sa Italy. Halimbawa sa isang party, when you meet a girl, kilala mo o hindi, pangit o hindi, kailangan mong halikan PASSIONATELY. Lalo na kapag-inintroduce sayo. Isang paglalapastangan at pagbastos ang hindi paghalik sa isang babae na ipakilala sayo. At sometimes even not in the party, basta pinakilala sayo, you have to kiss it PASSIONATELY[walang malisya yun.. at walang SELOS]. But due to discovered viruses transmitted thru saliva, tinigil ang tradisyon na ito. So bawal na ito ipakita sa public. At dahil sa pinagbawal, hindi na ito na-papractice. But due to the intense feeling na nararamdaman nila tuwing ginagawa nila ito, ipinagpatuloy ito ng mga lovers until it was called French Kiss dahil trademark ito ng mga pranses. Well as we can observe, yung mga magkakaibigang babae[hindi pwede gawin ng lalake dahil gawain ito ng binabae.] ay nag "bebeso-beso" o paghalik gamit ang mga cheeks. San nga ba nagmula ito? Galing pa ito sa Ancient Rome at Egypt kung saan nagpapakita ito ng friendship at respect. So that's all.. PAGBAWALAN ANG NAKABABATANG KAPATID!

Thursday, November 1, 2007

Pareho ba ang Saint sa Soul???

Nung bata ako, grabe talaga ang takot ko sa mga multong iyan! nov. 1 takot na ako. Pero bakit ba ako dapat matakot??? Nov. 1 is ALL SAINT'S DAY! Yun ang bagay na karamihan sa mga Pilipino ay hindi maintindihan. Maraming tao ang nagtatakutan na may mga naggagalang kaluluwa dahil araw nila ito. Pero since I was young, alam ko na na Ang Nov. 1 ay ALL SAINT'S DAY. At ang Nov. 2 ay ALL SOUL'S DAY. One more. Bakit kailangang i-declare na National Holiday ang Araw ng Kaluluwa? Hmmmm....

Well change Topic. Actually habang tatayo tayo ako sa may puntod ng aking lolo at lola[naghihintay kung kailan matatapos ang"hao-king" isang paraan ng pagaalay ng pagkain ng intsik na ginagamitan ng Chinese Numerology] may nakita akong babae na dumaan. Actually I was really shocked pero hindi ko pa confirmed. PArang nakita ko ang dati kong sinisinta... Well, wala na yun and that's past...

Bits of Learning muli, alam nyo kung bakit inaalayan pa ng pagkain ang patay? Nagmula ito sa paganong paniniwala na kung saan ang mga kaluluwa ay muling babangon at uuwi sa bahay para kumain.. Kaya para maiwasan ang pagpunta ng mga kaluluwa sa bahay at kumain pa dito, pumupunta na lang ang mga kaanak para maghandog ng pagkain. In that way, nai-celebrate ang All Soul's Day na gaganapin bukas.. Isang tanong lang... Kung sakaling bumangon ang patay at kainin lahat ng hinain mo, ano kaya?