Monday, June 5, 2017

Happy Fucking Birthday





Happy birthay sa author ng blog na to. 24 years of existence. Wow. Didn't know you'll make it this far. But are you happy?

May pera, girlfriend, job ka na. Kumpleto pamilya mo. You are young. You've got the world. Pero bakit ka nagpopost dito sa blogsite mo? Actually, may readers ka ba? Haha

Sa totoo lang, tangina kasi ng araw na to. Every birthday ko, absent ako. Mainly kasi anti-social ako. Ayokong kinakantahan ng Happy Birthday sa classroom, or binabati ng paulit ulit. Dati nung nagaaral pa ko, laging di natataon sa pasukan birthday ko. Bakasyon pa birthday ko. Epal na kasi DepEd so kelangan ko magabsent. Another reason is ayoko mangtreat ng tao. Ayoko manlibre. Ngayong nagwowork na ko, I vowed na magleleave ako ng birthday ko. And I've got another reason. Ayoko ma-stress, ayoko mainis. Gusto ko masaya lang. Na kahit isang araw sa miserableng buhay na to eh masaya ako. As in allocated yung day para gawin yung tingin kong makakapagpasaya sakin.

Pero as luck may have it, may mga nangyari before my birthday. May nagkasakit ng malala na malapit sakin and eventually died, 4 days before my day. I've been planning to hold a party para sa bday ko pero di pwede kasi mali tingnan. Yun nga lang mga Friday night outs, ang hassle na ipost sa FB kasi baka majudge ako. So wala ako nagawa kundi wag magpost, wag magparty and all. Kahit sabihin mong shit person ako, may puso ako. So affected ako sa nangyari. Kaya di ko rin macelebrate yung day. Dagdag mo pa yung mga taong "friends" mo daw pero ni hindi ka tinext or nagpost sa fb or nagmessage man lang. Cunts.

Yun yung masakit kasi may pera ako. Akala ko pag may pera na ko, oks na. Masaya na. Problema, wala pala talaga akong ganun kadaming kaibigan.

I may seem friendly and a lot of people may know me pero on my special day, soooooooobrang konti ng nakaalala - even with Facebook reminding them. So gagawin ko nalang, pahahalagahan ko tong iilan na bumati kasi sila yung real friends ko. Yung iba, magaling lang pag kelangan nila ng kasama or kausap or makikinig sa rants nila. Tangina nyo di ko na kayo rereplyan (asa).

Minsan naisip ko na nga lang, bakit ko nga ba pinayagang tumuloy yung mga tao sa buhay ko? I mean, life was better when I was a lone ranger. Yung mga tao, they come and go and I don't care. Ngayong may mga taong mahalaga sayo and you expect things from them, saka ka nila nilelet down. How I wish maging bato uli yung puso ko and just won't care. Nung time na yun, mas sikat pa ko e. Kesa ngayon na shit lang ako ng lipunan. One of the commons.

I don't feel this day as special. Para lang siyang day na naka sick leave ako kasi tinamad ako pumasok sa work. Added lang e gagastos ako at magpapakain (appreciate it fam) at medyo may mga taong nagtetext at nagpm na sakin. Konti pero treasured.

Amidst all this, lahat ng pagdadrama ko, thankful ako sa naabot ko. Maswerte pa din ako. 24 years old pa lang ako. Maybe I'm rushing things. Maybe I should stop and just enjoy the view.

Saturday, January 23, 2016

How to go to Mckinley Hill

I am working in Mckinley Hill so trust me.

First day ko sa job ko, naghanap ako sa internet on how to get to Mckinley Hill. All they said is ride a jeepney. E di ginawa ko. Tapos ang layo ng nilakad ko. :( So I decided to make this blog post para matulungan ko yung other employees na pupunta ng Mckinley Hill.

Wait, ano ba meron sa Mckinley Hill? Andito yung Science Hub Tower 1, 2, 3, 4. Andito din yung Accenture building at iba pang mga building. Andito din yung under construction na Venice Piazza Mall.

So pano nga ba papuntang Mckinley Hill?

Option 1: Magallanes
 Kelangan mo muna makarating ng Magallanes. Paki-search sa net papunta dun. To be exact, sa San Lorenzo Place yung shuttle van. Under construction tong condo building na to. May terminal dun ng bus and shuttle. Katabi ng Wilcon Depot yung terminal. Papuntang San Lorenzo place from Makati, pwede ka sumakay ng jeep labeled as MANTRADE, KAYAMANAN-C. Pagdating mo doon, dalawa yung bumabyahe. It's either shuttle van or bus. Di ka mamimili kasi may schedule sila kung sino babyahe. 25 PhP ang pamasahe papuntang Mckinley. Umaga hanggang madaling araw (since Mckinley Hill is home to a lot of BPO Offices) ang byahe.

Pag sumakay ka na, Tulog ka muna. Unang stop ng shuttle van/bus is sa isang bus stop. Maganda na alam mo saan located yung office na pupuntahan mo. Next stop is sa overpass. Kung pupunta ka sa Venice Mall, dito ka na bumaba. Next stop ay sa may tapat ng Accenture. Next ay sa Science Hub 1 at next ay Science Hub 2 & 3 at next ay punta na siya sa may Emperador Stadium.


Option 2: Ayala (Parksquare)
Pakisearch sa google papuntang Parksquare. Pagkarating mo doon may shuttle din papuntang Mckinley Hill. Mas mabilis ng 2 minutes mapuno kesa sa Magallanes. Wala nga lang ata bus dito. Yung pamasahe at stops nung shuttle, parehas lang din kung from Magallanes.

Option 3: Jeep from Guadalupe/ Jeep from Market Market 
Eto yung usual na route na makikita mo from internet. Search mo nalang. Sasabihin naman ng Jeepney driver na "Mckinley" tapos bababa ka. I wouldn't advise this since malayo layong lakaran yan.


Okay. Nakarating ka na ng Mckinley Hill. Pero pano ka uuwi???

Maraming routes dun. May papuntang Taguig, may papuntang Magallanes meron pa nga ata papuntang Alabang at kung saan saan pa. Saan sila makikita? Sa may Emperador Stadium parking lot. Sa may Wells Fargo Building, andun yung bus papuntang Magallanes. Humihinto din yung bus papuntang Magallanes sa kanto ng Mckinley na bus stop. Yung papuntang C5, di ko na alam. Mehehe.

Ayun, sana nakatulong. Don't forget to leave a comment kung may errors or kahit ano pa mang reason. 



Saturday, December 26, 2015

Merry Fucking Christmas

Time of giving daw. E puta mga mall lang masaya ngayon e. Namimiss ko yung pasko nung bata ako.

Namimiss ko yung Santa Clause. Namimiss ko yung Christmas tree, buo na pamilya, Christmas songs sa radyo, Parol sa mga lamp post, Christmas lights kahit saan at mga nangangaroling na masayang kumakanta. Ngayon kasi parang ang pasko para na lang sa pera lahat. Wala na yung spirit.

Sa totoo lang, di naman totally tungkol sa pagtuligsa ng pasko ngayong taon yung post ko. Halo halo to at nagkataon lang na December 25 ako nagstart magpost at December 26 na ko natapos. Sisimulan ko siguro sa mga bumabati sa akin ng Merry Christmas. Nung elementary and High School kasi ako, di sa pagmamayabang, medyo kilala ako sa school namin. Makakapagattest ang mga kaklase at school mates ko nyan. Lalo nung high school. Kahit lower o higher batches samin, kilala ako. Because of that, NAPAKARAMI kong natatanggap na Christmas greetings. Tang ina sobrang saya. Bukod pa yun sa madaming regalo kong natatanggap. As in flood yung phone ko (naglalag pa nun phone ko) tapos daming message sa facebook or YM. Ang saya. Ngayon wala. Salamat sa iilan na nagmessage sakin sa fb at iilang nagreply sa texts ko. Kung di pa ko nagtext, di pa ko maaalala. Yung iba, ni hindi nga nagreply. Haizzzzz.

Eto pa isa kong issue. Super iba na talaga ng Christmas for me. As in ni wala kaming Christmas tree, walang noche buena at eto pa, di ako nag simbang gabi. Pinilit ko na nga lang magkaroon ng Christmas light sa labas ng bahay. Anyway, ako kasi yung tao na palaging masaya pag pasko. Dati pag usapang pasko, ako pinakaexcited. Putang ina pag pumasok ang December, super excited na ko. December 23 pa lang di na ko makatulog. Ganun ko kagusto tong season na to. Kaya nga di ko nagets na parang waley lang ngayong taon. Ewan kung dahil ba sa depression ko o dahil talagang ayaw iparamdam sakin ng paligid na Christmas season na. Pinangako ko sa sarili ko kahapon (Dec. 24) na kapag nagkabahay ako or sariling pamilya, kahit mahirap kami, icecelebrate pa din namin ang pasko. Magbubukas pa din ako regalo kahit mumurahin lang. Mafeel ko lang uli yung pasko. Kasabay sa pangakong to e yung babaeng pinagcommitan ko. In short girlfriend. Pero isang pagkakamali lang (namali ako na nabigay ng oras so di kami nagkita ng Dec 25), wala na. Malungkot na agad pasko nya. I mean wtf di mo man lang nafeel effort ko pasayahin pasko mo. Na kahit broke ako gusto kita bilhan ng regalo. Na kahit super traffic at claustrophobic ako, nakikipagsiksikan ako sa mall makipagkita lang sayo. Na kahit magsinungaling ako sa parents ko kasi ayaw ako paalisin matapos akong manakawan ng Iphone 6+ e wala pa din pala. Di pa din siya masaya. Yun yung pinakamasakit e. Kasi alam ko, sa sarili ko, na maging masaya lang siya, kahit papaano magiging masaya na din ako this Christmas, pero wala e. Ewan ko kung pang commitment ba talaga akong tao.

Masakit kasi di man lang ba akong magiging masaya na ako lang? I pray na sana bumalik yung dating ako. Yung di ko kelangan ng iba para maging masaya. Pero siguro kaya ako masaya dati kahit ganun kasi nafeel ko madaming taong may pakialam sa akin. Ngayon kasi parang wala na talaga.

Ayun. Alam ko namang walang magbabasa nito and shit pero malay natin pag namatay ako tapos sumikat yung pagkamatay ko, ma-trace tong blog na to.

Update lang sa job ko: May trabaho na ko! And good paying. Parang BPO pero wala na kong pake. Di naman call center. Pero offshore processing shit pa din. Same day na tinanggap ko offer e nadukutan ako ng Iphone 6+. Gayon na lang takot ko till now, di ako nagcocommute. Nagkokotse lang ako kasi putang ina. Di ko alam kung willing ako i-give up buhay ko para patayin lahat ng mandurukot na makikita ko pero sa ngayon yun gusto ko gawin.

Final word: Probably, this is the saddest Christmas na naranasan ko. Pero di ko naman kino-conclude na malungkot na ang pasko. Sa ngayon, tuloy pa din ang aking promise sa sarili na gagawin kong masaya ang Pasko, andun man "siya" o wala. Sana andun. Pero kung di nya ko maappreciate, what's the point.